Share

CHAPTER 4

"Hoy?!" Sinundot ko ang tyan niya.

"Gising!" Niyugyug ko ang balikat niya.

"Ano??" Inaantok niyang tanong.

"Bumalik na iyong ilaw kaya makakaalis ka na po." Magalang kong wika sabay tinuro ang pintuan.

"I'm sleepy--"

"Anong I'm sleepy?? David ang pangalan mo hindi sleepy, baliw!" Bulyaw ko sakanya.

Kumunot ang noo ko ng tinabig niya ang balikat ko gamit ang kamay at humiga siya sa kama ko. 

"Aba nababaliw ka nang lalaki ka ah! Kama ko yan kaya umalis ka dyan!!" Sinubukan kong hilain ang binti niya kaso sobrang ang bigat niya kaya hindi ko siya mahila.

Gigil akong napatitig sakanya. Sarap niyang sapakin!! 

Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang oras. "2:49 am? Damn!"

_

"My god, Claire!" Gulat nitong sabi ng ibuka nito ang mga mata. Kanina ko pa siya tinititigan at kanina pa ako gigil sakanya!

"Sarap ba ng tulog mo??" Ngising tanong ko pero ang sama-sama ng mata kong nakatingin sakanya.

"Yeah, ang sarap ng tulog ko."

I know, I know! Kitang-kita ko nga eh. Ang sarap mo ngang tirisin habang tulog na tulog ka!

Tumayo siya at lumabas ng kwarto na parang wala lang. "Bwesit na lalaking iyon! Pagkatapos akong agawan ng kama, aalis lang siya na walang pasabi! Hindi man lang humingi ng tawad, hindi ako nakatulog dahil sakanya!"

Napatingin ako sa pintuan ng bigla itong mag bukas.

"I have to go to work now and I think you should cook me a breakfast Claire, subukan mo namang maging mabait na asawa kahit minsan." Iling nitong saad at isinirado ang pintuan.

Sino bang nag sabi na hindi ako mabait?? Saka asawa? Ako asawa niya? Baliw! Single ako no, wala akong asawa, tsk!!

Lumabas na ako ng kwarto at nag luto ng pagkain. "Sarapan mo iyong luto mo minsan." 

Napatawa nalang ako ng pagak sa sinabi niya. "Pag ako nag luto, masarap talaga lalo na kong mahal ko ang pinaglulutuan ko kaso nga lang hindi kita mahal kaya siguro di masyadong masarap." Wika ko at nilapag ang niluto ko sa lamesa.

"I don't love you."

"So do I." Inirapan ko siya at umupo na din.

"Paborito mo yan diba, hotdog." Napatakip naman ako ng bibig para pigilan ang tawa na gustong lumabas aa bibig ko.

"What's funny?"

"Wala lang, naisip ko lang bigla na bakit kaya paborito mo yan huh??" Mapang-asar ko siyang tinignan at sinungitan niya lang ako.

Pagkatapos niyang kumain ay ako lang ulit dito mag isa sa napakalaking bahay namin! Ang boring!

Niligpit ko na iyong mga pinagkainin namin at nag linis nalang dito sa bahay.

"Grabe! Isusumbong talaga kita kay Mommy, David! Mukha na akong katulong sa bahay na ito!" Inis kong saad at patuloy lang sa pag ma-map ng sahig.

Napahinto ako ng marinig kong may nag doorbell, napakamot ako sa ilong nang marinig kong nag bell na naman.

"Sino ba kase iyon??" Iniwan ko muna ang ginagawa ko dito at nag tungo sa gate. May nakita naman akong isang lalaki na nakatalikod at tumitingala sa langit.

"Sino--" napahinto ako ng humarap siya. "Xian?? A-Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko.

"Papasukin mo muna kaya ako Claire." Natatawa nitong ani, binuksan ko naman ang gate at pinapasok siya.

"Ba't yata parang ikaw lang mag isa dito?" Tanong niya habang ang paningin ay nasa paligid.

"Pinalayas namin iyong mga katulong." Mahinahon kong sabi.

"What? Talaga?"

"Biro lang!" Napahalakhak naman ako ng tawa.

"Ang sama mo sakin Claire, dalawang buwan tayong hindi nagkita tapos wala man lang akong yakap??" Parang nag tatampo nitong tanong sakin.

