Share

Chapter 7

Jason and I were just talking inside the glass cubicle in the first few minutes when the bidding resumed. The boss is not on sight and her assistant took in charge. As expected, Mr. Samontino bid for me but as what we have planned, I chose Jason. The old man was furious and demanded for the boss' presence but was instead escorted outside the establishment. I felt like a heavy object was lifted from my heart when I saw them dragging the old man away. Serves him right. I wouldn't want to be touched by him. Ever. 

My eyes went back to Jason who was talking about how his brother got insecured when he told him about our truce. I shook my head tentatively. Males are indeed really simple beings.

"Where would you wanna go after here? Do you want to be in my condo, yacht or you want to be kinky and do it in my new car? What do you think, Fem?" His eyes laced with lust and desire. 

I rolled my eyes at the obvious excitement in his voice. "Wherever you prefer, Jason. You're the client so you have the last words. Anyways, it's just a one night."

"Well baby, I don't think you would ever want to cut your ties with me after this night," he grinned and stared at my exposed cleavage. 

"Puro ka satsat. Show me instead then let me be the judge." Tumayo na ako. This is it. I'm going to give my body to this man. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nagsisisi. I know I am and I will regret this but I have no choice. I need the money and Jason is willing to give me what I wanted. Hindi ko man siya gusto pero ang kaisipang ako ang pumili sa kaniya ay nagbibigay ng kaunting kapanatagan sa akin. At least man lang, ako ang in-charge sa piliang naganap. 

But Maverick was also very willing to pay you, sabi ng isang bahagi ng isip ko. 

Ipinilig ko ang ulo nang lumitaw ang imahe ng simpatikong lalaki. Stop thinking about him. That man is dangerous for you.

Tumayo na rin si Jason at lumapit sa akin. "Sure, but first let me kiss you."

I slowly nodded. Payag na nga akong makipag-sex sa kaniya, kiss pa ba ang ipagkakait ko? Sinalubong ko ang nagnanasang mata nito at inihanda ang sarili. Pero bago pa nito mailapit ang mukha sa akin ay lumagabog na pabukas ang pinto at pumasok ang humahangos na si Chino. 

"Femella! Nire-raid tayo ng mga pulis! Halika na! Labas na! Baka mahuli pa tayo!" naghihisteryang sigaw nito. 

"What?!" bulalas ko. "Bakit? Di ba may kapit si boss sa taas?" Naguguluhan kong tanong. La Vida club is a known underground club among the elite. No way in hell would it be exposed like this. Nakasalalay ang pangalan ng lahat ng mga makapangyarihang nagpupunta rito. 

"Hindi ko alam! Wala na tayong panahon pa para malaman iyan! Halika na!" Hinila niya na ako palabas. 

"Wait! Saan mo siya dadalhin? I already paid for her so she's coming with me." Hinila ako sa braso ni Jason palayo kay Chino. 

"I know. I know pero mamaya na iyan. Kailangan na muna nating makaalis dito. May nahuli na sa baba!" 

Bumitaw ako kay Jason at hinawakan sa kamay si Chino. Ako na ang humila dito palabas. Tumakbo kaming tatlo papunta sa fire exit ng floor. 

"Paano ang ibang babae? Ligtas ba sila?" tanong ko sa pagitan ng paghingal. 

"Ang iba oo pero may mga nahuli na ring babae. Saan ba kasi si boss? Kailangan na kailangan siya rito!"

Nakalampas na kami sa mga glass cubicles. Thankfully, wala na ang mga babae sa loob. Lumabas kami ng fire exit at naghagdan pataas. Nasa rooftop daw kasi nakapark ang kotse ni Jason. We just went with him. Mas madali kaming mahuhuli kung bababa pa kami. 

Tagaktak na ang pawis ko nang marating namin ang rooftop. Agad na pinuntahan ni Jason ang sasakyan nito. 

I was on the edge waiting for what will happen next. Grabe ang pagkabog ng d****b ko sa kaba. Baka may mga operatiba din dito sa taas. Baka mahuli kami. Hindi pwede.

A loud whirring sound of a coming helicopter filled the air. Itinaas ko ang kamay para takpan ang mukha na nasisilaw sa liwanag na nagmumula sa sasakyan. Napalingon ako kay Chino na hinawakan ako gamit ang malalamig at nanginginig na kamay. 

"Bakla, makukulong tayo."

