Dalawang araw na ang lumipas simula noong nangyari ‘yung sa mall at ‘yung mysterious na paglalagay ng pera sa bag ko.
Ang bait naman ni Ma’am Candice. May ₱10,000 na, may job offer pa. Baka ito na ‘yun? Sana hindi manyak ‘yung kapatid niya. Chariz! HAHAHA. At ngayon, nandito na ako sa lobby ng isang high-end na condominium building. Ang bango, ang sosyal! Nakaka-intimidate pero kebs—kaya ko ’to! “Fana Madelo po, kay Mr. Rafael Valerio,” sabi ko sa front desk officer habang pinapakalma ang sarili. “Log in na lang po, ma’am, and pahingi po ng one valid ID,” maayos na sagot ng receptionist. Ibinigay ko naman agad ang ID. Napansin kong nag-call pa siya habang hawak ito. Medyo nataranta pa ang area, ah. Ano kayang meron? Chismosa lang, Fana? “Ma’am, you can go upstairs na po. 11th floor, unit 1104,” at ibinalik na niya sa akin ang ID ko. I just nodded at pumasok na sa elevator. Tinext na kasi ako ni Sir two days ago. Friday ‘yun. Ang sabi niya, mag-start daw ako ng Monday. Salary and duties will be discussed daw sa first day. May doorbell sa tapat ng unit. Well, obviously. Pinindot ko ito. Bumukas ang pinto. At ayun na nga… isang lalaki ang nagbukas, nasa 5’11” or 6-footer yata ‘to. Halong Thai actor at Latino heartthrob ‘tong si sir, sharp jawline, tan skin, at ‘yung tingin na parang lagi kang huhusgahan pero in a hot way. Sis, POGI. As in P-O-G-I. Naka-white shirt lang siya na hapit sa biceps at dibdib niya. Tapos naka-gray sweatpants siya—‘yung tipong parang may lapel, gets mo na ‘yon. HAHAHAHA. May lapel siya, infairness. Alam mo na. Gray sweatpants never disappoint. Nagpigil ako ng tawa at sinubukang i-focus ang mata ko sa kung saan-saan basta huwag lang doon. “Hey,” bati niya. “Y-Yes, sir?” ‘Di ko namalayang nakatalikod na pala siya at nilingon lang ako saglit dahil akala niya nakasunod na ako. Napatulala ako for a second. “I said follow me.” I just nodded at sumunod sa kanya. Malaki ang unit. May sariling CR, kusina, living area, dining area, at dalawang pinto pa na mukhang mga kwarto. “Here’s my office,” sabi niya sabay bukas ng pintong nasa kanan. “There is my room,” dagdag pa niya sabay turo sa pinto sa kaliwa. Sa isip ko, “Bakit pa sasabihin? Hindi ko naman siya pupuntahan doon, ano ba.” Bigla niya akong pinitik sa noo. “A-Aray!” reklamo ko. “You’re thinking the wrong thing,” sabi niya, deadpan pa. “I just need to inform you dahil there are times na may kailangan akong ipakuha sayo. If it’s an important file, nasa room ko. If not, nasa office ko. Or there.” Sabay turo sa isang cabinet sa may living area. “There are files na importante din sa office, pero may mas mahalaga na nasa room ko.” Napatango na lang ako. Okay, noted, sir. Inaya niya ako sa office niya. “Your salary rate will be ₱30,000 a month, fixed. Monday to Friday. 15/30.” What. The. Heck. Napanganga ako. Literal. As in nakanganga ako in real life. “Tumulo laway mo nyan,” hirit ni sir. “Ang laki naman po kasi ng sahod ko, sir. Baka malaki rin duties and responsibilities ko?” biro ko, pilit inaayos ang mukha ko. “Yes,” maikli niyang sagot. PATAY NA. Sabi ko na nga ba may kapalit ‘to! Mag-aalas dose na pero nandito lang ako sa harap ng table ni sir. Hindi man lang ako sinabihan ng kahit ano. Walang briefing. Walang instruction. “Sir—” “Let’s order food.” putol niya agad. “Pero sir, wala pa po ako nasisimulan. First day ko po, ‘di ba?” “I know. Yun lang gagawin mo. Just be there.” “Huh?” Napatanga ako. Hanggang sa dumating na ang food delivery, parang naka-freeze pa rin utak ko. Just be there? Talagang wala akong gagawin? Sasahod ako nang ganito kalaki para lang tumambay? True stone ba?Kabanata 13FANA’S POVKinabukasan, pagpasok ko sa unit, parang may kakaiba sa hangin. Hindi ko alam kung dahil ba sa bagong araw, o dahil sa utak ko na hindi matahimik mula kagabi. Para bang may nakasabit na invisible banner sa pader:Countdown to Gala Night—5 days left!At habang naglalakad ako papasok, pakiramdam ko tuloy isa akong contestant sa reality show. Hindi ko nga alam kung anong klaseng challenge ang haharapin ko, pero siguradong may kinalaman sa gown, heels, at hindi madapa habang naglalakad.“Good morning, sir,” bati ko nang mahina kay Sir nang nadatnan ko siyang nasa living area. As usual, naka-relax na upo sa single sofa, hawak ang kape at may binabasang documents. Parang siyang na sa scene sa commercial ng mamahaling lifestyle brand.“Morning,” sagot niya, diretsong tingin sa papel pero ramdam kong aware siya na dumating ako.Huminga ako ng malalim at nilapag ang eco-bag na bitbit ko. May dala kasi akong
