"Ang akin ay akin. At walang sino man ang may karapatang pakialaman ang pagmamay-ari ko! At ang gusto kong sabihin sa iyo na walang sino mang lalaki ang may karapatang hawakan ka dahil akin ka, Samarah Sa akin ka lang!" galit na sigaw ni Hendrix sa dalaga bago niya ito siniil ng halik.
View MoreSAMARAH
"Gumising ka na diyan, Samarah! Akala mo yata prinsesa ka para gumising ng tanghali!" sigaw ng kanyang tiyahin na si Rosie. Dahan-dahang iminulat ni Samarah ang kanyang mga mata. Inaantok pa siya pero wala siyang magagawa. Siya kasi ang nakatoka sa pagtitinda ng pares mula ala syete ng gabi hanggang alas kuwatro ng madaling araw. Ala singko na siya nakatulog at alas nuebe na ng umaga ngayon. Ilang oras lang ang naging tulog niya. "Ano po ang almusal natin, tita?" tanong ni Samarah sa kanyang tiyahin. "Aba! Ewan ko sa iyo! May usapan na tayo, 'di ba? Lumalaki na ang gastusin ko kaya napag-usapan na nating ikaw na ang sasagot sa almusal mo at tanghalian. Kapag may sobra na ulam sa tanghalian, puwede mong kainin. Kapag wala, eh 'di wala. Hapunan lang ang sagot ko sa iyo. Huwag mong bawasan ang kung anumang pagkain sa ref. Para sa mga anak ko iyan. May sahod ka naman kahit papa'no sa pagtitinda mo ng pares, 'di ba?" mabilis na sabi ni Rosie. Hindi na lang nagsalita si Samarah. Wala naman siyang magagawa kun'di ang sundin si Rosie. Simula nang mamatay ang kanyang ina, ang tiyahin niyang si Rosie ang kumupkop sa kanya. At kahit masama ang ugali nito, ayos lang sa kanya. Dahil para kay Samarah, kung hindi siya kinupkop ng kanyang tiyahin, nasa lansangan siya nakatira ngayon. Dalawang taong gulang pa lamang siya nang mamatay ang kanyang ina. Hindi niya kilala kung sino ang kanyang ama dahil ang kwento ng kanyang tiyahin, iniwan daw ang kanyang ina ng ama niya matapos malamang buntis ito. Mayaman kasi ang pamilya ng ama niya at hindi tanggap ng pamilya nito ang kanyang ina. "Sige po, tita. Bibili na lang po ako ng almusal ko," magalang niyang sabi bago nagtungo sa banyo upang maghilamos. Bumili na lang siya ng kanin at ulam dahil magtanghalian na rin. Gagastos pa siya kung pati almusal, bibili pa siya. Tinitipid niya ang maliit na halagang sinasahod niya sa pagtitinda ng pares. Tanging gabi lang kasi siya puwedeng makakain ng libre. "Ate Samarah, may tira pa akong sopas. Sa iyo na lang ito," nakangiting wika ng pinsan niyang si Flora. Mabait sa kanya ang pinsan niyang si Flora. Matanda siya ng dalawang taon sa kanyang pinsan. Twenty three years old na siya, si Flora ay twenty one years old, at ang ate nitong si Fiona naman ay twenty two years old. Si Fiona ay mayroong hindi magandang ugali. Nagmana sa tiyahin niyang si Rosie. At ang ugali naman ni Fiona ay nagmana sa ama nitong yumao na. "Salamat, Flora. Pero hindi mo na ako kailangan pang tirahan ng almusal mo. Baka magalit lang ang mama mo sa akin. May pera naman ako kahit papaano," malambing ang tinig na wika ni Samarah. "Ate, hindi ko po iyan itinira sa iyo. Sadyang nabusog lang po talaga ako. At saka, hayaan mo iyan si mama. Parehas talaga sila ng ugali ni ate Fiona. Hindi ko alam kung bakit ganiyan sila. Ginagawa mo naman ang lahat ng puwede mong gawin para makatulong ka dito. Kulang na nga lang, gawin ka na bilang kasambahay eh. Basta, huwag mo ng lilinisin pa ang kuwarto namin ni ate. Nilinis ko na iyon at palagi kong lilinisin. Kuwarto na lang ni mama ang linisin mo ate," nakangiting wika ni Flora. "Sige, Flora. Maraming salamat sa iyo. Kainin ko muna