"No!" I shouted. Tinanaw ko si Jason na tumatakbo na papunta sa kotse bago ibinalik ang tingin sa papalapag na chopper. Inililipad na ng hangin na gawa mula sa elisi nito ang mga buhok namin. 

Hinila ko si Chino sa kamay at pinuntirya ang pintuan ng fire exit pero bigla rin kaming napaatras ng may kumalabog sa pinto kasunod ang malalakas na boses.

"Bakla..." humagulhol na si Chino sa tabi ko. 

Hinila ko uli siya at patakbong pumunta sa direksiyon ni Jason. But a pair of strong arms caught me and imprisoned me in his metal-like embrace. Nagpumiglas ako at nanlaban pero malabakal ang pagkakayapos sa kin ng estranghero. 

"Fem, it's okay. It's us," the Boss' voice stopped me from wriggling. 

Marahas na nilingon ko ang kung sinong Poncio Pilatong yakap ako. Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko sa nakita. The image on my mind materialized. I came face to face with the man I detest. 

"Let go." Pilit kong kinalas ang mga braso niya sa bewang ko pero hindi niya ako binitawan. 

The man just smirked but didn't utter any word. Humarap ito kay Vina. 

"Come on."

"No. Dalhin mo na si Fem, Maverick. I'll stay here with Chino. Aayusin ko ang gulong ito. Go ahead before the police destroys that door. And thank you Mr. Fuentebella for the favor. Tatanawin ko itong isang malaking utang na loob." Sumulyap sa akin si Vida. Nanlambot ako sa nababasa ko sa mga mata niya. Gusto kong humulagpos mula sa lalaking ito pero alam kong huli na ang lahat. He owned me now. 

"Femella Alcantara, you are auctioned to the highest bidder tonight, Mr. Maverick Fuentebella." Habang sinasabi ito ni Vina ay nakatingin ito sa akin. Hindi man niya sabihin pero alam kong humihingi siya ng tawad sa akin. Hindi ako nakapagsalita. Game over. 

"Very well then. We should get going." Mahigpit na hinawakan ako ni Maverick sa bewang at inalalayang maglakad. Wala sa loob na nagpatianod na lang ako dito. Pinauna niya akong sumakay sa helicopter bago sumunod. Isinuot muna niya sa akin ang seatbelt at headset bago isinuot rin ang sa kaniya. When the chopper took off, I just helplessly watched Vina, Chino and Jason as they look at our vehicle flying away. 

I looked at Maverick who is busy on his phone. He looks so serious with that furrowed brows and tight lips. And the way his fingers move on the surface of his phone is so elegant. And his hair. His tussled hair looks so smooth as it dances with the air. My eyes went to his bulky muscled arms that even a pair of formal coat didn't conceal it enough. 

I almost jump up on my seat when he caught my gaze and stared at me. I involuntary shivered with the way his eyes roam all over my body especially on my chest area. I looked away and hugged myself. I'm cold.

"You're cold." 

I ignored him and continued to look outside. Being up in the air seeing all these view is an experience but I can't seem to appreciate it. Not when I just fell into this man's arms. 

Naramdaman ko ang paglapat ng isang mainit na bagay sa mga braso ko. Nang lingunin ko ang lalaki ay ibinabalabal pala nito sa akin ang kanina ay suot na coat. Nakasuot na lang ito ng polo.

"Don't look at me like that. I might ravage you here."

Dagli kong binawi ang tingin sa lalaki at umusod palayo. 

"Where are you taking me?" I asked after an uncomfortable silence.

"To my lair."

"And where is that?"

He chuckled. "Impatient, are we? You'll know when we get there, Fem."

"Don't call me that." I sneered. "Hindi tayo close."

"Oh, come on. Mas mataas pa sa level ng closeness ang gagawin natin. Tama ka naman. We're not close. We're intimate," nang-aasar na usal nito.

Inirapan ko ang lalaki bago inaliw na lang ang sarili sa tanawin sa labas. Pagkalipas ng halos isang oras na biyahe ay natanaw ko ang isang isla. Maya-maya pa ay nag-landing na ang chopper sa isang helipad sa gitna nito. 

Unang bumaba si Maverick bitbit ang maliit na traveling bag at inalalayan ako pababa. Napaigtad pa ako ng hindi sinasadyang masagi nito ang ibaba ng d****b ko. It was just a very brief touch but it's enough to make me feel a tingling sensation.

