Share

Chapter 8 Cause and effect

"Lets party!" masayang saad ni Andrew habang papasok sila ng bar.

Agad sumalubong sa kanila ang dumadagundong na tunog ng musika at ang walang patid na pagpapatay sindi ng iba’t-ibang kulay na ilaw.

Panaka-naka na ang kanyang pagsasayaw habang papunta pa lamang sila sa ikalawang palapag ng naturang lugar, kung nasaan ang pribadong lamesa na pina reserba nila.

Ilang araw na din siyang nagpapakasaya matapos ang kapalpakan na nagawa noon nakaraan araw.

Pilit niya na lang ngayon pinapasok sa sarili ang payo ng kaibigan na si Vincent, kung tutuusin nga naman, napakaraming babae ang nagkakandarapa sa kanya, kaya minabuti niya na lang na pagtuunan ng pansin ang mga ito.

Kapansin-pansin na din kasi sa mga kaibigan at kamag-anak niya ang tila paghahabol niya kay Lucy. Nabatid niya tuloy na hindi na maganda ang epekto sa kanya ng dalaga, naroon ang kanyang pag-aalala dahil hindi naman siya ganoon, kung kaya pilit niya ngayon ibinabalik ang sarili sa dati.

Sa isip-isip niya, hindi pwedeng masira ang kanyang pangalan at ang reputasyon niya sa mga kaibigan ng dahil lamang sa isang babae.

Walang tigil tuloy siya sa pakikipagtitigan sa bawat dalaga na ngumingiti sa kanya kapag nakakasalubong.

"Pare, bakit wala si Vincent?" takang saad ni Raymond nang makaupo na sila.

"May pinopormahan kaya nagpapaka good boy, hayaan muna natin siya. Alam mo naman iyon!" maloko niyang saad.

Sa tagal niyang kakilala ang kaibigan ay batid niya na ang pag-uugali nito, kung kaya naman hindi na lingid sa kanya ang tungkol doon.

"Sino naman?" biglang singit ni Jordan.

Halatang nagulat ang mga ito sa kanyang sinabi, biglang naging seryoso ang mga mukha nito at tutok na tutok sa kanya.

"Hindi ko din kilala! Basta may pinopormahan siya ngayon," palusot kaagad niya.

Naalala niyang bigla ang sitwasyon ng mga kaibigan, iisang babae lang kasi ang nililigawan ng mga ito at halata naman na nakakalamang si Vincent sa dalawa.

"Kahit kailan talaga napakamalihim ni Vincent!" maktol ni Raymond, napahalukipkip habang sumasandal sa upuan.

"Eh si Luke, nasaan?" pag-iiba na lang niya ng usapan.

"May tampo pa rin iyon sa iyo, bakit mo naman kasi pinatos iyong kambal niya!" nakangusong sita ni Jordan.

"Not my fault, I mean, you can't deny that his sister is hot!" nagmamalaki niyang depensa sa sarili.

Hindi niya naman maipagkakaila iyon, unang beses niya pa lamang masilayan si Lucy ay tila nagising na nito ang bawat parte sa kanyang katawan.

"Nandoon na tayo dude, pero sana naman nagpasintabi ka kay Luke. Alam mo naman napaka protective noon sa kapatid niya, tapos sinubukan mo pang patusin," mahinahon na paliwanag ni Raymond.

"Do you think If I told him I'd make a move on her sister he'd let me?" maangas niyang balik dito.

Napangiwi na lang ito sa kanya habang napapalinga ng tingin.

"If your motive was good, maybe. But we all know naman na that's a lie," natatawang singit ni Jordan sa usapan nila.

"Fuck you man!" may ngiti sa mukha ni Andrew pero halatang ang pagkaasar niya sa sinabi ng kaibigan.

"Bakit Drew, is your intention clean? Let's face it, kahit kanino mo iyan sabihin, walang maniniwala sa iyo," dagdag naman ni Raymond

"Shut up guys! I ain’t here to be lectured, I'm here to have fun! So I’ll leave you guys to yourselves, while I go find myself some action," bara niya na lang sa mga ito.

Napatawa na lang si Raymond at Jordan dahil sa tila pagkapikon ni Andrew, kaya naman kahit naroon ang ngiti sa mukha ay binigyan niya ang dalawa ng middle finger bago tumayo.

