"WHAT? SERIOUSLY, Miles?" gulat na gulat at hindi makapaniwalang reaction ni Andrea nang ikwento ko sa kaniya ang nangyari bago ako makarating sa opisina.
"Shh! Huwag kang maingay," agad kong saway sa kaniya at lumingon pa sa mga katrabaho namin na abala sa kani-kanilang trabaho. Katatapos ko lang kasi magpasa ng articles na in-edit ko at hihintayin ko na lang iyon kung ibabalik sa akin para i-revise pero sana naman ay hindi.
Nandoon pa rin sa mukha ni Andrea ang pagkamangha sa narinig mula sa akin. "I just cant believe it will happen, Miles. Ang lalaking ipinagpalit sa iyo ng ex-boyfriend mo ay ang lalaking ipakakasal sa 'yo? Whoa! Parang teleserye lang. That's how destiny play, Miles there's a lot of twist," natatawang komento niya.
"Destiny ka riyan!" Umikot pa ang mga mata ko. "Hindi destiny iyon, kamalasan ang tawag doon," inis ko pang dagdag.
"Pero ano, kumusta ba ang hitsura ng lalaking—este ng baklang iyon?" usisa ni Andrea, sa pabulong na paraan na animo'y excited sa isasagot ko.
Nag-isip ako. "Well, at first you wouldn't thought that he's gay. Mukha naman kasi siyang isang typical man. Gwapo. Malapad ang katawan. Makakapal ang kilay at 'yong mga mata niya na may charm na kapag tiningnan mo mapapatitig ka talaga," paglalarawan ko sa lalaking iyon na ikinagulat ko.
"Wow! Ibig sabihin gwapo siyang nilalang? Oy! tinamaan ka sa kaguwapuhan 'no? Naakit ka ba sa charm ng mga mata niya na parang napatitig ka?" natatawang pang-aalaska niya sa akin.
Sumimangot ako. "Of course not, Andrea. Nandidiri nga ako sa kaniya sa tuwing naalala ko kung paano sila m********n ni Roven noon. Well, hindi naman ako against o haters ng mga gay na tao, it's just like nagkataon lang na siya ang ipinalit sa akin ng lalaking iyon. Natapakan ata pagkababae ko 'no!" dahilan ko sa kaniya.
"Mapaglaro nga ang tadhana kagaya ng sinasabi ng marami, Miles. Be prepare for more twist," pilyang saad niya na may pagkindat pa.
"Then, I'll play with destiny, Andrea and I will make sure that I will win for this," hamon ko.
"Are you sure? Makikipaglaro ka sa tadhana?"
Tumango ako. "Why not? Kung wala na akong pagpipilian, iyon ang gagawin ko, to play with destiny. Pero sana naman huwag pumayag ang Zandy na iyon sa kasalang inihahanda ng mga pamilya namin," nakasimangot kong saad.
"Hindi nga papayag ang Zandy na iyon, eh, paano kung pilitin ng mga magulang ninyo? Kilala natin si Tita at Tito na naiwan na ng panahon na masyadong naniniwala sa mga sumpa-sumpang iyon. Concern din sila sa future mo dahil nag-iisa kang anak. Gusto nilang mag-asawa ka at magkapamilya," aniya.
"Naiintindihan ko naman sila sa part na iyon, Andrea pero hindi pa ako ready sa state na iyon," kunot noo kong dahilan.
Kumibit-balikat si Andrea. "Well, hintayin na lang natin ang mangyayari. Ipagdasal mo na lang na huwag pumayag ang Zandy na iyon," ani Andrea.
Napasimangot na lang ako habang laylay ang balikat. Pakiramdam ko mahihirapan akong tanggihan ang kasal na iyon dahil ramdam kong kahit tumanggi ako hindi naman sila papayag na hindi ako makasal. Bakit kasi sinumpa-sumpa pa ako, eh?
—
MABIGAT ANG balikat ko na bumaba ako ng sasakyan nang makauwi ako mula sa bahay. Kumunot pa ang noo ko at mas lalong nakaramdam ng bigat ng pakiramdam nang makita ko ang pamilyar na kotse sa labas. Bumuntong-hininga ako dahil alam ko na ang madadatnan ko sa loob. Kailangan ko na lang ihanda ang sarili ko na humarap sa kanila.
Hindi nga ako nagkamali pero ang higit kong ikinagulat nang makita ko ang lalaking iyon na tahimik na nakaupo sa isahang sofa habang nakahalukikip at nakaupo na animo'y babae. Hindi man lang siya tumingin sa akin kagaya ng apat na naroon na halatang hinihintay ako.
