Sa loob ng ilang linggong bakasyon ay masugid siyang sinusundo ni Andrew pakagaling sa tindahan nila, kung hindi ito nasa oras ay maaga naman itong naroon at tumutulong pa sa kanya. Minsan ay mayroon pa itong dalang bulaklak para sa kanya, sa halos araw-araw nilang magkasama kahit papaano ay nakikilala niya na ng kaunti ang isa pang parte ng ugali ng binata na marahil ay nabalewala niya noon.Hindi niya na maitatanggi ang tuwa at gaan ng loob dito, kung kaya naman nang magplano ng picnic ng binata ay hindi siya tumanggi dito. Naroon pa ang kakaibang pagkasabik niya dahil hindi nito sinasabi kung saan sila tutungo, kaya naman hindi mawala sa isipan niya ang sorpresang iyon.Litaw na litaw ang tuwa sa kanyang mukha nang dumating na ang nasabing araw ng kanilang pamamasyal. Nandoon ang pamamadali niyang ipasok sa bag ang mga hinanda niyang kakainin nila. Gumawa siya ng bento box, iba’t-ibang flavor ng sandwiches, kimbop, siomai, at cup cakes. Naabutan pa siya ng kanyang mama na abot t
Nakasisiguro na si Lucy sa kanyang sarili na unti-unti ng nahuhulog ang loob niya kay Andrew, kaya kahit natatakot pakiramdam niya ay gusto niya ng sumugal dito, naghihintay na lamang siya ng tamang oras para sagutin ito. Alam niya kung gaano katiyaga ang lalake sa panunuyo sa kanya, kung kaya’t tiwala siyang makapaghihintay pa ito ng kaunti para sa panahon na iyon.Ito ang mga bagay na iniisip ni Lucy habang pasimpleng tumitingin kay Andrew, pumayag na kasi siya na ihatid sundo ng binata."Thanks sa paghatid Andrew," saad niya pakahinto ng sasakyan nito sa tapat ng kanilang bahay. Akmang pababa na siya nang kotse nang hawakan nito, napatingin na lamang siya pagkakahawak ng kanilang kamay bago bumaling sa binata, nandoon kasi ang kakatwang kabog sa kanyang dibdib nang madama ang init noon."Lucy, you have something here," pansin ni Andrew sa mukha niya sabay idinampi nito ang kamay sa kanyang pisngi para punasan ang kung ano man nandoon. Nagtama ang kanilang mga tingin at naging ser
Walang gana si Andrew ng mga oras na iyon kahit na nagkakasiyahan na ang mga kasama niya sa swimming pool. Nanatili siyang mag-isa sa upuan na umiinom at nagmumuni-muni habang iniisip kung ano pa ba ang maaari niyang magawa upang makuha na ang matamis na oo ni Lucy. Naabala lang siya nang bigla na lang may kumuha sa kanyang iniinom upang lagukin ito, mabilis ang pagtalim ng kanyang tingin dito subalit agad din iyon napalitan ng ngiti nang makita kung sino iyon."Tang ina ka Vince, ginulat mo ako! Akala ko ba hindi ka pwede ngayon?" taka niyang tanong habang nilalagok nito ang bote niya ng beer."Hoy pare, hinay-hinay lang," sita niya sa kaibigan nang mapansin tuloy-tuloy nitong inuubos ang naturang bote.Salubong na salubong ang kilay nito habang papaupo sa kanyang tabi niya, walang pasabi pa itong kumuha ng isa pang beer bago sumandal sa silya at itaas ang paa sa isa pang upuan. Doon niya lang napansin suot pa rin nito ang uniporme mula kanina nang maghiwalay sila sa eskwelahan.Tu
"Mind if I join you," malungkot niyang paalam dito habang papaupo. Isang ngisi lang ang natanggap niya mula kay Vincent bago nito itinaas ang hawak na bote sa kanya."It sucks getting caught, doesnt it!" panunuya nito. Alam niyang gumaganti ito dahil sa sermon niya kanina, hindi na lang siya sumagot bagkos ay sinabayan niya na lang ito sa pag-inom.Ilang oras din silang nagsalo ng kaibigan, halos hindi na siya makagalaw dahil sa dami ng naubos na bote, kaya naman kinailangan pa siyang akayin ng mga kaibigan patungo sa condo ni Raymond. Kahit ganoon ang kanyang lagay ay alam niya pa rin ang mga nangyayari sa paligid kaya naman napakunot siya ng noo nang maramdamang ang malamig na bagay na bigla na lang inilagay ng mga kaibigan sa kanyang pulso."What the fuck man!" halos antok na saad niya sa mga kaibigan. Ganoon na lamang ang tawanan ng dalawa habang unti-unting lumalayo."Good luck dude!" paalam ni Jordan sa kanya habang isinasarado ang pintuan ng kuwarto. Madalian siyang bumang
