Share

Chapter 7 Lucy Delval

Laking gulat ni Lucy nang walang makitang tao doon, nagawa tuloy ni Luke na tabigin ang kamay niya para mapabitaw sa pagkakahawak sa tenga nito.

Sinubukan niya pa itong hablutin pero parang itong pusa sa galing at bilis ng pag-iwas sa kanyang kamay habang kumakaripas ng takbo.

Parang palos ang kanyang kakambal sa liksi sa paggalaw papalayo, walang alinlangan sa pagsalubong at talon sa may bakod upang makalayo lamang.

"Luke!" Inis niyang sigaw.

Napahinto na lamang siya nang mapansin na halos papalabas na siya sa hallway ng naturang gusali.

Hindi niya na ito nagawang mahabol dahil sa takot niyang iwan ng mag-isa si Celina lalo pa at dinala din sa naturang klinika ang mga binanatan niya kanina.

Matagal pa ang ninang nito kaya naman kahit naroon ang matinding inis at galit niya kay Luke ng mga sandaling iyon ay minabuti niya na lamang na palampasin ang paghihiganti.

Hinayaan niya na lang muna ang kapatid, kung tutuusin ay wala rin naman itong takas sa kanya sa bandang huli, kung kinakailangan niya itong abangang sa bahay nila ay gagawin niya para lang maiparamdam dito ang kanyang galit.

Nagmadali na lang siyang bumalik patungo sa klinika, nakahinga siya ng maluwag nang makitang medyo nalapatan na ng lunas si Celina at mas maayos na ang kalagayan at hitsura nito.

Agad na lang siyang pumasok sa loob nang makitang may mangilan-ngilan ng propessor ang nagtatanong sa kanyang kaibigan.

Muli na lang siyang sumaklolo dito dahil batid niyang aligaga pa rin at hindi pa ganoon kaayos ang pag-iisip nito.

Matapos ng lahat ay napagdesisyunan ng eskwelahan na isuspend din si Lucy upang maging patas daw sa anim na estudyante na naospital ng dahil sa kanya.

Wala na lang siyang naging pagtutol sa desisyon na iyon, masaya na naman siya at kahit papaano ay naturuan niya ng leksyon ang mga abusadong babae.

Hindi niya na lang ito binanggit sa matalik na kaibigan upang huwag na ito mag alala, alam niyang hindi na rin naman nito mapapansin ang pagkawala niya dahil kinakailangan nitong magpagaling sa bahay matapos ng lahat ng tinamo kaya parehas silang hindi makakapasok.

Binuhos niya na lang ang mga araw na hindi siya pumapasok sa pagtulong sa kanyang mama sa munti nilang negosyo.

Hindi na din niya binanggit sa kanyang mama ang nangyari, ayaw niya rin naman kasing mag-alala pa ito. Nakausap na naman ng dean at ninang ni Celina kung kaya’t ito na ang nagtanggol sa kanila.

Umaalis siya sa nakagawian oras ng pagpasok para hindi nito mahalata, kumuha na lamang siya ng ilang mga raket na pwedeng pagkakitaan sa kapag siya ay nababakante, tulad na lamang ng pag momodelo, paggawa ng ilang mga projects at pasimpleng pagtitinda ng ilang mga bagay, ayaw niya kasing tumunganga na lang at manatiling walang ginagawa.

Hindi rin naman nagtataka ang kanyang mama, pinipilit na lang niya umiwas muna sa pagtatanong nito sa pamamagitan ng pagpasok ng maaga sa trabaho pakatapos tumulong sa tindahan nila.

Abala siya ngayon na nag aayos ng sarili para sa pagpasok. Kaunting powder sa mukha, red lipstick sa kanyang mala pusong labi; at kaunting suklay sabay lugay sa abot baywang niyang buhok, hindi niya na pinagkaabalahan ito dahil natural na wavy naman iyon kung kaya’t nagmumukhang bagong kulot.

Pinakatitigan niya ang sarili sa salamin, suot niya ang isang fitted three fourths na white long sleeves na may red necktie, katerno ng napaikling black na maong shorts.

Pinagmasdan niya ang kanyang sarili upang siguraduhin na ayos na ang hitsura, nang makuntento ay tsaka niya lang isinuot ang kanyang black leather boots.

Muli niyang binalingan ang sarili sa salamin, gusto niyang makasigurado na hindi bastusin ang kanyang suot kahit na napaka seductive nito. Napangiti na siya nang makitang maayos naman ang hitsura sa salamin dahil tila para lamang siyang nagcocosplay.

Pagkatapos maisuot ang kanyang backpack at hablot sa itim niyang jacket na nakasampay lang sa may upuan ay nagmadali na siyang lumabas ng kuwarto.

"Mama, aalis na po ako!" paalam niya dito habang bumababa ng hagdanan, abala kasi itong nagbabasa ng libro sa sala.

