Papasok na si Naila sa restaurant ng maramdaman ulit niya ang presensiya ni Ashton sa likod niya. “Ashton, please… huwag mo na akong sundan.” It took her a lot of courage to utter those words. Dahil baka bawiin niya ang mga sinabi kung palagi itong nandiyan at nangungulit.
“Baka nasa likod mo lang ang lalaking babagay sa iyo.” Nakangiting wika nito at saka siya nilagpasan at binuksan ang pinto ng restaurant. “Welcome to our restaurant, Naila. Please, enjoy your stay and hoping that you will like our foods.” dagdag pa nito.
Doon pala nagtatrabaho ito? Hindi pwede! Hindi siya pwedeng makita nito palagi sa ganoong sitwasyon.
“Naila?”
Napatingin siya sa bandang likuran niya dahil sa tumawag. “Alvin?” kahit na ayaw niyang ngumiti ng mga oras na iyon ay ngumiti siya. Si Alvin ang bagong prospect niya kaya kailangan niyang magpa-impress. For Pete’s sake, she’s going to date another guy today. Makikita na naman ni Ashton iyon at lalong nanliliit siya sa sarili dahil doon. Baka isipin nito na playgirl siya.
Hindi mo naman siya gusto kaya bakit nag-aalala ka na ganoon ang iniisip niya?
Napahinto siya dahil sa naisip. Oo nga, bakit nga ba siya nagpapaapekto sa kung anuman ang iisipin nito? Hindi niya gusto ito at hindi din ito dapat magkagusto sa kanya! Period! At marami pang period!
“May I?”
Umakto si Alvin na parang isang prinsipe sa mga fairytale. Inakay siya nito papasok ng restaurant. “Of course,” Napakagentleman pala nito.
Pagpasok niya ay huminto siya sa tapat ni Ashton na winelcome lang naman siya at hinihintay siyang makapasok. Kung totoong gusto siya nito ay madidisappoint ito sa nakikita. Hindi niya alam kung anong mararamdaman ng mga sandaling iyon. Dapat ay masaya siya na nakikita nito na hindi siya dapat magustuhan nito pero may parte ng puso niya na hinihiling na huwag. Na huwag itong tumigil. Pero… Pero… iyon iyong tama! Kung tutuusin ay dapat niyang panindigan na hindi talaga niya type ito at ipakita dito na maling babae ang nagugustuhan nito. She needs to push him away.
And how is it possible for him to fall for her like that? They just met. Dalawang araw palang silang nagkakakilala nito. Kung umakto ito na gusto siya nito ay akala mo na ang tagal na nilang magkakilala at ang lalim na ng feelings nito para sa kanya.
Imposible iyon!
Baka naman pinagtitripan siya ng kulugong ito?
But as she was staring at him, he doesn’t seem like he was making fun of her. He looks incredibly genuine. Parang malungkot ang itsura nito.
She shook her head and removed all those thoughts on her mind. Paninindigan niya ang sinabing hindi niya gusto ito. “Ahm, mukhang tama ka. Nasa likod ko nga ang lalaking babagay sa akin.” Seryosong sabi niya dito. Kailangan din niyang pigilan ang sarili niya na huwag tuluyang mahulog dito.
“I still meant what I said a while ago.” Ngumiti ito bago naglakad papuntang counter habang palihim na sumusulyap sa kanilang dalawa ni Alvin.
Bakit parang lalo lang nitong pinakaba ng todo-todo ang dibdib niya?
“Let’s go?” yaya niya kay Alvin na halatang naguguluhan sa mga nangyari.
Kasalukuyan silang kumakain ni Alvin ng magpaalam ito na mag-C-CR lang. Kaya naiwan si Naila sa table ng biglang i-serve ni Ashton ang desert.
Inilapag nito ang sosyal na version ng leche flan sa tapat niya at ganoon din ang kay Alvin.
