PUNO ng lungkot at panghihinayang ang mukha ko nang balingan ko ang wedding gown na napili ni tita Mandy para sa akin na nakapatong sa kama ko. Kalalabas lang ng baklang pinapunta ni tita Mandy para ayusan ako. Hindi ko alam pero parang hindi ko kayang suotin ang gown na nasa harap ko. Kung pwede nga lang umatras ako sa kasal, gagawin ko pero naiiisip ko ang kalagayan ni papa. Sigurado akong magagalit siya kapag ginawa ko iyon.
Dahan-dahan akong lumapit sa kama at umupo sa gilid niyon. Marahan kong hinawakan ang magandang kasuotang iyon na pangarap ng bawat babae na masuot habang naglalakad sa aisle papunta sa lalaking mahal nila. Pero ako, paano ko maa-appreciate at mae-enjoy ang kasal na ito kung hindi ko naman mahal ang lalaking pakakasalan ko?
"Miles!" narinig kong tawag ni Andrea sa akin. Kumatok pa siya bago binuksan ang pinto ng silid ko at lumapit sa akin. "Ano ka ba, Miles? Titingnan mo na lang ba ang wedding gown na iyan? Ano, nagising ka na at naisip mong umatras sa kasal?" tanong ni Andrea.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko, Andrea. Nagdadalawang-isip pa rin ako kung tama ba ang naging desisyon ko pero everytime na naiisip ko ang kalagayan ni papa at ang saya nila na makasal ako, parang tama ito sa mga mata nila at ito ang dapat kong gawin," malungkot kong sambit.
Napabuntong-hininga si Andrea bago lumapit sa akin at umupo sa tabi ko. "I'm so sad for you, Miles dahil alam kong hindi mo gusto ito pero dahil iniisip mo ang kalagayan ng papa mo kaya napipilitan ka. Pero hindi naman ibig sabihin nito na wala ka ng gagawin, 'di ba? You can do something after the wedding para makalaya ka kay Zandy. May naisip akong plano for him, Miles," aniya na sa huling mga sinabi'y tila excited sa naisip niya.
Kumunot ang noo ko at seryoso siyang tiningnan. "Ano'ng plano na naman ang nasa isip mo, Andrea?" usisa ko.
Kinindatan ako ni Andrea, saka tinaasan ng kilay ng ilang beses habang nakangiti. Lalo lang kumunot ang noo ko. "I'll tell it to you after your wedding. Pero for now, you need to prepare yourself for the wedding, ok? Hindi ka pwedeng ma-late sa kasal mo. Go! Hindi ka na rin pwedeng umatras dahil nakaayos na ang lahat para sa kasal ni'yo. Malaking kahihiyan ito sa pamilya mo at pamilya ni Zandy," pamimilit sa akin ni Andrea.
Sumimangot ako at saglit na yumuko. Wala naman akong magagawa kung 'di magpakasal sa Zandy na iyon sa ayaw ko man o sa gusto. Ito na ang pinili ko, nakapagdesisyon na ako na hindi nila pinilit at dapat ko iyong panindigan. "Ok, fine! Magpapakasal na ako sa Zandy na iyon," inis ko sabi at padabog na tumayo. Kinuha ko ang wedding gown at humarap sa salamin, saka ko ibinalot sa katawan ko ang gown na iyon na parang nagpabigat sa katawan ko.
"Wow! You look so beautiful, Miles. I can't believe it's you. You're so stunning," ani Andrea na gulat na gulat sa nakitang reflection ko sa malaking salamin.
Kahit ako'y hindi makapaniwala sa nakikita ko sa harap ng salamin. Gusto kong tanungin ang sarili ko kung ako pa ba ito. Hindi ko na rin kasi matandaan kung kailan ako huling nagsuot ng gown at nag-ayos ng katulad nito. The light make up and the wedding gown compliments each other. Napakahusay ng make up artist na pinadala ni tita Mandy.
Sinipat ko pa ang kabuuan ko sa harap ng salamin. Ngingiti na sana ako pero hindi natuloy dahil sa katotohanang ikakasal ako kay Zandy ang lalaking umagaw sa boyfriend ko. Hindia ko inasahang lalaruin ako ng tadhana ng ganito.
"Yes, maganda ako sa paningin ng maraming tao pero hindi nito maitatago ang tunay na nararamdaman ko, Andrea. Hindi ko kayang magpanggap sa iba na mahal ko si Zandy at masaya ako sa kasal na ito," malungkot kong pagtatapat.
Lumapit sa akin si Andrea at tinapik ako sa balikat. "Mahalaga pa ba iyon, Miles? Sa tingin ko naman hindi mo na kailangang magpanggap na mahal mo si Zandy. It is an arrange marriage after all kaya wala silang aasahang pagmamahal sa inyong dalawa," paliwanag niya.
