"HUH! IPAKAKASAL ka nila Tita at Tito sa anak ng kaibigan ni Tito? OMG! Seriously, Miles?" bayolenteng reaction ni Andrea nang sabihin ko sa kaniya ang naging usapan namin ng mga magulang ko nang nagdaang gabi na hindi nagpatulog sa akin. Sino nga ba namang makakatulog kung malalaman mong ikakasal ka na pala ng hindi mo nalalaman?
Nasa labas kami ng kompanya habang kumakain ng lunch. Halos hindi ko magalaw ang pagkaing nasa harap ko.
Malungkot akong tumango para ikompirma ang sinabi ko. "Nahihibang na sila para gawin iyon, Andrea. Just because of that damn f*cking curse na iyon na panahon pa ni kupongkupong pinaniniwalaan. Hello! Nasa year 2022 na tayo at wala sa 90's. Hindi na uso ang sumpa," pagra-rant ko sa kaniya.
Seryoso akong tiningnan ni Andrea at kapagkuwa'y natawa rin. Tinaasan ko siya ng kilay. "I'm sorry, Miles. Natatawa pa rin ako every time na naririnig ko ang sumpang iyan. Mukhang naiwan ng nakaraan ang pamilya mo for believing in that old ritual. Pero kung sa bagay, may point din sila sa ibang parte." Sumeryoso na siya. "You're going thirty, few months from now. May edad na rin ang mga magulang mo kaya siguro pinipilit ka na nilang magpakasal. Kahit ako nga, eh I'm just going twenty-nine pero pinipilit na rin ako ng mga magulang ko na magpakasal para raw makita nila ang magiging apo nila sa akin dahil may edad na raw sila," pagkwekwento niya, saka sumubo ng pagkain.
"Naiintindihan ko sila sa parteng iyon, Andrea pero sa ngayon I'm not ready to settle down. I'm on the process of fixing myself para ihanda sa lalaking darating sa buhay ko. Isang beses lang ikakasal ang babae at gusto kong gawin iyon sa lalaking mahal ko. And besides, married isn't just a matter of ceremony, it's a ritual of love, giving your whole self, whole life, to the man you choose to be with all your life." Halos hindi ko magalaw ang pagkain ko dahil sa pressure at stress na nararamdaman ko.
"You're right, Miles pero the question is kaya mo bang suwayin ang mga magulang mo?"
Hindi agad ako nakasagot. Kaya ko nga bang hindi sila pagbigyan sa kahilingan nila para sa akin? Naiintindihan ko ang gusto nila pero ang hirap niyon para sa akin.
—
NAGULAT NA LANG ako nang makauwi ako mula sa trabaho, nang makita ko ang isang 'di pamilyar na kotse sa harap ng bahay. Kulay itim iyon at nagkikinang pa. Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Kaninong kotse naman iyon at bakit nasa tapat iyon ng bahay? May bisita pa sila mama sa ganitong oras?
Nagtataka man, ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at nagpatuloy na sa paglalakad papasok sa bahay. Hindi ganoon kalakihan ang bahay na mayroon kami pero masasabing pinagastusan din iyon ng malaki dahil sa magandang disenyo niyon. Kulay white ang kulay niyon. Dati kasing Seaman si papa kaya nagawa rin naming makapagpundar ng ganitong tirahan.
Pumasok ako sa bahay habang kinukuha ang cellphone ko sa shoulder bag na dala ko.
"Anak, come here."
Napahinto ako at nag-angat ng tingin kay mama. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang dalawang taong 'di pamilyar sa akin. Ngayon ko lang sila nakita. Kung pagbabasehan ang mga hitsura nila, hindi nalalayo sa edad ni mama at papa ang mga ito. Mukhang mag-asawa rin sila. Ngumiti ang mga ito sa akin habang pinagmamasdan ako.
"So, ikaw na pala ang anak nitong si Wesley at Emma, hija," marahang sambit ng babaeng iyon na marahil ay nasa edad singkwenta na ngunit hindi iyon mahahalata dahil sa taglay nitong ganda lalo na siguro no'ng kabataan nito.
