Dalawang araw na ang lumipas simula noong nangyari ‘yung sa mall at ‘yung mysterious na paglalagay ng pera sa bag ko. Ang bait naman ni Ma’am Candice. May ₱10,000 na, may job offer pa. Baka ito na ‘yun? Sana hindi manyak ‘yung kapatid niya. Chariz! HAHAHA. At ngayon, nandito na ako sa lobby ng isang high-end na condominium building. Ang bango, ang sosyal! Nakaka-intimidate pero kebs—kaya ko ’to! “Fana Madelo po, kay Mr. Rafael Valerio,” sabi ko sa front desk officer habang pinapakalma ang sarili. “Log in na lang po, ma’am, and pahingi po ng one valid ID,” maayos na sagot ng receptionist. Ibinigay ko naman agad ang ID. Napansin kong nag-call pa siya habang hawak ito. Medyo nataranta pa ang area, ah. Ano kayang meron? Chismosa lang, Fana? “Ma’am, you can go upstairs na po. 11th floor, unit 1104,” at ibinalik na niya sa akin ang ID ko. I just nodded at pumasok na sa elevator. Tinext na kasi ako ni Sir two days ago. Friday ‘yun. Ang sabi niya, mag-start daw ako ng Monday. Sala
Last Updated : 2025-08-01 Read more