Share

Chapter 9 Escape

"Lucy bayaan mo na!"

Pilit siyang hinahatak ng kasama palabas sa restroom, padabog na lang siyang naglakad habang sumusunod dito dahil sa pagkairita at init ng ulo.

"Tama ba naman na gawin motel ang restroom!" Hindi maitago ni Lucy ang pagkainis ng mga sandaling iyon dahil sa alam niya ang nangyayari sa naturang palikuran. "Kayang magpunta sa mamahaling bar, pero walang pang motel!" bulyaw na lang niya habang papalabas sila upang iparinig sa mga naroon.

Napapatawa na lamang ang kasamahaan ni Lucy sa kakasermon niya habang padabog na naglalakad.

"Kung ako sa iyo Lucy, hindi ko na lang iyon papansinin, mayroon talagang mga ganyang tao, naghahanap ng thrill! Alam mo naman," Napapanginig na sambit na lamang nito.

Tiningnan ni Lucy ang kasama habang nagsasalita ito, nabatid niya na para bang lutang ang isipan ng babae habang nagpapaliwanag sa kanya dahil halos naroon ang malapad na ngisi nito at ang tila napapatirik na mga mata.

"Don't tell me na try mo na iyon ganoon?" Pagtataas niya ng isang kilay dito.

Nakita niya kung paano biglang mamula ang kasamahan sa kanyang mga sinabi, napakagat na lamang ito sa ibabang labi habang nagpipigil ng hagikgik.

"Basta, pabayaan mo na lang iyon mga iyon, kailangan na natin bumalik, ang dami ng tao o!" paglilihis nito sa usapang sabay iwas ng tingin, pagkatapos ay muli nanaman siya nitong hinatak.

Hindi tuloy maialis ni Lucy ang pagbusangot ng mga sandaling iyon. "Bakit ba may mga babaeng pumapayag sa ganoon! Sila ang mga nagiging dahilan kung bakit iniisip ng ibang mga lalake na kaladkarin tayo!" singhal niya.

Halata ang pagkabigla ng kanyang kasama dahil mabilis itong napanganga sabay namilog ang mga mata.

"Lucy, sa panahon ngayon marami ng babae ang liberated, kung ano ang kaya ng lalake, kaya na rin natin!" pagdedepensa nito.

Isang pilit na ngiti lamang ang nagawa ni Lucy. "I know that! Pero kahit na ganoon, tayong mga babae pa rin ang dehado!" pagdidiin niya.

Napangiti na lang ang kasamahan niya sa kanya habang nagpapalinga-linga ng ulo. Nakalayo na din sila kaya naman wala na siyang nagawa, naibsan din naman ng kaunti ang kanyang galit dahil sa pakikipag usap sa kasamahan kaya naman minabuti niya na lang na baliwalain ang pangyayari.

Ibinalik niya na lamang ang postura at ngiti nang makalabas ng muli, kailangan niya iyon upang maging kaaya-aya sa mga customers nila roon.

Wala pang ilang minuto sa bar si Lucy ay dinudumog na siya ng ilang mga kalalakihan doon upang magpapansin at umorder.

"Lucy, dalawang margarita at isang blowjob para sa table two please!" nagmamadali order ng kasamahan niya habang kinukuha ang inilapag niyang inumin.

"Got it!" magiliw niyang sagot sabay saludo dito.

Napangiti naman ito sa kanya bago tumalikod upang ihatid ang mga nauna niyang ginawa. Bihasa, mabilis at walang kaba si Lucy habang tila pinalilipad ang mga bote ng mga kailangan niya para sa pag gawa ng inumin, matapos noon ay inilatag niya na ang isang shot glass at dalawang martini glass bago sinimulan ang paghahalo sa mga kinuhang alak. Aakalain mo na tumatalon ang mga bote papunta sa kamay niya dahil sa kakaibang stilo ng pagtapon niya sa mga ito, kita naman ang pag kaaliw ng mga nakakasaksi sa kanya, lalo pa at tila sumasabay sa tugtog ng musika ang paggalaw ni Lucy habang pinapaikot-ikot niya ang bote sa ere.

Walang kahirap hirap niyang nasasalo ang mga ito kasabay ng agaran niyang pagsalin sa nakahandang mga baso, nagagawa niya pang gumiling-giling habang ginagawa iyon kaya naman nagpapalakpakan ang mga nanonood sa kanya.

Pagkatapos maihanda ang mga inumin ay inilagay niya na ito sa isang tray, bago patunugin ang isang bell.

"Order up, table two!" magiliw niyang pagpapaalam.

Mabilis naman lumapit ang waitress na umorder nito sa kanyam ngiting-ngiti din ito dahil sa pagkaaliw sa panonood, kaya naman nag thumbs up pa ito bago tumungo sa nasabing lamesa.

Dumagsa ang order ng iba't ibang inumin mula sa mga kalalakihang nakapanood sa ginawa ni Lucy, pero hindi man lang siya makikitaan ng pagkabalisa or pagmamadali. Wala din naman siyang nakakaligtaan sa mga inorder sa kanya, kaya naman sunod-sunod ang tip na nakukuha niya sa mga ito.