itong sopas," sambit ni Samarah bago kumuha ng kanin. Nilagyan niya ng katamtamang dami ng kanin ang tinirang sopas ni Flora para sa kanya. Nang sa ganoon, mabubusog siya. Nang matapos siyang kumain, naglinis na siya sa buong bahay. Nagwalis, naglampaso at naghugas siya ng plato. Pagkatapos, saka lang siya nagpahinga sa kanyang kuwarto. Hinihintay niya ang oras na lumipas dahil mamaya, magtitinda na siya ng pares. "Mukhang mahina ang benta ng pares natin ngayon dahil may paresan na rin pala sa kanto. Nakakairita! Gaya-gaya ng paninda ang hayop na babaeng iyon! Samarah, galingan mo sa pagtitinda. Alukin mo ang mga dumadaan. Kung puwede mong akitin ang mga customer, gawin mo para walang matitirang pares," wika ng kanyang tiyahin. Pagsapit ng ala syete ng gabi, si Samarah na ang pumalit sa pagtitinda ng pares. Matumal nga dahil kakaunti ang taong bumibili sa kanila ngayon kaya inaalok niya ang bawat dumadaan. "Tsk. Ang ingay mo naman!" inis na sabi ng pinsan niyang si Fiona. "Pasensya na. Kailangan ko kasing alukin ang bawat dumadaan dahil may paresan na pala sa kanto. Kakaunti pa lang ang bumibili sa atin. Utos ng mama mo iyon," tugon ni Samarah sa kanyang pinsan. Inirapan siya nito. "Whatever pares girl! Ayusin mo kasi ang pagtitinda mo diyan nang makabenta ka! Iyan na nga lang ang ambag mo dito sa bahay. Buwisít," sabi ni Fiona bago nagmartsa palabas ng kanilang bahay. Nakasuot ng crop top ang kanyang pinsan na pinaresan ng maikling short. Naka-make up ng makapal ang kanyang pinsan at sa tingin niya, magpapapansin na naman ito sa mga binata sa kanto. Napailing na lamang siya. Sa totoo lang, maraming binata ang nagpapansin kay Samarah pero wala siyang pakialam sa mga ito. Focus lang siya sa pagtitinda ng pares. "Ang gandang tindera naman talaga niyan! Isang pares overload nga," nakangiting wika ng binatang si Lander. Si Lander ay may lihim na gusto kay Samarah. At ang binatang si Lander ay gusto naman ni Fiona. Pero walang nararamdamang kahit ano si Samarah para kay Lander. Kaibigan niya lang ito, kapitbahay. "Pasaway ka talaga. Sandali lang, ha," tumatawang sabi ni Samarah bago inihanda ang pares na order ni Lander. "Tsk. Bakit ba gandang-ganda ka sa babaeng iyan eh mas maganda naman ako sa kanya?" nakapamaywang na sabi ni Fiona habang nakataas ang kilay. Narinig iyon ni Samarah pero patay malisya lamang siya. Tumawa ng mahina si Lander. "Maganda ka rin naman. Lahat naman kayo maganda. Hindi mo dapat ikinukumpara ang sarili mo sa ibang babae, Fiona. At isa pa, bakit hindi ka na lang maghanap muna ng trabaho para may pagkaabalahan ka?" Ngumisi si Fiona. "Saka na dahil nandyan naman si mama." "Ganoon? Aasa ka lang sa mama mo? Kung tutuusin, dapat nga tinutulungan mo ang mama Rosie mo sa pagtitinda ng pares ninyo. O 'di kaya magtrabaho ka para may tulong ka na rin sa pamilya niyo. Sa gastusin ninyo sa bahay," suhestiyon ni Lander. Umirap si Fiona. "Hay naku! Saka na 'no! Hindi naman ako pinanganak para magpakahirap magtrabaho! At saka huwag mo nga akong igaya diyan kay Samarah! Hindi ko kasalanan kung wala na siyang nanay na bubuhay sa kanya. Basta ako, mahal ako ng mama ko. Tapos." Napakamot na lang sa kanyang ulo si Lander. Habang si Samarah naman, inabot na sa binata ang binili nitong pares at saka kinuha ang bayad. "Salamat, Samarah. Papasok na rin ako after ko itong kainin sa bahay. Dito na ako," wika ng binata bago tuluyang umalis. Call center agent si Lander at silang dalawa na lang magkapatid