"Ikaw talaga matampuhin! Hindi ka parin nag babago!" Niyakap ko siya ng mahigpit at ganon din naman ang ginawa niya.

Inakbayan niya ako at hinawakan ko ang bewang niya. Sabay kaming naglakad papasok sa bahay. Natawa naman siya ng kiniliti ko siya sa bewang. "May kiliti ka parin dyan huh!" Kikilitiin ko rin sana siya ulit kaso nahawakan niya ang kamay ko at kiniliti ako. 

"Ano ba tumigil ka na Xian!" Tumakbo ako at hinabol niya naman ako. Nagtatawanan kaming nag hahabulan na parang bata pero napatigil kami ng nakabasag ako ng vase.

"Hala! Patay ka sa asawa mo." Pananakot niya sakin at tinuro-turo niya pa iyong vase na nabasag.

"Ano ka ba! Okay lang yan, bilyonaryo naman ang gagung iyon." Saad ko at tumawa ng peke.

"Claire halatang luma na ang vase na iyan--"

"Kaya nga eh, luma na kaya mura lang yan. Relax!" Sabay tinapik-tapik ang balikat niya.

"Excuse me? Kapag luma mas mahal iyon." Ganon pala yon? Hindi ba dapat ang nago iyong mas mahal.

"Talaga? Sa tingin mo magkano yan??"  Magsasalita na sana siya kaso tinakpan ko ang bibig niya.

"Wag ka na magsalita, naalala kong wala pala akong pake." Yumuko na ako at kinuha ang mga piraso nong vase, napadaing naman ako ng masugatan ang hintuturo ko.

"Claire! Dahan-dahan naman!" Bulyaw niya sakin. 

Hinila niya ng mahina ang kamay ko. "Halika ga-gamotin natin yan, asan ba first aid kit ninyo? Wag ka nang mag alala don sa vase na nasabag, ako na ang bahala don."

"Wait lang! Wait lang, relax Xian! Maliit lang yan oh." Sabay ipinakita ng malapit sakanya.

"Wala lang yan--"

"Claire wag na matigas ang ulo!" Kinagat nalang ako ng labi at tinignan siya.

Xian is my boy bestfriend since first year of high school.

Napapangiti nalang ako habang minamasdan siyang ginagamot iyong sugat sa hintuturo ko. Napaka caring niya parin talaga sakin hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagbabago.

"Oh, okay na yan." Saad niya ng matapos. Nagtaka naman siya ng tumayo ako. "Anong gusto mo? Juice o juice?"

"Wala bang ibang choice?" Umiling ako at tumawa siya. "Oh, sige juice." 

Nagtunaw ako ng juice para sakanya at nilapag iyon sa maliit na mesa. Kinuha ko ang phone ko para i-text si David.

To David: Anong gusto mong ulam mamayang gabi?

Nilagay ko sa gilid ang phone ko at ilang minuto ay walang nag text sakin pabalik.

To David: I need your answer ASAP!

Text ko ulit sakanya.

To David: Sumagot ka naman! May mga kamay ka diba! Seen ka ng seen kapag nakauwi ka dito tatadyakan kita!

Gigil kong text sakanya at napansin naman iyon ni Xian.

"Sino ba yang ka-text mo Claire? Parang gusto mo yatang patayin yan ah." Natatawa siya.

"Si David, tinatanong ko kung anong ulam ang gusto niya mamayang gabi." Paliwanag ko.

From David: Nasa meeting ako kaya tumigil ka sa kaka-text!

Oyy! Nasa meeting daw siya! Mas ginaganahan tuloy ako mag text sakanya.

To David: Talaga? Ano bang topic niyo?

To David: Hoy, kinakausap kita ng maayos kaya sagotin mo ako!

From David: Hindi ka ba talaga titigil?!!

Ang bobo naman! Kung ayaw niyang text ako ng text eh, di i-turn off niya ang phone niya! Tsk, napag hahalata ka Mr. Buenavista!

Nakailang ulit na akong text sakanya pero di siya sumasagot at di rin niya na se-seen iyong mga message ko. Hayst! Sayang baka naisipan niyang i-off ang phone niya.

"Claire? Hey, kanina pa ako nag sasalita dito pero di ka pala nakikinig." 

"Sorry Xian, ito kaseng si David eh!"

"Hmm, mahal mo na ba siya?" Tanong niya at tinignan ako sa mata.

"N-No..."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status