Share

Part 6

Penulis: ROXIE
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-04 19:38:03

“Ang aga mo yata, Naila.”

Tanong ni Alexa kay Naila na ngayon ay nakaupo na habang naglalabas ng laptop. May date siya ngayon, obviously, kaya siya nandoon. Mamaya pa naman ang date niya at nakiusap siya kay Alexa na mag-stay na muna doon para kahit papaano ay makapagtrabaho siya habang naghihintay. Wala namang gaanong kadaming tao kaya okey lang na nandoon siya. Isa pa, kaclose na din niya ang manager nito kaya nagagawa siyang pagbigyan ng mga ito.

Speaking of the manager ay ilang araw na niyang hindi nakikita ito. “Alexa, nasaan si Melvin? Ilang araw ko na siyang hindi nakikita.” Inilibot niya ang paningin para hanapin si Melvin. Si Melvin ba talaga?

“Binigyan siya ng vacation leave with pay ng may-ari for two months.”

“Talaga?” Napakaswerte naman ng lalaking iyon. Nagbakasayon na nga, may bayad pa.

“Kaya ikaw muna ang nagma-manage pansamantala?”

“Medyo na oo at medyo na hindi.”

May itatanong pa sana siya kaso ay tumunog ang cellphone nito at sinagot iyon. Lumayo ito ng konti at ng bumalik ay parang biglang bumigat ang balikat nito. “Anong nangyari?”

“Ayun, tumawag si boss. Tinatanong ang anak niya kung kumusta na daw?”

“E ba’t sayo niya itatanong?” Hindi siya interesado sa kung sinong anak iyon. Meron siyang ibang gustong itanong pero hindi niya alam paano isisingit kay Alexa.

“Ang anak kasi niya ang tumatayong manager namin ngayon. Si Ashton Cuyegkeg. Iyong gwapong palaging nandito.” Kinikilig na sambit pa nito. “Hindi ko lang alam kung napansin mo na siya.”

Soooooooooo, anak pala ito ng may-ari. Di kata-takang pasulpot-sulpot lang ito sa restaurant. Kaya pala ang lakas ng loob nitong lagyan ng asin ang leche flan ng ka-date niya dahil kahit magreklamo ang customer ay hindi patatalsikin ito. Pero hindi na nagreklamo si Alvin. Iyon nga lang ay nawala sa mood ito. “Kung siya ang manager ninyo ngayon. Hindi ba dapat ay nandito siya?” That was baam! Hinahanap nga ng mga mata niya ang presensiya ng binata.

Tumango ito. “Kaya lang,” lumungkot ang itsura nito. “…ay nakakasakit siya ng ulo.”

“Bakit naman?” Bakit ba curious na curious siya sa lalaki ng ganoon katindi?

“Gusto kasi ni boss na huwag namin siyang tratuhin na siya ang may-ari kaso ay paano namin siya pagagalitan e anak pa rin siya ng boss. O tapos ngayon, tumawag si boss… sinabi ko sa kanya lahat ng kalokohan na ginagawa niya kasi iyon iyong gusto niya. Kaya hayun, parang na-highblood pa. Wala na daw ginawang matino ang anak niya.”

“Ano bang nangyari?” sa totoo lang ay hindi siya matanong na tao o pakialamera sa buhay ng iba. But with Ashton involve in the conversation, she just couldn’t avoid it.

“Noong first day niya, late siya. Ipinaghintay pa niya si Sir dito. Idinahilan niya na muntik na daw ma-snatch ang cellphone niya bago siya nakapasok dito. Na hindi pinaniwalaan ni Sir dahil palagi daw siyang maraming alibi na halatang hindi naman totoo. Pagkatapos noong susunod na araw ay pumasok lang ito noong gabi na. Tapos ay bigla na lang umalis. Hindi naman namin alam kung bakit. Basta!”

Totoo naman na na-snatchan ito. Alam din niya ang dahilan kung bakit gabi na ito pumasok noong isang araw at kung bakit bigla ding umalis ito. Dahil iyon kay Alvin na ka-date niya. Yata!

Or nagiging assuming na siya?

Speaking of Alvin, katulad ng mga nauna niyang naka-date ay wala din pala siyang mapapala dito. Dahil base sa pag-uusap nila ay mukhang ito pa ang gagamit sa kanya. Tinanong kasi siya nito kung pwede itong patulong sa kanya sa internet connection ng mga ito dahil nagkakaproblema daw ito. Sila nga ay walang internet connection pagkatapos ay papatulong pa ito. Pero mabuti na lang at ito na ang nagbayad sa kinain nila.