Hinagilap ni Maverick ang kamay ko saka mahigpit na hinawakan. Nagsimula na kaming maglakad. Narinig ko pa ang tunog ng pag-alis ng helicopter.

"Saan tayo Fuentebella?"

"Mav. You should call me Mav. I'll call you Fem and you'll call me Mav. Para kasing ang asim ng pagkakabigkas mo sa apelyido ko."

Tinahak namin ang daan patungo sa isang maliit na village sa isla. Pinagmasdan ko ang natatanaw na mga bahay sa unahan. Gawa sa pawid at kahoy ang mga bahay. May mga iilan na rin naman na yari sa semento pero karamihan ay kahoy, pawid at kawayan ang mga pangunahing materyales na ginamit. 

"It's just a one night stand. No need to get familiar. Remember, binayaran mo ang katawan ko. After you claim it then it's the end. I will disappear from your sight and so you are to me."

Napatigil sa paglalakad si Maverick. Hinarap niya ako, nakangisi ang gago. 

"Who said it's just one night? One night is not enough for me, Femella. I paid for not just a night but as long as I want you. Iyon ang kasunduan namin ng boss mo." 

Natigilan ako sa narinig. Gusto kong magmura, sumigaw at saktan ang mukha nito. Tuso talaga ang lalaking ito. He's a businessman for a reason. Gusto kong tumutol pero may magbabago ba? Makakaalis ba ako rito? Kaya ko bang languyin ang dagat pabalik sa siyudad? Ni hindi ko nga alam kung saang parte ito ng Pilipinas. And also, I needed the money. Kung nauna na akong bayaran ni Maverick then malamang sa malamang ay babawiin ni Jason ang tseke. 

Huminga ako ng malalim. "Okay. As long as you lust for me then I have no choice but to stay here with you. As if naman may magagawa pa ako."

Matagal muna akong tinitigan ni Maverick bago ito nagkibit-balikat. 

"Tara na. Makitulog muna tayo kina Nanay Paz. Wala sa akin ang susi ng beach house ko rito. Nasa caretaker ko pero hindi siya makakapunta dito ngayon dahil nanganak ang kaniyang misis. Kaya mo bang matulog sa papag?" 

Tumango ako. "Oo naman."

"Good. Come on."

Hawak pa rin ang kamay ko na binagtas namin ang tahimik na na nayon. Humantong kami sa isang bahay na kalahating bato at kahoy. 

"Tao po! Nay Paz! Tao po! Nay Paz!" sunud-sunod na sigaw ni Maverick.

May bumukas na ilaw sa loob ng bahay kasunod ang pagbukas ng pinto. Sumungaw ang mukha ng babaeng may-edad na. Mga nasa sinkwenta anyos na ang matanda. 

"Sino iyan?"

"Nay Paz! Si Mabmab ito."

"Mabmab? Maverick Fuentebella? Ang alaga ko? Mabmab, ikaw ba iyan? Naku! Oo nga! Halikayo. Pasok. Pasok Mab." 

Si Maverick na ang nagbukas sa gate na kawayan at pinauna ako papasok. Kinuha uli nito ang kamay ko at sabay na pumasok kami sa loob ng bahay. Nagmano ito sa matanda na ginaya ko rin. 

"Hala, maupo muna kayo diyan. Naghapunan na ba kayo? Kuu, bat hindi man lang kayo nagpasabi. Na hala, diyan muna kayo at iinitin ko ang tinolang manok. Nagkatay kasi kami ng Tatay Miguel mo kanina."

"Walang problema, Nay."

Nawala na sa paningin namin ang matanda na lumabas sa pinto papuntang likod-bahay. Naiwan kaming dalawa ng lalaki na nagpapakiramdaman. 

"Are we going to do it tonight?" basag ko sa katahimikan. 

Napalatak ang lalaki. "Sex is the last thing on my mind right now, Femella. Gutom at pagod ako. Save your excitement for the next days. I'm sure you need that lots of energy." Kinindatan niya ako. 

Namula ang mukha ko. "Pwede ba. I'm not excited. I just want this to be done and over. And I'm warning you, I don't have any idea how to pleasure a man. Don't expect me to go circus-like."

Tumawa ang lalaki. "Do you hear yourself? Siyempre ako ang magtatrabaho and mind you, I'm a very hardworking man."

"Mab, halina kayo at kumain na. Nakahain na ako!" tawag ni Nanay Paz. 

"Come on." Hinila niya uli ako sa kamay.

