Share

CHAPTER 3

2 months later

_

"STUPID!" Napakurap-kurap ako sa sinabi niya at kita ko ang inis sa mukha nito.

"Sinabi ko na wag mong pakialaman iyong mga gamit ko hindi ba?!! Napaka bobo mo talagang babae ka!! Stupid talaga kahit kelan!"

Tuluyan nang tumulo itong luha ko sa mata.

"Anong iniiyak-iyak mo dyan?!! Ang arte mo talaga kahit kelan kala mo naman sinaktan kit--"

"Napuwing ako ohhh! Ikaw nga mapuwing di ba tutulo luha mo!!? Saka paulit-ulit mo nalang sinabi sakin yan ah, kagabi ka pa tawag ng tawag sakin na stupid at bobo! Kala mo naman sobrang talino mo tsk."

"At saka ikaw yong maarte no! Medyas mo lang naman ginamit ko saglit ang dami mo nang sinabi! Bakit sino nga bang nag tapon ng medyas ko sa basurahan huh?"

"It was freaking smelly that's why I throw it!" Dahilan nito.

Lumapit ako sakanya at kwenilyuhan siya. "Hoyyy! Anong smelly ka dyan! Sinasabi mo bang mabaho ang paa ko?!" Medyo nagulat siya don.

"Ikaw ang nag sabi nyan hindi ako."

Bigla niya namang hinawakan ang pisngi ko at inihipan iyong mata ko sa kaliwa. "Ano bang problema mo!" Bulyaw ko sakanya. 

Kinusot-kusot ko ang mata ko sa kaliwa at kinurap-kurap nang pangalawang beses, nawala na yata iyong nakapuwing sa mata ko.

"Napuwing ka diba." Pilosopong sabi nito bago ako tinalikuran. 

Ano yun? Dapat na ba akong magpasalamat? Tsk.

Mabilis kong hinabad iyong medyas na suot ko at tinapon sakanya, tumama naman iyon sa likod niya.

"Kunin mo yang mabaho mong medyas! Madamot!!" Seryoso siyang lumingon sakin at pinulot iyong medyas niya bago tuluyang umakyat ng hadgan at tinungo ang kwarto niya.

"Bwesit na lalaking iyon!" Napabuntong hininga nalang ako at sinubukang pakalmahin ang sarili. Umupo na ulit ako at nagpatuloy sa pagkain.

Nagluto pa naman ako ng marami tapos di pala siya kakain! Tsk, bahala ka ako uubos nito lahat! Pero baka nagugutom ang loko-loko na iyon at nahihiya lang? Marunong ba yon mahiya? Mukhang di naman!

Arggg! Nakakapagod mabuhay pag ganyang klaseng tao ang kasama mo!

Tumayo nalang ako at pinuntahan siya sa kwarto niya. Binuksan ko iyong pinto at..."What the f**k! Nag bibihis ako!" Napakurap-kurap nalang ako ng makita siyang naka boxer short lang.

"Okay." Tanging sabi ko at sinirado ang pinto. Napasandal nalang ako sa pintuan niya at nag crossed arm.

"Ang arte, kala mo naman maganda iyong katawan, tsk!" Napairap ako.

Nagulat ako ng biglang bumukas iyong pinto at napasandal ako sa dibdib niya. "I can hear you." Sabay tinulak ako ng malakas. Muntikan pa akong matumba dahil sa pagtulak nya.

Ang bastos nya talaga kahit kelan!

"Congrats, hindi ka nga bingi. Kumain ka na nga don! Nag effort pa akong mag luto--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng nilagpasan niya lang ako.

"Nice talking huh!" Napatawa nalang ako ng pagak at sinundan siya.

Akala ko di na siya kakain!

"Why are you staring at me?" Malamig nitong tanong sakin habang sumusubo ng pagkain.

"Gusto mo ng divorce ah?" Tanong ko medyo nagulat ako ng hampasin niya iyong mesa sabay tumayo.

"Are you kidding me?! Ako dapat ang mag tatanong sayo niyan--"

"At bakit naman ikaw? Hindi ba pwedeng ako? Bakit, ikaw lang ba ang may ayaw na ikinasal tayo at magsama sa bahay na ito?!"

"No, walang divorce na magaganap! At hindi dahil gusto kitang maging asawa sa susunod pa na mga taon o di kaya makasama habang buhay, naiintindihan mo ba?! We're just doing this because of our parents! Saka dalawang buwan pa nga lang tayong kasal tapos ganyan na agad nasa utak mo!" Matalas siyang nakatingin sakin.

"Tsk, ang tapang-tapang sa ibang tao tapos sa magulang parang aso na sunod-sunoran." Wika ko sabay uminom ng kaunting tubig.

