LUMAPIT sa akin si papa at mama para sabay nila akong ihatid sa naghihintay na groom na nasa unahan at nag-aabang sa pagdating ko. Walang expression ang gwapong mukha ni Zandy, ni hindi ko alam kung masaya ba siya o isinusumpa rin niya ang araw na ito.
Dapat ko na lang sigurong isipin na ang groom na naghihintay sa akin, ay ang taong mahal ko at hindi si Zandy na umagaw sa boyfriend ko.
"I'm happy for you, 'nak. Finally, nandito na tayo sa pangarap kong eksena sa buhay ko. To lead you to your groom," pabulong na sabi ni papa pero sapat para marinig ko.
"Sobrang masaya kami ng papa mo, 'nak dahil finally mapuputol na ang sumpa sa iyo at magkakaroon ka na ng pamilya," segunda naman ni mama na muntik nang magpasamid sa akin. Gusto ko ring maging masaya para sa kanila pero hindi ko alam kung paano.
Hanggang ngayon ba sumpa pa rin ang iniisip ni mama? Hindi ko alam ang iisipin ko sa kanila sa tuwing binabanggit nila ang sumpang iyon na isa sa naging dahilan kung bakit napilitan akong gawin ang bagay na ito. Naiinis ako at sa totoo lang may sama ako ng loob sa kanila pero dahil kay papa kaya pilit kong tinatanggap ang nangyayari.
Binalingan ko silang dalawa na nasa magkabilang gilid ko at pilit na ngumiti kahit masama talaga ang loob ko sa kanila dahil sa pagpipilit nila sa akin sa ayaw ko. Pero wala naman na akong magagawa dahil nandito na ako at naglalakad papunta sa lalaking akala mo'y tunay, pero ang totoo'y peke pati ang kasariang pinakikita niya sa marami.
"I'm sorry, 'nak kung nandito ka sa kalagayang hindi mo gusto. Pero alam kong maiintindihan mo rin ito pagdating ng panahon," ani papa.
Hindi na lang ako umimik at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi ko na marinig ang tugtog dahil sa kabang nararamdaman ko. Napakaingay ng tibok ng puso ko. Nakakaramdam din ako ng hilo sa hindi ko malamang dahilan.
Mayamaya pa'y huminto kami sa paglalakad nang makarating kami sa tapat ni Zandy na tahimik lang na naghihintay sa unahan at sa tabi niya'y nandoon si tita Mandy at tito Wesley na nakangiti sa amin. Bakas ang saya at tuwa sa kanilang mga labi. Kahit pa paano'y gumanti naman ako sa kanilang ng ngiting pilit.
"I'll give you an authority for my daughter, Zandy. Inihahabilin ko sa iyo si Miles para alagaan at mahalin mo. Alam kong ikaw ang tamang lalaki para sa anak ko. Darating ang puntong masasabi niyo sa isa't isa ang mga salitang 'Mahal kita'," ani papa kay Zandy na animo'y sigurado siya sa mga sinabi.
Gusto kong tumutol pero mas pinili kong manahimik. Hindi iyon mangyayari, hindi ko magugustuhan si Zandy at alam kong ganoon din naman siya sa akin.
"Susubukan ko po, tito," prenteng sagot ni Zandy.
Kahit masama ang loob ko at hindi ko gustong magpakasal sa kaniya, hindi nakaligtas sa akin ang taglay na kaguwapuhan ni Zandy na lalong lumabas sa suot niyang white tuxedo at sa simpleng ayos ng buhok niya. Napaka-elegante niyang tingnan at napakabango pa ng gamit niyang perfume. Napaka-manly niyon sa pang-amoy.
"Hijo, Zandy, alagaan mo ang aming unica hija, huh? Mahal na mahal namin si Miles at gusto naming maging masaya siya kasama mo at maramdaman niya mahal siya at appreciated," ani naman ni mama, saka bumaling sa mga magulang ni Zandy at ngumiti.