Matindi ang inis at galit ni Lucy sa sarili sa pagpapabaya niya dahil na din sa muntikan niyang pagsagot kay Andrew, hindi niya akalain na mahuhulog siya sa mga pamamaraan nito kaya naman walang mapaglagyan ang pagsisisi niya ng mga oras na iyon, laking pasalamat na lang niya at napa alalahanan siya ng dating kaibigan kung kaya nakaiwas siya sa pagkakamali.Ngayon mas nadagdagan pa ang asar at pagkainis niya sa binata dahil na rin sa mga ginawa nito."Oh my gosh, kayo na!" tili ng ilang mga kababaihan sa hindi kalayuan."Ang swerte mo naman girl! " saad pa ng isang sa mga ito."I'm so happy for you!" sunod naman ng isa pa.Napabuntong hininga na lang siya at pilit na ibinalik ang atensyon sa binabasa niyang libro, kahit nakakabulabog ang lakas ng tili ng mga babae sa kanyang likod ay pilit niya na lang iyong binabalewala."I know right!" Napatigil lang si Lucy nang marinig ang boses ng babaeng pinagkakaguluhan, parang nagpintig ang kanyang tenga sa tono nito. Nakasisiguro siyang si D
Kahit hindi niya gustong isipin ay sumasagi pa rin sa kanyang alaala ang mga ginawa ni Andrew, ayaw maalis sa kanyang isip ang pagnanais na saktan ito ng todo hanggang sa hindi na makalakad, kaya naman hindi niya maiuton ang isip sa pag-aaral dahil sa galit."Ah, my head hurts! I need some fun and relaxation!" angal niya kay Celina habang sinasabunutan ang sarili dahil sa inis."Cy, ilang linggo na lang at Finals na, hindi tayo pwede mag pabaya," paalala ni Celina."I know Cel, pero I mean, pwedeng mag-take ng breather, you know to calm the mind." pagrorolyo niya ng mata.Hindi niya tuloy mapigilan iuntog ang ulo sa mga librong nakalapag sa mesa dahil hanggang ng mga sandaling iyon ay ginugulo pa rin ni Andrew ang kanyang isipan."Sige na nga, mabuti pa siguro mag meryenda na muna tayo," ngiting saad ni Celina.Doon na napatigil si Lucy at napangiti na lamang sa naisip ng kaibigan."Thank goodness. Tara, doon tayo sa favorite nating pares house, namimiss ko na iyong pares at halo-halo
Buryong-buryo si Andrew nang araw na iyon, hindi pa rin maipinta ang hitsura niya dahil sa pagka-irita, parang linta kasi kung makadikit sa kanya si Diana, maliban doon ipinagyayabang nito sa buong eskwelahan na legal na silang dalawa sa mga magulang niya, kahit sa condo niya ay wala siyang takas dahil pinupuntahan siya nito.Noong isang beses nagulat na lang siya nang datnan niya ito sa loob noon, sa sobrang inis niya sa condo siya ni Raymond nakitulog para lang maiwasan ang babae, hindi niya lubos akalain na makakadama siya ng sobrang inis para sa isang babae, pero wala rin siyang magawa dahil iniutos iyon ng daddy at lolo niya habang ginagawan ng paraan ang naturang gusto na nangyari."Happy birthday dude!" masayang bati ng mga barkada niya pakapasok ng mga ito sa kuwarto, napilitan siyang umuwi ng mansyon nila dahil doon idadaos ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan."What 's so freaking happy about my birthday?" walang gana niyang sagot sa mga ito."Whoa man! don't tell me hindi mo
Mula sa pinagparaahan nila ng kotse ay dumadagundong na ang lakas ng musika mula sa mansyon nina Andrew. Napataas na lang ng kilay si Lucy nang mapansin ang dami ng tao nang makarating na roon, nagmukhang parang isang disco club ang naturang lugar. Mula sa tugtog, ilaw at musika ay kuhang-kuha ang halintulad sa ilang mga napagtrabahuhan niya."Grabe, party kung party dito ah!" Napangiwi na lang siya dahil sa gulo at pagkukumpulan ng mga naroon."Hindi na yata to bahay eh, disco bar na ito eh!" natatawang sabi na lang ni Celina.Napapalatak naman ng tawa si Lucy. "Tama! Buti pinayagan siya ng magulang niya dito?"Pakasabi noon ay pasimple siyang napabuntong hininga, batid niya na ngayon kung bakit tila ganoon ang pag-uugali ni Andrew, sigurado niya na ngayon na sunod sa luho ang binata sa mga magulang nito."Celina, tara. Doon tayo sa may garden" aya ni Luke sa kanila.Tumango naman silang parehas sa naisip nito, kung kaya dali-dali na silang tumungo sa naturang lugar. Kahit papaano ay