"Nahiya naman ako sayo! Sa tingin mo magiging ganito tayo ngayon kung di karin sunod-sunoran sa mga magulang mo!!" 

"Whatever!" Tumayo ako tinalikuran siya.

"San ka pupuntang babae ka! Iligpit mo itong pinagkainan natin!!" Sigaw nito.

Grabe di pa naman ako nakakalayo eh, kailangan talaga lakasan iyong boses?! Hindi naman ako bingi!

"Iligpit mo yan! May mga kamay ka naman diba!" Tuluyan na akong nag tungo sa kwarto ko.

Humiga na ako sa kama at kinuha ang phone ko. Kita ko namang nag message sakin ang lalaking iyon.

Naks naman! Nandon lang siya sa baba eh, kailangan talaga mag message pa sakin. Pinindot ko naman iyon at kita kong nag send siya ng picture nong mga pagkain na natitira at ibang mga kagamitan na dapat hugasan, medyo nagulat naman ako sa last picture na se-nend niya, mukha niya iyon na seryosong nakatingin sa camera para bang sakin siya nakatingin. 

From David: Hugasan mo iyong mga plato!!

From David: If you are not going to come here right now! I'm going there in your f**king room and drag you out!

"So, dapat na ba akong matakot?" Tanong ko sa sarili. Tinignan ko ang oras at malapit na palang mag 10 pm. Inilagay ko na ang phone ko sa gilid at inayos ang pagkakahiga.

Pipikit na sana ako kaso malakas na bumukas iyong pintuan ng kwarto ko.

"Iligpit mo iyon! Hindi mo ako maid para utos-utosan Claire!" Bumangon ako at tinignan siya ng masama.

"Wow! So, ako utos-utosan mo ba ganon?? Nakakahiya naman sayo Mr. Buenavista!" 

"Tigilan mo na kakatawag sakin na Mr. Buenavista!" Parang ilang minuto nalang yata sasabog na siya sa galit. 

"Ano gusto mo itawag ko sayo?! Hubby? My love? Sweetie pie? Babe? Nakakadiri naman kung ganon--arayy aray bitawan mo nga ang kamay ko!!" D***g ko ng bigla niyang hilain itong kamay ko.

"Sinabing ayoko nga! Inaantok na ako!! S-Sige bukas nalang, promise huhugasan ko iyan! Sinabing bukas na eh!!" Inis kong saad. Binitawan niya na ang kamay ko ng makarating kami sa mesa at walang siyang sinabi, iniwan niya lang ako dito mag-isa.

Naka bakasyon kase si iyong mga katulong at guard dito kaya ako muna ang gumagawa ng gawaing bahay! Pero sa susunod na araw babalik na ang mga iyon, ako pa ang mag suggest na mag bakasyon sila don sa boracay sinabi kong libre ko lahat pero ang totoo si David ang mag babayad. Ayan tuloy, di ko naisip na ako pala gagawa ng gawaing bahay kung wala sila dito.

"Nakakainis talaga ang lalaking iyon kahit kelan!" 

Hinugasan ko na lahat ng plato at pumunta na sa kwarto ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto ko pero napansin ko ang pintuan ng kwarto niya na katabi lang sakin. Dahil sa inis ay sinipa ko iyon bago pumasok sa kwarto ko.

Hihiga na sana ako sa kama pero narinig kong may sumipa sa pintuan ng kwarto ko. 

Aba! Ginaya niya pa talaga ako ah! Gusto ko sanang lumabas at yayain siyang makipag-away kaso inaantok na ako. Kaya humiga na ako at natulog.

Nagising ako ng may yumuyugyug sa balikat ko. Ilang beses akong napakurap-kurap dahil madilim ang paligid. Medyo nagulat ako ng may mga kamay ang nakahawak sa balikat ko.

"Ikaw ba yan David?" Kinapa-kapa ko ang mukha niya.

"Yes, it's me! Tigilan mo na kakalikot ng kamay mo at baka iba pa ang mahawak mo sa baba.

"Ano bang ginagawa mo sa kwarto ko! Saka ba't ba pinatay mo iyong ilaw!? Ang dilim-dilim tuloy wala akong makita!" Irita kong tanong sakanya.

"Walang kuryente!" Parang mabibingi yata ako sa sigaw niya.

"Ano ba yan! Ang yaman-yaman mo tapos kuryente lang wala ka pang pambayad!"

"May problema lang sigu--" napahinto siya sa pagsasalita at di ko alam kong bakit.

"Hoy! Ba't ka ba napatigil sa pagsasalita?" Takang tanong ko.

Ilang minuto ang lumipas ay wala akong narinig na salita galing sakanya. Bigla namang bumalik iyong ilaw at nagulat akong napatingin kay Xander na nakaupo sa kama at nakapikit.

"Nakatulog siya?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status