Iyan kalandian pa more, Amelia! Deserve!
SAMUEL "PUWEDE BANG magpapawis tayo mamaya? Mag-basketball tayong dalawa mamaya. Yayain mo si Valerie," sambit ni Samuel sa kaibigang si Shaun. Tinawanan siya nito. "Sus! Gusto mo lang magpasikat sa kanya." Ngumisi siya. "Ano pa nga ba? Tulungan mo na akong magpasikat sa kanya. Alam kong magseselos ka pero ako muna sa ngayon. Kapag ayaw niya talaga sa akin, ako naman ang tutulong sa iyo kung sakaling kayo talaga." Malakas na tumawa si Shaun. "Ang drama naman ng buhay mo. Huwag kang mag-alala, nagmo-move on na ako. Syempre, mas matimbang ka sa akin kaysa kay Valerie. Mas matagal kitang nakasama kaysa sa kanya. Ayokong magkaroon pa tayo ng hindi pagkakaunawaan dahil lang sa iisang babae." Natigilan si Samuel habang nakatingin sa kaibigan niyang si Shaun. Ngayon, napagtanto na niya na wala siyang ibang tunay na kaibigan kun'di si Shaun. Pilyo lamang ang kanyang kaibigan ngunit mahal siya nito. At ramdam niya iyon. "Ano? Natulala ka na sa kaguwapuhan ko? Nabakla ka na ba?" saad ni
VALERIE KATATAPOS LANG mag-out ni Valerie nang humarang sa kanyang daraanan si Samuel. Napairap na lamang siya sa hangin. Humalukipkip siya at hinintay si Samuel na lumabas sa sasakyan nito. "Hi, Valerie!" masayang sabi ng binata sa kanya. Tinaasan niya ng kilay si Samuel. "Oh ano na naman iyon? Ano na naman ba ang kailangan mo." Ngumisi si Samuel. "Kailangan kita." Napanganga si Valerie dahil hindi niya inasahan ang sinabi ni Samuel. Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi upang pigilang mapangiti. "A-Ano? Si-Sira ka ba? La-Lakas ng tamo!" utal-utal niyakh sabi. Natawa ng mahina si Samuel bago siya nilapitan. "Huwag mo ng pigilang ngumiti. Alam kong kinikilig ka ng sobra." Nanlaki ang mata ni Valerie bago tumawa ng malakas. "Wow! Wow na wow naman! Ang lakas ng tama mo! Hindi ako kinikilig sa sinasabi mo. Natatawa na lang ako kasi ang baduy. Mukha ka lang tanga. Doon ka nga! Layuan mo nga akong h*******k ka! Doon ka sa kaibigan mong adik!" Malakas na tumawa si Samuel. "
VALERIE HALOS MAWINDANG SI VALERIE sa ginawang pagyakap sa kanya ni Samuel. Hindi niya alam kung bakit hindi siya kaagad nakagalaw. Napagtanto na lamang niyang binitawan na pala siya ni Samuel. "Magkita tayo bukas, Valerie. Please," pakiusap sa kanya ni Samuel. Nilingon niya ang binata. Nginitian siya nito bago tuluyang lumakad palayo. Naghuhumirintado ang puso ni Valerie sa mga oras na iyon. Simpleng yakap pa lang ni Samuel, para na siyang mawawala sa ulirat. 'Hindi! Hindi! Bakit masyado yatang malakas ang epekto sa akin ng lalaking ito?' tanong niya sa kanyang isipan. Mabilis siyang lumakad patungo sa bibilhan niya ng pagkain. At habang naglalakad siya, iniisip pa rin niya ang mainit na yakap ni Samuel. Ang mainit na katawan nito ay damang-dama pa rin niya. Pakiramdam niya nga, yakap pa rin siya ng binata. Tulala siya habang kumakain. Sinusuway niya ang kanyang sarili na huwag matulala ngunit hindi niya magawa. Talagang ginugulo ni Samuel ang isipan niya. 'Kainis ang lalaking
