Home / Romance / Her Unexpected Marriage / Kabanata 5: The Unexpected Wedding (Part 2)

Share

Kabanata 5: The Unexpected Wedding (Part 2)

Author: Totoy
last update Last Updated: 2022-03-02 22:07:23

HINDI pa rin ako makapaniwala na ilang araw na lang ikakasal na ako kay Zandy, ang lalaki—este baklang iyon na umagaw sa boyfriend ko. Parang kahapon lang ang tahimik pa ng buhay ko at sa isang iglap nagulo sa pagdating ni Zandy sa buhay ko. Panaginip ba ito? Ni sa hinagap ko hindi ko naisip na ikakasal ako sa taong umagaw sa boyfriend ko. Grabi! Ganito ba maglaro ang tadhana? Ito na ba ang sinasabi ni Andrea na laro ng lintik na tadhana na 'yan? Pwes! Kung ganoon, makikipaglaro ako. Nasimulan ko na rin naman kaya tatapusin ko na lang ang larong gusto ng tadhana.

"Wow! You look so gorgeous, hija," puri sa akin ni tita Mandy nang isukat ko ang gown na pinagawa niya sa isang kilalang bridal botique sa Manila. Kung ako nga lang ang masusunod, ok na sa akin na ikasal na lang kami sa mayor. Less gastos at isa pa hindi naman ito kasal ng dalawang taong totoong nagmamahalan. It's just a marriage in a paper.

Pilit akong ngumiti. Bumaling ako kay Zandy na nasa sofa habang hawak ang magazine na kanina pa niyang tinitingnan. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.

"Salamat po, tita," sabi ko na lang. Binalingan ko ang suot ko, saka tumingin sa malaking salamin na naroon. Kahit ako'y namangha sa sarili ko dahil sa magandang wedding gown na suot ko. Isa iyong A-Line wedding gown style na nagpalabas sa hugis ng katawan ko na masasabi kong hinubog din naman ng maayos. Labas din ang clevage ko na kahit siguro sinong lalaki ay mapapatingin sa akin, maliban lang si Zandy na walang pakialam sa akin.

"What do you think, Zandy?" narinig kong tanong ni tita Mandy sa anak.

Bumaling ako sa kanila. Binitawan ni Zandy ang magazine na hawak niya saka binalingan ako. Halos mahimatay ako sa tingin niya sa akin. Animo'y isa akong makasalanan sa paraan ng pagtingin niya. Hindi ko rin maiwasang tingnan ang gwapo niyang mukha na kung marupok na babae ako, baka sumigaw na ako sa kilig. Kung hindi ko lang sana siya kilala baka buong puso akong magpakasal sa kaniya.

"It's too revealing for her," sabi lang niya na walang emosyon ang mukha, ni wala man lang pagnanasa sa maganda kong katawan. Tiningnan uli niya ako mula ulo hanggang paa saka muling hinarap ang magazine habang naka-de kwatro.

Tumaas ang kilay ko at tumikwas ang nguso dahil sa sinabi ni Zandy. Seryoso ba siya sa sinabi niya? Iyon lang ang sasabihin niya sa suot ko at sa hitsura ko. 

"Why? You don't want her to reveal her body? Ikaw na lang kaya ang pumili ng gown for Miles, since ikaw naman ang pakakasalan," ani tita Mandy.

"No. Just pick any wedding gown but not that one." Hindi man lang siya humarap kay tita Mandy.

"No. I like this one. Isa pa, hindi na issue sa panahon ngayon kung revealing ang suot o hindi. Ano gusto mo, balutin ko ang katawan ko at mag-jacket ako at pantalon?" dahilan ko. At bakit ba pati ang suot ko ay pakikialman niya? Sino ba siya? Hindi naman talaga namin mahal ang isa't isa kaya wala siyang pakialam sa gusto kong suotin. Gusto ko pa sana isatinig iyon pero dahil nandoon si tita Mandy, hindi ko na lang sinalita.

"Fine. Wear what you want," ani Zandy na hindi man lang nag-angat ng tingin.

Napaismid na lang ako at nakasimangot na humarap sa salamin. Bakit ba ayaw niya sa wedding gown na ito, eh, ang ganda-ganda nga. Saka, bagay na bagay sa akin. Baka insecure lang siya sa ganda ko at ng katawan ko. Napangiti na lang ako sa naisip ko.