Bumuntong-hininga ako at ngumiti sa harap ng salamin. Tumango na lang ako at hinarap si Andrea, saka niyakap siya. Ito na ang huling sandali na magiging dalaga ako dahil ilang oras na lang, ikakasal na ako sa lalaking hindi ko mahal.
—
HABANG lulan ako ng puting kotse, hindi ako mapakali. Grabi ang tibok ng puso ko na marahil dahil sa kaba. Paano ko haharapin ang mga bisita sa simbahan? Si Zandy? Ang pari? Hindi ko alam ang ire-react ko sa kanilang lahat dahil parang ang hirap ngumiti at ipakitang masaya ako sa kasal na ito.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko ng huminto ang sasakyan sa tapat ng isang 'di kalakihang simbahan na halatang naitayo maraming taon na ang nakakaraan dahil sa vintage color niyon. Pinaglaruan ko ang sariling kong mga daliri.
Ito na talaga! Ikakasal na ako at wala na akong magagawa kung 'di ang magpatali sa kasal na iyon sa isang lalaking hindi ko dapat pakasalan. Mas lalong akong kinabahan at hindi ko alam ang gagawin ko ng bumukas ang pinto ng sasakyan. Inalalayan ako ng driver na bumaba. Sumalubong sa akin sila mama at papa, gayon din si Andrea na napakaganda sa kulay brown dress niya at sa simpleng make up. Siya kasi ang kinuha kong bridesmaid.
"Finally, 'nak your here," mahina pero puno ng sayang sambit ni mama, na animo'y nakahinga ng maluwag dahil nandoon na ako.
Pilit akong ngumiti pero agad din akong yumuko. Hindi na ako nagsalita pa at gayon din si papa at Andrea. May ilan pang bisita sa labas at pilit akong ngumingiti kapag nagtatama ang mga paningin namin.
Mayamaya pa'y nag-umpisa na ang seremonya. Pakiramdam ko'y nanghihina ako at mawawalan ng malay. Sana nga'y mahimatay na lang ako para 'di matuloy ang kasal na ito. Nasa loob na ang lahat at hinihintay ko na lang na bumukas ang pinto ng simbahan para sa grand entrance ng bride.
Parang halos mawalan ng lakas ang tuhod ko at naramdaman ko ang panginginig niyon nang bumakas ang pinto ng simbahan at sumalubong sa akin ang tempo na iyon na bentang-benta sa kasalanan. Kumbaga, wedding anthem na iyon. Nakita ko rin ang ilang bisita roon na nakaupo at ngayo'y nasa akin na ang atensyon. Kahit pa paano'y nabawasan ang kaba ko dahil hindi sila nag-imbita ng maraming bisita. Pero gusto ko pa ring tumakbo palayo at magtago na lang.
Pumikit ako ng saglit, saka nagsimulang ihakbang ang mga paa ko papasok ng simbahan. Habang palapit nang palapit, mas lalo akong kinakabahan. Ramdam kong namamawis ang noo ko at ang itaas ng labi dahil sa tensyong nararamdaman ko lalo na nang magpalakpakan ang marami.
Hello po. Sana po suportahan niyo ang Her Unexpected Marriage. Salamat po sa pagsubaybay sa Into the Dark, at sana ito rin po. Sigurado po akong kikiligin kayo rito. Entry ko rin po ito sa MBL contest. Salamat po♥️
Miles' POV HANGGANG ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na finally, totoo, legit, tunay, confirmed nang mag-asawa na kami ni Zandy. Mayroon na kaming marriage contract na magpapatunay ng aming kasal at pag-aari namin ang isa't isa. Walang mapagsidlan ang sayang nararamdaman ko hanggang ngayon at ang sarap ng pakiramdam ko na bumabalot sa buo kong sistema. Maraming bagay ang dapat kong ipagpasalamat. Sa kabila ng mga nangyari, narating namin ang puntong ito na magkasama pa rin kami na nagmamahalan at walang handlang. Nasaktan man namin ang isa't isa, nagkamali man kami, ang mahalaga 'yong naging katapusan ng lahat nang iyon. Marami rin akong natutunan sa mga nangyari. Naintindihan ko kung gaano kahalaga ang tiwala at pakikinig sa mga dahilan at huwag unahin ang galit at bugso ng damdamin. Ang tiwala at pagmamahal ang matibay na pundasyon ng isang relasyon na ngayon ay naintindihan ko na iyon. "I love you, Honey!" ani Zandy matapos niyang bumagsak sa tabi ko. Humihingal pa siya da