VALERIE NILAPITAN NIYA SI SHAUN dahil napansin niya na parang iniiwasan siya ng binata. Sinundot niya ito sa tagiliran dahilan para mapasigaw sa gulat ang binata. Naghuhugas kasi ng plato si Shaun ng mga sandaling iyon. "Ano ba, Valerie? Lakas talaga ng tama mo 'no? Masisipa na kita diyan!" bulyaw sa kanya ni Shaun. Humalukipkip siya. "Bakit parang iniiwasan mo yata ko, ha? Ano nagtatampo ka pa rin sa akin dahil hinampas kita kanina?" saad niya habang nakatitig kay Shaun. Hinampas niya kasi kanina si Shaun dahil kinain nito ang ulam niyang isda pero hindi naman alam ni Shaun na sa kanya pala iyon. Bumuga ng hangin si Shaun at saka napailing na lamang. "Doon ka na nga lang doon o 'di kaya matulog ka na dahil gabi na. Bukas, maaga pa tayong magigising para umuwi," sabi ni Shaun habang pinagpatuloy ang paghuhugas ng plato. "Sus! Masama lang ang loob mo sa akin dahil sa malakas ang hampas na ginawa ko sa iyo kanina! Okay, sorry na. Hindi na iyon mauulit," sambit niya sabay ngis
SAMUEL ISANG BUWAN PA ang lumipas. Tila hindi na ganoon nasisiyahan si Samuel sa kanyang buhay. Panay ang inom niya, babae at minsan gumagamit siya ng marijuana. Kapag binibigyan niya siya ni Damon, madalas siyang tumanggi. Bihira lang siya kung gumamit. Pinagagamit pa nga siya ni Damon ng pinagbabawal na gamot pero ayaw niya talaga. Iyon ang bagay na ayaw n'yang matikman. Kahit ano pa ang mangyari. "Ano, Samuel? Ayaw mo talagang magtino, ha? Talagang tinatarantadó mo ako?!" galit na sabi ng kararating niyang daddy Hendrix. Isang malakas na suntok ang natamo niya sa kanyang ama. Bumagsak siya sa sahig. Pakiramdam niya, na-dislocate ang kanyang panga sa lakas ng pagkakasuntok ng kanyang ama. "Alam mo bang hindi ko pa rin pinaaalam sa mommy mo ang kagaguhan mo? Dahil sigurado akong malalagot ka sa kanya! Binibigyan kita ng chance ng ayusin ang buhay mo pero patuloy mo pa rin itong sinisira! Bakit nakikinig ka sa hayop na Damon na iyon? Alam mo bang siya ang nagpadala sa akin ng
VALERIE ISANG LINGGO PA lumipas, pilit inaalis ni Valerie sa kanyang isipan si Samuel lalo pa't gusto na niyang makapag-move on sa binata. Nabalitaan niya kasing may mga kalandian na naman si Samuel. Mga kilalang model pa at influencers. Inis na inis siya at hindi maiwasang magselos. Ngunit wala naman siyang magagawa kun'di ang manahimik lang sa tabi. "Hi, Valerie! Out mo na ba? Tara, kain tayo!" magiliw na sabi ni Shaun. Tatlong araw na rin ang magkakasunod na nagpupunta si Shaun sa kanyang pinapasukang trabaho para ilibre siyang kumain sa labas. O 'di naman kaya maglibang-libang sa gabi. "Ikaw, ha... napapadalas yata ang pagpunta mo sa akin dito at pagyayayang kumain sa labas. Anong mayroon? Balak mo yata akong isama sa mga babae mo," nakataas ang kilay niyang sabi. Tinawanan siya ni Shaun. "Bilisan mo na diyan mag-out. Mamaya ko sasabihin sa iyo," sabi ng binata sabay kindat. Napailing na lang si Valerie. Guwapo rin si Shaun ngunit iyong guwapo na halatang fück boy. Ng