ABALA ANG lahat sa bahay habang naghahanda para sa kasal na gaganapin kinaumagahan sa simbahan. Wala naman akong ambag sa pagpaplano nila, lahat sila ang nagplano mula sa kaliit-liitang bagay niyon hanggang sa mismong kasal namin. Ni hindi ko nga alam kung sino-sino ang dadalo sa kasal na iyon.

Lahat sila bakas ang saya at excitement sa mga mukha, habang tahimik lang ako sa silid at nag-iisip sa mga mangyayari pa pagkatapos ng kasal na ito. Hindi ko kayang isipin na makakasama ko si Zandy sa iisang bubong habang iniisip ko kung sino siya at kung ano'ng ginawa niya sa akin. Kaya ko kayang makisama sa kaniya?

Gusto ko magising sa panaginip sa mga oras na ito. Sana nananaginip lang lahat ng ito at pagmulat ng mga mata ko balik na ulit sa normal ang lahat. Papasok sa trabaho at uuwi ng walang kahit ano'ng iniisip bukod sa trabaho ko. Dahil nga sa kasal ko, napahaba ang leave ko sa trabaho.

"Anak."

Napalingon ako sa gawing pinto nang kumatok doon si mama. Mayamaya pa'y bumukas iyon at iniluha niyon si mama kasama si papa na kahit pa paano'y bumabalik na ang lakas ng katawan. Kahit pa paano'y napapasaya ko sila sa ginagawa ko at hindi na kailangang ma-stress ni papa para sa akin dahil sa sumpang iyon.

"May kailangan po ba kayo?" tanong ko sa kanila. Lumapit pa sila sa akin at ngumiti na may bahid ng lungkot.

"Nandito kami, 'nak para kumustahin ka. I know you're not happy right now, nakikita ko iyon sa mga mata mo. I just wanna say sorry again sa pagpipilit kong magpakasal ka kay Zandy. Alam kong labag sa kalooban mo ang gagawin mo pero gusto kong malaman mo na we're doing this for your own good. Alam kong sa huli maiintindihan mo rin ang lahat," simula ni papa. Nakikita ko sa mga mata niya ang konsensiya sa ginawa nila sa akin.

"Tama ang papa mo, Miles para sa iyo ang lahat ng ito. Alam naming mahirap para sa iyo, pero sa huli maiintindihan mo rin ito," segunda naman ni mama.

"And besides, kilala namin si Zandy, 'nak hindi naman namin ikaw ibibigay sa lalaking hindi namin kilala. Alam naming nasa tamang kamay ka with Zandy. He's kind and gentleman," sambit ni papa na muntik akong masamid.

Gusto kong tumawa dahil sa sinabi ni papa pero pinigilan ko. Kung alam lang nila ang ginawa ni Zandy sa akin, baka bawiin nila ang mga sinabi nila rito. Pero palagi ko namang pinipili na huwag sabihin sa kanila ang nangyari sa amin ni Zandy dahil baka mapahamak na naman si papa.

"Tama po kayo, I feel bad for this. Naiinis ako at nagagalit kasi pakiramdam ko inalisan niyo ako ng karapatang pumili ng lalaking mamahalin ko." Saglit akong yumuko at seryoso silang tiningnan. "Pero dahil sa inyo, kaya pinili kong magpakasal. Pwede naman siguro umatras kapag hindi nag-work, 'di po ba?" sambit ko pa.

"Napag-usapan na namin ni Mandy at Andrew ang tungkol diyan, Miles. Kung hindi talaga kayo magkakasundo pagkatapos ng isang taon at hilingin ninyong palayain ang isa't isa, papayag kami," sagot ni mama.

"Hindi rin namin ipipilit kung hindi naman kayo magkasundo. Hindi namin gustong makulong kayo sa relasyong magulo pero gusto naming subukan para na rin maputol ang sumpa ng iyong Lola," ani naman ni papa.

Napayuko ako. Gusto kong sarkastikong tumawa sa sinabi nila. Parang ang lumalabas, trial lang pala ang lahat at titingnan ang kalalabasan niyon. Ganoon na ba sila kadesperado dahil lang sa sumpang iyon na hindi naman totoo?

Kung gayon man ang gusto nila, I'll do everything para si Zandy na mismo ang humingi ng annulment. Kahit pa bigyan ko siya ng sampung lalaki para lang makipag-annul siya sa akin gagawin ko.