"Hija, alam naming hindi perpekto si Zandy bilang lalaki pero alam namin ni Wesley na hindi ka sasaktan ng anak namin. Yeah, I admit, minsan pasaway at salbahi iyan pero alam kong alam niya ang prinsipyo ng isang lalaki. Hindi ka niya sasaktan," sambit naman ni tita Mandy. Hinawakan pa niya ako sa kamay. Ngumiti lang ako at hindi na umimik.
Sana'y nga'y alam ni Zandy ang prinsipyo niya bilang lalak.
"I'm sorry," mahina namang sabi ni tito Wesley at tumango sa amin.
"Here's my daughter hand, Zandy hold this and don't let her go," paalala ni papa at ibinigay sa kaniya ang kamay ko. "She's worth more than a diamond, Zandy."
Kumunot ang noo ko nang hindi agad iyon kunin ni Zandy at tiningnan lang. Pero hindi nagtagal, kinuha niya rin iyon. Hindi ko alam pero may kung ano'ng kiliti ang naramdaman ko at bahagya ko pang inatras ang palad mo sa kamay niya pero naramdaman kong bahagya niyang hinigpitan ang pagkakahawak doon.
Nag-angat sa akin nang tingin si Zandy. Wala akong mabasang expression sa mukha niya. Hindi ko alam pero kita ko ang lungkot sa gilid ng mga mata niya. Pakiramdam ko'y pareho kami ng nararamdaman.
Iginiya ako ni Zandy patungo sa harap ng pari. Ramdam ko ang panginginig ng palad ko habang hawak niya. Hindi rin ako mapakali at panay ang lunok ng laway ko dahil sa kabang hindi ko maipaliwanag. Parang may sili ang puwet ko dahil hindi ako mapakali. Gusto ko nang tumayo at tumakbo palayo.
Naramdaman ko ang paglapit ng mukha niya sa tainga ko. "Don't be nervous, it is just a marriage in a paper and for me it is just a fake marriage," bulong niya.
Nanuot sa tainga ko ang napaka-manly niyang boses na nagpataas ng mga buhok sa batok ko at sa hatid na init niyon na parang dumaloy sa buo kong katawan.
"Today, we gathered here to witness the wedding of Mr. Zandy Saavedra and Miss Miles Virgilio. All of us are witness for this sacred rituals at saksi rin tayo sa kanilang pagmamahalan na pag-iisahan ng Dios sa araw na ito," simula ng pari. Nagpalakpakan naman ang naroon sa loob at ang ilan ay sumigaw pa, narinig ko pa ang boses ni Andrea sa mga iyon. "Before we start the ceremony, may tutol ba sa kasalang ito? May hindi ba pabor sa dalawang nasa unahan?" tanong pa ng pari.
Huminto ako sa paghinga at humiling na sana bigla na lang may lumitaw na tao sa kung saan at magsasabing tutol siya sa kasal. Grabi na ang panginginig ng mga kamay at tuhod ko dahil sa kaba.
"Kung wala—"
"Tumututol ako! Itigil ang kasal!"
MABILIS akong napalingon sa nagsalita, maging si Zandy at ang lahat ng nandoon sa simbahan. Lahat ng atensyon ay nasa babaeng kararating lang at tumututol daw sa kasal. Sino ba siya? Ni hindi ko kilala ang babaeng iyon. Nagkaroon ako ng konting pag-asa na hindi matutuloy ang kasal."Sino ka, Miss at bakit tutol ka sa kasal ng dalawang ito?" tanong ng pari.Hindi agad nakaimik ang babae at napalinga sa paligid at bumagsak ang mga mata sa amin ni Zandy. Kita ko ang gulat at pagkadismaya sa mukha ng babae at ang pagkapahiya niya."Pa-p-pasensiya na, ho kayo m-mali po ata ako ng simabahang napasukan," sabi ng babae na nakagat pa ang pang-ibabang labi. Nawala ang pag-asa kong hindi matuloy ang kasal. Sayang! May tutol na sana sa kasal namin pero false alarm pala. "I-ituloy niyo na po ang kasal. S-sorry po uli. Pasensiya na po," paulit-ulit na ani ng babae, saka tumalikod at mabilis na lumabas ng simbahan.