Zandy's POVHINDI ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko habang nakangiti at pinagmamasdan ang papalapit na si Miles. Nakasuot siya ng kulay puting wedding dress at belo na talaga namang lalong nagpaganda sa kaniya. She's the most beautiful girl I've ever have. Halata na rin ang tiyan niya dahil sa pagbubuntis niya. Sa bawat paghakbang niya, sinasabayan iyon ng himig na palaging naririnig sa mga kasalanan. Mas nagiging romantik iyon para sa amin habang bakas ang saya sa mga saksi roon.Ito na ang araw at oras na pinakahihintay naming dalawa, ang kasal na hindi plinano ng iba, kasal na hindi pinagkasunduan ng mga magulang namin, kung 'di kasal na ginusto namin at pinagdisisyunan dahil mahal namin ang isa't isa. A wedding we dream to happen and I can't wait to say 'I do' and be his lawful husband.Agad na ngumiti si Tita Emma at Tito Wesley sa akin nang marating nila ang kinaroroonan ko para ihabilin nila ang kanilang anak sa akin. Kita ko ang naluluhang mga mata ni Tita Emma."For
"BAKIT hindi mo sinabi sa akin na alam mong buntis ako?" tanong ko kay Zandy habang nakayakap ako at nakaunan sa braso niya. Dahil sa pananabik at pagmamahal namin sa isa't isa, inangkin namin ang gabing iyon matapos nang successful na opening ng restaurant ni Zandy. Masaya ako dahil sa wakas natupad na niya iyon nang kasama ako. Walang mapagsidlan ang sayang bumabalot sa akin. "Kasi alam kong galit ka pa sa akin nang araw na iyon at baka mas lalo ka lang ma-stress at makasama sa baby. Masakit para sa akin na tumalikod at sundin ang gusto mo pero wala akong magagawa dahil galit ka at nasaktan. Alam kong hindi ka pa handang tanggapin ang paliwanag ko at para patawarin ako," paliwanag niya sa akin. "I'm sorry, Honey hinayaan kong masaktan ka sa pamamagitan ko." Nakailang ulit na ba siyang sinabi iyon? Tumingala ako para tingnan siya. "Can you please stop saying sorry? I forgiven you and that's enough. Tapos na ang bagay na iyon at dapat na nating kalimutan at simulan ang bagong buhay
Zandy's POV(Bago ang birthday ni Miles)"IBA rin talaga ang epekto sa 'yo ni Miles, ah. The last time I knew, you're not like this. Ni hindi ka mahilig magbigay ng regalo sa ibang tao bukod kay...I mean, it's not usual for me to see you being like this with other girl," manghang sambit ni Ton sa akin habang papalapit kami sa isang jewelry shop sa loob ng mall kung saan kami nandoon para bumili ng regalo sa darating na birthday ni Miles. "Ako nga never nakatanggap ng regalo from you," maktol pa nito.Natawa ako at napailing. "Ano'ng hindi? I remember when were in high school I bought you a backpack," pagpapaala ko sa kaniya.Kumunot ang noo ni Ton habang nakatingin sa akin. "Backpack? Are you kidding me, Zandy? As far as I know you bought that backpack dahil Christmas party iyon and you need to present me a gift." Napasinghap si Ton at saglit na kumiling ang ulo.Natawa ako. "Christmas party ba 'yon? I thought I gave you the gift because it was your birthday," pagdadahilan ko pa para
PUMIKIT ako ng mariin at pilit kong kinakalma ang sarili para sa batang nasa sinapupunan ko. Muli kong tiningnan si Zandy na bakas ang pagkadismaya at sakit sa mukha ko habang nag-aalala at nababahala ang emosyong nakarehistro sa mukha niya. Suminghap ako. Pinahid ko ang luha sa mga mata ko, saka umiling bago tuluyang tumalikod at humakbang palayo kahit mabigat ang mga paa ko para ihakbang ang mga iyon. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko dahil sa matinding sakit dahil sa pagguho ng pag-asa kong magkakaayos pa kami. Huli na pala ako. Habang magkalayo kami, nagkaroon na pala ng pagkakataong magkabalikan si Zandy at Beverly. Sobrang sakit dahil kung kailan handa na akong ayusin ang lahat, wala na pala akong pag-asa dahil huli na ang lahat para sa aming dalawa. "Honey! Stop, I'll explain," narinig kong sigaw ni Zandy. Hindi ko na alintana ang mga customers na nandoon sa loob. Pinilit kong hindi lumingon kahit gusto ng puso kong harapin siya. 'Yong pagtawag niya sa akin ng 'Ho