"Mabuti naman at dumating ka na, 'nak kanina pa kaming naghihintay dito," nakangiting salubong ni mama. Tumayo pa siya sa pagkakaupo at lumapit sa akin. Iginiya niya ako sa sofa malapit sa lalaking iyon. Ni hindi man lang muna ako pinagpalit ng damit.
"Magandang gabi, hija," bati ni tita Mandy. Iyon daw ang itawag ko sa mga ito sabi ni mama.
Ngumiti ako kahit naiilang at nawawalan ng ganang humarap sa kanilang lahat dahil alam ko naman na ang pag-uusapan. "Magandang gabi rin po," balik ko.
Katahimikan ang namayani sa pagitan ng bawat isa sa sala. Para bang naghihintayan sila kung sino ang unang magsasalita. Panaka-naka ko namang tinitingnan si Zandy na malapit lang sa akin. Tahimik lang siya habang hawak ang cellphone niya at tinitipa iyon, walang pakialam sa paligid.
Narinig kong tumikhim si papa. Tumingin siya sa akin. Tahimik lang din ako habang nakahalukipkip. "Anak, nandito sina Andrew at Mandy para ipakikila sa iyo ang kanilang anak," ani Papa.
Pinilit kong hindi lumabas ang anumang reaction sa mukha ko. Hindi naman kasi ako interisado sa lalaking iyon.
Ngumiti si tito Andrew, ganoon din si tita Mandy. "Miles, hija, alam kong nabibigla ka rin sa mga nangyayari pero maiintindihan mo rin ang lahat. Alam kong nagkita na kayo ng anak kong si Zandy dahil inutusan ko siyang pumunta rito pero gusto ko pa ring pormal na ipakilala sa iyo ang anak ko." Tumingin ito sa lalaking malapit sa akin. "Siya si Zandy Saavedra, hija. Don't worry, he's good and kind naman," ani Tita Mandy.
"He's stubborn and sometimes brat, pero mabait naman si Zandy at alam kong hindi naman siya gagawa ng bagay na ikapapahamak mo," segunda naman ni Tito Andrew.
Gusto kong sumimangot at ngumisi. Sometimes brat, pero mabait? Bakit ba ipinipilit din nila sa akin ang anak nila? Baka dahil napapansin na rin nila na bakla ang kanilang anak kaya pinu-push nilang magpakasal na sa akin. Tiningnan ko si Zandy at pagharap ko, saktong nakatingin din siya sa akin. Biglang may kung anong pumitik sa dibdib ko dahil doon. Umiwas agad ako ng tingin kay Zandy.
"Napag-usapan na namin ang magiging plano para sa inyong dalawa. Since we both agree na ipakasal kayo, kayo na lang ang kailangan naming tanungin ukol dito," saad ni papa na nagpagulat sa akin.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na hindi magsalita. "Napag-usapan? 'Pa, bakit ba kailangan niyo akong pangunahan sa bagay na iyan? Magpapakasal naman ako, eh, pero hindi pa ngayon. Kaya kong pumili ng lalaking para sa akin. Kahit ngayon pwede akong kumuha pero ayaw ko. I'm not ready to get married," reklamo ko, napataas na rin ang boses ko na ikinagulat nilang lahat. "I'm already mature to make a decision about marriage at hindi niyo na kailangang panghimasukan iyon."
Nakita kong napapikit si Papa ng mariin pero saglit lang iyon. "Anak, hindi namin 'to ginagawa para sa amin, para sa iyo ito. Ayaw naming tumanda kang walang asawa. We want you to live happy with your own family," giit ni papa.
"Tama ang iyong papa, Miles. Ikaw ang iniisip namin. Matanda na kami at paano kung mawala kami ng iyong papa? Paano ka? Gusto rin naming masaksihan ang pamilyang bubuuin mo," segunda naman ni mama. "Natatakot kaming baka hindi ka na magkaasawa pa at tumanda kang dalaga."
Napabuntong-hininga ako at napaayos ng upo. Nasapo ko ang sintido ko. "Hanggang ngayon ba naniniwala pa rin kayo sa sumpang iyon? 'Ma, 'Pa, hindi iyon totoo. Kung tumanda man akong dalaga at hindi mag-asawa, choice ko iyon at hindi dahil sa sumpang iyon." Saglit akong tumahimik. "I don't want to marry a man that I don't love at hindi ko kilala," dagdag ko pa.
"Sarili mo lang ba ang iniisip mo, Miles? Paano kami ng mama mo? Mahina na ako at gusto ko lang makita na magkaroon ka ng pamilya, hindi mo ba ako kayang pagbigyan? Paano kung totoo ang sumpang iyon? Paano ka?" Napataas na rin ang boses ni papa na alam kong galit na. "Hindi ka ba nahihiya sa kanila? Konting respeto naman."
