Share

Chapter 56

Matapos ang nangyari sa amin ni Petrus ay hindi ko na siya makausap nang maayos. Nasasaktan ako sa tuwing binabaliwala niya ako. At nararamdaman ko rin na hindi siya sa mga nangyayari sa amin.

Palagi akong umiiyak paggising ko sa umaga dahil hindi ko na siya nakikita. Kapag gabi naman ay nakakatulog na ako sa pagod ng hindi siya nahihintay. Ang sakit lang sa puso dahil nangyayari 'to sa amin. Kung nakakalimutan lang ang mukha ng tao ay siguro ay nakalimutan ko na siya dahil halos isang lingho na kaming hindi nagkakausap at nagkikita kahit nasa isang bubong lang naman kami.

Nagtatrabaho ako sa opisina na parang wala sa aking sarili. Ayaw ko ring um-absent dahil mas lalo lang akong mabuboryo kung mananatili ako sa loob ng bahay. 

"Neneth, are you okay?" nagtatakang tanong ni Trolem sa akin. 

Nahuli niya akong malungkot at malalim ang iniisip kaya nag-alala ito sa akin nang lubos. 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status