Naroon man ang inis ni Andrew sa mga kaibigan ay ayaw niya na munang alalahanin ang mga bagay na iyon, kaya naman tanging ang pagpapakasaya lamang ang isinasaksak niya isip upang makalimot.

Buo na ang desisyon niyang bumalik muli sa dati, hindi niya hahayaan na makagulo si Lucy sa kanyang pagkatao at buhay.

Masaya naman siya noon kahit wala ito, kaya alam niyang magagawa niyang muling maging maligaya kahit sa piling ng ibang mga babae.

Iniwanan ni Andrew sa lamesa ang mga kaibigan para humalo at makisalo sa lupon ng mga nagsasayawan tao, wala pang ilang minutong umiindayog doon ay napalibutan na ito ng ilang mga kababaihan.

Napangisi na lang siya habang pinapakiramdaman ang tatlong dalagang nakaikot sa kanya, lahat naman halos ay magaganda at sexy.

Naroon ang walang patid na paggiling ng mga ito sa harapan niya, pasimple rin ang pagdikit at pagpapasilip ng mga ito ng cleavage habang todo sa pagkembot at galaw na tila ipinapakita kung paano ang magiging hitsura kapag sila-sila na lamang.

Sa kanyang kaliwa ay naroon ang dalagang naka pink cocktail dress na abot balikat ang buhok at may bangs, medyo chinita ito at masasabing matanda ng kaunti sa kanya, panay ang bangga nito ng matambok na pwetan sa kanyang baywang pero hindi naman nakikipag eye contact sa kanya kung hindi hanggang lingon lang.

Ang nasa kanan niya naman ay naka black spaghetti strap at tight leather pants, nakapusod ang buhok nito at halata niya ang namumungay na mga mata dahil sa kapal ng eyeshadow na hinugis patalim sa gilid noon, batid niya ang kapal ng make up ng dalaga at dami ng kolorete sa katawan, tulad ng malalaking hikaw, kuwintas at halos matakpan na ng porselas ang dalawang kamay nito.

Pero ang talagang nakakuha ng kanyang atensyon ay ang babaeng walang patid sa mala bulateng pagkendeng ng pakaliwa’t kanan sa kanyang harapan, nakasuot ito ng isang itim na knee length dress at tila sumasabay pa ang abot baywang na buhok nito habang panaka-naka ang lingon sa kanya. Nandoon ang mapang-akit nitong pagkagat ng ibabang labi at kumikindat pa sa kanya kapag nagtatama ang kanilang tingin.

Ito na ang sinabayan ni Andreww sa pag indayog, halata naman na palaban ang babae dahil ito pa mismo ang nagdidikit ng sarili sa kanya.

Ilang sandali pa at nakakapit na siya sa baywang nito at magkasabay na sila sa tila mapangakit na sayaw. Nakapulupot na ang kamay ng dalaga sa kanyang leeg habang at walang pag-aalinlangan na nitong ikinikiskis ang likuran sa kanyang harapan na medyo umuumbok na.

Makaraan lang ang ilang pang minuto ay natagpuan niya na ang sarili sa gilid at tagong parte ng bar kasama ang naturang babae, walang itong pagpipigil sa pagnamnam sa kanyang mga halik.

Natigil lang ang mainit nilang paglalaplapan nang bumitaw ito, napataas siya ng kilay nang mapakagat ito sa ibabang labi, agad naman lumitaw ang malapad at maloko niyang ngiti dito nang ipinapasada nito ang mga kamay sa kanyang dibdib nang magtama ang kanilang mga tingin.

"I want some privacy," bulong nito sa kanya.

Nalipat ang mga mata nito sa isang pasilyo malapit doon, kaya napangisi na lang si Andrew nang makuha ang nais nito.

Naunang naglakad patungo doon ang dalaga, naiwan siya sa pwesto at ipinalibot na muna ang tingin sa paligid para alamin kung may nakakapansin ba sa kanila, pero halatang abala sa kanya-kanyang mundo ang mga nandoon kaya sigurado niyang walang pakialam ang mga ito.

Ilang sandali lang ay binalingan niya na ng tingin ang pinuntahan ng dalaga, nakita niyang nakasilip na ito mula sa gilid ng naturang daan, kinindatan siya ng dalaga sabay senyas ng daliri upang sumunod na doon.

Muli niya munang inikot ang tingin sa paligid upang makasigurong walang nakatingin, bago prenteng-prente naglakad papunta sa babaeng naghihintay sa kanya.