HALOS hindi ako nakatulog nang nagdaang gabi dahil sa kakaisip ko kay Zandy dahil sa mga sinabi ng taong nasa paligid ko na isa lang din ang gusto nilang sabihin sa akin, na bigyan ko ng pagkakaton si Zandy na maging ama at asawa sa bata at sa akin. Gayon din ang pagkakataon na baka tuluyang mawala si Zandy sa akin kung hahayaan ko siyang lumayo. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa gilid ng kama. Lumapit ako sa side table na naroon at kinuha ang isang envelope. Binuksan ko iyon at nakita ko ang pangalan ng sMILES Restaurant na itinayo ni Zandy sa tulong ni Ton. Invitation iyon para sa opening niyon at ipinidala ni Ton sa akin ang invitation. Gaganapin ang opening sa isang araw at hanggang ngayon, pinag-iisipan ko kung dapat ba akong pumunta roon o hindi. Napangiti ako nang mabasa ko ang pangalan ng restaurant na si Zandy mismo ang nag-isip at hindi niya naisipang palitan pa iyon. Bumuntong-hininga ako. Binalingan ko ang umuumbok kong tiyan. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Hinim
HABANG mas tumatagal na magkahiwalay kami ni Zandy, mas lalo akong nahihirapang kalabanin ang sarili ko para puntahan siya at ayusin ang lahat sa amin. Naghihintay ako sa kaniya at nagbabakasakaling darating siya para sabihing mahal niya ako. Nami-miss ko na siya at alam kong kailangan ko siya sa tabi pero may kung ano'ng pumipigil sa akin para puntahan si Zandy. Marahil iyon ay ang pride at konting galit ko sa kaniya dahil sa nangyari. Bumaling ako sa tiyan ko na umuumbok na dahil sa pagbubuntis ko. Bahagya na ngang halata iyon kung titingnan. Ngumiti ako at marahang hinimas ang tiyan ko. Palagi kong kinakausap ang bata sa tiyan ko at hinihimas iyon dahil pakiramdam ko'y malapit sa akin si Zandy dahil pinapaalala sa akin ng bata ang ama niya. Bumuntong-hininga ako. Nagpasiya akong bumaba ng kama ko at lumabas ng silid dahil pakiramdam ko'y mababaliw na ako roon. Dumeretso ako sa sala. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin ako pinapayagan ng pamilya ko at pamilya ni Zandy na bumalik sa
"KUMUSTA ka na, hija?" puno ng pag-aalalang tanong ni Tita Mandy sa akin. Kanina pa silang nandito sa bahay para dalawin ako at kamustahin. Abala naman sa pag-uusap si Papa at Tito Andrew sa sala habang nagluluto si Mama sa kusina. Pilit akong ngumiti habang nakaupo sa kama ko. Kinuha ni Tita Mandy ang kamay ko at marahan iyong pinisil. "I mean, kumusta na ang puso mo?" Simple siyang ngumiti. Hindi agad ako nakaimik. Seryoso lang akong nakatingin kay Tita Mandy. Kumusta nga ba ang puso ko? Sa sarili ko'y alam kong hindi ok. Ngumiti ako. "Magsisinungalin po ako, 'Mama kung sasabihin kong ok ang puso ko...kasi ang totoo po...h-hindi ako ok. I'm trying to be ok kasi alam kong may bata sa sinapupunan ko pero everytime na naiisip kong magkakaanak ako, naiisip ko rin si Zandy." Saglit akong huminto sa pagsasalita. "It's been a week since we last talked at nami-miss ko na siya. Sa maikling panahon na naghiwalay kami para sa space na hinihingi ko, marami akong na-realize. Alam ko, 'Ma na kai
ILANG araw na akong nasa loob lang ng bahay dahil hindi pa rin ako pinapayagan ng pamilya ko at pamilya ni Zandy na bumalik sa publication. Kailangan ko raw muna magpahinga ng mabuti para sa bata bago ako bumalik sa trabaho. Iyon din naman ang payo ng doctor sa akin kaya wala akong ibang choice kung 'di ang sundin sila para na rin sa kaligtasan ko at ng bata. Araw-araw dumadalaw si Tita Mandy at Tito Andrew sa bahay para kamustahin ang kalagayan ko. Palagi rin silang may dalang mga pagkain at iba pang pangangailangan ko. Nakikita ko ang labis na galak at excitement nila para sa magiging apo nila. Bumuntong-hininga ako habang nakatayo at nakahalukipkip sa tapat ng bintana ng silid ko at pinagmamasdan ang maaliwas na paligid. Pahapon na rin kaya makikita ang paglubog ng araw mula roon. Ilang araw ko nang hindi nakikita si Zandy at aminin ko man o hindi, labis akong nananabik sa kaniya. Pakiramdam ko, isang buwan na kaming malayo sa isa't isa. Gusto ko siyang yakapin at halikan pero al