"I respect your decision, 'Pa pero irespeto niyo rin 'yong decision ko. Ayaw kong magpakasal. Hindi ako magpapakasal dahil sa sumpang iyon," matigas kong balik.
"Abat—"
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si papang nasapo ang dibdib at napahiga sa sofa. Mabilis na dinaluhan ito ni mama. Hindi agad ako nakagalaw.
"H-Honey, bakit?! A-anong nangyari?" kinakabahang tanong ni mama habang hawak-hawak si papa.
Nang makabawi ako, mabilis akong lumapit kay papa. "T-tumawag kayo ng ambulance, please! Bilis!" sigaw ko.
"Tabi," narinig kong saad ni Zandy. Lumapit siya sa amin at agad na kinuha si Papa. "Let's bring him to the hospital," aniya pa, saka naglakad na palabas ng bahay. Agad kaming sumunod habang inaalalayan ni tita Mandy si mama.
Nakaramdam ako ng guilt, na parang kasalanan ko ang nangyari kay papa. Naalala kong may sakit nga pala siya sa puso at hindi pwedeng tumaas ang presyon niya.
Nanginginig ang buong katawan ko habang lulan kami ng sasakyan patungo sa malapit na hospital. Si Zandy ang nagmamaneho ng sasakyan habang nakaunan sa akin si papa na wala ng malay. Sa kabilang kotse naman nakasakay sila mama at ang magulang ni Zandy.
"Bilisan mo, please! Kailangan nating madala sa hospital si papa," umiiyak kong sambit habang nakatingin sa walang malay na si papa. "Kasalanan ko ito, eh! Kung hindi ko sinagot si papa, baka hindi ito nangyari sa kaniya. Kung pumayag na lang sana ako sa gusto niya!"
"So papayag ka ng makasal sa akin?"
"Mabuhay lang si papa, gagawin ko ang gusto niya! Tutal, kasalanan ko naman, ito, eh!" Hindi ko na alam ang sinasabi ko dahil sa takot ko sa pwedeng mangyari kay papa. Gagawin ko ang lahat mabuhay lang siya.
Tama ba ang sinabi ko? Kaya ko bang panindigan iyon? Bahala na, ang mahalaga mabuhay si papa at mailigtas siya.
Miles' POV HANGGANG ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na finally, totoo, legit, tunay, confirmed nang mag-asawa na kami ni Zandy. Mayroon na kaming marriage contract na magpapatunay ng aming kasal at pag-aari namin ang isa't isa. Walang mapagsidlan ang sayang nararamdaman ko hanggang ngayon at ang sarap ng pakiramdam ko na bumabalot sa buo kong sistema. Maraming bagay ang dapat kong ipagpasalamat. Sa kabila ng mga nangyari, narating namin ang puntong ito na magkasama pa rin kami na nagmamahalan at walang handlang. Nasaktan man namin ang isa't isa, nagkamali man kami, ang mahalaga 'yong naging katapusan ng lahat nang iyon. Marami rin akong natutunan sa mga nangyari. Naintindihan ko kung gaano kahalaga ang tiwala at pakikinig sa mga dahilan at huwag unahin ang galit at bugso ng damdamin. Ang tiwala at pagmamahal ang matibay na pundasyon ng isang relasyon na ngayon ay naintindihan ko na iyon. "I love you, Honey!" ani Zandy matapos niyang bumagsak sa tabi ko. Humihingal pa siya da
Zandy's POVHINDI ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko habang nakangiti at pinagmamasdan ang papalapit na si Miles. Nakasuot siya ng kulay puting wedding dress at belo na talaga namang lalong nagpaganda sa kaniya. She's the most beautiful girl I've ever have. Halata na rin ang tiyan niya dahil sa pagbubuntis niya. Sa bawat paghakbang niya, sinasabayan iyon ng himig na palaging naririnig sa mga kasalanan. Mas nagiging romantik iyon para sa amin habang bakas ang saya sa mga saksi roon.Ito na ang araw at oras na pinakahihintay naming dalawa, ang kasal na hindi plinano ng iba, kasal na hindi pinagkasunduan ng mga magulang namin, kung 'di kasal na ginusto namin at pinagdisisyunan dahil mahal namin ang isa't isa. A wedding we dream to happen and I can't wait to say 'I do' and be his lawful husband.Agad na ngumiti si Tita Emma at Tito Wesley sa akin nang marating nila ang kinaroroonan ko para ihabilin nila ang kanilang anak sa akin. Kita ko ang naluluhang mga mata ni Tita Emma."For
