Share

Kabanata 84: The Unexpected Person

HABANG mas tumatagal na magkahiwalay kami ni Zandy, mas lalo akong nahihirapang kalabanin ang sarili ko para puntahan siya at ayusin ang lahat sa amin. Naghihintay ako sa kaniya at nagbabakasakaling darating siya para sabihing mahal niya ako. Nami-miss ko na siya at alam kong kailangan ko siya sa tabi pero may kung ano'ng pumipigil sa akin para puntahan si Zandy. Marahil iyon ay ang pride at konting galit ko sa kaniya dahil sa nangyari.

Bumaling ako sa tiyan ko na umuumbok na dahil sa pagbubuntis ko. Bahagya na ngang halata iyon kung titingnan. Ngumiti ako at marahang hinimas ang tiyan ko. Palagi kong kinakausap ang bata sa tiyan ko at hinihimas iyon dahil pakiramdam ko'y malapit sa akin si Zandy dahil pinapaalala sa akin ng bata ang ama niya.

Bumuntong-hininga ako. Nagpasiya akong bumaba ng kama ko at lumabas ng silid dahil pakiramdam ko'y mababaliw na ako roon. Dumeretso ako sa sala. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin ako pinapayagan ng pamilya ko at pamilya ni Zandy na bumalik sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (8)
goodnovel comment avatar
Dimple
Miles and Zandy.........
goodnovel comment avatar
Mitchelle Ramirez Paraz
tagal mg update
goodnovel comment avatar
Juliano Caracas Jr.
Tama si roven miles naranasan na nia yn sayo kya gawin mo ang advce nia sayo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status