Hindi ako agad nakasagot at naka-react, nanatiling seryoso ang mukha ko. Sino sila? Nang makabawi ako sa gulat, alangan akong ngumiti sa kanila. Binalingan ko si mama at sinenyasan naman niya akong lumapit at ginawa ko naman.
"Hello po! Magandang gabi," magalang kong bati sa kanila.
"Kumusta, hija? Mas maganda ka pala sa inaaaahan ko. You're not just beautiful but you look so smart ang mature," komento naman ng lalaking katabi ng babaeng iyon.
Simple akong ngumiti. "Thank you po," balik ko.
"Si Andrew ang matagal ng kaibigan ng papa mo at nagkahiwalay lang sila after college dahil sa magkaibang profession nila. At ang magandang babae sa tabi niya ay ang kaniyang asawa na si Mandy," pakilala naman ni mama sa dalawang iyon.
Para akong nabingi nang maalala ko kung sino si Andrew. Kumabog ng malakas ang dibdib ko ng tuluyan kong mapagtanto kung sino sila. Hindi naman halatang nagmamadali silang ikasal ako para imbitahin agad nila sa bahay ang mga magulang ng lalaking ipakakasal nila sa akin.
"I'm so happy to see you, Miles, tama? You're so beautiful like your mother kaya nakakapagtaka nang sabihin sa akin ni Emma na wala ka pa raw nobyo," sambit ng babaeng Mandy ang pangalan.
Pilit akong ngumiti. "Wala pa po kasi akong balak mag-asawa," sambit ko para bigyan sila ng ideya sa pwedeng maging sagot ko sa kanila.
Nagkatinginan silang apat sa naging sagot ko. "You're going thirty this year, tama? I heard some quotes somewhere that the right age to get married is twenty-five. After you graduates, got your worked, stable income. It's time for yourself naman, hija," ani naman ng lalaking Andrew ang pangalan.
Ngumiti ako kahit alam kong hindi iyon umabot sa mga tainga ko. "For me po, the right time to get married is when you're ready, when you're heart ready to give it all to the man you choose. Kapag handa ka ng isuko ang sarili mo for a lifetime commitment," sagot ko.
Tahimik lang si mama at papa pero alam kong tinitingnan na nila ako. Alanganin pa silang ngumingiti sa mag-asawa dahil sa mga sinasabi ko.
"Well, you're right hija. Pero sa totoo lang, kami ni Andrew hindi namin mahal ang isa't isa nang ikasal kami. We are a product of arrange marriage because of our family businesses. Sino bang mag-aakalang magwo-work iyon at mauuwi sa tunay na pag-ibig? Alam mo, hija getting married in your thirties will give you some stress. Mahihirapan kang i-handle ang sarili mo to get pregnant," aniya pa ng Mandy ang pangalan.
"Mandy's right, anak," pagsang-ayon ni mama. "Tingnan mo ang iyong Tita Mandy at Tito Andrew, hindi nila mahal ang isa't isa nang ikasal sila pero look how strong the bond between them."
"I'm sorry, hija kung napi-pressure ka sa kasunduan ng pamilya natin," sambit ni Andrew. "May oras ka para mag-isip, hija. I know how stressful it is for you. Ramdam ko iyan noon pero kung ayaw mo talagang makasal sa anak namin, walang problema. May kalayaan ka pa ring pumili," dagdag pa niya.
"Tama si Andrew, hija pero subukan mo ring kilalanin ang anak namin na si Zandy. He will going back here in Manila and by tomorrow siguro nandito na iyon. Ipapakilala namin sa iyo ang aming anak at saka ka magdesisyon," segunda naman ng asawa ni Andrew.