Mahaba-haba din ang naturang pasilyo na halatang kumukonekta sa bara sa katabi nitong hotel. Tago at medyo malayo ang parteng iyon kaya naman walang masyadong nagagawi.

Nang makarating sa dulo ay nahati ang daan patungo sa kaliwa’t kanan, mabilis siyang hinatak ng dalaga papunta sa kaliwang daan, kaya naman ganoon na lamang ang kanilang pagpipigil ng bungisngis dulot ng kaba habang tinatahak ang dulo noon.

Doon lamang nakita ni Andrew ang mga karatula na nagsasabing restroom, bago ang dalawang pintong magkatabi na may mga guhit ng pangbabae at panglalake.

Hinatak siya ng kasama patungo sa pambabaeng restroom, kahit nagmamadali ay nagawa pa din nilang ilagay sa harapan nito ang board sign na 'CAUTION! cleaning in progress'.

Napatawa na siya nang mas bumilis sa paglalakad ang dalaga, hinila siya nito sa pinakadulong cubicle. Agad siyang sinunggaban ng babae ng isang malalim at mapusok na halik habang papasok sila sa naturang lugar.

Hindi naman mapigilan ni Andrew ang mapangisi habang isinasarado ang pinto noon dahil sa walang pagpipigil na pakikipaglaplapan ng dalaga.

Napaupo na lang siya sa toilet bowl nang itulak siya ng kasama, buti na lang at nakasarado ang lid nito at malinis ang naturang lugar.

Mabilis kumandong ang babae kay Andrew bago magbalik sa pakikipaghalikan, hindi naman siya nagpatalo sa kapusukan ng babae, mabilisan niyang pinaglakbay ang mga kamay sa katawan nito.

Ilang saglit pa at sinimulan na nitong isa-isa buksan ang buttones ng polo ni Andrew, sinabayan niya naman ito sa pamamagitan ng paghila sa tali sa likod ng damit ng dalaga upang maluwagan ang naturang kasuotan.

Parehas na silang humahangos nang maghiwalay, napahalakhak na lamang si Andrew sa biglaan nitong pagbubukas sa kanyang suot kasunod ng hayok nitong pagpapalakbay ng bibig sa kanyang katawan.

Halatang sabik na sabik ito dahil sa nalipat na ang kamay sa walang patid na paghimas sa umbok na umbok na niyang pagkalalake.

Hinayaan niya na muna itong magsawa sa pagsamba at lasap sa kanyang katawan, matapos ang ilang saglit ay tuluyan na itong napaluhod.

Nadama na lang ni Andrew ang pagmamadali nito na matanggal ang sinturon niya, napapigil na lang siya ng tawa habang pinagmamasdan ang pagkahayok sa mukha nito.

Ilang saglit pa ay nagawa ng mabuksan ng dalaga kanyang pantalon, nakita niya ang mabilis na panlalaki ng mga mata nito sa pagkagulat nang biglaan lumabas ang tigas na tigas na niyang ari mula doon na tila nambubulaga, matapos nitong hatakin hanggang tuhod ang kanyang pantalon.

Napalunok ng malalim ang dalaga nang mas matitigan ng maayos ang malapad at malaking pagkalalake ni Andrew.

"C'mon sweetheart, you can do it," malambing niyang bulong.

Kita kasi ang pinaghalong pananabik at pag aalinlangan sa mukha ng babae habang hinihimas-himas ang ari ni Andrew, hindi nito magawang mahawakan iyon ng buo dahil sa lapad, kinailangan pa nitong gamitin ang dalawang kamay upang maikulong ang naghuhumndig na ari sa palad.

Hindi na nagawa pang maghintay ni Andrew, dulot ng kakatwang kuryenteng hatid ng mapaglaro at alinlangan na paghimas nito, agad niyang hinawakan ang ulo ng dalaga upang mailapit na ang bibig nito sa kanyang pagkalalake.

Napapikit na lamang ang dalaga habang pilit siyang isinusubo. Naroon ang tila pagngiwi nito habang pilit ibinubuka ng mas malapad ang bibig upang tanggapin ang pagpasok ng kanyang kabuuhan, pero wala naman siyang narinig na pagsalungat o tanggi sa ginagawa.

Hindi nagtagal ay nasanay na din ito at kusa ng gumalaw, kaya naman napabitiw na si Andrew at napakapit na lang sa gilid ng dingding nang simulan na nitong pagsipsip at laro ng dila.