DAHAN-DAHAN kong iminulat ang mga mata ko at agad na tumambad sa akin ang maliwanag na silid na kinaroroonan ko. Bahagya pa akong napangiwi nang maramdaman ang bahagyang kirot ng ulo ko. Napagtanto kong nasa sariling silid ako. Inalala ko pa ang huling nangyari pero agad kong nasapo ang aking uko dahil sa pagkirot niyon."Don't move, just be still."Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at nakita ko si Zandy na nakaupo sa upuang malapit sa kama kung saan ako nakahiga habang hawak na niya ang cellphone at abala sa pagtitig doon."B-bakit ka nandito?" nagtataka kong tanong."Don't you remember? I'm already your husband," seryoso sabi ni Zandy. Ibinaba niya ang cellphone na hawak at nag-angat sa akin ng tingin, wala emosyon ang mukha. "Asawa mo na ako, Miles simula kanina nang ikasal tayo kaya huwag ka ng magtaka kung bakit ako nandito," dagdag pa niya.Laglag ang pangan
MATAPOS ang kasal na iyon o tama ko sigurong sabihing kasal-kasalan, nagbago na ang lahat. Ang tahimik kong mundo, nagulo. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ang bigat ng bawat galaw ng katawan ko. Pakiramdam ko nawawalan ako ng gana sa lahat ng bagay dahil sa frustration ko sa nangyayari at sa hindi mawala sa isip ko ang pwedeng mangyari sa amin ni Zandy. Iniisip ko pa lang na magsasama kami sa iisang bubong, nababaliw na ako.Nagkaroon lang ng konting salo-salo ang ilan sa mga bisita nila Mama at ng pamilya Saavedra na hindi ko nadaluhan dahil nga nawalan ako ng malay dahil sa pagod at puyat na pinagpasalamat ko na rin dahil hindi ko na kailangang humarap sa mga tao at magpanggap.Napabuntong-hininga ako matapos kong magbihis. Natapos na ang leave ko at simula na muli ng trabaho pero sa totoo lang wala akong ganang magtrabaho. Gusto ko sana munang magliwaliw at kahit pa paano mapanatag ang utak ko at mawala ang lahat lahat ng nasa isip ko na
"NAKAKAINIS talaga! Bakla!" mahina kong sabi na bakas ang inis doon habang mabilis akong naglalakad papasok sa hallway patungo sa opisina ng department na kinabibilangan ko. Patingin-tingin pa ako sa wristwatch ko dahil ilang minuto na lang at male-late na ako. Kung hindi talaga dahil sa baklang Zandy na iyon, kanina pa akong nasa opisina at hindi ko kailangang magmadali para habulin ang oras.Huminto ako sa tapat ng glass door ng opisina. Huminga muna ako ng malalim, saka inayos ang sarili ko. Hinawakan ko ang hawakan niyo at madiing tinulak papasok hanggang magbukas iyon. Naramdaman ko agad ang malamig na hanging kumawala mula sa aircon ng silid. Ipinasok ko ang sarili ko sa pinto."Congrats!"Napapitlag ako sa gulat ng bigla na lang naghiyawan ang mga tao sa silid, kasabay ang mahinang pagsabog ng hawak ni Chad, ang isa sa mga katrabaho ko. May pa-confetti pa silang nalalaman at pa-banner na may nakalagay na 'Best Wis