Hindi ko inasahan ang sasabihing iyon ng mag-asawa. Akala ko'y pipilitin pa nila akong magpakasal sa kanilang anak pero mukhang may concern sila sa nararamdaman ko dahil dinanas din nila ang ganito. Buo na ang desisyon ko ngayon pa lang na ayaw kong magpakasal sa anak nila. Pero hindi ko maiwasang hindi ma-curious sa hitsura ng lalaking iyon. Gwapo ba ito o pangit? Dugyot o mabango?
—
"HOY! PANGIT! Gising na! gising!"
Mabilis akong bumangon sa higaan ko nang marinig ko ang malakas pagsalita ng alarm clock ko. Nakasimangot akong napakamot sa ulo ko. Gusto ko pang matulog. Napuyat na naman kasi ako sa kakaisip tungkol sa kasal na iyon na inihahanda ng mga magulang ko para sa akin. At ang nakakatuwa pa nito ipinakilala na agad ako sa magulang ng kung sino mang lalaking iyon.
Muli akong humiga sa kama at nagpagulong-gulong roon habang ginugulo ko ang buhok ko. Naiinis ako! Bakit ba excited silang ikasal ako? Ni hindi nga pumasok sa isip kong magpakasal kahit pa ma-thirty na ako. Hindi ba nila kayang hintayin na ako mismo ang magsabi ng magpapakasal na ako?
"Haist!" inis kong reaction. Umupo ako sa kama. Kung makikita ko lang siguro ang mukha ko baka mukha na akong mangkukulam sa hitsura ko.
Mayamaya nagpasiya na rin akong bumaba sa kama. Lumabas ako ng silid ko at nagtungo sa kusina. Wala roon sina mama at papa pero may breakfast nang nakahain sa hapag. Saan naman kaya nagpunta ang mga iyon?
Tiningnan ko lang ang pagkaing iyon at hindi pinansin. Nagpasiya na lang akong maligo dahil pakiramdam ko'y kailangan ko iyon para kahit pa paano'y mabawasan ang stress ko at ng kumalma naman ang pakiramdam ko.
Matapos kong maligo, nagbihis na agad ako dahil ilang minuto na lang at male-late na ako sa trabaho. Mabilis kong kinuha ang gamit kong laptop at ang shoulder bag na dala ko. Nagmadali na akong lumabas ng bahay ngunit napahinto ako nang pagbukas ko ng pinto may kotseng nakaparada sa tapat ng gate ng bahay. Kumunot ang noo ko. Kanino naman kaya iyon? Ngayon ko lang nakita ang sasakyang iyon, hindi naman iyon kay Andrea.
Kahit nagtataka, nagpatuloy ako sa paglalakad. Binuksan ko ang gate at huminto sa tapat ng sasakyang iyon. Pigil ang hininga ko nang dahan-dahang bumukas ang pinto niyon sa driver's seat. Unang lumabas ang mga paa ng isang lalaki. Naka-white snicker ito at nakasuot ng isang khaki trouser. Hanggang sa tuluyang lumabas ang katawan niyon.
Hindi ko man aminin pero napatulala ako sa lalaking nasa harap ko ngayon. Artista ba 'to? Dahil kung hindi baka alukin ko siyang maging isang artista dahil sa hitsura niya. Napatingala pa ako sa kaniya dahil sa mas mataas siya ng 'di hamak sa akin. Ang tangos ng ilong niya, ang hahaba ng pilik mata at ang ganda ng kaniyang mga ngipin na mapuputi at pantay-pantay. Naamoy ko rin ang mabangong perfume na gamit niya na ang lakas makalalaki ng amoy.
"Hey! Titingin ka na lang ba riyan?"
Doon ako napakurap at nabalik sa huwisyo. Napalunok ako ng laway at umiwas agad ng tingin sa kaniya. Seryoso lang siya na nakatingin sa akin habang nakapamulsa. Sino ba ang lalaking ito kilala niya ba ako?
"S-sino ka ba? Bakit ka narito? Do I know you, Sir?" tanong ko sa kaniya na hindi makatingin ng diretso sa mukha niya.