“If you think I will take back everything that I’ve said. No! Hindi ako madaling sumuko. And I can play dirty sometimes.” Ngumiti ito at biglang sumeryoso. “I won’t give you up, Naila. Gagawin ko ang lahat makuha lang ang puso mo.” Natawa ito sa sinabi nito.
Siya din ay muntik ng mabulunan dahil sa sinabi nito. Pero pinigilan niya pati ang pagngiti. She kept a poker face.
“Sounds corny but I meant it.” Tumingin ito sa dalawang leche flan. “There are some foods who looked really sweet but sometimes they’re really not.”
“Anong—” bago pa man siya makapagtanong ay agad ng umalis ito. Ano naman kayang pinagsasasabi nito?
Sa wakas ay bumalik na si Alvin. Tinikman nito agad ang desert. Nagulat siya ng biglang lumukot ang istura nito.
“What’s wrong?”
“This food’s taste so salty. Ang sabi mo masarap dito.” Paninisi pa ni Alvin sa kanya.
Agad niyang tinapunan ng nanlilisik na tingin si Ashton na palabas na ngayon ng restaurant. Ngingiti-ngiti pa ito ng nakakaloko ng tumingin sa kanya.
“I won’t take much of your time. I’m Shania and I’m Ashton’s fiancé. Our wedding will be soon but—” Parang estatwa si Naila na nakikinig lang kay Shania. Nandoon siya sa sasakyan nito. Nasa driver seat ito at siya naman ay nasa passenger seat. Shania’s posture is full of authority, and she doesn’t want to be in a one frame with her. Tumitingkad masyado ang ganda nito at naninigaw ang salitang wealth sa awra nito.Heto na naman siya, feeling insecure dito. Lahat ng bagay na meron ito ay wala siya. Nanliliit siya na makatabi ito. Mabigat na nga ang pakiramdam niya ng wala ito, noong hindi niya nakikita ito at mas lalo pang bumigat iyon ng dumating ito. Para bang ipinagsisigawan ng mother earth na failure siya, worthless, burden… dahil kahit anong sikap niya o kahit anong paraan ang gawin niya ay hindi nag wo-work. Mapapahamak ang pamilya niya at wala siyang maitulong para maiwasan iyon. To think that she had already done everything. Iyon ay kung talagang na
“Babe, I want to see you. I will pick you up.” Basa ni Naila sa message na iyon ni Ashton. Nag reply siya at sinabing busy siya at sa susunod na lang sila magkita. Masakit para sa kanya na sabihin iyon pero iyon na ang dapat niyang gawin. Hindi na pagmamahal ang kailangan niya ngayon kundi pera. Hindi niya minamahal si Ashton dahil sa pera nito kaya hinding-hindi niya lalapitan ito. Hindi niya gagamitin ito. I’m sorry, Naila. Can we meet next week? I just got a family emergency. Basa niya sa message na galing kay Ivan. Kinailangan daw nitong umalis para puntahan ang pamilya nito na nasa ibang bansa. Pakiramdam niya ay gumuho ang pader ng bahay nila at tinambunan siya. Madilim na ang buong paligid at ganoon din ang pakiramdam niya at ang hinaharap nila. Alam niyang tuluyan na silang ipapahiya ng mga taong iyon. May gagawing masama ang mga ito sa kanila at kung ano iyon ay hindi niya alam pero ang sigurado siya na hinding-hindi nila magugustuhan i