"Sige na, 'nak, magpahinga ka na at bukas na ang kasal mo. You need enough rest for tomorrow. Dapat ikaw ang pinakamagandang babae sa araw na iyon," nakangiting sabi ni mama. "Dapat mong e-enjoy iyon, 'nak."

Ngumiti na lang ako kahit hindi iyon umabot sa tainga ko. Paano kong ma-e-enjoy iyon kung hindi ko naman ginusto ang kasal na iyon? Ako bang nagpumilit niyon?

Tumango na lang ako at hindi na umimik pa sa kanila. Pinagmasdan ko na lang ang paglabas nila ng silid ko. Naiwan akong tulala at mayamaya'y ginulo ko ang sarili kong buhok dahil sa inis. Iniisip ko pa lang ang pwedeng mangyari, nababaliw na ako pero alam kong wala na akong magagawa. Kailangan ko na lang bumuo ng plano kung paano ko mapipilit si Zandy na makipag-annul. Sila rin naman ang nagsabi na kapag hindi nag-work, lumapit kami at sabihin sa kanila.

Iyon ang plano ko, ang hindi mag-work ang pagsasama namin ni Zandy at makita nilang hindi kami masaya sa isa't isa para sila na mismo ang makakita ng katotohanang hindi kami dapat ikinasal at nagkamali sila sa desisyon nila. Ipakikita kong hindi ako masaya sa kaniya at walang patutunguhan ang kasal na iyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
pag magulang daw Ang pumili ibig sabihin nakakabuti sa anak kaya Miles maniwala ka sa desisyon ng magulang mo Malay mo mag work ka pagsasama ninyo ni Zandy
goodnovel comment avatar
Morianne Joy Tayamora
"It's too revealing for her" Spell territorial Zandy...That's you by da way... Ur good in hiding emotions and controlling ur temper.While Mile's emotion was raging...
goodnovel comment avatar
Dhilyn Agbayani
Kung gagawin mo yan Miles, be ready, baka mauna kang mahulog. At di mo na nanaisin makipaghiwalay.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Her Unexpected Marriage   Very Special Chapter

    Miles' POV HANGGANG ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na finally, totoo, legit, tunay, confirmed nang mag-asawa na kami ni Zandy. Mayroon na kaming marriage contract na magpapatunay ng aming kasal at pag-aari namin ang isa't isa. Walang mapagsidlan ang sayang nararamdaman ko hanggang ngayon at ang sarap ng pakiramdam ko na bumabalot sa buo kong sistema. Maraming bagay ang dapat kong ipagpasalamat. Sa kabila ng mga nangyari, narating namin ang puntong ito na magkasama pa rin kami na nagmamahalan at walang handlang. Nasaktan man namin ang isa't isa, nagkamali man kami, ang mahalaga 'yong naging katapusan ng lahat nang iyon. Marami rin akong natutunan sa mga nangyari. Naintindihan ko kung gaano kahalaga ang tiwala at pakikinig sa mga dahilan at huwag unahin ang galit at bugso ng damdamin. Ang tiwala at pagmamahal ang matibay na pundasyon ng isang relasyon na ngayon ay naintindihan ko na iyon. "I love you, Honey!" ani Zandy matapos niyang bumagsak sa tabi ko. Humihingal pa siya da

  • Her Unexpected Marriage   Epilogue

    Zandy's POVHINDI ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko habang nakangiti at pinagmamasdan ang papalapit na si Miles. Nakasuot siya ng kulay puting wedding dress at belo na talaga namang lalong nagpaganda sa kaniya. She's the most beautiful girl I've ever have. Halata na rin ang tiyan niya dahil sa pagbubuntis niya. Sa bawat paghakbang niya, sinasabayan iyon ng himig na palaging naririnig sa mga kasalanan. Mas nagiging romantik iyon para sa amin habang bakas ang saya sa mga saksi roon.Ito na ang araw at oras na pinakahihintay naming dalawa, ang kasal na hindi plinano ng iba, kasal na hindi pinagkasunduan ng mga magulang namin, kung 'di kasal na ginusto namin at pinagdisisyunan dahil mahal namin ang isa't isa. A wedding we dream to happen and I can't wait to say 'I do' and be his lawful husband.Agad na ngumiti si Tita Emma at Tito Wesley sa akin nang marating nila ang kinaroroonan ko para ihabilin nila ang kanilang anak sa akin. Kita ko ang naluluhang mga mata ni Tita Emma."For

