Share

Kabanata 3

Author: Bela Ann
last update Huling Na-update: 2025-08-01 02:10:00

Rafael’s POV

Halos isang linggo na akong pabalik-balik sa coffee shop na ’to. Isa sa mga puwesto ko dito sa kilalang mall—walking distance lang mula sa condo. Dito ko madalas ka-meeting si Tien, ang Executive Assistant ko. O technically, Personal Assistant. Nagkukunwari lang siyang both.

Ayokong pumasok sa main office ng kumpanya. Not until mawala sa eksena ang asawa ng daddy ko ngayon—si Yvonne. Oo, yung kerida niya na ngayon ay legal na. Technically.

Tatlong taon na mula nang mamatay si Mommy at 25 ako noon, kabubuo pa lang ng sarili kong pangalan sa kumpanya. She died of ovarian cancer. At sa hindi ko maipaliwanag na kabwisetang timing, in less than six months, may bago na agad si Don Marcelo Valerio—aka ang daddy ko. At hindi lang basta bago, inakyat pa niya ito sa pedestal ng kumpanya bilang Head ng PR Department. PR daw. More like Personal Replacement.

Kaya sabi ko sa kaniya, “I’ll only help with the company minimally, hangga’t hindi mo pinapaalis ang babae mo.”

Kaya ‘eto ako, iniiwasan ang opisina, at kung may kailangang ayusin si Tien, dito lang kami nagkikita. I own this place anyway. At hindi lang ito. My father doesn’t know I have several businesses here in the Philippines—coffee shops, clothing lines, and even a high-end skin clinic. Hindi ko kailangang umasa sa allowance o pabor niya. Hindi niya nga alam na sa mismong building kung saan siya may branch, meron din ako.

Isang hapon, habang palabas ako ng coffee shop, naisipan kong pumasok sa loob ng mall. May kailangan lang akong i-check sa dalawa ko pang negosyo—isang minimalist lifestyle store at isang skincare clinic. Simple lang ang suot ko: white tee, dark jeans, at sneakers. No labels, pero halatang mamahalin kung may taste ka.

Nasa gilid ako ng railings nang may babaeng sumalubong sa paningin ko. Nasa pababang escalator siya, pero pataas siya maglakad. Nakatingin sa phone, ngumiti pa habang nagta-type. Mabuti na lang at hindi gumagalaw ang escalator. Kung hindi, malamang may dumausdos na naman.

“Crazy,” sabi ko sa sarili ko, sabay iling.

Maganda siya. Hindi model-type, pero may dating. Siguro mga 5’4”, hindi sobrang payat, malaman din, pero maganda ang hubog ng katawan. May maamong mukha, bilugang mata, at maliit pero matangos na ilong

Kasi for the past week na nagkikita kami ni Tien dito, lagi ko ring nasasalubong ang babaeng ‘to. Palakad-lakad lang, para bang may hinahanap. Nung una akala ko tambay lang. Pero napansin kong may dala siyang folder at may laman yata na mga resume. Clinic, salon, kahit anong establishment pinapasahan niya.

“Ah kaya pala lagi nandito.” Bulong ko sa sarili.

Then came that Friday afternoon. Wala akong meeting. I just wanted to observe, dahil payday—matao ang mall. At ayun siya ulit. Umupo sa labas ng shop. May binibilang.

Nakita ko sa mukha niya na parang hindi umabot ang pera. Inisip ko, baka kulang pamasahe. Or worse, kulang pambayad ng kuryente sa bahay. So I asked one of my staff to bring her food and a drink—iced matcha latte at turkey pesto sandwich. Simple lang pero mabusog siya. I told my staff not to mention my name. Just say it’s from “someone.”

Nakita ko pa siyang nagtataka. Umiiling pa habang inaabot ang pagkain. Pero tinanggap niya rin. At tinira hanggang sa pinakahuling mumo.

Napatawa ako. “Crazy.”

Pero hindi ko maintindihan kung bakit parang naging interesado ako sa kaniya. Sinundan ko siya discreetly habang paakyat siya ng escalator, then tumambay sa gilid ng food court. Umiikot ang mata niya, pero walang binibili. 3:45pm. Hindi pa ba siya uuwi?