Parang gusto nga niyang i*****k ang tinidor dito. Kung makapagyabang kasi ito sa trabaho nito ay akala mo ang yaman-yaman nito. Hindi naman pala ito ganoon kayaman. Katulad pala niya ay nagsisinungaling lang din ito. Sinabi na lang niya na may malaki silang problemang dumating kaya wala muna siyang panahon sa ibang bagay. Hindi na siya pwedeng makipag-date dito dahil katulad ng mga nauna ay wala siyang mapapala sa Alvin na iyon.

“O tapos ilang araw na nandito nga siya. Wala naman siyang ibang ginawa kundi ang matulog. Nagagalit si Sir sa akin dahil hindi ko daw pinapagalitan ang anak niya. E paano ko gagawin iyon? At saka, makikinig ba si Sir Ashton sa akin?”

“Mahirap nga iyan.” Lalo na at doon ito nagtatrabaho baka magka-gap pa ang dalawa. “Kung ganoon pala ang anak niya ay bakit ipinapa-manage pa ang restaurant sa kanya? Risky iyon sa tatakbuhin ng restaurant.”

“E kasi naman itong si Sir Ashton. Matanda na pero hanggang ngayon daw ay hindi nagma-mature. Ni hindi pa nga daw nito naranasan ang makapagtrabaho kahit sa sariling kumpanya nila. Puro pasarap lang daw ang alam niya. E si Sir naman, gusto daw niyang matuto si Sir Ashton sa buhay. Na pahalagahan ang pinagpaguran. Ki-nut nga niya ang allowance ni Sir at ang kikitain niya dito ang magiging allowance niya. Kapag hindi siya tumino ay tuluyan na niyang aalisin ang allowance ni Sir Ashton at kailangang maghanap siya ng trabaho sa labas para matuto siyang tumayo sa sarili niyang paa. Nag-aalala kasi sina Sir na kapag nawala na sila at hindi pa rin marunong sa buhay si Sir Ash ay baka hindi nito kayanin. Alam mo na. Problema ng mga mayayaman.”

Ashton was lucky enough to be in a wealthy family. Pero iyon iyong disadvantage dahil hindi natuto ito sa buhay, ang magpahalaga sa lahat ng bagay. Pero bakit nga ba ganoon? Iyong mga taong nagsisikap ay walang napapala at kailangan pang gumawa ng kung ano-anong bagay samantalang ang mga walang pakialam ay sila iyong napakaswerte.

Pero naiintindihan niya ang pinupunto ng ama nito.

“O siya, Naila… doon na ako. Nandiyan na si Sir Ashton. Tinawagan siguro ng daddy niya.” Agad na lumayo sa kanya si Alexa.

Agad namang nagsalubong ang mga mata nila ni Ashton. Nandoon na naman ang dagundong sa puso niya. Agad na nginitian at kinawayan siya nito. And that kind of heartbeat? She has never felt that with those she dated or had a crush with.

Siguro ay ilang beses na siyang nakikipag-date o nakikipagchat para makahanap ng mayaman na boyfriend pero sa totoo lang ay hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend. Wala nga din siyang clue kung paano ang ma-in love. Kaya nga hanggang ngayon ay nalilito siya sa itinitibok ng puso niya dahil sa lalaki.

Pero no way… no way na ma-in love siya agad. Imposible! Isa pa ay kaya niyang pigilan ang feelings niya.

Pero speaking of Ashton. Hindi kaya nagtataka ito kung bakit iba-iba ang mga ka-date niya? Isn’t he curious? Isn’t he criticizing her for doing that? Wala naman kasing matinong babae ang gagawin ang ginagawa niya.

And why the heck she cares about what he thinks about her? E never na siyang nagpaapekto sa mga sinasabi ng ibang tao.

Pero may parte sa puso niya na sinasabing mas magandang isipin na lang nito na masama siyang babae. Na malandi siya. Para hindi na lumalim pa ang kung anuman ang nararamdaman nito para sa kanya at para tumigil na ito sa pangungulit sa kanya.

“Are you here for another date?” seryosong tanong ni Ashton na nakatayo na sa gilid niya ngayon.

“Y-Yes,” bakit ba siya nauutal?

“Watch out for those you date. Not all guys are good and have good intentions.”

“Iniinsulto mo ba ako? Hindi mo alam kung bakit ko ginagawa ito.”

“Then, tell me why because I hate seeing you with those guys. Sabihin mo din sa akin kung bakit ayaw mo akong i-date?”

