VALERIE ISANG LINGGO na ang lumipas simula nang umalis si Valerie sa pamamahay ni Samuel, walang kahit anong message o paramdam sa kanya si Samuel. Umasa kasi si Valerie na baka pagod lang sa trabaho si Samuel kaya ganoon ang sinabi nito sa kanya. Ngunit wala talaga siyang natanggap mula kay Samuel na message. Nakikita niya rin ang mga post ni Samuel online na madalas siyang nasa club. May mga babae sa tabi niya palagi at alak. Kapag nakikita iyon ni Valerie, naninikip ang dibdib niya. Kaya madalas, hindi na lang niya binubuksan ang kanyang account. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Chase sa kanya. Bumisita si Chase sa unling wings na pagmamay-ari nito kung saan siya ay isang waitress. Nakakatuwa nga dahil unti-unting lumalakas ang business na iyon ni Chase. Masarap kasi ang mga sauces ng mga manok doon. Dagdag pa roon, hindi siya masyadong mahal. "Oo ayos lang ako kahit na hindi," sagot niya sabay tawa. Naupo sa kanyang tabi si Chase. "Iniisip mo na naman ang lalaking iyon."Bumug
VALERIE PINILIT NI VALERIE NA kinalma bago pa dumating si Chase. Kaya nang sunduin siya nito, kalmado na siya at hindi na masyadong halatang umiyak siya. "Bakit? Ano ang nangyari?" tanong sa kanya ni Chase. Inayos ni Chase ang mga gamit niya sa backseat. Humugot ng malalim na paghinga si Valerie. "Ewan ko ba. Basta, parang nag-iba ang ugali ni Samuel kaya naisip kong umalis na lang. Matagal din naman niya akong naging kasambahay. Bayad na ang utang ko sa kanya at may naipon naman ako kahit papaano. Hahanap na lang ako ng ibang trabaho," wika ni Valerie. Pinaandar na ni Chase ang kanyang sasakyan. "Kung gusto mo, mag-waitress ka na lang sa bago kong tayong unli wings. Kulang pa sa tao doon." Namilog ang mata ni Valerie. "Talaga? May unli wings ka na? Congrats, Chase! Masaya ako sa pagiging successful mo sa buhay!" Nginitian siya ni Chase. "Salamat, Valerie. Pero alam mo iyon, kahit na successful na ako ngayon, ayokong magmalaki. What I mean is mananatili ang paa ko sa lup
SAMUEL "Okay na. Naka-post na iyong pictures natin. Sigurado akong nakita na iyon ni Valerie. Sira ka rin talaga. Kung sinabi mo na sanang gusto mo siya, hindi na magkakaganito pa. Matagal mo na siyang gusto, 'di ba? Hindi ka pa nakaka-graduate no'n, gusto mo na siya. Hanggang ngayon na isa ka ng CEO. Bakit hindi mo pa rin magawang sabihin sa kanya?" saad ni Shaun. Bumuntong hininga si Samuel. "Hindi ko rin alam. Hindi naman sa wala akong lakas ng loob pero may kaibigan kasi siyang lalaki. At alam kong may gusto sa kanya ang lalaking iyon. Isa pa, parehas siyang nakikinabang sa amin. Pinasundan ko si Chase at nalaman kong may nakuha pa lang mana mula sa biological father niya. Mayaman na siya. Pero mas mayaman ako sa kanya. Naisip ko lang kasi na baka... baka lang naman may ugali pa si Valerie na hindi ko pa nakikita." Kumunot ang noo ni Shaun. "At ano naman ang ugaling iyon?" Lumunok ng laway si Samuel. "Baka manggagamit siya ng tao. Baka masyado siyang natuwa sa mga binibig
VALERIE NAGLAKAD PALAPIT si Chase sa kanya habang siya, nanatilimg nakanganga at hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Ang laki ng pinagbago ng itsura ni Chase ngayon. Kapansin-pansin din ang ganda ng sasakyan niya. "Wow naman! Ang guwapo mo naman sobra! At bakit may magara kang sasakyan? Anong mayroon? Yumaman ka na?" mabilis na sabi ni Valerie. Mahinang tumawa si Chase bago tumango. "Maupo muna tayo sa loob bago ko ikuwento sa iyo ang mga naganap sa buhay ko." Pumasok sila sa loob ng restaurant na iyon at um-order muna ng pagkain si Chase bago nagsimulang magkuwento. "Nagulat din ako sa mga nangyari. Instant eh. Hindi ko akalain na may makukuha pala akong mana mula sa tatay ko. Akala ko, wala talaga siyang pakialam sa akin. Ang sabi sa akin ng attorney, talagang nakatabi na raw ang perang iyon para sa akin. At hindi raw iyon alam ng legal na asawa ng tatay ko. Kaya bago siya mamatay, naka-settled na lahat. Si mama ko ngayon ay malakas na. At may sarili na nga siyang tindahan
VALERIE LUMIPAS PA ang kalahating taon, tuluyan na ngang naging CEO si Samuel sa kumpanya ng kanilang pamilya kaya madalas ng busy ang binata. Habang siya naman, patuloy pa rin sa kanyang trabaho bilang kasambahay nito. Kahit papa'no, nakakabangon ng muli ang kanyang tita Anne. Patuloy pa rin ang pagsuporta niya sa kanyang mga kapatid para sa pag-aaral ng mga ito. Malakas na rin ang papa niya kung kaya naman, ganado na siyang nagtatrabaho bilang kasambahay ni Samuel. "Hi, Valerie! I have something for you!" magiliw na sabi ni Samuel nang makauwi siya. Hindi napigilang kiligin ni Valerie sa binigay sa kanya ni Samuel. Hindi lang siya kinilig dahil sa pagsalubong sa kanya ng binata. Kinilig siya dahil palaging ganoon sa kanya si Samuel. "Thank you, Samuel. The best ka talaga!" masayang sabi niya. "Syempre naman. The best ka rin kasi. Ang laking tulong mo sa akin. Uuwi na lang ako ng malinis na ang bahay at may masarap pang ulam palagi. Kaya deserve mo iyan," nakangiting sab
SAMUELHINDI NAKATULOG NG MAAYOS si Samuel matapos siyang halikan ni Valerie sa labi. Kung tutuusin, napakabilis at saglit lang na nagdikit ang labi nila pero ang laki ng epekto sa kanya. Pasipa-sipa pa siya sa kama at saka nagpaikot-ikot pa na akala mo, teenager na kinikilig."Bakit niya kaya ako hinalikan? Gusto niya ba ako? May nararamdaman kaya siya sa akin? Tangina! Kinikilig betlog ko sa kanya!" bulalas ni Samuel bago muling sumipa-sipa.At dahil hindi siya nakatulog ng maayos, puyat siyang pumasok sa klase. Nakatulog nga siya saglit. At habang lumilipas ang oras, lalo siyang nasasabik na makita ang dalaga. Gusto niyang tanungin si Valerie kung bakit siya hinalikan nito."Ang tagal kainis!" sambit niya matapos niyang tingnan ang oras.Sa wakas, tapos na ang klase niya. Nagmamadali siyang umuwi. Sa sobrang pananabik niya, naglinis siya ng kanyang bahay. Pinag-aralan niya kung paano magwalis ng maayos. At pagkadating ni Valerie sa kanyang bahay, kulang na lang maubusan siya ng ha