Share

CHAPTER 6

Nagising ako ng may marinig na kalabog. Mabilis naman akong bumangon at nag tungo sa kusina.

Nakahinga ako ng maluwag kase iyong mga katulong lang pala, nandito na pala sila? Akala ko mamayang hapon pa sila babalik.

"Nako pasensya na Madam, nagising po ba namin kayo?" 

"Hindi, okay lang. Anong oras na ba?"

"Malapit na pong mag 10 am." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Ang tagal ko palang nagising! Sigurado akong nakaalis na ang loko-loko na iyon.

Napatalon ako sa gulat ng makabasag ng baso iyong isang katulong namin. Nag huhugas kase siya ng mga plato at saka iyong isa nag lilinis.

"S-Sorry po!" Yumuko siya sakin at parang natataranta pa.

"Okay lang ano ka ba! Linisin mo nalang yan." Saad ko at tumango-tango naman siya.

"Madam may ano po kayo sa n--"

"Sa ano?"

"W-Wala po." 

"Okay. Ikaw mag dahan-dahan ka baka masugatan ka nyan. Ano nga palang ulam ngayon??" Napatawa nalang ako ng pagak dahil sa tanong ko.

Hindi nga pala sila ang taga luto dito. "Sige mag linis lang kayo dyan." Sabi ko at ngumiti.

Nag tungo nalang ako sa mesa at nakita kong may nakahain ng pagkain kaya umupo na ako at kumain. Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ulit ako sa kwarto.

Umupo ako sa gilid ng kama at sumulyap muna sa salamin bago kinuha ang phone ko pero napatingin ulit ako sa sarili ko don sa salamin ng mapansing may maliit na papel ang nakadikit don.

Taka kong kinuha ang papel. "Tonight, 8 pm at the restaurant." Basa ko sa sulat na nakalagay don.

Wala na ba siyang ibang maisip na pag lagyan nitong papel?! Sa noo ko pa talaga! Pumasok pala siya sa kwarto ko tapos di man lang ako ginising para makakain ako ng maaga.

Saka grabe naman! Napaka detailed niyang mag sabi. Restaurant daw? Ang dami-dami ditong restaurant, pano ko malalaman kong saang restaurant ang tinutukoy niya!!

Bakit niya naman kaya ako pinapapunta sa restaurant? Anong gagawin namin? 

"Kakain malamang!" Saad ko sa sarili. 

Pag open ko sa phone ay nakita ko naman ang text ni Xian sakin, mga around 7 am ang text na ito.

From Xian: Good morning 

Bumuntong hininga ako at mariin na pinikit ang mga mata bago ulit tinignan iyong message niya. "Tumigil ka Claire, pigilan mo yang sarili mo kung ayaw mong magka gulo." 

Tinignan ko nalang ang message ni David sakin. 

From David: Hey dumb! Don't forget our dinner date tonight.

Ano daw?? Dinner date? Kami? 

Napatakip nalang ako ng bibig at inilibot ang tingin sa paligid baka kase may CCTV dito at baka hindi ko alam na tinitignan niya lang pala ako.

"Bakit naman kaya kami mag d-dinner date--wait ano ito??" Tanong ko sa sarili ng makitang nag send ako ng voice mail sakanya.

What the? Wala akong maalala na nag send ako ng voice mail sakanya kahapon ah, nag text lang ako no.

Pinindot ko iyon at pinakinggan.

'Claire? Hey, kanina pa ako nag sasalita dito pero di ka pala nakikinig.'

'Sorry Xian, ito kaseng si David eh!'

'Mahal mo na ba siya?'

'No...'

"Damn! Hindi ko namalayang na pindot ko pala iyon kahapon?"

Baka ito ang dahilan kong bakit parang mas cold si David at saka galit sakin, ayaw niya kaseng makarinig ng mga stupid lang na pag uusap at saka baka akala niyang sinasadya kong i-send ito. Wala lang sadyang may sakit yong si David sa utak eh, bigla-bigla nalang nagagalit, nawawala sa mood at basta tsk. Di ko nga pa pala siya nakitang tumawa at ngumiti puro nalang siya simangot, siguro nga minsan nakikita ko siya ngumiti pero yong plastic na ngiti ganon tsk.

"Madam?" Napalingon ako sa pintuan ng may biglang kumatok.

"Bukas yan." Sabi ko.