Nang magsawa at hindi na makuntento sa ginagawang pagsubo ng dalaga ay agaran ng kinuha ni Andrew ang foil packet sa bulsa ng damit niya, naroon ang pagmamadaling niyang punitin ang dulo noon, kaya naman napansin siya ng babae.

Itinigil ng dalaga ang ginagawa nang makitang nabuksan na ni Andrew ang hawak, agad nitong kinuha iyon sabay pahimas na isinuot sa basang-basa at naghuhumindig na ari.

"Oh Shit" pigil niyang ungol.

Naroon kasi ang pagbalot ng kakaibang kuryente sa kanyang katawan sa higpit pero ingat ng ginawang paghimas ng dalaga habang isinusuot iyon sa kanya.

Hinatak niya na ito pakandong nang matapos mailagay ang condom sa nagngangalit niyang pagkalalake, sinalubong niya ito ng mapusok at mainit na paglaplap ang mga labi nito kaya naman napayakap na lang ang dalaga sa kanyang leeg.

Isang takas na ungol ang kumawala sa dalaga dahil sa ginagawang mapusok na pagangkin ni Andrew. Hindi ito nagpapadaig sa paglalaro ng kanilang mga dila, kung gaano siya kaagresibo ganoon din ito, kung kaya malaya at walang pagpipigil niyang napalibot ang dila sa loob ng bibig nito.

Laking pasalamat na lang ni Andrew at maluwag ang suot nitong dress kaya naman isang angat lang niya sa suot nito ay bumungad na kaagad sa kanya ang malulusog nitong dibdib, tanging itim na lacy panties lang pala ang panloob nito at wala ng iba.

Isang ipit na ungol ang kumawala sa dalaga nang simulan niya ng paglakbayin ang labi sa leeg nito kasabay ang sensual na paghimas sa malalambot nitong dibdib.

Nadama niya ang mahigpit na pagkapit nito sa kanyang balikat nang dahan-dahan niya ng pinaglakbay ang bibig pababa, patungo sa isa sa mga dibdib nito.

Panakaw na binalingan ng tingin ni Andrew ang babae, halata ang ligaya sa mukha nito dahil sa malapad na ngiti kahit kagat-kagat ang labi habang nakapikit.

"Ha!" hangos na angil ng dalaga.

Halos mapatili ito ng paikutin ni Andrew ang kanyang dila sa mumunting dulo ng dibdib nito, habang pinipisil naman ng isa niya pang kamay ang kabila. Tayong-tayo na ang mga iyon, senyales na init na init na ang babae. Binuhat niya sa pwetan ng dalaga upang maidikit ito sa kanyang katawan at magawang mahatak paalis ang pang ibaba nito ng hindi tumitigil sa ginagawa.

Mabilis niyang pinagtuunan ang hiyas ng babae nang mahubad na ang naturang suot. Mamasa-masa na ang parteng iyon kaya naman agaran niyang ipinasok ang isang daliri bukana noon.

"Uhn!" Kagat labi nitong ungol sa ginawa niya.

Napaliyad pa ito na tila mas sinasalubong ang pagpasok ng kanyang daliri kaya naman mas lalong nadagdagan ang init ng kanyang katawan.

Ilang saglit pa ay parang kiti-kiti ng naglilikot ang babae sa ibabaw ni Andrew, bawat paglalaro ng kanyang daliri ay nagpapaungol dito, naghahabol na din ito ng hininga dahil sa walang patid na ginagawa niya at sarap ng tinatamasa.

Iyon na ang naging hudyat niya para pasimpleng iposisyon ang pagkakalake sa may bukana nito, nang masiguradong tutok na iyon ay walang pasabi niya itong pinasok.

"Ah!" malakas nitong tili napabitaw na lamang ang dalaga sa tila panghihina.

Nasalo naman kaagad ni Andrew ang dalaga nang mapaliyad ito habang ninanamnam ang kanyang pagbabaon. Isang garalgal na ungol ang kumawala sa kanya habang napapasubsob sa dibdib nito dulot ng sarap ng kiliti nang magtuloy-tuloy ang kanyang ari sa pagpasok sa kaibuturan nito dahil sa dulas ng naturang lagusan.

Alam niyang nagulat ito sa ginawa niya dahil napasabunot na lang ito sa kanya, pero halatang nasarapan naman dahil mabilis din lumitaw ang ngiti nito.