Ilang minuto ang lumipas. Nagsusulat siya sa notebook. Umupo lang doon, tahimik. Then nagulat ako nang umalis siya saglit, iniwan ang bag, papunta sa siomai stall. Seriously? Baka may kumuha no’n. At dahil malapit lang ako, nilapitan ko.

May sinulat siya. Parang script? Hindi, journal yata. Pero nabasa ko sa ilalim:

“Sana all may sahod na ngayon. Kailan kaya ako magkakawork? Yari na naman ako kay papa mamaya.”

Hindi ko alam kung ano’ng pumasok sa isip ko. Hindi ko siya kilala. Pero parang gusto ko siyang tulungan. Kumuha ako ng ₱10,000 sa wallet ko. Nilagay ko sa bulsa ng bag niya, kalakip ang calling card. Hindi ko card—kay Candice, kapatid ko. Bahala na. Kukuntsabahin ko na lang siya.

At bago pa bumalik ang dalaga sa upuan, umalis na ako.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Her Secret Stranger   Kabanata 13

    Kabanata 13FANA’S POVKinabukasan, pagpasok ko sa unit, parang may kakaiba sa hangin. Hindi ko alam kung dahil ba sa bagong araw, o dahil sa utak ko na hindi matahimik mula kagabi. Para bang may nakasabit na invisible banner sa pader:Countdown to Gala Night—5 days left!At habang naglalakad ako papasok, pakiramdam ko tuloy isa akong contestant sa reality show. Hindi ko nga alam kung anong klaseng challenge ang haharapin ko, pero siguradong may kinalaman sa gown, heels, at hindi madapa habang naglalakad.“Good morning, sir,” bati ko nang mahina kay Sir nang nadatnan ko siyang nasa living area. As usual, naka-relax na upo sa single sofa, hawak ang kape at may binabasang documents. Parang siyang na sa scene sa commercial ng mamahaling lifestyle brand.“Morning,” sagot niya, diretsong tingin sa papel pero ramdam kong aware siya na dumating ako.Huminga ako ng malalim at nilapag ang eco-bag na bitbit ko. May dala kasi akong

  • Her Secret Stranger   Kabanata 12

    FANA’S POVNanatili akong nakaupo sa dining table kahit tapos na si Sir kumain. Siya naman, parang walang balak magmadali, chill lang, parang nasa sariling bahay… well, technically, bahay nga niya ‘to.Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang kamay.“You’re spacing out,” sabi niya, diretso lang, walang warm-up.Napakurap ako. “Ah, wala po… iniisip ko lang po… kung maghuhugas na ako ng plato.”Alam kong obvious na hindi ‘yun ‘yung totoong iniisip ko, pero ayoko nang maungkat pa kung bakit talaga ako tulala.“I can do that,” sabi niya.Napatigil ako.“Sir… marunong po kayo maghugas ng plato?”Umangat ang isang kilay niya.“Do I look like I don’t?”Hindi ako nakasagot agad. Kasi honestly… yes. Hindi ko siya ma-imagine na nakatayo sa harap ng lababo, may bula-bula sa kamay.Alam mo na, kapag mayaman, bihira kumilos sa bahay.“I’ll just wash it,” dagdag niya, tapos tumayo.Automatic na

  • Her Secret Stranger   Kabanata 11

    FANA’S POVKinabukasan, maagang nagising si Fana dahil na-stress talaga siya kung saan siya kukuha ng ipambabayad sa utang ni Mama. Napaka naman kasi nung nautangan nila, gusto na agad sila ipa-barangay!Hindi puwede. Malalagot sila kay Papa dahil hindi nila sinabi ’to sa kanya.Hay! Sana magawan ko ng paraan… kahit ‘yung instant miracle na lang, Lord, pwede?Dumating ako sa condo ng exactly 8:48 AM. Umalis na rin agad si Sir Rafael ng 9:30 AM.Pagkaalis niya, naiwan akong mag-isa sa condo.As in totally mag-isa. Wala man lang multo para may kausap. Kahit ‘yung tipong nagpaparamdam lang, okay lang sana, para lang hindi ako mukhang baliw na nagsasalita mag-isa.Kaya sinimulan ko nang ayusin ang mga papel at boxes niya sa office.Sabi ni Ma’am Candice, terrible si sir sa pag-oorganize. Hindi naman sobra. Medyo kalat lang… parang utak ko.After 30 minutes, lumabas muna ako ng opisina niya. Naisipan kong i-check ang