"Ano yan??" Takang tanong ko sabay turo sa dala niya.

"It's a blue casual ruffle mariel dress with belt Madam, saka high heel na color red."  

"Para san yan? Sakin??"

"Opo, sabi nong lalaking nag hatid nito pinapasabi daw ni Sir na ito daw ang susuotin mo mamayang gabi sa dinner date niyo po." Paliwanag niya at tumango-tango nalang ako.

Binigay niya sakin yon bago lumabas ng kwarto ko. "Siya pa talaga mag de-desisyon kong ano ang susuotin ko, tsk!"

Nilagay ko iyon sa kama at humiga, natulog muna ako at pagka gising ko ay hapon na, kaya kumain na ako tapos pumunta muna ako sa garden.

Nakaupo lang ako sa bench habang pinag mamasdan si Manong na inaayos iyong mga pananim. "Psst! Tulungan mo nga si Manong parang nahihirapan yata siya." Tawag ko don sa isang guard. Dali dali naman siyang lumapit at tinulungan ito.

Tumayo ako at bumalik sa loob ng bahay para kunin iyong pitaka at phone ko. Nakasuot ako ngayong ng round neck t-shirt at high waist square pants short.

"Manong Rey!" Kinatok ko ang bintana ng sasakyan. 

"Manong??!" Tawag ko sa driver namin. Nandon siya sa loob ng sasakyan at mukhang nakatulog yata.

Ilang segundo lang ay nagising na siya at natatarantang lumabas ng sasakyan. "P-Pasensya na po Madam! Hindi ko po sinasadyang makatulog." 

Ito talagang si David! Dahil sakanya pati tuloy sakin natatakot iyong mga katulong, guard saka driver!

"Kumain ka na po ba?" Tanong ko at umiling naman siya.

"Kumain ka muna don sa kusina bago ka matulog ulit." Saad ko.

"Po??"

"Sige na! Alam kong narinig mo ng malinaw iyong sinabi ko. Pakisabi nalang sa iba na aalis ako, may bibilhin lang ako saglit."

"Nako po Madam, ipag d-drive ko na po kay--"

"Wag na! Ayos lang ako, hiramin ko nalang itong sasakyan. Akin na iyong susi." Nilahad ko ang kamay ko at binigay niya naman ang susi sakin.

_

Nandito ako ngayon sa mall, naisipan kong bumili ng regalo para kay Xian. Naalala kong birthday na niya pala next week.

Tumingin-tingin lang ako habang nag iisip kong ano ang magandang iregalo, napahinto ako ng may makitang mga relo. Lumapit ako don at tinignan ng mabuti iyong mga relo, napansing ko ding may babaeng tumabi sakin at tumingin-tingin din pero di ko na ako nag abalang tignan ang mukha niya.

"HUGO BOSS." Mahinang sabi ko.

"May napili na po ba kayo Ma'am??" Tanong nang sales lady.

"I want this!" Sabay naming saad nong babae na nasa tabi ko at sabay din naming tinuro iyong relo.

"Ito po bang BOSS Velocity Black Men's Watch?"

"Yes!" Napakunot nalang iyong noo ko dahil sabay parin kaming nag salita.

"Pasensya na po Ma'am pero isa nalang ang natitira nito." 

"It's okay, ako naman ang nauna--"

"What? Excuse me Miss? Ako ang nauna--"

Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang babaeng 'yon...

"Oh my god! Claire ikaw pala yan!!" Mabilis niya akong niyakap at para pa siyang batang nag tatalon-talon.

"Ikaw pala yan, kung hindi pa kita tinignan hindi kita makikilala." Natatawa nitong sabi.

"Ma'am? Sino pong bibili nito? Gusto niyo pa po ba?" Nabaling ang tingin namin sa sales lady. 

Nagka tinginan naman kaming Irene.

"Uhm, gusto mo ba talaga yang relo Claire?" Tanong niya sakin.

"Ako kase balak kong iregalo sa asawa ko kase nga diba birthday na niya next week." Para kay Xian din pala.

"Sige ikaw nalang, mamimili nalang ako ng iba." Saad ko at ngumiti.

"Talaga? Salamat Claire!" Tuwang-tuwa niya akong niyakap.

"Wifey!" Pareho kaming napatingin sa gilid ng marinig ang boses ni Xian.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status