  • Her Unexpected Marriage   Kabanata 86: The Unexpected Finale

    "BAKIT hindi mo sinabi sa akin na alam mong buntis ako?" tanong ko kay Zandy habang nakayakap ako at nakaunan sa braso niya. Dahil sa pananabik at pagmamahal namin sa isa't isa, inangkin namin ang gabing iyon matapos nang successful na opening ng restaurant ni Zandy. Masaya ako dahil sa wakas natupad na niya iyon nang kasama ako. Walang mapagsidlan ang sayang bumabalot sa akin. "Kasi alam kong galit ka pa sa akin nang araw na iyon at baka mas lalo ka lang ma-stress at makasama sa baby. Masakit para sa akin na tumalikod at sundin ang gusto mo pero wala akong magagawa dahil galit ka at nasaktan. Alam kong hindi ka pa handang tanggapin ang paliwanag ko at para patawarin ako," paliwanag niya sa akin. "I'm sorry, Honey hinayaan kong masaktan ka sa pamamagitan ko." Nakailang ulit na ba siyang sinabi iyon? Tumingala ako para tingnan siya. "Can you please stop saying sorry? I forgiven you and that's enough. Tapos na ang bagay na iyon at dapat na nating kalimutan at simulan ang bagong buhay

  • Her Unexpected Marriage   [Special Chapter 11]

    Zandy's POV(Bago ang birthday ni Miles)"IBA rin talaga ang epekto sa 'yo ni Miles, ah. The last time I knew, you're not like this. Ni hindi ka mahilig magbigay ng regalo sa ibang tao bukod kay...I mean, it's not usual for me to see you being like this with other girl," manghang sambit ni Ton sa akin habang papalapit kami sa isang jewelry shop sa loob ng mall kung saan kami nandoon para bumili ng regalo sa darating na birthday ni Miles. "Ako nga never nakatanggap ng regalo from you," maktol pa nito.Natawa ako at napailing. "Ano'ng hindi? I remember when were in high school I bought you a backpack," pagpapaala ko sa kaniya.Kumunot ang noo ni Ton habang nakatingin sa akin. "Backpack? Are you kidding me, Zandy? As far as I know you bought that backpack dahil Christmas party iyon and you need to present me a gift." Napasinghap si Ton at saglit na kumiling ang ulo.Natawa ako. "Christmas party ba 'yon? I thought I gave you the gift because it was your birthday," pagdadahilan ko pa para

  • Her Unexpected Marriage   Kabanata 85: The Unexpected Opening (Part 2)

    PUMIKIT ako ng mariin at pilit kong kinakalma ang sarili para sa batang nasa sinapupunan ko. Muli kong tiningnan si Zandy na bakas ang pagkadismaya at sakit sa mukha ko habang nag-aalala at nababahala ang emosyong nakarehistro sa mukha niya. Suminghap ako. Pinahid ko ang luha sa mga mata ko, saka umiling bago tuluyang tumalikod at humakbang palayo kahit mabigat ang mga paa ko para ihakbang ang mga iyon. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko dahil sa matinding sakit dahil sa pagguho ng pag-asa kong magkakaayos pa kami. Huli na pala ako. Habang magkalayo kami, nagkaroon na pala ng pagkakataong magkabalikan si Zandy at Beverly. Sobrang sakit dahil kung kailan handa na akong ayusin ang lahat, wala na pala akong pag-asa dahil huli na ang lahat para sa aming dalawa. "Honey! Stop, I'll explain," narinig kong sigaw ni Zandy. Hindi ko na alintana ang mga customers na nandoon sa loob. Pinilit kong hindi lumingon kahit gusto ng puso kong harapin siya. 'Yong pagtawag niya sa akin ng 'Ho

  • Her Unexpected Marriage   Kabanata 85: The Unexpected Opening (Part 1)

    HALOS hindi ako nakatulog nang nagdaang gabi dahil sa kakaisip ko kay Zandy dahil sa mga sinabi ng taong nasa paligid ko na isa lang din ang gusto nilang sabihin sa akin, na bigyan ko ng pagkakaton si Zandy na maging ama at asawa sa bata at sa akin. Gayon din ang pagkakataon na baka tuluyang mawala si Zandy sa akin kung hahayaan ko siyang lumayo. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa gilid ng kama. Lumapit ako sa side table na naroon at kinuha ang isang envelope. Binuksan ko iyon at nakita ko ang pangalan ng sMILES Restaurant na itinayo ni Zandy sa tulong ni Ton. Invitation iyon para sa opening niyon at ipinidala ni Ton sa akin ang invitation. Gaganapin ang opening sa isang araw at hanggang ngayon, pinag-iisipan ko kung dapat ba akong pumunta roon o hindi. Napangiti ako nang mabasa ko ang pangalan ng restaurant na si Zandy mismo ang nag-isip at hindi niya naisipang palitan pa iyon. Bumuntong-hininga ako. Binalingan ko ang umuumbok kong tiyan. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Hinim