  • Her Secret Stranger   Kabanata 10

    FANA’S POVIsang linggo na ako sa trabaho, pero parang isang buwan na rin sa dami ng ganap.KABALIKTARAN.Hindi naman ako nagrereklamo na walang ginagawa.Medyo.Okay, fine—medyo lang talaga.Kasi sa totoo lang, ‘di ko maintindihan kung assistant ba talaga ako ni Sir Rafael o gusto niya lang ng kasama-sama sa condo niya.Sa isang linggo ko, dalawang beses lang kami lumabas, at gaya nung una, hinintay ko lang siya, tapos kakain kami, uuwi ng condo, at hihintayin ko ang oras ng out ko.Katulad ngayon.Nasa passenger seat ako ng sasakyan niya, pabalik sa condo—galing kami sa isa niyang business sa mall at may chineck lang siya ro’n. Parang errand lang na hindi ko rin alam kung bakit kailangan ko pang sumama.Pero sige, assistant nga raw ako.Naka-rest ang ulo ko sa side ng bintana habang pinipilit huwag isipin kung gaano kabigat na bayarin ang naghihintay sa bahay.Ayoko sanang madala ‘yung stress s

  • Her Secret Stranger   Kabanata 9

    FANA’S POVPagkatapos naming kumain ni Sir Rafael sa isang mamahaling fine dining restaurant, nagyaya na rin siyang bumalik sa condo.Tahimik lang ang naging biyahe namin.Hindi ko alam kung dahil ba busog ako kaya parang tinatamad na akong magsalita, o dahil nararamdaman kong ayaw naman niyang makipag-usap.Edi ‘wag. Hindi ko rin ipipilit.Pareho lang kaming nakatingin sa labas ng bintana habang tinatahak ang daan pauwi.Mga trenta minutos din ang biyahe.Pagdating namin sa building, tumapat siya sa main entrance pero hindi bumaba.Lumingon siya sa akin habang hawak ang manibela.“Mauna ka na sa taas. Magpa-park pa ako sa basement,” sabi niya, sabay abot sa akin ng key card ng unit niya.Nagulat ako nang bahagya, pero kinuha ko rin iyon.“Okay po,” maikli kong sagot, sabay pilit na ngiti.Pagkababa ko ng sasakyan, mabilis akong pumasok sa building at sumakay ng elevator paakyat sa unit niya

  • Her Secret Stranger   Kabanata 8

    “Mabilis lang ’to,” sabi ni Sir Rafael pagkasakay ko sa passenger seat ng mamahalin niyang sasakyan.Nakalimutan ko tuloy tingnan sa labas kung anong brand ’to. Hindi naman kasi ako marunong sa mga sasakyan. Kotse lang ’yan sa’kin.Basta may apat na gulong at may aircon, goods na.Nagkatinginan kami saglit—well, ako lang pala ’yung tumingin. Siya kasi, naka-focus na agad sa daan habang ini-start ang makina.Tulad kahapon, man of few words pa rin. Tipid sa syllables, parang binabayaran ang bawat salita.“Sir, saan po tayo?” tanong ko kahit obvious namang sinabi niya na kanina—business-related. Curious lang talaga ako.Tsaka hello, hindi ba dapat alam ko? Assistant daw ako, ’di ba? yun ang sabi sa akin ni Ma’am Candice.“Mm. May imi-meet lang ako.”Okay. Ang damot talaga sa letra ng boss ko.Tahimik ulit ang loob ng sasakyan.Kaya napabaling ako sa suot ko—beige na high-waist slacks at cream blouse na may pa-ri

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status