"Even me, I don't know who you are. Hindi ko nga alam kung bakit nandito ako," mahina niyang sambit.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Sinubukan ko uling tumingin sa mukha niya. Damn! Nakakasilaw ang kaguwapuhan niya. Masusi kong pinagmamasdan ang bawat bahagi ng mukha niya at dahan-dahang kumunot ang noo ko dahil utay-utay nagiging pamilyar sa akin ang mukha ng lalaking nasa harap ko. "T-teka! N-nagkita na ba tayo?" nagtataka kong tanong.
Tiningnan din ako ng lalaking iyon na walang emosyon ang mukha. "I don't know. Basta ang alam ko hindi kita kilala," masungit na balik niya.
"Tama! I-ikaw nga! Teka! Ano'ng ginagawa mo rito, huh? Ang lakas naman ng loob mong pumunta sa bahay ko pagkatapos mong agawin ang boyfriend ko!" Kita ko ang pagguhit ng gulat sa mukha niya. "Ano'ng gusto mong sabihin sa akin? Na masaya ka na kasama ang boyfriend ko habang ako ito nagmo-move on pa rin? Kapal din talaga ng mukha mo, eh, 'no? Talagang nagpakita ka pa sa harap ko," galit kong sambit, sunod-sunod na parang walang preno habang dinuduro pa siya.
Napakunot ang noo ng lalaking nasa harap ko habang seryosong nakatingin sa akin. Kapagkuwa'y, ngumisi siya. "Tama. So, ikaw nga ang babaeng pinagpalit sa kapwa niya lalaki. Well, hindi ko naman kasalanan iyon dahil baka dahil nagkulang ka sa bagay na kaya kong ibigay sa kaniya," makahulugang sambit niya.
"Aba't—ang kapal din talaga ng mukha mo para ipamukha sa akin na nagkulang ako at ibinigay mo iyon sa kaniya? Ikaw na! Bakla ka!Umalis ka sa harap ko bago pa umakyat ng tuluyan ang dugo sa ulo ko at hindi kita matantiya. Ikaw na itong nang-agaw ikaw pa 'tong matapang! How dare you!" inis kong balik sa pasigaw na paraan.
Napakamot sa noo ang lalaking nasa harap ko dahil sa mga sinabi ko at mukhang hindi siya apektado sa mga narinig mula sa akin.
"Do you still love him? Kawawa ka naman pala dahil habang masaya na ang lalaking iyon sa iba, nandito ka still bitter in your past," aniya na lalong nag painit sa ulo ko.
"Abat—sumusobra ka na talaga, ah! Huwag mong sabihing porket bakla ka hindi kita papatulan." Wala na akong pakialam kung gumagawa ako ng eksena sa harap ng bahay namin. Naiinis at nagagalit lang talaga ako sa lalaking ito—este bakla na nasa harap ko.
"Don't call me bakla or I will kiss you!"
"Bak—"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang palad niyang hinawakan ang batok ko at marahang kinabig iyon. Napalunok ako ng laway ng makita ko ang malapit niyang mukha sa akin. Parang nanghihina ang binti ko habang sobrang lapit ng mukha niya sa akin. "Affected, huh!" Nakita ko ang pagngisi niya at binitawan ako.
"A-affected! Ang kapal mo!" bulyaw ko pa.
"Wala ng kwenta ang galit mong iyan, kaya please don't be immature. Don't make a scene here. By the way, I'm not here to fight with you. Hindi ko rin alam kung bakit nandito ako I was just do what my mom told me to do here, to pick you up para ihatid ka sa trabaho mo. Miles Virgilio, right?" biglang marahan niyang sambit.
Natigilan ako sa mga sinabi niya. Tinitigan ko muli ang hitsura niya. Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko ang sinabi ng babaeng nagngangalang Mandy na nasa bahay nang nagdaang gabi. Hindi kaya, no! "I-ikaw?" hindi makapaniwala tanong ko at itinuro pa siya. Siya ba ang sinasabi nilang Zandy, ang anak ng mag-asawang iyon? Marahas akong umiling-iling. "No! Hindi maaari ito! Hindi pwedeng ikaw ang lalaking ipakakasal nila sa akin. No!" sigaw ko na parang nababaliw na.