Bakit ba parang boyfriend niya ito kung makaasta?

“Hindi tayo close para sabihin ko sa iyo ang mga bagay na tungkol sa akin.” Matigas na sambit niya. Isa pa, ayaw niyang mapalapit dito. Nandoon siya ulit at ipagpapatuloy iyon para ipakita dito na hindi siya matinong babae.

“Okay, I respect your decision.” Paalis na sana ito ng may maalala ito kaya bumalik ulit. “And I am not judging nor insulting you, Naila. I just don’t want you ending up with a wrong guy because I know that I’m the right guy for you.”

Natawa siya dahil sa huling sinabi nito. Sa totoo lang ay nadadala siya sa ipinapakitang concern nito at kaseryosohan nito. Medyo bumebenta lang sa kanya ang mga corny na pickup lines nito.

Yumuko siya ng mataman na naman siyang tignan nito at ngumiti dahil sa tawa niya. “You look more stunning when you laugh.”

“Thank you.” Marami ng tao na nakapagsabi na maganda siya pero never niyang pinaniwalaan ang mga ito. Pero sa mga sandaling iyon. She believes Ashton and it made her heart upside down again.

Tumango naman ito. “But I won’t let you be happy with your date today, Naila. Tandaan mo. I’m calling dibs on your heart.”

Kinabahan at kinilig siya. Kinilig siya dahil sa mga pinagsasasabi nito. It felt like he was owning her already that no one could have her but him. Medyo masarap sa pakiramdam.

Umiling siya ng paulit-ulit. Hindi siya pwedeng magpadala dito. He has sweet tongue at parang sincere ito sa mga sinasabi nito pero hindi pa niya kilala ng lubusan ito. But if he is being true to her? Her heart will be happy.

But her mind wasn’t. Hindi siya pwedeng tuluyang ma-fall dito.

Hindi siya papayag na masira nito ang date niya ngayong gabi dahil nawawalan na siya ng panahon.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Here's Your Perfect   Part 27

    “I won’t take much of your time. I’m Shania and I’m Ashton’s fiancé. Our wedding will be soon but—” Parang estatwa si Naila na nakikinig lang kay Shania. Nandoon siya sa sasakyan nito. Nasa driver seat ito at siya naman ay nasa passenger seat. Shania’s posture is full of authority, and she doesn’t want to be in a one frame with her. Tumitingkad masyado ang ganda nito at naninigaw ang salitang wealth sa awra nito.Heto na naman siya, feeling insecure dito. Lahat ng bagay na meron ito ay wala siya. Nanliliit siya na makatabi ito. Mabigat na nga ang pakiramdam niya ng wala ito, noong hindi niya nakikita ito at mas lalo pang bumigat iyon ng dumating ito. Para bang ipinagsisigawan ng mother earth na failure siya, worthless, burden… dahil kahit anong sikap niya o kahit anong paraan ang gawin niya ay hindi nag wo-work. Mapapahamak ang pamilya niya at wala siyang maitulong para maiwasan iyon. To think that she had already done everything. Iyon ay kung talagang na

  • Here's Your Perfect   Part 26

    “Babe, I want to see you. I will pick you up.” Basa ni Naila sa message na iyon ni Ashton. Nag reply siya at sinabing busy siya at sa susunod na lang sila magkita. Masakit para sa kanya na sabihin iyon pero iyon na ang dapat niyang gawin. Hindi na pagmamahal ang kailangan niya ngayon kundi pera. Hindi niya minamahal si Ashton dahil sa pera nito kaya hinding-hindi niya lalapitan ito. Hindi niya gagamitin ito. I’m sorry, Naila. Can we meet next week? I just got a family emergency. Basa niya sa message na galing kay Ivan. Kinailangan daw nitong umalis para puntahan ang pamilya nito na nasa ibang bansa. Pakiramdam niya ay gumuho ang pader ng bahay nila at tinambunan siya. Madilim na ang buong paligid at ganoon din ang pakiramdam niya at ang hinaharap nila. Alam niyang tuluyan na silang ipapahiya ng mga taong iyon. May gagawing masama ang mga ito sa kanila at kung ano iyon ay hindi niya alam pero ang sigurado siya na hinding-hindi nila magugustuhan i