"Bat ba hila ka ng hila. Alam ko naman ang patungo sa kusina," asik ko rito pero tumayo na rin. 

"Mabuti na ang sigurado. Baka kumaripas ka pa ng takbo."

"As if naman magagawa ko. Pumayag na nga ako di ba?"

"Good. Now let's eat." Ipinaghila niya ako ng upuan at tumabi sa akin ng upo. 

"Kuu, kaygandang bata naman nitong kasama mo Mabmab. Nobya mo ba ito?" tanong ni Nay Paz habang sinasalinan ng tubig ang aming mga baso. 

"Oo nay. Si Fem, girlfriend ko."

Muntik na akong mabilaukan sa naging sagot ni Maverick. Tututol na sana ako pero pinisil nito ang kamay ko sa ilalim ng mesa at binigyan ako ng makahulugang ngiti.

"Mahiyain lang po talaga itong si Fem, Nay. Hindi palasalita kasi medyo ilag sa mga tao," dagdag pa nito. 

Ako, mahiyain? Kapal! Baka siya pa ang ipahiya ko. 

Tiningnan ko ng matalim si Maverick bago inilipat ang tingin sa matanda na ngayon ay ngiting-ngiti kaming pinagmamasdan. 

"Tama po si Mav, nay. Medyo nahihiya po kasi ako lalo na pag kasama ko itong boyfriend ko kasi tutol po ang maraming tao sa aming pagmamahalan. Mahirap lang po kasi ako." Kunwa ay nagbaba ako ng tingin sa sahig. "Nagtatampo nga po ako rito kasi parang hindi niya ako magawang ipagtanggol." Pinalungkot ko ang boses para mas effective.

"Mabmab! Ganiyan na pala ang turing mo sa mga babae ngayon? Aba, nawala lang ako sa mansiyon, hindi mo na tinatrato ng tama ang isang babae? Hindi ka naman ganiyan dati sa mga nobya mo sa kolehiyo, a."

Saglit na natigilan si Maverick bago tumawa nang mahina. 

"Nay naman. Alam niyo namang hindi ako ganiyan. Baka namimis-interpret lang ako ni Fem. Alagang-alaga yan sa akin, e. Ako pa ba. Turo mo sa akin, di ba?"

"Na hala, matatanda na kayo. Alam niyo na ang ginagawa niyo basta ba wag kang magkakamaling saktan ang isang babae Mabmab. Iba ang balik ng karma kapag kami ay inyong nilapastangan. Sige na, kumain na kayo. Ihahanda ko lang ang tulugan ninyo. May dala ka bang damit, Fem anak?"

Umiling ako. "Wala po, nay."

"Sige, sige. May mga hindi pa nagagamit ang apo kong babae diyan na panloob. Pahihiramin na rin kita ng damit. Sige na, kumain na kayo."

Lumabas na ng kusina ang matanda. Nagpatuloy naman kami sa tahimik na pagkain. Panaka-naka ay nahuhuli ko si Maverick na sinusulyapan ako pero binabalewala ko lang ito. 

"You were quite a good actress."

"Ikaw din. Pang-famas award."

Kinamay ko ang laman ng manok, isinawsaw sa toyo na may sili saka idineretso sa bibig. 

"I wonder why you didn't pursue it. Magaling kang umarte, bakit ka napadpad sa club imbes na mag-artista."

Nabitin ang pagnguya ko. Inabot ko ang tubig at uminom. 

"Eh di hindi mo ako nakita. Kung nag-artista ako, hindi mo ako maikakama."

"Nice point there."

"Mga anak, handa na ang tutulugan niyo. Andon na rin ang mga kailangan niyo sa loob. Mab, pakituro na lang kay Fem ang banyo sa labas. Akoy magpapahinga na dahil maaga pa ako bukas sa bukirin. Magpahinga na kayo pagkatapos diyan."

"Opo, nay. Goodnight po." Halos magkapanabay naming sagot ni Maverick. 

Tumayo ako papunta sa lababo bitbit ang mga plato para hugasan. Nakita ko naman si Maverick na nililinis ang mesa. Hindi ko mapigilan ang magtaas ng kilay. Kanina pa ako nabibigla sa inaasal ng lalaking ito. Una, parang pamilya kung ituring niya si Nanay Paz kahit malayong-malayo ang estado nila sa buhay. Ikalawa, malayo rin ito sa brusko, antipatiko at mayabang na lalaking unang nakilala ko. 