Napasinghap ang lalaki sa harap ko at napakamot pa sa noo niya habang tila naiinis na sa akin. "Can you stop doing that? Baliw ka ba? Sa tingin mo gusto ko rin 'to? Pareho lang tayong naiipit sa sitwasyong ito," aniya.
Sumeryoso ako at kinalma ang sarili ko. Hindi ko kayang tanggapin kung siya man ang lalaking ipakakasal sa akin. Siya na nga ang sumira ng relasyon namin ni Roven at higit sa lahat bakla siya kaya paano ako papayag na magpakasal sa kaniya. "Hindi ako baliw, ok? Pero ngayon, mas gugustuhin ko ng mabaliw kaysa ang makasal sa katulad mo." Bumuntong-hininga ako. "You're gay, anyway kaya huwag ka ng pumayag na magpakasal sa akin. Mandidiri ka lang," pagdi-discourage ko sa kaniya.
Pero kung siya ang pakakasalan ko, ano'ng nangyari sa kanila ni Zandy? Naghiwalay din ba sila? Pero wala na akong pakialam doon.
Napailing siya. "Paano kung pumayag ako? Do you think gay won't get married?" tanong niya.
Lumaylay ang panga ko sa sinabi niya. "What?" gulat kong tanong. "Nahihibang ka na ba?" saad ko. Saglit akong pumikit. "I can't take it anymore. Umuwi ka na lang sa inyo at sabihin mo sa mommy at daddy mo na hindi ka magpapakasal sa akin dahil bakla ka, ok?" Mabilis akong tumalikod sa kaniya at bumalik sa loob para sumakay sa sasakyan ko. Hindi iyon mamahaling kotse dahil second hand ko lang iyon na nabili.
"What If I agree to marry you?"
Napahinto ako nang akmang hahawak na ako sa gate para buksan iyon. Pumikit ako saglit bago tuluyang binuksan iyon at hindi na siya pinansin. Pumasok ako sa loob at agad na sumakay sa sasakyan ko. Ayaw kong ilapit ang sarili ko sa lalaking iyon. Ayaw kong makasal sa kaniya dahil siya lang naman ang sumira ng relasyon ko.
Pero paano nga kung hindi siya tumutol sa kasal na iyon? Paano kung pumayag siya? No! Hindi iyon maaaring mangyari. Kakausapin ko siya at kung kailangan kong magmakaawa, gagawin ko para lang hindi siya magpakasal sa akin.
"WHAT? SERIOUSLY, Miles?" gulat na gulat at hindi makapaniwalang reaction ni Andrea nang ikwento ko sa kaniya ang nangyari bago ako makarating sa opisina."Shh! Huwag kang maingay," agad kong saway sa kaniya at lumingon pa sa mga katrabaho namin na abala sa kani-kanilang trabaho. Katatapos ko lang kasi magpasa ng articles na in-edit ko at hihintayin ko na lang iyon kung ibabalik sa akin para i-revise pero sana naman ay hindi.Nandoon pa rin sa mukha ni Andrea ang pagkamangha sa narinig mula sa akin. "I just cant believe it will happen, Miles. Ang lalaking ipinagpalit sa iyo ng ex-boyfriend mo ay ang lalaking ipakakasal sa 'yo? Whoa! Parang teleserye lang. That's how destiny play, Miles there's a lot of twist," natatawang komento niya."Destiny ka riyan!" Umikot pa ang mga mata ko. "Hindi destiny iyon, kamalasan ang tawag doon," inis ko pang dagdag."Pero ano, kumusta ba ang hitsura ng lalaking—este ng baklang iyon?" usisa ni Andrea, sa pabulong na p