"Gagabihin ka ba nak?" pansin nito sa kanya nang lumapit siya dito para humalik.

"Ilock niyo na lang po iyong pinto, dadalhin ko naman po iyong susi ko," saad niya.

Pagkatapos noon ay tumungo na siya sa cabinet na nakalagay sa may pintuan papuntang kusina, napansin niya ang isa pang pares ng mga susi na nandoon kaya napangiti na lang siya nang mapagtanto kung kanino iyon.

"Anong problema nak?" napansin ng kanyang mama ang biglaan niyang pagtigil.

"Nandito pala ito!" nakangisi niyang banggit.

Ipinaikot niya ang isa pang pares ng susi sa kanyang mga daliri upang ipakita ang natagpuan sa naturang lalagyan.

"Naku, baka mag away nanaman kayo ng kapatid mo niyan!" sita ng kanyang mama.

Bakas niya ang pag aalala nito pero nginitian niya na lang ang kanyang mama, sigurado niyang alam na nito ang kanyang naiisip ng mga sandaling iyon.

"May atraso pa iyon sa akin ma, tsaka kailangan din iyon gamitin paminsan-minsan, masisira lang iyon kung nakatengga lang diyan sa garahe." paliwanag na lang ni Lucy para magisugardong hindi na ito mag-alala.

Hindi niya akalaing iiwan ng kanyang kapatid ang bagay na iyon sa bahay nila, marahil ay sinundo ito ng mga barkada nang bumisita doon kaya nasa garahe nila iyon. Sa isip niya wala naman masama kung gagamitin niya iyon lalo na at may kasalanan si Luke sa kanya.

"Basta ingatan mo na lang iyon, alam mo naman mahal na mahal iyon ng kapatid mo!" napangiti na lang ito sa kanya.

"Don't worry ma! Bye po!" ngising-ngisi niyang ibinulsa ang naturang mga susi bago lumabas.

"Sige, mag-ingat ka ah!" pahabol ng mama niya bago niya maisarado ang pinto.

Patakbo niyang tinungo ang garahe nila, tuwang-tuwa siya habang tinatanggal ang takip ng naturang sasakyan at halos magningning pa ang kanyang mga mata nang masilayan ang tila tumitingkad nitong itim na kulay.

"Hello baby, namiss kita!" halos umabot ang ngiti niya sa tenga habang inaakap ang bigbike ng kanyang kapatid na nakaparada doon.

Mabilis niyang siniyasat ang bawat parte ng naturang sasakyan, naroon ang atentibo at maingat na pagtingin niya kung may kulang ba ito o gasgas. Nang makasiguradong walang sira at puno pa ang gasolina nito ay tsaka niya na ito sinampahan upang paandarin sandali ang makina upang mapakiramdaman ito.

Malakas ang huni ng tambutso ng nasabing motor habang ikinakambyo, nang makuntento na sa lagay ng naturang motor ay muli siyang bumaba upang buksan ang gate ng kanilang bahay.

Matapos mailabas ang sasakyan ay muli siyang kumaway ng pamamaalam sa kanyang mama nang sumilip ito sa bintana habang sinasarado niya na ang gate ng bahay.

Pagkatapos noon ay inayos niya na ang kanyang buhok, iniikot niya na lang ito papatong sa kanyang bunbunan habang isinusuot ang helmet ng kapatid, ayaw niya na kasing mag-abala pa na magtali.

Pakaayos ng upo ay agaran ng pinaharurot ni Lucy ang naturang sasakyan na tila isang action star, bahagya pang umangat ang harapan nito dahil sa ginawa niyang pagmamani-obra kaya naman ganoon na lamang ang tuwa niya dahil sa ganda ng takbo ng motor.

Mas maaga niyang narating ang patutunguhan dahil na din sa sasakyan ng kapatid, naging mabilis ang kanyang byahe dahil maliban sa naiwasan niya ang traffic ay hindi na din niya kinailangan ang maglakad hanggang sa naturang lugar.

Laking tuwa ni Lucy nang makitang mayroon pang bakanteng espasyo na pwede niyang pagparadahan malapit sa harapan ng naturang establishimento, kaya naman ganoon na lamang ang pagtutok ng mga mata ng ilan sa mga taong nakapila sa may pintuan nito nang huminto siya doon.

Tinapik pa ni Lucy ang motor na para bang buhay ito sa sobrang tuwa, walang kahirap-hirap siya sa pag-angat ng paa, kaya naman para tuloy siyang isang pin up model habang bumababa sa naturang sasakyan.

Halos maglaway at manlaki tuloy ang mga mata ng ilang kalalakihan nakapila doon na naghihintay sa pagbubukas ng naturang lugar, lalo pa at litaw na litaw ang mala porselanang hita ni Lucy. Idagdag pa doon na parang nanghihipnotismo ang pagyugyug niya sa ulo habang lumulugay ang kanyang buhok nang tanggalin ang suot na helmet.