  • Her Unexpected Marriage   Kabanata 84: The Unexpected Person

    HABANG mas tumatagal na magkahiwalay kami ni Zandy, mas lalo akong nahihirapang kalabanin ang sarili ko para puntahan siya at ayusin ang lahat sa amin. Naghihintay ako sa kaniya at nagbabakasakaling darating siya para sabihing mahal niya ako. Nami-miss ko na siya at alam kong kailangan ko siya sa tabi pero may kung ano'ng pumipigil sa akin para puntahan si Zandy. Marahil iyon ay ang pride at konting galit ko sa kaniya dahil sa nangyari. Bumaling ako sa tiyan ko na umuumbok na dahil sa pagbubuntis ko. Bahagya na ngang halata iyon kung titingnan. Ngumiti ako at marahang hinimas ang tiyan ko. Palagi kong kinakausap ang bata sa tiyan ko at hinihimas iyon dahil pakiramdam ko'y malapit sa akin si Zandy dahil pinapaalala sa akin ng bata ang ama niya. Bumuntong-hininga ako. Nagpasiya akong bumaba ng kama ko at lumabas ng silid dahil pakiramdam ko'y mababaliw na ako roon. Dumeretso ako sa sala. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin ako pinapayagan ng pamilya ko at pamilya ni Zandy na bumalik sa

  • Her Unexpected Marriage   Kabanata 83: The Unexpected Reveal

    "KUMUSTA ka na, hija?" puno ng pag-aalalang tanong ni Tita Mandy sa akin. Kanina pa silang nandito sa bahay para dalawin ako at kamustahin. Abala naman sa pag-uusap si Papa at Tito Andrew sa sala habang nagluluto si Mama sa kusina. Pilit akong ngumiti habang nakaupo sa kama ko. Kinuha ni Tita Mandy ang kamay ko at marahan iyong pinisil. "I mean, kumusta na ang puso mo?" Simple siyang ngumiti. Hindi agad ako nakaimik. Seryoso lang akong nakatingin kay Tita Mandy. Kumusta nga ba ang puso ko? Sa sarili ko'y alam kong hindi ok. Ngumiti ako. "Magsisinungalin po ako, 'Mama kung sasabihin kong ok ang puso ko...kasi ang totoo po...h-hindi ako ok. I'm trying to be ok kasi alam kong may bata sa sinapupunan ko pero everytime na naiisip kong magkakaanak ako, naiisip ko rin si Zandy." Saglit akong huminto sa pagsasalita. "It's been a week since we last talked at nami-miss ko na siya. Sa maikling panahon na naghiwalay kami para sa space na hinihingi ko, marami akong na-realize. Alam ko, 'Ma na kai

  • Her Unexpected Marriage   Kabanata 82: The Unexpected Visitor

    ILANG araw na akong nasa loob lang ng bahay dahil hindi pa rin ako pinapayagan ng pamilya ko at pamilya ni Zandy na bumalik sa publication. Kailangan ko raw muna magpahinga ng mabuti para sa bata bago ako bumalik sa trabaho. Iyon din naman ang payo ng doctor sa akin kaya wala akong ibang choice kung 'di ang sundin sila para na rin sa kaligtasan ko at ng bata. Araw-araw dumadalaw si Tita Mandy at Tito Andrew sa bahay para kamustahin ang kalagayan ko. Palagi rin silang may dalang mga pagkain at iba pang pangangailangan ko. Nakikita ko ang labis na galak at excitement nila para sa magiging apo nila. Bumuntong-hininga ako habang nakatayo at nakahalukipkip sa tapat ng bintana ng silid ko at pinagmamasdan ang maaliwas na paligid. Pahapon na rin kaya makikita ang paglubog ng araw mula roon. Ilang araw ko nang hindi nakikita si Zandy at aminin ko man o hindi, labis akong nananabik sa kaniya. Pakiramdam ko, isang buwan na kaming malayo sa isa't isa. Gusto ko siyang yakapin at halikan pero al

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status