Hindi niya namalayan ang pag galaw ng oras dahil sa sobrang pagkaaliw sa ginagawa, kaya natigil lang siya nang madama ang pagtapik sa balikat.

"Lucy, mag fifteen minute break ka na muna para makapagpahinga ka" magiliw na saad ng isa sa mga kasamahan niyang bartender

"Thanks Brent!" nakipagfist bump pa siya dito bago tumungo sa personnels quarters.

Kinuha niya muna ang baon niyang freshmilk sa refrigerator ng quarters bago lumabas sa backdoor, pinuntahan niya ang motor ng kapatid sa parking para doon na makapagmuni-muni at masigurong ayos lang ito. Naroon ang kanyang tuwa nang maaninag ang naturang sasakyan, parang alaga niyang tinapik iyon nang makalapit bago naupo dito.

Masaya siyang nagpapahinga habang iniinom ang dala nang may marinig na nagbubulungan sa isang nakapark na kotse malapit doon.

Napakunot na lang siya ng noo kahit pilit na ipinagkikibit balikat ang nadidinig mula doon, pero tuluyan na siyang nawalan ng gana nang marinig ang malokong hagikgik ng isang babae mula doon.

Tiningnan niya ang kanyang relo, nakakasampung minuto na pala siya, nagmadali na lang siya kaagad pabalik sa bar kaysa ang manatili doon lalo pa at batid niya na ang nangyayari sa naturan sasakyan dahil sa pag-alog.

******

Dama ni Andrew ang matinding sakit sa kanyand dibdib dahil sa kaba, laking pasalamat niya na lang sa kasama ni lucy na humatak dito, naghintay pa sila ng ilang minuto bago nagdesisyon na lumabas na sa cubicle, nag look out pa ang babaeng kasama niya para lang makasigurado na walang makakakita sa kanyang paglabas sa c.r., kaya naman nag ala palos siya sa pagmamadali nang sumenyas ito na ayos na.

Todo ayos si Andrew sa sarili habang naglalakad sa corridor, alisto siyang nagmasid sa paligid sa paghahanap kay Lucy nang makabalik na sa may lupon ng mga tao. Akmang hahalo na sana siya nang bigla na lamang may pumulupot sa kanyang baywang na mga kamay.

You want to get out of here and go somewhere a little more private?,” mapang akit na saad ng babae.

Nakasunod na pala ito sa kanya at halatang wala pa itong balak na pakawalan siya, kung kaya naman ngiting tinanguan niya na lang ito.

Nagpahatak na lamang siya sa dalaga pero naroon na ang pagyuko niya at pagtakip sa mukha habang lumalampas sa mga nagsasayawan doon. Naroon pa rin kasi ang kaba niya na baka makita nanaman siya ni Lucy.

Malapit lang iyong place ko dito, ako lang mag-isa doon.” saad ng babae nang makalabas na sila doon.

That’s great,” pilit ngiti na lang ni Andrew.

Pero ang totoo ay gusto niya ng kumawala dito upang hanapin si Lucy sa loob, hindi kasi siya mapakali sa kung anong ginagawa ng dalaga doon.

Mabilis gumana ang kanyang utak upang makawala sa naturang kasama, agad niya itong hinatak patungo sa parking lot.

Wala naman naging pagtanggi ang kasama niya kahit pa halos ipagtulakan niya na ito papasok sa likod ng kanyang kotse.

Napahagikgik na lang ito dahil sa nagmamadaling pagsunod ni Andrew papasok sa loob.

Ano ka ba! Sobrang excited mo naman, doon na lang tayo sa apartment ko,” saad ng dalaga.

Pero natuloy-tuloy na ang kanyang kamay papasok sa palda nito, isang malakas at natatawang tili ang pinakawalan ng babae nang maipasok niya ang daliri sa loob ng salawal nito.

Napagtanto ni Andrew na hindi pa ito nakokontento kaya ganoon na lamang kung makahatak sa kanya, kung kaya naman naisipan niya ng paligayahin ito doon ora mismo.

Wala rin naman bubulabog sa kanila roon, lalo pa at lahat ng tao ay nasa loob at abala, maliban doon ay tinted at pribado ang loob ng kanyang sasakyan.

Napakagat na lamang ang dalaga nang simulan niya na ang pagpapaulan ng halik sa leeg nito, kasabay noon ang paglilikot ng kanyang mga daliri sa namamasa nitong lagusan, naroon man ang panaka-nakang pagtawa ng dalaga ay kita naman ni Andrew ang walang patid nitong pagkagat sa labi habang napapatirik ang mga mata.

Hindi na siya nag abala pang maghubad upang magpakasasa sa katawan nito, bagkos ay pinagtuunan niya na lamang ng pansin kung paano ito mapapaligaya. Kuntento na naman siya sa ginawa nila kanina at sapat na sa kanya ang pagtikim dito.