Nakadama siya ng matinding pananabik sa reaksyon ng dalaga, kaya naman hindi na siya nag atubili na simulan ang pagbayo.

Tila tumatalon-talon na ang babae habang nakakandong at nakakapit na sa kanyang braso, paputol-putol ang ungol nito sa bawat pagkakataon na maisasagad niya ang sarili.

"Shit! Sweetheart, you're so wet!" hangos niyang ungol nang mag-angat na ng ulo upang mapagmasdan ang kaniig.

Wala kasing kahirap-hirap ang paglalabas masok niya dito dahil sa napakadulas nitong bukana.

Ang sarap mo! Sige pa,” ungol nitong pakiusap.

Nagawa ng tumuwid ng dalaga kaya naman naging magkapantay na sila, naroon ang malalapad na ngisi habang pinagmamasdan ang hubad na katawan ng isa’t-isa.

Ilang sandali pa at bigla na lang itong napaakap ng mahigpit sa kanya, kasunod noon ang kusa na nitong paggiling. Hingal na hingal na ito pero halatang wala na sa sarili dahil sa pagkalunod sa ginagawa nila.

"I'm Cumming! I'm Cumming." Hangos nitong bulong matapos ang ilan pang sandali.

Mas lalo pang binilisan ni Andrew ang pag galaw sa looban nito nang marinig iyon. Nagsimula na tuloy mag ingay ang takip ng inuupuan niya dahil sa lakas at bilis ng kanyang pagbayo.

"Come for me sweetheart!" mapang akit na bulong ni Andrew.

Naroon na ang walang tigil nilang pag-ungol na nahaluan ng tila basang tunog ng pumapalakpak nilang katawan dahil sa paliligo sa pawis.

"Oooh!" malakas na ungol ng dalaga nang tuluyan ng magpakawala.

Nadama ni Andrew ang biglaang pagbaluktot ng babae sabay ang panandaliang panginginig ng katawan nito, kaya naman tumigil muna siya para hayaan itong makabawi.

Sinamantala niya na din ang pagkakataong iyon para makapagpahinga, panaka-naka niya na lang na hinahalika ang leeg nito habang nakahinto at naghahabol sila ng hininga.

"You liked it sweetheart!" lambing niya dito habang kinakagat kagat ang tenga nito.

"Damn, you're good!" Humahangos na ngisi na lang ng dalaga sa kanya.

Naghahabol pa rin ito ng hininga matapos ang ilang sandali, habang siya naman ay nagawa ng makabawi na ng lakas, kaya naman hindi na siya nakapagpigil na magsimula muli.

Halatang nagulat ang babae sa pagtayo ni Andrew, wala itong nagawa kung hindi ang mapayakap na lamang sa kanyang leeg nang buhatin niya ito at isandal sa ding-ding ng cubicle, sinimulan niya kaagad ang walang habas na pagkadyot nang makapwesto at maibalanse na ang sarili.

"Ah shit, shit, shit!" sunod-sunod ang pigil nitong ungol sa marahas niyang galaw at malalim na pagbaon.

Ilang sandali pa at naramdaman niya nanaman ang biglaang paninikip ng looban ng babae sa kanyang ari kasabay ng pagbaon ng kuko nito sa kanyang likod.

Hindi na nito nagawang pigilan pa ang malakas na pag ungol nang muling marating ang r***k ng kaligayahan.

Bakas ang matinding panghihina ng babae matapos iyon, kita niya kung paano manginig ang tuhod nito habang ibinababa niya.

Subalit hindi pa rin kuntento si Andrew dahil hindi pa siya nakakatapos, kung kaya mabilisan niyang pinatalikod ang katalik, napahawak na lang ito sa pintuan ng cubicle, habang iniaangat niya ang likuran nito upang maiposisyon ang sarili mula roon.

"My gosh, hindi ka pa ba pagod?" may bakas na ng pag aalala ang boses ng babae ng mga sandaling iyon kahit naroon ang ngiti sa mukha nito.

"I'm not finish yet sweetheart!" maloko niyang sagot.

Tulad ng kanina ay biglaan niya nanaman itong pinasok, hindi nito napigilang mapasubsob sa pintuan dahil sa lakas ng ginawang pagbayo ni Andrew.

"Ah! Ah!" walang patid nitong tili.