Habang napataas naman ng mga kilay ang ilan sa mga babae at napabusangot ang mayroon mga kasama nang mapansin na tutok na tutok dito ang mga tingin ng naroon.

Bahagya pang yumuko si Lucy upang pakatitigan ang sarili sa salamin ng motor, kung kaya naman mas lalo lamang napangisi ang mga lalakeng nakamasid at napasimangot naman ang mga ilang babae.

Tila kasi nakatuwad ang hitsura ni Lucy at umbok na umbok ang pwetan nito habang iniaayos ang buhok at sinisiguradong malinis pa rin ang pakakalapat ng pulang lipstick sa labi.

Tuluyan ng napatulala ang mga taong naroon, mapalalake man o babae nang masilayan ang kabuuhan ng dalaga.

Mapagkakamalan kasing modelo si Lucy sa ganda, halatang mestisa at litaw na litaw ang hitsurang espanyol nito dulot ng hugis ng mukha, tangos ng ilong at ganda ng mga mata.

Lahat ng mga iyon ay hindi batid ni Lucy dahil sa pagkaabala, nagtuloy-tuloy lamang siya sa paglalakad papunta sa pinto ng nasabing bar.

"Sexy!" parinig ng isa sa mga lalake.

May mangilan-ngilan din na nagpakawala ng sipol ng tuluyan na siyang makapalit sa nasabing pila.

"Hi miss, may kasama ka ba?" biglang papansin pa ng isa na nasa pinakaharap.

Nginitian lang ni Lucy ang mga ito kaya tila nasilaw ang mga ito sa tamis at ganda ng ngiti kanyang ngiti dahilan para matameme ang mga naroon.

Ang aga mo Lucy ah,” bati ng bouncer na nagbabantay doon.

Hey kuya Fredo!” Masaya niya na lang na tinapik ang balikat ng lalake habang pinagbubuksan siya nito ng pinto.

Miss, can I get your number!” habol ng isa sa mga lalake nang tila makahupa sa pagkasorpresa.

What’s your name babe?” sunod pa ng isa.

Nilingon na ni Lucy ang mga naroon dahil sa pagtataka kung siya ba ang tinatawag ng mga ito, nang makitang sa kanya nga nakatuon ang atensyon ng mga lalake ay buong tamis na nginitian na lang niya ang mga ito.

Sorry,” iyon lamang ang sinabit niya bago nagtuloy-tuloy papasok sa naturang bar.

Sir, mamaya pa po ang bukas,” agad na harang ni kuya Fredo sa mga ito nang akmang magsisipasok na pasunod ang mga naturang lalake.

Mas nagmadali na lamang siya papasok sa loob nang mabatid ang tila pagkakagulo sa labas, napapigil na lamang siya ng tawa dahil doon.

Hi Lucy,” masayang bati sa kanya ng kanyang manager nang makasalubong ito.

Halatang hindi magkanda ugaga ang babae dahil sa pagbabalik ng mga menu at pagtingin sa ilang mga waiter na naroon.

Good evening po,” bati na lang niya din dito.

Napatingin na lang ito sa orasan bago muling bumaling sa kanya. “Hindi ba mamaya pang alas nuebe ang shift mo?” natatawang saad na lang nito.

Mas mabuti na po ang advance,” ngiting balik niya.

Kung tutuusin kasi ang kalahating oras lamang ang tantsa niyang dapat na sobra sa kanyang oras ng pagpasok, ngunit dahil na din sa bilis ng kanyang byahe ay mas maaga siya ng isa’t kalahati.

Hay naku, mabuti na lang, okay lang mag early in ka? Jam packed tayo ngayon eh,” magiliw na pakiusap ng manager.

Mas lalo lamang lumapad ang kanyang ngiti. “Sure po!”

Naroon ang tuwa ni Lucy dahil kahit papaano ay hindi nasayang ang pagpasok niya ng maaga ng araw na iyon dahil bayad siya at maydagdag.

Good! Sige, mag punch in ka na muna, tapos tulungan mo si Daphne sa pagseserve,” paaalam nito sa kanya bago nagmamadaling tumungo sa isang lamesang may grupong halatang nagcecelebrate.

Sige po mam!” habol na sagot na lang niya dito.

Pagkatapos noon ay nagmamadali na siya ng tumungo sa staff room upang makapag punch in at iwan sa kanyang locker ang mga gamit, pakasarado noon ay dali-dali na niyang isinuot ang kanyang name plate habang hinahanap ang kasamahan na dapat tulungan.

Ito na ang nakagawian niyang gawain mula nang humiwalay sila sa kanyang ama, masasabi niyang malayo ito sa dati niyang buhay pero hindi niya maipagkakailang masaya siya dahil sa kalayaan na natatamasa mula sa pagkita ng sariling pera.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status