Share

CHAPTER 5

"Talaga?"

"Y-Yeah." Kinagat ko iyong labi ko at napaiwas ng tingin.

Nabaling ang tingin ko sa kamay niya na hinawakan ang kamay ko. "W-Wala ka bang balak u-umuwi? Malapit ng mag gabi Xian."

Unti-unti kong inalis ang kamay ko.

"Pinapalayas mo na ako?" Natawa ako sa etchura niya.

"Hindi naman sa ganon, nag tatanong lang ikaw talaga!"

Natahimik kami saglit ng mag ring ang phone niya. "Sandali lang, sasagotin ko muna ito." Tumayo siya at lumayo ng kaunti sakin.

"Hello wife, what do you want? Hmm? Gusto mong umuwi na ako ngayon na??" Lumingon siya sakin at pilit naman akong ngumiti.

"Okay sige, papunta na ako. I love you too." Dinig kong sabi niya sa kausap.

"Your wife?" Tanong ko.

"Yeah." Sagot niya at tumango.

Kinagat ko ang labi ko. "I think... kailangan muna talagang umuwi." Tumayo ako at sinamahan siya palabas ng bahay.

"Hmm, sige aalis na ako." Tinaas niya ang palad niya at kumaway sakin.

"Sige, ingat ka!" Kumaway din ako sakanya at tuluyan na siyang umalis. Tumingala ako para pigilan iyong luha na kanina pa gustong tumulo.

"Relax Claire, kaya mo ito! Kakayanin mo, okay?" Nag buntong hininga ako at bumalik sa loob ng bahay. Napakamot ako sa ulo ng makita ang basag na vase.

"Nako naman Xian, makakalimutin ka talaga! Ang sabi mo ikaw na bahala dito, hay nako!" Wala na akong magawa kundi ang ilagay yon sa basurahan at nilinis ang sahig.

Dinalian ko na ang paglilinis para makapag luto na ako. Pagkatapos ng lahat ay humiga ako sa sofa at habol hininga. "Nakakapagod maging asawa!" Konting tiis nalang Claire dahil uuwi na ang mga yon bukas.

"Hey, sleepy head! Wake up!" Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko ng maramdamang may yumugyug sa balikat ko.

"Ba't ngayon ka lang? Anong oras na oh--maaga ka pala ngayon nakauwi. Anong meron??" Takang tanong ko pero hindi niya ako sinagot.

Ang walangya talaga ng lalaking ito! Wala ba siyang bibig, di man lang ako sinagot o binati man lang!

"Hindi mo sinabi kong anong ulam gusto mo kaya ganyan parin niluto ko." Umupo na rin ako at seryoso niya akong tinignan bago binaling ang tingin sa ulam namin na hotdog.

Kung nandito lang yong nga katulong marami sanang ulam na naihanda kase ako mga prito lang ang alam kung lutuin. "Bakit ayaw mo ba nyan? Eh, di um-order ka nalang kung gusto mo ng ibang ulam!" Inis kong saad.

Nakipag titigan siya sakin at ilang segundo lang ay inirapan niya ako.

Hindi ko alam kong anong nasa isip ng lalaking ito! Napaka moody, saka ba't parang galit siya sakin? May ginawa ba akong masama? Ah, alam ko na!

"Eh, di sorry!"

"Sorry for what?" Malamig niyang tanong.

"Kase text ako ng text kahit nasa meeting ka...?" Patanong kong sagot.

"Just shut up and eat." Naiyokom ko nalang ang kamao ko at pilit na ngumiti sakanya. "Sabi ko nga, kakain na ako."

Ano pa nga bang bago eh, ganyan naman siya lagi. Ewan ko nalang kung pano iniintindi nila Tita at Tito yang pag-uugali ng anak nila.

Matapos naming kumain ay sinimulan ko na ang pag hu-hugas ng plato. 

"Hey!"

"Claire!!" Tinapos ko muna ang pag huhugas bago siya pinuntahan at hinarap.