ang nakatira sa maliit nilang bahay. Magkasalubong ang kilay ni Fiona nang tumingin ito kay Samarah. "Papansin ka talaga 'no? Peste ka sa buhay ko! Alam mong gusto ko si Lander tapos nagpapapansin ka sa kanya? Tuwang-tuwa kang sinasabihan ka niyang maganda?" inis na sabi ni Fiona. Mabilis na umiling si Samarah. "Ha? Hindi ako nagpapapansin kay Lander. Never kong ginawa iyon. At isa pa, hindi ako tuwang-tuwa sa mga sinasabi niyang iyan sa akin. Huwag kang mag-isip ng kung ano, Fiona. Wala naman akong gusto kay Lander." "Sinungaling! Guwapo si Lander! Matangkad, malaki ang katawan! Imposibleng hindi ka magkagusto sa kanya! Mahuli lang kitang nilalandi si Lander, kakalbuhin talaga kita! Malandi ka!" sigaw ni Fiona bago lumakad palayo. Bumuntong hininga na lamang si Samarah at tinuon ang tingin sa pares na kanyang paninda. Ni minsan, hindi naman siya nagpapansin sa kahit sinong lalaki. Nasanay na lang talaga siya sa ugali ng kanyang pinsan.VALERIE "Tahan na, Clarisse. Huwag ka ng umiyak," wika ni Valerie habang hinihimas ang likod ni Clarisse. Pinahid nito ang kanyang luha. "Salamat, Valerie. Salamt dahil kahit na may mga nasabi ako sa iyong hindi maganda at may mabigat akong hiling, maayos mo pa rin akong pinakikitunguhan. Mabait ka pa rin sa akin." Ngumiwi si Valerie. "Eh matitigok ka na rin naman kaya pumayag na ako. Tinupad ko lang ang last wish mo." Namilog ang mata ni Clarisse bago natawa. "Loko ka ngang talaga. Natatawa ako kung paano ka magsalita pero ang sarap mong kausap, ha. Alam mo ba dati, ang dami kong kaibigan. As in madami. Pero lahat sila, plastik. Walang totoo kahit isa. Hindi ko alam na inggit pala sila sa akin dahil sa kung anong mayroon ako. Ang hindi nila alam, may problema rin ako." "Bakit? Eh 'di ba mayaman ka man? Marami kang pera. Bakit hindi ka masaya? Bakit ayaw mong sabihin sa pamilya mo?" Bumuga ng hangin si Clarisse. "Hindi lahat ng taong may pera o mayaman, masaya talaga ang
VALERIE ISANG LINGGO na ang lumipas simula nang pumayag siyang hiramin muna ni Clarisse si Samuel, wala namang nagbago sa pakikitungo sa kanya ng binata. Palagi nga itong sabik na makasama at makita siya. Kahit na saglit lang na oras silang magkasama, masaya na siya. Kampante kasi siyang hindi maaagaw sa kaniya ni Clarisse si Samuel lalo na kapag nagkukuwento ito sa kanya. Galit na galit ang mukha palagi ni Samuel. Parang gusto ng manakit. Kasalukuyan siyang abala sa pagse-serve ng wings sa Kuya C's Unli Wings. Hapon na ng mga oras na iyon at maraming tao. Nagdagdag pa nga ng isang empleyado si Chase para full force ang man power niya sa store na iyon. Gusto sana siyang kunin ni Samuel at doon na lang siya magtrabaho sa binata pero ayaw niya. Dahil na rin sa utang na loob niya kay Chase. At isa pa, mas maigi ng kay Chase na lang siya magtrabaho para malapit lang din sa kanilang bahay. "Parang bihira na lang yata kayo magkita ni Samuel? Hindi ko na siya nakikita sa CCTV na
CLARISSE HINDI MAALIS ANG NGITI sa labi ni Clarisse dahil makakasama niya mamayang gabi si Samuel. Magde-date silang dalawa. Ang pangarap niyang mangyari ay matutupad na. Kanina pa siya panay tingin sa oras. Naiinip na nga siya. Gusto na niyang sumapit ang gabi para magkasama na silang dalawa ni Sameul. "Ang lawak yata ng ngiti mo sa labi?" tanong ng pinsan niyang si Lalaine. Humagikhik siya. "Syempre naman, makakasama ko mamaya si Samuel. Excited na akong makasama siya mamayang gabi. May date kaming dalawa. Sino ba namang hindi magiging masaya kapag kasama mo na ang taong mahal mo, 'di ba?" Tumikhim ang kanyang pinsan. "At paano naman nangyari iyon? Eh 'di ba hindi ka naman gusto ni Samuel? Wala siyang nararamdaman na kahit ano para sa iyo? Paano mo siya napapayag na mag-date kayong dalawa? Ano na naman ang ginawa mo?" Bumuntong hininga si Clarisse. Alam kasi ng pinsan niya ang sitwasyon nilang dalawa ni Samuel. Sa pinsan niyang si Lalaine nakakapag-open up siya. Lalo na k
