Share

Chapter 30

KARINA

“Saan niyo ba talaga kami dadalhin?” angil ko sa lalaking nagpapangap lang pala na pulis. May mga iilan ding silang pulis na kakampi kaya may dala silang police mobile upang hindi namin mahalata. Katabi ko ngayon si Ash at pareho kaming nakaposas. Hindi pa rin siya nagigising. Hindi na ako lumaban dahil tagilid kami sa kanila. Masyado silang marami at pinagbantaan pa ako na kung kikilos ako ay papatayin nila si Ash kaya hinayaan kong bihagin nila kami.

“Huwag kang maingay diyan!” singhal niya sa akin. Nag-alala na ako sa maaring mangyari. Dapat sa mga oras na ito ay nahuli na nila si Bernadette at Marla. Ngunit malakas ang kutob ko na sila ang may kinalaman nang pagpapadukot sa amin. Sigurado din akong sa mga oras na ito ay alam na si Sergio na hindi kami nakarating sa farm ni Francis. Sana lamang ay maging ligtas pa rin siya. Hindi ko alam kung ano pa ang plano nilang gawin sa amin ngunit umaasa ako na magkikita pa kaming muli.

Napalingon ako sa tabi ko nang gumalaw si Ash.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status