Her Secret Stranger

Her Secret Stranger

last updateLast Updated : 2025-08-01
By:  Bela AnnUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
7Chapters
25views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

She thought it was Candice who saved her. But it was Rafael all along — the man she’s slowly falling for. And he’s been keeping the truth… for reasons even his heart struggles to explain. Because one lie brought them closer, and one truth could tear them apart.

View More

Chapter 1

Kabanata 1

Naglalakad si Fana sa kahabaan ng isang kilalang mall sa Quezon City. Biyernes ngayon at sahod day kaya dagsa ang tao. Pero imbes na masaya o excited siyang makipagsiksikan, ang nasa isip niya lang ay: saan ba may charging station dito?

Nalobat na naman kasi ang phone niya. Apat na taon na sa kanya ang phone niyang may kagat ng mansanas na logo. Pinag-ipunan pa niya ‘yon dati at hulugan pa nga. Pero ngayon, ni hindi man lang niya mapalitan ng battery, much less makapag-upgrade. Dalawang taon na kasi siyang walang trabaho.

Pero hindi dahil tamad siya.

“Hindi ako tamad, okay? Ayoko lang maulit ’yung dati,” bulong niya sa sarili. “Ayokong sumugal na naman sa trabaho na alam kong mauuwi lang sa stress.”

Sa huling trabaho niya bilang admin staff sa isang high-end nail salon, halos lahat ng pagkakamali ng boss niya, sa kanya naipapasa. Kesyo na-endorse na raw ang documents, pero hindi naman talaga. Napilitan siyang idulog sa opisina ng gobyerno ang nangyari dahil may mga bagay na sinisingil sa kaniya ang boss niya, pero sa huli, wala ring nangyari. Trauma lang ang naiwan sa kanya. Pasalamat na lang siya na hindi na siya ginulo pa ng boss niya na ‘yon.

Sayang, kasi okay naman sana ang mga katrabaho. Lalo na si Miss Justine, ’yung receptionist na naging ka-close niya. Pero hindi rin sapat ’yon para tiisin ang maling sistema.

Kaya kahit natanggap siya kamakailan sa isang dental clinic as front desk officer, hindi niya tinuloy. Hindi maganda ang vibes. Ang masakit, huli na nang mabanggit na niya ito sa pamilya niya.

Habang naglalakad, naisipan niyang umupo muna sa may labas ng isang coffee shop. May bakanteng mesa, at kahit hindi siya customer, saglit lang naman. Mabilis siyang naupo at binuksan ang bag.

Nagbilang siya ng barya.

“Twenty-one… thirty… forty-two,” bulong niya.

Forty-two pesos. ’Yun na lang ang pera niya.

Napailing siya. “Thirteen pesos sa jeep pauwi… twenty-nine na lang natira. Walang kain na naman maghapon.”

Kinuha niya ang mineral water sa bag at ininom. Hindi niya alam kung matatawa siya o maaawa sa sarili. Two weeks na siyang nagpapanggap na may trabaho. Ginagamit lang niya ang perang inutang niya kay JM—dating katrabaho na ngayon ay nasa Dubai na.

Ayaw niyang aminin sa pamilya niya na wala pa siyang maayos na trabaho. Lalo na sa papa niya—na kahit kailan, hindi siya inintindi. Minsan lang siya magkamali, pero parang kasalanan na agad ang buong pagkatao niya. Lumaki silang magkakapatid na laging takot, laging nakayuko.

Napatingin siya sa paligid. “Alis na ako baka masita pa,” bulong niya. Pero bago pa man siya makatayo—

“Hi, ma’am! Here’s your food po!”

Napalingon siya sa babaeng crew na may dalang tray. Nagulat siya.

“P-po?”

“Hindi po ako umorder… nakiupo lang po ako rito, sorry po.”

Ngumiti lang ang crew. “May nag-order po for you. Anonymous daw po, hehe.”

Napakunot ang noo ni Fana. Anonymous? Sino naman ’yon?

“Hindi ba puwedeng malaman kung sino? Para naman makapagpasalamat ako.”

Umiling lang ang crew at ngumiti. “Secret daw po talaga. Enjoy your food, ma’am!”

Basa niya sa name tag: Rain.

“Salamat, Miss Rain,” mahina niyang sabi habang inilipat ang tingin sa pagkain.

Gutóm siya, oo. Pero mas nangingibabaw ang hiya. “Mukha na ba akong kawawa? Nakakaawa na ba talaga ako tingnan?”

Nagpalinga-linga siya, umaasang mahuhuli niya kung sino ang nagpadala. Pero wala. O baka nakasilip lang mula sa loob. O baka… nasa paligid pa.

“Ah, bahala na. Kakain na lang ako,” bulong niya. Nilantakan na niya ang pagkain.

Matapos kumain, naglibot siya saglit at nauwi sa food court. May dala siyang luma at manipis na notebook—writing therapy niya ’to. Doon niya sinusulat ang idea ng librong gusto niyang i-upload sa paborito niyang reading app.

Tumigil ang mata niya sa relo. Bulok na rin ’yon, hindi na gumagana. Tinatantya na lang niya ang oras. “Mga 4:30 siguro,” bulong niya habang tumayo para bumili ng gulaman. Dose lang ’yon, kaya may matitira pa para sa pamasahe.

Iniwan na lang niya ang bag niya sa table. Wala rin namang mahahalagang laman. Ang phone niya, lobat. ID? Hindi na rin niya dinadala dahil wala rin namang paggamit.

Pagbalik niya, umupo ulit siya at huminga nang malalim.

After 30 minutes… nagpasya na siyang umuwi.

Pagkauwi niya…

“Ehem. Ehem.”

Si Papa.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
7 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status