Halos hindi na makatayo ng tuwid ang babae habang naglalabas masok ni Andrew sa dalaga, nakakapit na lang ito sa ibabaw ng pintuan kaya naman naroon na ang paglangitngit noon dahil sa halos bumibigay na sa walang tigil na pag-uga, pero wala siyang pakialam kahit masira pa iyon ang tanging nasa isip niya lang ngayon ay ang makapagparaos.

Napatigil lang si Andrew nang may marinig na ibang ingay maliban sa ginagawa nila, agad niyang inakap ang kasama para hindi gumawa ng ingay at maalalayan ito sa pagtayo dahil bumitiw na sa pinto.

Pinakiramdaman nila ang paligid, ilang sandali lang narinig nila ang mahinang pagbukas ng pinto ng restroom, batid nila iyon dahil sa pagpasok ng ingay mula sa labas.

Naroon na ang pagpipigil nilang dalawa ng tawa habang pinapanatili ang katahimikan ng isa’t-isa upang hindi mahuli.

"Oh, wala naman naglilinis eh! Sino naman kaya naglagay nito dito," irritableng saad ng isang babae.

Nakadama si Andrew ng kaba nang mapagtanto na marami na sigurong nakapila sa labas na gagamit ng naturang restroom, napahagikgik naman ang dalaga nang madama ang tila panlalambot niya sa bukana nito kaya maloko nitong inilikot ang baywang.

"Shit, stop that!" bulong niyang pagpapatigil sa ginagawa ng babae.

Pero sadyang pilya ang dalaga, nagpatuloy lang ito kaya naman mas lalo niya pang hinigpitan ang akap dito para mapigilan ang paglabas ng ungol niya, dahil sa dulot na mas malakas na kuryente sa kanyang katawan mula sa kaba at tuwa.

Mas nakadagdag sa sarap ng kanilang ginagawa ang matinding takot, kaya para silang mga naglalabang bulateng gumigiling sa isa't-isa ng mga oras na iyon, nagkokompetensya sa kung sino ang unang susuko at uungol.

Napapapigil na lang sila ng tawa sa bawat pagkakataon na may susubok magbukas ng pintuan ng cubicle na kinaroroonan.

Ilang minuto din ang lumipas bago muling tumahimik ang loob ng restroom, ang haba ng pagtitiis ni Andrew ang siyang nagdulot ng tila matinding init sa kanyang katawan, kaya naman walang atubili niya nanamang pinabilis ang paglabas masok sa babae.

Dahil sa nakatayo sila ay wala ng masyadong ingay ang maririnig mula sa kanila, kaya kahit na muling may pumasok sa loob ng restroom ay hindi na siya tumigil sa ginagawa, dahilan para madama niya na ang pagdating ng kanyang r***k.

"Lucy, tapos ka na ba?" saad ng isang malumanay na boses.

Nakadama si Andrew ng biglaan panlalamig, kasabay ng tila pagtakas ng dugo sa kanyang katawan dulot ng matinding takot nang marinig ang sinabi ng isang babae, pero pinilit niya na lang ipagkibit balikat iyon dahil madami naman ang may ganoon pangalan, maliban doon kaunti na lang ay magpapakawalang na niya ang init na naipon.

"Yup, ayusin ko lang itong necktie ko," malumanay na saad ng isang matamis na boses.

Ang malambing at pamilyar na tonong ng babaeng nasa labas ang siyang tila naging dahilan nang tuluyang pagyanig ng kalamnan ni Andrew, mabilis at biglaan ang naging pagpapakawala niya dahil sa tila kiliti ng boses na iyon, hindi siya maaaring magkamali, si Lucy nga ang taong nasa labas.

Sinubukan niya pang pigilan ang sarili sa huling sandali upang huwag makagawa ng ingay, subalit naging dahilan iyon nang mas malakas pero ipit niyang ungol, bigla siyang pinagpawisan ng malamig nang biglang manahimik ang mga nag-uusap sa labas.

"May tao ba diyan?" Halata ang pag ka irita ng boses ni Lucy mula sa kabila ng pinto. Pilit nitong binubuksan iyon habang kinakalampag. "Seriously! Restroom po ito hindi motel, I suggest lumabas na kayo diyan bago ako tumawag ng security," pagbabanta nito.

Dama ni Andrew ang tila pagtakas ng kanyang kaluluwa sa katawan sa mga sandaling iyon, para siyang biglang nawalan ng lakas at hindi iyon dahil sa pagpapalabas niya ng katas, kung hindi dahil sa kung anong takot sa kaalaman na nasa labas lang si Lucy.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status