FANA’S POVNanatili akong nakaupo sa dining table kahit tapos na si Sir kumain. Siya naman, parang walang balak magmadali, chill lang, parang nasa sariling bahay… well, technically, bahay nga niya ‘to.Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang kamay.“You’re spacing out,” sabi niya, diretso lang, walang warm-up.Napakurap ako. “Ah, wala po… iniisip ko lang po… kung maghuhugas na ako ng plato.”Alam kong obvious na hindi ‘yun ‘yung totoong iniisip ko, pero ayoko nang maungkat pa kung bakit talaga ako tulala.“I can do that,” sabi niya.Napatigil ako.“Sir… marunong po kayo maghugas ng plato?”Umangat ang isang kilay niya.“Do I look like I don’t?”Hindi ako nakasagot agad. Kasi honestly… yes. Hindi ko siya ma-imagine na nakatayo sa harap ng lababo, may bula-bula sa kamay.Alam mo na, kapag mayaman, bihira kumilos sa bahay.“I’ll just wash it,” dagdag niya, tapos tumayo.Automatic na
FANA’S POVKinabukasan, maagang nagising si Fana dahil na-stress talaga siya kung saan siya kukuha ng ipambabayad sa utang ni Mama. Napaka naman kasi nung nautangan nila, gusto na agad sila ipa-barangay!Hindi puwede. Malalagot sila kay Papa dahil hindi nila sinabi ’to sa kanya.Hay! Sana magawan ko ng paraan… kahit ‘yung instant miracle na lang, Lord, pwede?Dumating ako sa condo ng exactly 8:48 AM. Umalis na rin agad si Sir Rafael ng 9:30 AM.Pagkaalis niya, naiwan akong mag-isa sa condo.As in totally mag-isa. Wala man lang multo para may kausap. Kahit ‘yung tipong nagpaparamdam lang, okay lang sana, para lang hindi ako mukhang baliw na nagsasalita mag-isa.Kaya sinimulan ko nang ayusin ang mga papel at boxes niya sa office.Sabi ni Ma’am Candice, terrible si sir sa pag-oorganize. Hindi naman sobra. Medyo kalat lang… parang utak ko.After 30 minutes, lumabas muna ako ng opisina niya. Naisipan kong i-check ang
FANA’S POVIsang linggo na ako sa trabaho, pero parang isang buwan na rin sa dami ng ganap.KABALIKTARAN.Hindi naman ako nagrereklamo na walang ginagawa.Medyo.Okay, fine—medyo lang talaga.Kasi sa totoo lang, ‘di ko maintindihan kung assistant ba talaga ako ni Sir Rafael o gusto niya lang ng kasama-sama sa condo niya.Sa isang linggo ko, dalawang beses lang kami lumabas, at gaya nung una, hinintay ko lang siya, tapos kakain kami, uuwi ng condo, at hihintayin ko ang oras ng out ko.Katulad ngayon.Nasa passenger seat ako ng sasakyan niya, pabalik sa condo—galing kami sa isa niyang business sa mall at may chineck lang siya ro’n. Parang errand lang na hindi ko rin alam kung bakit kailangan ko pang sumama.Pero sige, assistant nga raw ako.Naka-rest ang ulo ko sa side ng bintana habang pinipilit huwag isipin kung gaano kabigat na bayarin ang naghihintay sa bahay.Ayoko sanang madala ‘yung stress s
FANA’S POVPagkatapos naming kumain ni Sir Rafael sa isang mamahaling fine dining restaurant, nagyaya na rin siyang bumalik sa condo.Tahimik lang ang naging biyahe namin.Hindi ko alam kung dahil ba busog ako kaya parang tinatamad na akong magsalita, o dahil nararamdaman kong ayaw naman niyang makipag-usap.Edi ‘wag. Hindi ko rin ipipilit.Pareho lang kaming nakatingin sa labas ng bintana habang tinatahak ang daan pauwi.Mga trenta minutos din ang biyahe.Pagdating namin sa building, tumapat siya sa main entrance pero hindi bumaba.Lumingon siya sa akin habang hawak ang manibela.“Mauna ka na sa taas. Magpa-park pa ako sa basement,” sabi niya, sabay abot sa akin ng key card ng unit niya.Nagulat ako nang bahagya, pero kinuha ko rin iyon.“Okay po,” maikli kong sagot, sabay pilit na ngiti.Pagkababa ko ng sasakyan, mabilis akong pumasok sa building at sumakay ng elevator paakyat sa unit niya
“Mabilis lang ’to,” sabi ni Sir Rafael pagkasakay ko sa passenger seat ng mamahalin niyang sasakyan.Nakalimutan ko tuloy tingnan sa labas kung anong brand ’to. Hindi naman kasi ako marunong sa mga sasakyan. Kotse lang ’yan sa’kin.Basta may apat na gulong at may aircon, goods na.Nagkatinginan kami saglit—well, ako lang pala ’yung tumingin. Siya kasi, naka-focus na agad sa daan habang ini-start ang makina.Tulad kahapon, man of few words pa rin. Tipid sa syllables, parang binabayaran ang bawat salita.“Sir, saan po tayo?” tanong ko kahit obvious namang sinabi niya na kanina—business-related. Curious lang talaga ako.Tsaka hello, hindi ba dapat alam ko? Assistant daw ako, ’di ba? yun ang sabi sa akin ni Ma’am Candice.“Mm. May imi-meet lang ako.”Okay. Ang damot talaga sa letra ng boss ko.Tahimik ulit ang loob ng sasakyan.Kaya napabaling ako sa suot ko—beige na high-waist slacks at cream blouse na may pa-ri