"BAKIT hindi mo sinabi sa akin na alam mong buntis ako?" tanong ko kay Zandy habang nakayakap ako at nakaunan sa braso niya. Dahil sa pananabik at pagmamahal namin sa isa't isa, inangkin namin ang gabing iyon matapos nang successful na opening ng restaurant ni Zandy. Masaya ako dahil sa wakas natupad na niya iyon nang kasama ako. Walang mapagsidlan ang sayang bumabalot sa akin. "Kasi alam kong galit ka pa sa akin nang araw na iyon at baka mas lalo ka lang ma-stress at makasama sa baby. Masakit para sa akin na tumalikod at sundin ang gusto mo pero wala akong magagawa dahil galit ka at nasaktan. Alam kong hindi ka pa handang tanggapin ang paliwanag ko at para patawarin ako," paliwanag niya sa akin. "I'm sorry, Honey hinayaan kong masaktan ka sa pamamagitan ko." Nakailang ulit na ba siyang sinabi iyon? Tumingala ako para tingnan siya. "Can you please stop saying sorry? I forgiven you and that's enough. Tapos na ang bagay na iyon at dapat na nating kalimutan at simulan ang bagong buhay
Zandy's POV(Bago ang birthday ni Miles)"IBA rin talaga ang epekto sa 'yo ni Miles, ah. The last time I knew, you're not like this. Ni hindi ka mahilig magbigay ng regalo sa ibang tao bukod kay...I mean, it's not usual for me to see you being like this with other girl," manghang sambit ni Ton sa akin habang papalapit kami sa isang jewelry shop sa loob ng mall kung saan kami nandoon para bumili ng regalo sa darating na birthday ni Miles. "Ako nga never nakatanggap ng regalo from you," maktol pa nito.Natawa ako at napailing. "Ano'ng hindi? I remember when were in high school I bought you a backpack," pagpapaala ko sa kaniya.Kumunot ang noo ni Ton habang nakatingin sa akin. "Backpack? Are you kidding me, Zandy? As far as I know you bought that backpack dahil Christmas party iyon and you need to present me a gift." Napasinghap si Ton at saglit na kumiling ang ulo.Natawa ako. "Christmas party ba 'yon? I thought I gave you the gift because it was your birthday," pagdadahilan ko pa para
PUMIKIT ako ng mariin at pilit kong kinakalma ang sarili para sa batang nasa sinapupunan ko. Muli kong tiningnan si Zandy na bakas ang pagkadismaya at sakit sa mukha ko habang nag-aalala at nababahala ang emosyong nakarehistro sa mukha niya. Suminghap ako. Pinahid ko ang luha sa mga mata ko, saka umiling bago tuluyang tumalikod at humakbang palayo kahit mabigat ang mga paa ko para ihakbang ang mga iyon. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko dahil sa matinding sakit dahil sa pagguho ng pag-asa kong magkakaayos pa kami. Huli na pala ako. Habang magkalayo kami, nagkaroon na pala ng pagkakataong magkabalikan si Zandy at Beverly. Sobrang sakit dahil kung kailan handa na akong ayusin ang lahat, wala na pala akong pag-asa dahil huli na ang lahat para sa aming dalawa. "Honey! Stop, I'll explain," narinig kong sigaw ni Zandy. Hindi ko na alintana ang mga customers na nandoon sa loob. Pinilit kong hindi lumingon kahit gusto ng puso kong harapin siya. 'Yong pagtawag niya sa akin ng 'Ho
HALOS hindi ako nakatulog nang nagdaang gabi dahil sa kakaisip ko kay Zandy dahil sa mga sinabi ng taong nasa paligid ko na isa lang din ang gusto nilang sabihin sa akin, na bigyan ko ng pagkakaton si Zandy na maging ama at asawa sa bata at sa akin. Gayon din ang pagkakataon na baka tuluyang mawala si Zandy sa akin kung hahayaan ko siyang lumayo. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa gilid ng kama. Lumapit ako sa side table na naroon at kinuha ang isang envelope. Binuksan ko iyon at nakita ko ang pangalan ng sMILES Restaurant na itinayo ni Zandy sa tulong ni Ton. Invitation iyon para sa opening niyon at ipinidala ni Ton sa akin ang invitation. Gaganapin ang opening sa isang araw at hanggang ngayon, pinag-iisipan ko kung dapat ba akong pumunta roon o hindi. Napangiti ako nang mabasa ko ang pangalan ng restaurant na si Zandy mismo ang nag-isip at hindi niya naisipang palitan pa iyon. Bumuntong-hininga ako. Binalingan ko ang umuumbok kong tiyan. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Hinim