"Iyong pinakadulong pinto sa kaliwa ang kwarto natin. Diyan ako palaging pinatutulog ni Nanay kapag andito ako. If you want to freshen up, nasa gilid ng lutuan sa labas ang banyo. Mauna ka na. I'll smoke outside." Tumalikod na ito. 

"Baka layasan kita. It never crossed your mind?"

"You won't do it. I know you won't." Hindi ako nililingong tugon nito bago tuluyan nang lumabas.

Matapos maghugas ay dumiretso ako sa kwartong itinuro ni Maverick. Tulad ng buong bahay, semento rin ang sahig ng kwarto samantalang kawayan kahoy naman ang dingding. May papag sa gitna ng kwarto kung saan nakapatong ang bedsheets, dalawang unan, kumot, tuwalya at mga damit at sabon. Sa gilid ng papag ay may isang maliit na electric fan. Wala ng iba pang laman ang loob ng kwarto.

Kinuha ko ang tuwalya, damit at sabon at lumabas na. Sa pinto ng kusina ako dumaan palabas papunta sa banyo. May baldeng puno ng tubig at tabo. Naghubad ako at nagsimulang linisin ang sarili. Nang matapos magbihis ay bumalik ako sa kwarto. Wala pa rin si Maverick. 

Isinaksak ko ang electric fan at pinaandar. Nilagyan ko ng bedsheet ang manipis na kutson ng papag, inayos ang mga unan saka nahiga. Kinumutan ko ang sarili hanggang leeg at tumitig sa kisame. Ayoko munang mag-isip sa ngayon. Saka na lang siguro kapag tapos na ako rito. Matagal ko na rin kasing isinantabi ang pag-iisip simula nang pinasok ko ang trabahong ito. 

Bumukas ang pinto at pumasok si Maverick bitbit ang travelling bag. Nakapagpalit na rin ito ng pantulog. Naka-shorts at shirt na puti. 

Ibinaba nito ang bag sa sahig at sumampa sa papag. Isiniksik ko sa sulok ng papag ang katawan at hinapit ang kumot. Naalarma ako ng maghubad ng t-shirt ang lalaki.

"Hey, I thought hindi pa sa ngayon?" nag-aalangan kong tanong. 

Tumihaya ng higa ang lalaki sa papag at ipinikit ang mga mata.

"Mainit. Walang air-con."

Nakahinga ako ng maluwag. Buti naman. Nakakahiya naman kasi kina Nanay Paz kung dito namin gagawin.

Wala sa loob na tiningnan ko ang lalaki. He's really got a good body, I have to give him that. Toned na toned ang mga braso, d****b at tiyan nito. His pecs and abs are on display. Tama ang hinala ko kanina sa helicopter. His pair of arms are really big, strong and veiny. I wonder how it feels to touch it with my own hands. Bumalik ang tingin ko sa d****b nito. Walang kahit na anong tinta ang lalaki. Malinis. My gaze went lower and lower to his lower stomach where that bulge is. Napalunok ako. Is it big? I'm sure it's not the usual Filipino size. Yes, I've seen penis in videos and pictures but I haven't seen a real one.

Even if it's big which I'm sure it is, my vajayjay can still handle it. I've done my research. Women's vagina is flexible. 

Napaigik ako nang bigla akong abutin Maverick at hinapit pahiga. I fell on his chest. He encircled his arms around my waist and buried his face on my hair. I stopped breathing.

"Sleep, Fem. Stop drooling over my body. Magiging sa iyo rin ito kalaunan." He said on my ears. Nanayo ang mga balahibo ko sa batok dahil sa mainit na hininga nito. 

Tinangka kong kumawala mula sa yakap nito pero mas hinigpitan lang niya ang hawak sa akin. "Luwagan mo. Hindi ako makahinga."

He slowly loosen his grip on me. Akala ko papakawalan na niya ako pero kabaliktaran ang nangyari. Kinuha niya ang braso ko at iniyakap sa bewang nito pagkatapos ay idinantay niya ang isang binti sa akin. 

"I don't know what you are doing with me. You don't know what I have done just to get you," bulong nito. 

Masuyong hinaplos niya ang likod ko habang sinisinghot ang buhok ko. "Sleep, Fem."

I don't know if it has something to do with his soothing voice or the way he possessively holds me or am I just too tired but I found myself giving in to his words. I succumb to sleep in an instant. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status