"Ano?? May i-uutos ka ba Mr. Buenavista?!" Diin kong tanong.

"Asan iyong vase dito??" Napalunok naman ako bigla.

"Hindi ka pa ba matutulog?" Pag iiba ko.

Mariin siyang napapikit at napahawak sa ulo niya. "You!" Tinuro niya ako.

"You broke my vase again didn't you?!"

"Di ko naman sinasadya! Pang dalawang beses lang naman ako nakabasag ng vase--" napatikom nalang ako ng bibig dahil nag salita siya.

"Pang dalawang beses sa buwan na ito! Hindi pa kasali iyong nabasag mo noong nakaraang buwan at nong mga nakaraang buwan pa! Ilang billion na ang nasayang ko dahil ta-tanga-tanga ka!!"

"Wag na wag mo akong tatawagin na tanga ah!!" Inis kong sabi at tinulak ang balikat niya gamit ang kamay.

"Ikaw na nga ang may mali dito ikaw pa ang maangas! Ikaw ang nakabasag tapos mukhang ikaw pa ang galit!! Bakit? Ako ba dapat ang mag sorry sayo ha??" Natahimik akong bigla.

"Aray! Ano ba nasasaktan ako!" D***g ko ng mahigpit niyang hinawakan ang kaliwang kamay ko.

"SAGUTIN MO AKO CLAIRE!!!" 

"S-SORRY!" Tinignan ko siya sa mata. "Pasensya ka na, di ko naman talaga sinasadya na mabasag iyon." Nakangusong bulaslas at naramdaman kong unti-unti na niyang binitawan ang kamay ko.

"Wag kang mag pout! Hindi bagay sayo!" Saad nito bago ako tuluyan na iniwan dito.

Akala ko sasakalin o sasampalin ako ng lalaking iyon. Subukan lang niya at gagawin ko rin sakanya yon, di ako natatakot no!

Kinuha ko muna ang phone ko na nakapatong sa mesa bago umakyat ng hagdan at nag tungo sa kwarto ko.

Paghiga ko ay pansin kong may nag text sakin.

From Xian: Good night Claire! Don't forget to pray before going to sleep and ich liebe dich.

Napahawak ako sa dibdib ko nang mabasa ang huli niyang sinabi. Ngumiti ako at mabilis na pinahiran iyong luha ko.

To Xian: Good night and take care of your wife, Xian.

Bumuntong hininga ako at mapait na ngumiti.

From Irene: Are you still awake?

To Irene: Yep, may kailangan ka ba?

Text ko sakanya pabalik, nagtaka naman ako ng tumawag siya.

[Hey Claire! Itatanong ko lang sana kung nag punta ba dyan si Xian kanina?] Napakamot ako sa ilong ko at natahimik saglit.

[Claire??]

"Y-Yeah... he didn't tell you?" Tanong ko.

[Uhm, yeah but I didn't ask him. Maybe, he just forgot to tell me...I guess.] 

Bumangon ako at nagkamot sa balikat. "Right! Siguro tanongin mo si Xian, wala naman siyang rason para mag sinungaling sayo diba?"

[Tama ka, he won't lie to me saka alam kung wala naman kayong ginagawang masama kaya wala akong dapat ikabahala. I trust him and I trust you too Claire.] Diin nitong saad sa huli.

"Hmm, inaantok na ako Irene. Matutulog na ako, good night." 

[Okay, good night Claire! Mag meet nalang tayo sa Sabado.]

"Yeah, sure." Tumango-tango ako at binaba na ang linya.

She's Irene, my girl bestfriend since middle school. Actually cousin ko siya at medyo matanda lang ako ng kunti sakanya. And she is Xian's wife...

Napatingin ako sa kamay ko na may singsing. 

'Kapag naka graduate na tayo, pakakasalan kita!' 

Tumulo ang luha ko ng maalala ang mga salitang iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status