  • Here's Your Perfect   Part 25

    Sa wakas ay nakalabas na ng ospital ang lola ni Naila. Okey na daw ito kaya lang ay importanteng mainom nito ang mga bagong gamot na inireseta ng doctor dito bukod pa syempre sa mga gamot na dati na nitong iniinom. Malalim siyang napabuntong-hininga. Isa-isa niyang tinignan ang pamilya niya. Lahat sila ay may takot sa mga mata dahil sa nangyari. Nalaman na din ng mga kapatid niya ang malaking utang ng kanyang mama. Pero isinekreto nila iyon sa lola nila dahil bawal ng mag-alala ito at siguradong mago-overthink ito kung sasabihin pa nila ang tungkol doon. Ang sinabi na lang nila ay mga scammer ang mga iyon at inireport na nila ang mga ito sa pulis para hindi na mag-alala ito. Mabuti na lang at wala ang tatay niya kundi ay mag-aalala din ito. Kasalanan niya ang nangyari. Kung hindi sana siya nagpabaya at naghanap ng pera ay hindi mangyayari iyon. Kung hindi sana niya inuuna ang sarili ay hindi mangyayari iyon. Nakatanggap din siya ng text message sa mga ito

  • Here's Your Perfect   Part 24

    Masayang umuwi si Naila sa kanila. Masaya siya dahil naging maayos ang pag-uusap nila ni Ivan. Iyong kailangan naman niyang harapin ngayon ay ang pinagkakautangan nila. Hindi niya alam kung pakikinggan siya pero siguro naman ay magagawan o mapag-uusapan nila ng maayos ang tungkol sa utang ng mama niya. Sana! Mahinang panalangin niya. Pag-uwi niya ng bahay ay nagulat siya ng makita ang mga halaman ng kanyang lola nanagkasira-sira na. Para bang sinadyang sirain ang mga iyon. Ang mga paso ay nagkabasag-basag na. Nasira ang mga bulaklak na inaalagaan nito. Anong nangyari habang wala siya? Bakit napakatahimik din ng bahay na parang walang tao doon? Tinawag niya ang mama niya at mga kapatid pero walang sumasagot isa man sa mga ito. Nilagpasan niya ang maduming paligid at pumasok sa kanila para tignan ang pamilya niya dahil baka natutulog lang ang mga ito o kaya naman ay may pinagkakaaalahan. Pero ng makapasok siya ay wala ni isa sa pamilya niya ang nandoon.

  • Here's Your Perfect   Part 23

    “I will miss you, Naila.” Narinig na sabi ni Ashton kay Naila. “Syempre, mami-miss din kita.” Sabi niya dito hanggang sa tuluyan ng naputol ang pag-uusap nila. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala na sa isang iglap lang ay may boyfriend na siya. Halo-halo ang nararamdaman niya. Pero ang kilig, overwhelming feeling ay nandoon pa din. She likes how everything turned out. Hindi siya makapaniwala na kaya niyang magmahal ng ganoon. Na ganoon pala kasaya na malaman na may taong nagmamahal sa iyo. Sa totoo lang ay parang ayaw na niyang mahiwalay sa tabi ni Ashton. Pero hindi pwedeng hindi siya magtrabaho ngayon. Isa pa, kailangan na niyang maging totoo kay Ivan. Hindi siya para dito at kahit anong pilit ang gawin niya. Si Ashton ang mahal niya at ayaw niyang saktan ang binata. Kakausapin niya si Ivan at tatapatin na ito. Ivan is an understanding person kaya siguradong maiintindihan siya nito. May surprise ako sa iyo pagbalik mo dito pagk

  • Here's Your Perfect   Part 22

    “Alexa, anong problema?” sinagot ni Naila ang tawag na iyon ni Alexa. Agad na sinagot niya iyon kahit na nasa trabaho pa siya. Hindi naman kasi tumatawag ito ng ganoon kung hindi importante. “K-Kasi,” nauutal na sagot nito. “May problema ba?” “Si Boss A-Ash kasi—” “Anong nangyari kay Ashton?” kinakabahang tanong niya. “Tumawag kasi ang daddy niya. H-Hindi ko alam anong pinag-usapan nila. Pero pakiramdaman namin h-hindi maganda ang pinag-usapan nila at galit na umalis si Sir Ashton. Nang tanungin namin siya kung saan siya pupunta ang sabi niya ay magwawalwal daw siya.” Binalot siya agad ng pag-aalala. Baka nag-away ang mag-ama. Knowing Ashton, he seemed to be like he doesn’t care pero apektado pa rin ito sa mga nangyayari ayaw lang magpahalata nito. Kung magwawalwal ito ay siguradong iinom ito. Hindi naman ito tolerant sa alak at siguradong malalasing agad ito. Baka kung ano pa ang mangyari dito. “Alam mo ba saan siya pupunta?

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status