Share

Part 7

Author: ROXIE
last update Last Updated: 2025-07-04 19:40:02

Kanina pa naiilang si Naila dahil palagi niyang nahuhuling tumitingin sa kanya si Ashton na ngayon ay nakatayo na sa tabi ng counter na animo totoong manager kung umasta. Pero parang siya lang naman ang binabantayan nito. Saka ito nagsimulang lumibot. Napatingin na naman siya dito ng biglang papalapit na ito sa table nila.

          “Ako na.”

          Narinig niyang sinabi nito sa isang waitress at kinuha ang juice na dala-dala.

          “Saang table ito?”

          Narinig pa niyang tanong nito. Nakita niyang tumuro ang waitress sa katabing table nila.

          Kinabahan siya dahil parang alam na niya ang pinaplano nito.

          Papalapit na ito sa table nila ng nakakalokong ngumiti ito sa kanya. Sinasabing humanda ang ka-date niya sa pinaplano nito. Pero bago pa man makalapit ito ay biglang tumayo si Andrew at sinagot ang cellphone nito. Si Andrew ang kanina pa niya hinihintay. Base na din sa pag-uusap nila ay mukhang ito na ang lalaking makakatulong sa kanya. Bukod sa malaki ang sweldo nito bilang vice president ng kumpanya ay mukhang kagalang-galang ito.

          Natawa siya ng makita ang reaskyon ni Ashton na halatang dismayado at walang choice na inilapag ang juice sa table ng customer.

          “Ahm, Naila, after we eat. Can I take you somewhere?” tanong ni Andrew sa kanya ng makabalik.

           “Sure,” saan naman kaya siya dadalhin nito? Ang dami pa mandin niyang dala-dala ngayon dahil may tinatapos pa siyang trabaho.

          Nagpaalam muna siya sandali dito para mag-CR. Kanina pa nga niya pinipigilan iyon kaso ngayon ay wala ng makakapigil doon ngayon. Agad niyang naramdaman ang pagsunod ni Ashton sa kanya.

“Huwag kang sumama sa kanya.”

“Ashton, please… pabayaan mo na lang ako. Alam ko ang ginagawa ko.” Pagmamakaawa niya dito.

“I know what kind of gaze he was giving you.”

Nainis siya sa sinabi nito. Naiintindihan niya kung bakit nagkakaganoon ito pero dapat ay intindihin siya nito. Pero syempre, paano nga ba siya maiintindihan nito kung wala namang kalam-alam ito kung bakit niya ginagawa iyon? “Stop it, Ashton. Hindi na ako natutuwa sa mga ginagawa mo.” Saka siya nagwalk-out. Hindi naman tama na i-judge nito ang tao. Mukha naman mapagkakatiwalaan si Andrew at napakagentleman nito simula ng dumating ito.

          Pagkatapos magbayad nito ay agad siyang inalalayan nito sa kotse. Pati ang sasakyan nito ay mukhang mamahalin.

          “Saan tayo pupunta, Andrew?” tanong niya dito dahil hindi siya familiar sa dinadaanan nila.

          “You’ll see and I know you will like it.” Nakangiting sabi nito. “Let’s go.”

          Habang bumabiyahe ay si Ashton ang nasa isip niya. Alam niyang nagulat ito sa inasta niya o nasaktan ito sa inakto niya. Gusto tuloy niyang bawiin ang mga sinabi niya at makinig dito pero wala na siyang choice kailangan niyang gawin iyon.

Pababa na ito ng pigilan niya ito. Nasa tapat na din sila ngayon ng mamahaling hotel. “Anong ginagawa natin dito?” Kinabahan siya. Tama kaya si Ashton?

Ngumiti ng nakakainsulto ito. “Come on, Naila. Alam kong alam mo kung bakit tayo nandito.”

“Pero first date lang natin ito atsaka hindi ako ganyang klaseng babae.” Marahas siyang bumaba sa sasakyan nito.

Mabilis na nakababa ito at napigilan siya sa braso. “Alam ko kung anong habol mo sa akin.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Iyong pera ko, hindi ba? Sanay na ako sa mga babaeng kagaya mo.” Pang-iinsulto pa nito sa kanya.

Hindi siya ganoong klaseng babae. Oo, nangangailangan siya pero hindi niya ibebenta ang puri niya sa ngalan ng pera. “Hindi ako ganoong—” Napahinto siya sa pagsasalita ng may marealize. Tama nga siguro ito. Ganoon nga siyang klaseng babae. Hindi naman siya basta-basta lang bibigyan ng pera ng isang lalaki kung walang kapalit. Pero kung mahal ako ng isang lalaki ay maaawa siya sa akin at tutulungan niya ako, hindi ba? Alam niyang may mga lalaki pa rin na handang ibigay ang lahat sa taong mahal nila. Katulad nung isang ka-workmate niya. Halos lahat ng tulong ay ibinigay ng boyfriend nito na isang businessman. At hindi iyon humihingi ng kapalit sa girlfriend nito. Totoo iyon dahil iyon ang sinabi ng kaworkmate niya sa kanya. She married a virgin. Or was she lying? O kaya iyong dating kapitbahay nila na nakapag-asawa ng foreigner. Kahit na nakipaghiwalay na ang babae sa foreigner ay handa pa rin daw tumulong ang foreigner sa dating girlfriend nito.

Si Andrew ba ay hindi ganoong klaseng lalaki? Hindi ba siya tutulungan nito? Handa naman siyang pagsilbihan ito at umakto na mahal niya ito. Handa siyang gampanan ang role ng isang mapagmahal na girlfriend. Ipapangako niya na aalagaan ito. Sa tingin niya ay magiging handa din siya na ibigay ang sarili dito pero hindi sa mga oras na iyon.

“Did you realize that I was right, Naila? Huwag ka ng mag-inarte. Alam kong gusto mo din ito. Babayaran naman kita ng malaki. I was just eager to taste you. You look fresh and young.” Hinila siya nito papasok sa hotel. Kitang-kita na din niya ang matinding pagnanasa sa mga mata nito.

“Bitawan—”

“Let her go.”

Nagulat siya ng biglang may sumuntok kay Andrew. “Ashton,”

“Sino ka?” gulantang din si Andrew. Mukhang napalakas ang suntok nito.

Nanigas yata siya bigla sa kinatatayuan ng muling sinuntok ni Ashton si Andrew. Galit na galit ito kaya hindi na nagawang makapagpigil nito. Mabuti na lang at agad na umawat ang guard ng hotel.

Hindi na niya alam ang mga sumunod na nangyari dahil parang lutang na naman siya.

“Are you okay, Naila?”

Nang marinig niya ang mga salitang iyon ay saka lang nag-sink in sa kanya na nasa sasakyan na siya nito. Nasa driver’s seat ito at nandoon siya sa passenger’s seat.

A tear fell from her eyes. Parang ang daming ibig sabihin ng simpleng tanong na iyon. Hindi niya alam na hindi pala siya okey ng mga sandaling iyon. Ang alam niya ay manhid na siya sa lahat ng bagay. Napakasakit pala na malaman na ganoon lang pala kababa ang tingin ng ibang tao sa kanya. Na wala siyang laban dahil tama ang mga sinabi ni Andrew. Na tama si Ashton. Mali ang lalaking pinili niya. Na iba nga kung makatingin ito sa kanya. Na kung hindi dumating ito ay baka kung ano ng nangyari sa kanya.

Gusto niyang magalit sa buhay at sa mga nangyayari pero hindi niya alam kung paano ilalabas. Pakiramdam niya ay kahit na magsisisigaw siya o mag-complain na naman siya ay wala din namang mangyayari. Bakit ba siya pinapahirapan ng ganoon? Gusto lang naman niya ng magandang buhay. Gusto lang niyang matulungan ang pamilya niya. Ginagawa naman niya ang lahat.

Out of the blue ay bigla na lang siyang napahagulgol. Kung para saan ang hagulgol na iyon ay hindi na niya alam. Basta ang alam niya ng mga sandaling iyon ay mabigat ang dibdib niya at hindi na niya mapigilan kahit na may taong nakatingin sa kanya.

She’s the type of person who can easily hide her emotions. Kaya niyang maging matapang kahit na sa totoo lang ay takot na takot na siya. Kaya niyang maging masaya kahit na malungkot siya. Kaya niyang ipakita na okey lang siya kahit hindi. Pero sa harap ni Ashton ay kaya niyang magpakatotoo. Tulad ngayon, umiiyak siya sa harap nito na hindi niya magawa kahit sa harap ng mga magulang niya o pamilya niya.

Ganoon na ba siya ka-vulnerable ngayon? Takot na takot siya at nanginginig ang mga kamay niya. Paano kung sundan siya ni Andrew at gawin ang hindi nagawa nito sa kanya? Paano kung—ewan ko!

Hinayaan lang siya ni Ashton na umiyak ng umiyak. Kahit na hindi niya nakikita ang itsura nito ay alam niyang awang-awa ito sa kanya. And she never wanted anyone to feel pity towards her. Pakiramdam kasi niya ay ang liit-liit niya.

Pero ng mga sandaling iyon ay hindi na niya kayang itago ang nararamdaman niya. Gusto niyang ilabas ang frustration.

“Ashton,” hindi niya alam saan nanggaling iyon.

“Yes?”

“Dalhin mo ako kahit saan.” She was just feeling so empty at that moment. Kung anuman ang gawin nito sa kanya o saan man siya dalhin nito ay wala na siyang pakialam. Parang manhid na siya ng mga sandaling iyon. “Gusto kong mag-walwal.” Gusto niyang magwala at panandaliang makalimot.

Kung isusuko man niya ang bataan ay kay Ashton niya ipagkakatiwala iyon.

Napasandal na lang siya sa sasakyan at pumikit ng bahagya. Pagod na pagod ang pakiramdam niya kaya hindi na niya narinig kung sumagot ba ito o hindi. Basta naramdaman niya na umandar ang sasakyan nito at hinawakan ang kamay niya. It made her heart relax.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Here's Your Perfect   Part 27

    “I won’t take much of your time. I’m Shania and I’m Ashton’s fiancé. Our wedding will be soon but—” Parang estatwa si Naila na nakikinig lang kay Shania. Nandoon siya sa sasakyan nito. Nasa driver seat ito at siya naman ay nasa passenger seat. Shania’s posture is full of authority, and she doesn’t want to be in a one frame with her. Tumitingkad masyado ang ganda nito at naninigaw ang salitang wealth sa awra nito.Heto na naman siya, feeling insecure dito. Lahat ng bagay na meron ito ay wala siya. Nanliliit siya na makatabi ito. Mabigat na nga ang pakiramdam niya ng wala ito, noong hindi niya nakikita ito at mas lalo pang bumigat iyon ng dumating ito. Para bang ipinagsisigawan ng mother earth na failure siya, worthless, burden… dahil kahit anong sikap niya o kahit anong paraan ang gawin niya ay hindi nag wo-work. Mapapahamak ang pamilya niya at wala siyang maitulong para maiwasan iyon. To think that she had already done everything. Iyon ay kung talagang na

  • Here's Your Perfect   Part 26

    “Babe, I want to see you. I will pick you up.” Basa ni Naila sa message na iyon ni Ashton. Nag reply siya at sinabing busy siya at sa susunod na lang sila magkita. Masakit para sa kanya na sabihin iyon pero iyon na ang dapat niyang gawin. Hindi na pagmamahal ang kailangan niya ngayon kundi pera. Hindi niya minamahal si Ashton dahil sa pera nito kaya hinding-hindi niya lalapitan ito. Hindi niya gagamitin ito. I’m sorry, Naila. Can we meet next week? I just got a family emergency. Basa niya sa message na galing kay Ivan. Kinailangan daw nitong umalis para puntahan ang pamilya nito na nasa ibang bansa. Pakiramdam niya ay gumuho ang pader ng bahay nila at tinambunan siya. Madilim na ang buong paligid at ganoon din ang pakiramdam niya at ang hinaharap nila. Alam niyang tuluyan na silang ipapahiya ng mga taong iyon. May gagawing masama ang mga ito sa kanila at kung ano iyon ay hindi niya alam pero ang sigurado siya na hinding-hindi nila magugustuhan i