Sa wakas ay nakalabas na ng ospital ang lola ni Naila. Okey na daw ito kaya lang ay importanteng mainom nito ang mga bagong gamot na inireseta ng doctor dito bukod pa syempre sa mga gamot na dati na nitong iniinom. Malalim siyang napabuntong-hininga. Isa-isa niyang tinignan ang pamilya niya. Lahat sila ay may takot sa mga mata dahil sa nangyari. Nalaman na din ng mga kapatid niya ang malaking utang ng kanyang mama. Pero isinekreto nila iyon sa lola nila dahil bawal ng mag-alala ito at siguradong mago-overthink ito kung sasabihin pa nila ang tungkol doon. Ang sinabi na lang nila ay mga scammer ang mga iyon at inireport na nila ang mga ito sa pulis para hindi na mag-alala ito. Mabuti na lang at wala ang tatay niya kundi ay mag-aalala din ito. Kasalanan niya ang nangyari. Kung hindi sana siya nagpabaya at naghanap ng pera ay hindi mangyayari iyon. Kung hindi sana niya inuuna ang sarili ay hindi mangyayari iyon. Nakatanggap din siya ng text message sa mga ito
Masayang umuwi si Naila sa kanila. Masaya siya dahil naging maayos ang pag-uusap nila ni Ivan. Iyong kailangan naman niyang harapin ngayon ay ang pinagkakautangan nila. Hindi niya alam kung pakikinggan siya pero siguro naman ay magagawan o mapag-uusapan nila ng maayos ang tungkol sa utang ng mama niya. Sana! Mahinang panalangin niya. Pag-uwi niya ng bahay ay nagulat siya ng makita ang mga halaman ng kanyang lola nanagkasira-sira na. Para bang sinadyang sirain ang mga iyon. Ang mga paso ay nagkabasag-basag na. Nasira ang mga bulaklak na inaalagaan nito. Anong nangyari habang wala siya? Bakit napakatahimik din ng bahay na parang walang tao doon? Tinawag niya ang mama niya at mga kapatid pero walang sumasagot isa man sa mga ito. Nilagpasan niya ang maduming paligid at pumasok sa kanila para tignan ang pamilya niya dahil baka natutulog lang ang mga ito o kaya naman ay may pinagkakaaalahan. Pero ng makapasok siya ay wala ni isa sa pamilya niya ang nandoon.
“I will miss you, Naila.” Narinig na sabi ni Ashton kay Naila. “Syempre, mami-miss din kita.” Sabi niya dito hanggang sa tuluyan ng naputol ang pag-uusap nila. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala na sa isang iglap lang ay may boyfriend na siya. Halo-halo ang nararamdaman niya. Pero ang kilig, overwhelming feeling ay nandoon pa din. She likes how everything turned out. Hindi siya makapaniwala na kaya niyang magmahal ng ganoon. Na ganoon pala kasaya na malaman na may taong nagmamahal sa iyo. Sa totoo lang ay parang ayaw na niyang mahiwalay sa tabi ni Ashton. Pero hindi pwedeng hindi siya magtrabaho ngayon. Isa pa, kailangan na niyang maging totoo kay Ivan. Hindi siya para dito at kahit anong pilit ang gawin niya. Si Ashton ang mahal niya at ayaw niyang saktan ang binata. Kakausapin niya si Ivan at tatapatin na ito. Ivan is an understanding person kaya siguradong maiintindihan siya nito. May surprise ako sa iyo pagbalik mo dito pagk
“Alexa, anong problema?” sinagot ni Naila ang tawag na iyon ni Alexa. Agad na sinagot niya iyon kahit na nasa trabaho pa siya. Hindi naman kasi tumatawag ito ng ganoon kung hindi importante. “K-Kasi,” nauutal na sagot nito. “May problema ba?” “Si Boss A-Ash kasi—” “Anong nangyari kay Ashton?” kinakabahang tanong niya. “Tumawag kasi ang daddy niya. H-Hindi ko alam anong pinag-usapan nila. Pero pakiramdaman namin h-hindi maganda ang pinag-usapan nila at galit na umalis si Sir Ashton. Nang tanungin namin siya kung saan siya pupunta ang sabi niya ay magwawalwal daw siya.” Binalot siya agad ng pag-aalala. Baka nag-away ang mag-ama. Knowing Ashton, he seemed to be like he doesn’t care pero apektado pa rin ito sa mga nangyayari ayaw lang magpahalata nito. Kung magwawalwal ito ay siguradong iinom ito. Hindi naman ito tolerant sa alak at siguradong malalasing agad ito. Baka kung ano pa ang mangyari dito. “Alam mo ba saan siya pupunta?