HINDI PA rin maalis sa isip ko ang planong sinabi ni Andrea sa akin para kay Zandy. Nakukuha ko ang ibig niyang sabihin pero hindi ko alam kung sinong lalaki ang ipakikilala ko kay Zandy. Kagabi pa lang, iniisip ko na kung sino ang pwedeng ipakilala ko rito. Wala naman akong kilalang pwedeng pumatol sa lalaki."Hindi mo ba natanong si Zandy kung ano'ng nangyari sa kanila ni Roven?" kapagkuwa'y tanong ni Andrea sa akin habang kumakain kami sa labas ng opisina. Katatapos lang ng article na ginagawa ko at oras na rin ng lunch.Pasalamat naman ako dahil paggising ko sa umaga, wala roon si Zandy para kulitin at asarin ako. Mag-asawa nga kami pero dahil sa set up namin, nararamdaman kong single pa rin ako at mas gusto ko iyong ganito.Kumunot ang noo ko at seryosong nag-angat ng tingin kay Andrea. Bakit nga ba hindi ko natanong si Zandy tungkol sa kanila ni Roven? Napaisip din ako. "Hindi," diretso kong sabi. "Hindi ko rin gus
KINAUMAGAHAN, mas maaga akong nagising sa usual na gising ko sa hindi ko malamang dahilan. Baka marahil dahil sa gusto na ng katawan kong bumangon para mas maagang makapag-prepare sa pagpasok sa trabaho.Humarap ako sa salamin. Napasimangot ako nang makita ko ang hitsura ko roon. Gulo-gulo ang buhok ko na parang sinabunutan. Kinuha ko ang suklay sa tapat ng salamin at sinimulang suklayin ang gulo-gulo kong buhok. Napapangiwi pa ako dahil sa bahagyang sakit niyon sa anit dahil sa nahihila ko iyon.Matapos kong mag-ayos ng sarili ko, lumabas na ako ng silid na naka-pajama pa habang nakapusod ang buhok ko sa mismong tuktok ng ulo ko. Nang makalabas ako, ganoon na lang ang gulat ko nang nadatnan ko si Zandy na nandoon habang kausap si Mama at Papa."Ano'ng ginagawa mo rito ng ganito kaaga?" seryosong tanong ko na pinipilit iyong maging malamig."Maupo ka muna rito, 'nak," alok naman sa akin ni Papa.
"SERIOUSLY, Miles magsasama na kayo sa iisang bahay ni Zandy na iniregalo ng pamilya niya?" gulat na tanong ni Miles sa akin nang sabihin ko sa kaniya ang sinabi ni papa sa amin bago ako pumasok ng trabaho.Kasalukuyan kaming palabas ng gusali para kumain ng lunch sa labas na naging routine na namin para kahit pa paano makalabas kami sa loob ng silid na iyon na puro trabaho ang nakikita namin.Malungkot at frustrated akong tumango sa kaniya. "I don't know what to do, Andrea ayaw kong makasama ang Zandy na iyon sa iisang bubong. Hindi rin naman kami magkakasundo. I'm ok with this set up, 'yong kasal lang kami sa papel at patuloy na mabubuhay sa sari-sarili naming buhay. Hindi ba't gusto lang naman nilang mawala daw 'yong sumpa sa akin kaya pinilit nila ako magpakasal?" katuwiran ko.Napangiti si Andrea. "May magagawa ka pa ba, Miles? Unang-una, pumayag ka sa kasal na gusto nila at ibig sabihin niyon, pumapayag ka sa gusto
"SEE? Pareho lang tayong naiipit sa sitwasyon so don't act like you're the only victim, Miles. Hindi ko rin gusto ang kasal na ito pero dahil ito ang mas mabuting choice, ito ang pinili ko," paliwanag niya. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Zandy. Ano'ng ibig niyang sabihin na ang pagpapakasal sa akin ang mabuting choice? Umiling ako. "No, Zandy my choice ka pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ka tumangging pakasalan ako," giit ko. Saglit na napapikit si Zandy. "I don't want to argue with you this time," aniya. Naramdaman kong lumiko ang sasakyan pakanan. Pasimpleng umirap ako dahil sa inis kay Zandy. Hindi ko maintindihan ang baklang ito kung bakit hindi ko maunawaan ang takbo ng isip niya. Hindi ko makuha ang punto niya sa mga sinasabi dahil ang alam ko may choice siya na hindi ako pakasalan noon pa man. Humalukipkip ako at hindi na lang umimik dahil nagmumukha lang akong bungangera sa harap niya.