  • Here's Your Perfect   Part 25

    Sa wakas ay nakalabas na ng ospital ang lola ni Naila. Okey na daw ito kaya lang ay importanteng mainom nito ang mga bagong gamot na inireseta ng doctor dito bukod pa syempre sa mga gamot na dati na nitong iniinom. Malalim siyang napabuntong-hininga. Isa-isa niyang tinignan ang pamilya niya. Lahat sila ay may takot sa mga mata dahil sa nangyari. Nalaman na din ng mga kapatid niya ang malaking utang ng kanyang mama. Pero isinekreto nila iyon sa lola nila dahil bawal ng mag-alala ito at siguradong mago-overthink ito kung sasabihin pa nila ang tungkol doon. Ang sinabi na lang nila ay mga scammer ang mga iyon at inireport na nila ang mga ito sa pulis para hindi na mag-alala ito. Mabuti na lang at wala ang tatay niya kundi ay mag-aalala din ito. Kasalanan niya ang nangyari. Kung hindi sana siya nagpabaya at naghanap ng pera ay hindi mangyayari iyon. Kung hindi sana niya inuuna ang sarili ay hindi mangyayari iyon. Nakatanggap din siya ng text message sa mga ito

  • Here's Your Perfect   Part 24

    Masayang umuwi si Naila sa kanila. Masaya siya dahil naging maayos ang pag-uusap nila ni Ivan. Iyong kailangan naman niyang harapin ngayon ay ang pinagkakautangan nila. Hindi niya alam kung pakikinggan siya pero siguro naman ay magagawan o mapag-uusapan nila ng maayos ang tungkol sa utang ng mama niya. Sana! Mahinang panalangin niya. Pag-uwi niya ng bahay ay nagulat siya ng makita ang mga halaman ng kanyang lola nanagkasira-sira na. Para bang sinadyang sirain ang mga iyon. Ang mga paso ay nagkabasag-basag na. Nasira ang mga bulaklak na inaalagaan nito. Anong nangyari habang wala siya? Bakit napakatahimik din ng bahay na parang walang tao doon? Tinawag niya ang mama niya at mga kapatid pero walang sumasagot isa man sa mga ito. Nilagpasan niya ang maduming paligid at pumasok sa kanila para tignan ang pamilya niya dahil baka natutulog lang ang mga ito o kaya naman ay may pinagkakaaalahan. Pero ng makapasok siya ay wala ni isa sa pamilya niya ang nandoon.

  • Here's Your Perfect   Part 23

    “I will miss you, Naila.” Narinig na sabi ni Ashton kay Naila. “Syempre, mami-miss din kita.” Sabi niya dito hanggang sa tuluyan ng naputol ang pag-uusap nila. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala na sa isang iglap lang ay may boyfriend na siya. Halo-halo ang nararamdaman niya. Pero ang kilig, overwhelming feeling ay nandoon pa din. She likes how everything turned out. Hindi siya makapaniwala na kaya niyang magmahal ng ganoon. Na ganoon pala kasaya na malaman na may taong nagmamahal sa iyo. Sa totoo lang ay parang ayaw na niyang mahiwalay sa tabi ni Ashton. Pero hindi pwedeng hindi siya magtrabaho ngayon. Isa pa, kailangan na niyang maging totoo kay Ivan. Hindi siya para dito at kahit anong pilit ang gawin niya. Si Ashton ang mahal niya at ayaw niyang saktan ang binata. Kakausapin niya si Ivan at tatapatin na ito. Ivan is an understanding person kaya siguradong maiintindihan siya nito. May surprise ako sa iyo pagbalik mo dito pagk

  • Here's Your Perfect   Part 22

    “Alexa, anong problema?” sinagot ni Naila ang tawag na iyon ni Alexa. Agad na sinagot niya iyon kahit na nasa trabaho pa siya. Hindi naman kasi tumatawag ito ng ganoon kung hindi importante. “K-Kasi,” nauutal na sagot nito. “May problema ba?” “Si Boss A-Ash kasi—” “Anong nangyari kay Ashton?” kinakabahang tanong niya. “Tumawag kasi ang daddy niya. H-Hindi ko alam anong pinag-usapan nila. Pero pakiramdaman namin h-hindi maganda ang pinag-usapan nila at galit na umalis si Sir Ashton. Nang tanungin namin siya kung saan siya pupunta ang sabi niya ay magwawalwal daw siya.” Binalot siya agad ng pag-aalala. Baka nag-away ang mag-ama. Knowing Ashton, he seemed to be like he doesn’t care pero apektado pa rin ito sa mga nangyayari ayaw lang magpahalata nito. Kung magwawalwal ito ay siguradong iinom ito. Hindi naman ito tolerant sa alak at siguradong malalasing agad ito. Baka kung ano pa ang mangyari dito. “Alam mo ba saan siya pupunta?

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status