VALERIE "Bakit ka naman pumayag sa gusto niya? Hindi ba talaga ako mahalaga sa iyo? Wala ka ba talagang pakialam sa akin? Bakit parang ayos lang na ipamigay mo ako sa iba?" malungkot ang tinig na sabi ni Samuel. Bumuga ng hangin si Valerie. Hindi naman talaga iyon ang dahilan kung bakit siya pumayag sa gusto ni Clarisse. Gusto niya lang talaga na manahimik na ito at huwag na silang guluhin pa. "Hindi iyon ang dahilan kung bakit hinayaan kitang sa kanya ka muna ng isang buwan. Sinabi niya sa akin na hindi niya tayo guguluhin pa ulit kapag natapos na ang isang buwan na hinihingi niya. Kaya naisip kong pagbigyan na. Dahil hindi iyan titigil sa panggugulo sa atin. At kung hindi siya tutupad sa gusto niya, may kalalagyan siya." Mariing pumikit si Samuel bago siya nito nilapitan. Kasalukuyan silang nasa bahay ng binata. Sumama siya doon dahil na-miss din niya ang bahay nito. Makalat nya pagdating niya dahil wala ng naging bagong kasambahay si Samuel noong umalis siya. Nagpapatawag l
CLARISSE "Kapag hindi ka pumunta dito sa bahay ngayon, magpapakamatay na talaga ako," sabi ni Clarisse sa kausap niya sa cellphone na si Samuel. Pinatay niya ang tawag bago naupo sa kama doon. Nakahanda na ang blade na binili niya para laslasïn ang kanyang pulsuhan. Nahihibang na talaga siya. Gustong-gusto niya talagang mapunta sa kanya si Samuel kaya handa siyang gawin ang lahat para makuha lang ito. Kinuha niya ang kanyang cellphone at saka tiningnan ang picture nilang dalawa. May picture silang dalawa doon na nakahubo't hubàd. Napangiti siya. Gagamitin niya iyon upang mapasunod si Samuel. "Tangina talaga," mahina niyang usal. Kalahating oras na ang lumilipas, wala pa ring paramdam si Samuel. Binalot na siya ng matinding galit at inis. Kaya naman kinuha niya ang blade at saka nilaslas ang kanyang pulsuhan. Kinuhaan niya ito ng picture at sabay send kay Samuel. Bumuntong hininga siya. Wala siyang sakit na nararamdaman ngayon dahil manhid na ang katawan niya. Umaagos ang
VALERIE MABILIS NA LUMIPAS ang dalawang linggo, araw-araw nahuhulog si Valerie sa pagiging sweet ni Samuel. Kitang-kita niya ang pagbabago ng binata. Bumabawi talaga ito sa kanya. Bumabawi rin si Samuel sa kaibigan nitong si Shaun. "Oh? Bakit nandito ka?" tanong ni Valerie nang makita si Shaun. "Pinapasundo ka sa akin ni master Samuel," pagbibiro ni Shaun. Tumawa naman si Valerie. "Master talaga? Pasaway ka rin. Hindi pa ako nakakaligo. Mabaho pa ko." Ngumisi naman si Shaun. "Walang mabaho kay Samuel basta mahal niya. Kakainin niya iyan." Nanlaki ang mga mata ni Valerie at saka hinampas si Shaun. "Hoy! Anong kakainin ka diyan? Parang iba naman yata ang sinasabi mo, ha?" Malakas na tumawa si Shaun. "Biro lang! Na-gets mo pala. Sige na, kung gusto mo munang maligo, maghihintay na lang muna ako dito sa sasakyan. Maligo ka na." "Okay sige. Salamat, Shaun!" magiliw niyang sabi sa binata. Mabilis na kumilos si Valerie para maglinis ng kanyang katawan. Day off naman niya
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments