Share

Hidden Heir Of The Billionaire
Hidden Heir Of The Billionaire
Author: AuthorJia

Prologue

Kasabay nang pagpasok ko sa pintuan ng exhibit ang pagbuhos ng ulan sa labas. Hindi na 'ko nabigla dahil halata naman sa ulap na magbubuhos ito nang malakas na ulan at magbibigay ng malakas na hangin.

"It's nice to see you, Nat!" bati sa'kin ng isang kilalang local artist dito sa Pilipinas.

Hindi naman sa pagmamayabang pero kaibigan ko s'ya.

"Lia!" pasigaw kong bati sa kanya bago ako nagmadaling lumapit para yakapin siya at mahigpit naman niyang tinanggap ang yakap ko. "Infairness ha, ang ganda ng venue na nakuha mo," sabi ko sa kanya nang kumalas ako.

"Nako, sinabi mo pa. Hindi naman kasi talaga dapat ito yung venue natin, kaso nagka problema. Buti na lang nahanap 'to agad ng asawa ko," aniya.

"I'm so proud of you! Proud ako sainyong dalawa ni David," dagdag ko pa bago ko siya muling yakapin.

Nakasama ko si Lia sa isang contest noon, nung college pa lang kami at isa s'ya sa mga nakilala kong tinuloy pa rin ang passion niya pagdating sa arts. Isa sa mga taong kinaiinggitan ko. Until now, whenever I see her, I always tell myself that I wish I was brave enough at that time to pursue what I love, to pursue my passion.

"Ako rin, 'no! Sobra din akong proud sa'yo. Just let me know if you still want to pursue arts. Para matulungan kita," sabi ni Lia bago humampas sa hangin.

Alam na alam niya kasi kung gaano ko kamahal ang pagpipinta pero kahit ganun ay hindi ako nagdalawang isip na tanggihan ang alok niya noon.

"Kung may time lang ako, bakit hindi? Busy na 'ko sa trabaho ko ngayon, at saka sa anak ko. Hindi ko pwedeng iwan 'yon palagi dahil sobrang likot ng inaanak mo," sagot ko sa kanya dahilan para ngumuso ito sa harap ko at napatawa naman ako dahil don. "Umayos ka nga, Lia, 'wag ka nang malungkot. Hayaan mo, ikaw ang una kong sasabihan kapag nagkaroon na 'ko ng oras at lakas ng loob."

"Sabi mo 'yan ha!" nakanguso niyang sabi. "O s'ya, Just enjoy around, Nat. Pumili ka lang kung anong gusto mo and I'll give you a discount," sabi nito at medyo pabulong ang huli niyang sinabi. Agad itong kumindat sa'kin bago ako iwan para salubungin pa ang ibang bisita.

Pilit akong ngumiti sa hangin bago ko tuluyang baybayin ang mga paintings na ginawa n'ya. Masaya akong kahit matagal ko nang tinalikuran ang pagpipinta, may mga tao pa rin na tumutulak sa akin na balikan ko ang bagay na minahal ko makaraan ang ilang taon.

Kahit naman gustuhin ko, mukhang malabo na. Napakatagal na panahon na nung huli kong sinubukan magpinta, wala na yata ang mga skills ko ngayon. Hindi ko na alam ang tamang paraan nang paghagod ng brush sa mga walang buhay na canvas.

Bahagya akong lumapit sa pangalawang painting na nakapukaw ng aking atensyon.

Ipinapakita ng painting ang kasimplehan ng isang babaeng Pilipina. Simpleng nakapusod ang buhok nito at naglalaba sa isang batis. Habang may lalaki naman sa likuran ng babae na may dalang pagkain at inumin. Sa unang tingin ay makikita mo ang kasimplehan at kagandahan ng painting na 'to pero kapag tinitigan mo't inalisa, makikita mo ang pagmamahal ng dalawang tao sa painting.

Simpleng buhay...

Kahit simple ay bakas sa mukha nila na sila'y masaya at mahal nila ang isa't isa. Bahagya akong umirap bago tingnan ang pangalan ng painting na 'to. Masyado akong bitter pagdating sa mga ganoong paksa, pero maganda ang painting na 'to.

"Dalisay ipininta ni Lia Esor."

Dalisay... sus!

Sa panahon ngayon, may sincere pa ba? Ang pagkakaalam ko kasi, puro na lamang pagpapanggap ang meron sa panahon ngayon. Sino bang kayang maging sincere sa panahon ngayon?

Nilisan ko ang painting na 'yun at ipinagpatuloy ang pagtingin sa iba pang gawa ni Lia. Maganda naman ang painting na 'yun, hindi lang maganda ang aking nakaraan.

Habang naglalakad ako, napukaw ng isang painting ang atensyon ko. Nasa dulo iyon ng exhibit at mukhang may matinding pagmamahal lang sa sining ang makakapansin sa kagandahan nito. Unti-unti akong naglakad palapit doon at sa bawat paghakbang ko ay mas nahuhulog ako sa kanya. Sa sobrang ganda niya, gusto ko itong hawakan pero pilit kong pinigilan ang aking sarili.

Isang babae, naka bestida at nakatingala na gustong ipahiwatig na sya'y malakas at hindi simpleng babae na basta natitinag. Ngunit alam ko sa sarili ko na hindi lang ito basta ipininta, hindi lang ito basta gawa sa kulay. Napansin kong may magnifying glass na nakalagay sa gilid nito kaya't dahan-dahan ko itong dinampot para usisain kung para saan ang bagay na 'to.

Ipinagitna ko ito sa aking mata at sa painting na nasa harap ko. Tama ako. Ang babaeng ito ay hindi lamang gawa sa kulay o sa kahit ano. Gawa ito sa salitang baybayin. Ang bawat guhit nito ay mga salitang baybayin.  Mga salitang nagpapahiwatig na ang babae ay hindi basta babae lang. Labis akong naantig sa painting na 'to. Masyado na 'kong nakuha ng painting na 'to at gusto ko ng mai-uwi ito at ilagay sa dapat n'yang paglagyan.

Sana man lang ay na-isama ko si Isabella, ang anak ko. Marunong din itong tumingin ng sining at mahilig din s'yang gumawa ng sarili n'yang disenyo.

"Mukhang nagustuhan mo 'to ah?" narinig kong sabi ni Lia bago ako akbayan.

"I want this painting," mariin kong sabi.

"Yours na po, madam—" natigilan si Lia sa pagsasalita at ganun na rin ako.

"But I want this too," boses mula sa tabi ni Lia.

Agad kong tiningala ang lalaking nagsabi non na agad ko ring pinagsisihan na pinili kong tingnan s'ya. Agad akong umiwas ng tingin nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Tinuon ko ang atensyon ko sa painting at nakikita ko pa rin sa peripheral vision ko na nakatingin pa rin siya sa akin.

"Nauna ako," giit ko sa kanya.

"Lia invited me here, kaibigan ko ang gumawa ng painting." Agad akong tumingin kay Lia na ngayon ay binigyan ako ng pilit na ngiti. "So, it means, this painting belongs to me."

Hinarap ko siya. "Ininvite ka lang, this painting belongs to you na agad?" mataray kong singhal sa kanya, but he still managed to smile.

"Yes," nakangisi niyang sabi.

Lintek na ngiti yan!

"No! That painting is mine," mariin kong sabi.

Pabiro itong umirap bago harapin si Lia kaya't ganun na rin ang aking ginawa.

"Lia, kaibigan mo 'ko!" pag kumbinsi ko sa kanya.

"Kung ano man ang presyo ng painting na 'yan ay dodoblehin ko," mayabang nitong sabi sa kaibigan ko.

Agad kong nilakihan ng mata si Lia at mukhang wala na 'tong magawa sa aming dalawa. Kahit kailan talaga ay hindi magpapatalo si Lucas.

Oo, tama ang nabasa niyo.

Lucas ang pangalan n'ya, mukhang mabuting tao pero nuknukan ng yabang at walang paninindigan. He's my ex boyfriend. Pitong taon din kaming hindi nagkita dahil sa hindi magandang rason ng aming paghihiwalay. Hindi maganda ang nangyari noon kaya't ganito na lang ang pagtrato ko sa kanya. Wala naman pang rason para tratuhin ko s'ya nang maayos. Kung paano n'ya ako tinatrato noon ay ganun ko din s'ya dapat itrato ngayon.

Ilang oras ang nakalipas nang aming pagtatalo ay may nanalo na rin.

"Kung hindi mo sana ako inaway kanina, eh 'di sana, isa sa atin ang mag uuwi nung painting."

"Shut up, Lucas."

"See, iba tuloy ang nakinabang." Dagdag pa niya bago ituro yung matandang mayaman na nakabili nung painting na pareho naming nagustuhan.

Ang daming shit nitong si Lucas. Hanggang ngayon ang toxic-toxic niya pa rin. Pitong taon na ang nakalipas, hindi pa rin nagbabago! Psh.

Automatikong umikot ang mga mata ko bago ko siya talikuran.

"It was nice seeing you again, Ex."

Natigilan ako sa paglalakad palayo sa kanya pero sapat ang galit at inis ko sa kanya ngayong gabi para magpatuloy ulit sa paglalakad.

"Sorry," salitang dahilan nang aking pagtigil at dahilan para manatili sa kanyang harapan. "Alam kong marami akong nagawang mali sa'yo. Kaya nandito ako to say sorry," dagdag niya.

Nilingon ko siya at binigyan nang nakakaasar na ngiti.

"Masama ang panahon ngayon, Lucas. Let's just talk when the sun comes out," agad ko s'yang binigyan ng pilit na ngiti bago s'ya iwan.

Aaminin ko, tinatakasan ko si Lucas. Ilang taon ko s'yang tinaguan at iniwasan. Ayokong magkaroon ulit kami ng koneksyon at ayokong makita na s'ya ulit. Ang gabing ito ay sapat na para sa aming pagkikita. Hindi na sana ito maulit pa dahil baka may mga tanong na naman ang gumulo sa isip ko.

"Lia!" tawag ko sa kaibigan ko nang makita ko s'yang pa sakay ng kotse. Agad itong bumaba at lumapit sa'kin. "Why did you invite him? Are you trying to tease me?" pagtataka kong tanong sa kanya.

Kumamot ito sa kanyang ulo bago sumagot, "I texted him nung sinabi mo na hindi ka sure kung makakapunta ka. Sabi n'ya, hindi rin daw s'ya sure. Kaso pareho pala kayong sure."

"I'm your best friend, Lia. Ako nalang sana ang in-invite mo," sabi ko sa kanya habang umiiling.

"He's my best friend too, Nat. Ayoko naman mawalan ng bestfriend sa first exhibit ko kaya hindi ako nag-stick sa sagot mo. Sorry na," hinawakan nito ang kamay ko at inalog-alog pa nito na nagsisisi na talaga sa ginawa n'ya.

"Okay, fine. Basta next time ha? Alam mo namang iniiwasan ko si Lucas." sabi ko at mabilis naman itong tumango.

Matagal na kaming magkakilala ni Lia bago sila naging mag kaibigan ni Lucas. Huli na nung nalaman kong s'ya ang kaibigan na nakilala ni Lia sa isang club. My ex-boyfriend, Lucas, was the one who rescued her from the perverts who nearly molested her. Dahil sa utang na loob, they became friends.

"Eh bakit ba kasi pitong taon mo s'yang tinaguan ha? Ano bang nangyari bago ang pitong taon?" marahan akong napatingin sa aking kamay. Siguro sa ilang taon ko ring pagtakas sa pagkwekwento kay Lia ay ito na rin ang tamang panahon para malaman n'ya.

"It all started when..."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status