Ilang saglit lang ay tila mas lumakas na ang paghagikgik nito, kasabay noon ang tila hindi magkandamayaw nitong pagkapit sa kanya.

Iyon na ang kinuha niyang hudyat upang paglakbayin ang bibig pababa. Maingat, dahan-dahan pero mapaglaro ang bawat paglapat ng kanyang labi sa balat nito.

Nagtuloy-tuloy si Andrew sa pagbaba hanggang sa marating ng kanyang bibig ang pagitan ng mga hita nito, walang na siyang pag-dadalawang isip na sisirin ang loob ng palda nito.

Nahigit na lang tuloy ng babae ang hininga nito nang maabot ng kanyang dila ang hiyas nito, kasabay ng walang patid na paglalaro ng kanyang mga daliri.

Napapasabunot na ito sa kanya habang napapakapit sa kinahihigaan na upuan, naroon na rin ang tila napapaire nitong mukha sa bawat ulos ng kanyang dila at lapat ng kanyang kamay. Halos mamuti na ang mata ng dalaga sa pagtirik matapos ang ilan pang saglit, bago tuluyan kumawala ang isang ipit subalit malakas na pag ungol mula dito kasabay ng pag-uunat nito ng mga paa.

Kahit alam niyang narating na nito ang r***k ng kaligayahan ay hindi niya pa rin ito tinigilan. Nais niyang makasiguradong makukuntento na ito sa kanyang ginagawa, maliban sa mauubos ang lakas natitirang lakas nito.

Makailang ulit niya pang pinadanas ang makamundong sensasyon sa dalaga bago tuluyan tumigil. Halos naghahabol na ng hininga, napipikit at wala na itong malay nang siya ay tumigil.

Litaw na litaw ang malapad na ngiti sa mukha nito kahit halos nawawalan na ng malay.

Ihahatid na kita, saan ba ang apartment mo?” Magiliw na lang niyang bulong habang nilalapat ang mga labi sa tenga nito.

Tila wala sa sarili na sumagot ang babae na para bang nahipnotismo ni Andrew, kaya naman nalaman niya kung saan patutungo.

Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan patungo sa nasabing lugar habang tuluyan ng nahimbin ang naturang kasama.

Ginising niya na lamang ito nang makarating na siya sa lugar na sinabi nito, mabuti na lamang at malapit lang iyon doon kaya naman ilang minuto lamang ay kinailangan niya.

Hey, where here,” malambing niyang sambit habang niyuyogyog ang nahihimbing na babae sa kanyang tabi.

Pupungay-pungay ito ng mga mata nang magmulat, isang malalim na hikab pa ang pinakawalan nito habang pinapalibot ang tingin sa kanilang kinaroroonan.

“Oh, thank you. Halika, pasok ka muna,” hatak nito sa braso ni Andrew.

Isang matamis na ngiti naman ang iginawad ni Andrew dito. “I’d love to, but my friends ask me to pick them up, wala na kasi sa kanilang makapagdrive sa sobrang lasing, so I can’t just leave them,” buong lambing niyang sambit pagkatapos ay maingat na hinaplos ang pisngi nito.

Sayang naman,” kahit halatang inaantok na ay naroon pa rin ang pilit na pagyakap ng babae habang iniipit ang kamay ni Andrew upang ipadama ang dibdib.

Nanatiling mapang akit ang babae kay Andrew ng mga oras na iyon kahit tapos na sila, alam niyang nagustuhan nito ang kanilang ginawa, pero siya naman ay nawalan na ng gana dito.

I really need to go, let’s meet some other time okay,” saad niya bago ito bigyan ng isang matamis na halik.

Tila nalasing naman ang babae sa kanyang ginagawa dahil halos mawala nanaman ito sa sarili, sinubukan siya nitong yakapin kaya napabitaw ito sa kanyang kamay. Kinuha niya na ang pagkakataon na iyon upang humiwalay.

Wala na rin naman nagawa ang alaga dahil sa tila panghihina mula sa kanilang ginawa, kumuha na lamang ito ng isang pirasong papel at nagsulat doon upang iabot kay Andrew.

"I had fun, call me," masayang saad nito sabay halik ulit sa kanya.

You bet ya!” magiliw niyang sagot habang nagtatagisan ang kanilang mga labi.

Pinaunlakan niya naman ito sa nais na pakikipaglaplapan at hinayaan lamang na maglikot ang kamay nito sa kanyang katawan habang isinisiksik ang numero sa kanyang damit. Nang maghiwalay silang muli ay kinindatan pa siya nito bagot tuluyan bumaba sa kotse.

Hinintay niya munang makapasok ang babae at tuluyan mawala sa loob ng naturang tahanan bago pasibadin ang kanyang sasakyan paalis sa naturang lugar.

Kahit naroon ang tila kalmado niyang pakikitungo kanina, ang totoo ay hindi na siya mapakali, gusto niya na ngang ipagtulakan ang babae, dahil sa pagnanais na makabalik sa bar na pinanggalingan upang hanapin si Lucy.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status