TAMA BA ang mga binitawang salita ng mga bibig ko? Nawindang ako nang mabalik sa normal ang pag-iisip ko at maalala ang lahat ng sinabi ko habang papunta kami sa hospital. Kasalukuyan nasa emergency room pa si papa at ini-examine ng mga doctor.Naihilamos ko ang mga palad ko sa sarili kong mukha. Hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa nangyari kay papa. Kung hindi ko lang sana siya sinagot ng ganoon, baka hindi humantong sa ganito ang lahat. Puno ng kaba at takot ang puso ko ngayon dahil sa pwedeng mangyari kay papa at patuloy kong sisisihin ang sarili ko kung may mangyayaring masama sa kaniya.Naramdaman ko si mama sa tabi ko. Marahan niyang tinapik ang balikat ko at niyakap ako. "Anak, hindi mo kasalanan ang nangyari sa papa mo. Don't blame yourself," mahinahon pa ring ani mama.Hinarap ko siya. "I can't help but to blame myself. Kasalanan ko 'to, 'Ma kung pumayag lang sana ako sa gusto ni papa, eh, 'di sa
HANGGANG ngayon hindi pa rin makapaniwala si Andrea na ang Zandy na sinasabi kong bakla ay isang gwapong lalaki. Marahil iba ang inaasahan niyang katangian ng lalaking iyon. Nagduda rin si Andrea kung bakla ba talaga si Zandy o hindi dahil sa napaka-manly niyang tindig at boses na kahit ako'y hindi maniniwala kung hindi ko kilala kung sino si Zandy. "Seryoso ka na ba talaga na pakasalan ako?" Bahagya akong nagulat nang magsalita si Zandy sa gilid ko nang makalabas ako ng silid kung saan nandoon ang pamilya ko at ang pamilya niya na nag-uusap pa rin tungkol sa kasal naming dalawa. Ni hindi na nila nagawang hintaying makalabas si papa sa hospital para pag-usapan iyon. Talaga ngang excited sila para sa aming dalawa kabaliktaran ng nararamdaman ko. Saglit akong pumikit. Inipit ko sa likod ng tainga ko ang buhok na humaharang sa mukha ko, saka hinarap siya. Nakahalukipkip siya habang nakasandal sa wall malapit sa pintua
HINDI pa rin ako makapaniwala na ilang araw na lang ikakasal na ako kay Zandy, ang lalaki—este baklang iyon na umagaw sa boyfriend ko. Parang kahapon lang ang tahimik pa ng buhay ko at sa isang iglap nagulo sa pagdating ni Zandy sa buhay ko. Panaginip ba ito? Ni sa hinagap ko hindi ko naisip na ikakasal ako sa taong umagaw sa boyfriend ko. Grabi! Ganito ba maglaro ang tadhana? Ito na ba ang sinasabi ni Andrea na laro ng lintik na tadhana na 'yan? Pwes! Kung ganoon, makikipaglaro ako. Nasimulan ko na rin naman kaya tatapusin ko na lang ang larong gusto ng tadhana. "Wow! You look so gorgeous, hija," puri sa akin ni tita Mandy nang isukat ko ang gown na pinagawa niya sa isang kilalang bridal botique sa Manila. Kung ako nga lang ang masusunod, ok na sa akin na ikasal na lang kami sa mayor. Less gastos at isa pa hindi naman ito kasal ng dalawang taong totoong nagmamahalan. It's just a marriage in a paper. Pilit akong ngumiti. Bumaling ako kay
PUNO ng lungkot at panghihinayang ang mukha ko nang balingan ko ang wedding gown na napili ni tita Mandy para sa akin na nakapatong sa kama ko. Kalalabas lang ng baklang pinapunta ni tita Mandy para ayusan ako. Hindi ko alam pero parang hindi ko kayang suotin ang gown na nasa harap ko. Kung pwede nga lang umatras ako sa kasal, gagawin ko pero naiiisip ko ang kalagayan ni papa. Sigurado akong magagalit siya kapag ginawa ko iyon. Dahan-dahan akong lumapit sa kama at umupo sa gilid niyon. Marahan kong hinawakan ang magandang kasuotang iyon na pangarap ng bawat babae na masuot habang naglalakad sa aisle papunta sa lalaking mahal nila. Pero ako, paano ko maa-appreciate at mae-enjoy ang kasal na ito kung hindi ko naman mahal ang lalaking pakakasalan ko? "Miles!" narinig kong tawag ni Andrea sa akin. Kumatok pa siya bago binuksan ang pinto ng silid ko at lumapit sa akin. "Ano ka ba, Miles? Titingnan mo na lang ba ang wedding gown na iyan? Ano,
LUMAPIT sa akin si papa at mama para sabay nila akong ihatid sa naghihintay na groom na nasa unahan at nag-aabang sa pagdating ko. Walang expression ang gwapong mukha ni Zandy, ni hindi ko alam kung masaya ba siya o isinusumpa rin niya ang araw na ito. Dapat ko na lang sigurong isipin na ang groom na naghihintay sa akin, ay ang taong mahal ko at hindi si Zandy na umagaw sa boyfriend ko. "I'm happy for you, 'nak. Finally, nandito na tayo sa pangarap kong eksena sa buhay ko. To lead you to your groom," pabulong na sabi ni papa pero sapat para marinig ko. "Sobrang masaya kami ng papa mo, 'nak dahil finally mapuputol na ang sumpa sa iyo at magkakaroon ka na ng pamilya," segunda naman ni mama na muntik nang magpasamid sa akin. Gusto ko ring maging masaya para sa kanila pero hindi ko alam kung paano. Hanggang ngayon ba sumpa pa rin ang iniisip ni mama? Hindi ko alam ang iisipin ko sa kanila sa tuwi
MABILIS akong napalingon sa nagsalita, maging si Zandy at ang lahat ng nandoon sa simbahan. Lahat ng atensyon ay nasa babaeng kararating lang at tumututol daw sa kasal. Sino ba siya? Ni hindi ko kilala ang babaeng iyon. Nagkaroon ako ng konting pag-asa na hindi matutuloy ang kasal."Sino ka, Miss at bakit tutol ka sa kasal ng dalawang ito?" tanong ng pari.Hindi agad nakaimik ang babae at napalinga sa paligid at bumagsak ang mga mata sa amin ni Zandy. Kita ko ang gulat at pagkadismaya sa mukha ng babae at ang pagkapahiya niya."Pa-p-pasensiya na, ho kayo m-mali po ata ako ng simabahang napasukan," sabi ng babae na nakagat pa ang pang-ibabang labi. Nawala ang pag-asa kong hindi matuloy ang kasal. Sayang! May tutol na sana sa kasal namin pero false alarm pala. "I-ituloy niyo na po ang kasal. S-sorry po uli. Pasensiya na po," paulit-ulit na ani ng babae, saka tumalikod at mabilis na lumabas ng simbahan.
DAHAN-DAHAN kong iminulat ang mga mata ko at agad na tumambad sa akin ang maliwanag na silid na kinaroroonan ko. Bahagya pa akong napangiwi nang maramdaman ang bahagyang kirot ng ulo ko. Napagtanto kong nasa sariling silid ako. Inalala ko pa ang huling nangyari pero agad kong nasapo ang aking uko dahil sa pagkirot niyon."Don't move, just be still."Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at nakita ko si Zandy na nakaupo sa upuang malapit sa kama kung saan ako nakahiga habang hawak na niya ang cellphone at abala sa pagtitig doon."B-bakit ka nandito?" nagtataka kong tanong."Don't you remember? I'm already your husband," seryoso sabi ni Zandy. Ibinaba niya ang cellphone na hawak at nag-angat sa akin ng tingin, wala emosyon ang mukha. "Asawa mo na ako, Miles simula kanina nang ikasal tayo kaya huwag ka ng magtaka kung bakit ako nandito," dagdag pa niya.Laglag ang pangan