Share

Chapter 01

Author: AuthorJia
last update Last Updated: 2024-02-02 12:30:24

Tanging boses lang ng guro namin ang naririnig ko at ang pagkulo ng tiyan ko. 

Ramdam na ramdam ko ang hapdi ng sikmura ko at tila ba kinakain na ng mga organs ko ang isa't isa. Nagsisisi tuloy ako na hindi ako kumain ng agahan, eh 'di sana hindi ko 'to nararamdaman ngayon. 

Bahagya akong napahawak sa aking tiyan nang muli itong kumirot. Napapikit at hindi ko na mapigil ang itaas ang aking kamay dahil sa sakit.

"Yes, Ms. Vicencio?" sambit ni Professor matapos akong lingunin.

"Sir, may I go to the restroom?" 

He quickly answered me with a nod before giving me a smile. 

Bago pa lang si Sir Felicidad sa school namin kaya mabait pa ang pakikitungo nito sa mga estudyante. Pero sigurado ako na kapag tumagal s'ya rito ay kasing tapang na rin siya ng mga old teachers dito sa university. Gano'n din kasi si Sir Makatimbang sa'min noon, pero nung tumagal siya, naubos din ang pasensya sa mga estudyante.

Every person has their limits.

Kahit ako.

Nang pumayag si Sir ay agad akong tumayo at nilisan ang silid. 

Nilingon ko ang mga kaklase ko mula sa bintana at halos lahat sa kanila ay halatang lasing na lasing na sa antok. Napaka-lambing naman kasi ng boses ni Sir, tila ba hinehele niya kami habang nagtuturo siya. 

Mas binilisan ko pa ang paglalakad papunta sa kantina. 

Hindi naman talaga ako pupunta sa banyo, e. Gutom na gutom lang talaga ako at hindi ko na kakayanin pang magtiis kung hihintayin kong matapos ang klase ni Sir. 

Agad akong lumapit sa isang stoll para bumili ng dalawang waffles. Okay na naman siguro 'to basta maibsan lang ang gutom ko.

Hinubaran ko iyong waffles sa pamamagitan nang pagpunit sa papel na nakabalot dito. Akma ko na sana itong isusubo nang bumungad sa harap ko si Sir Patrick. 

Pag minamalas ka nga naman.

Agad kong tinago sa aking bulsa 'yung mga waffles na binili ko.

"Ms. Vicencio, oras na ba ng break n'yo?" 

He asked before having a glimpse on his wristwatch. 

Bahagya akong umiling sa tanong niya bago ako pilit na ngumiti. Ayoko nang makipag titigan pa sa kanya kaya agad akong tumungo at dahan-dahan s'yang nilampasan. 

"You don't have to hide your waffles, Ms. Vicencio, dahil nakita ko na." 

Pahabol niya nang lampasan ko siya. 

Nanlaki ang aking mga mata bago ko siya dahan-dahang nilingon. Agad akong tumungo dahil sa kahihiyan. 

"This ain't right, baka gayahin ka ng mga lower year students. Baka sabihin nila, ayos lang lumabas ng room kahit hindi pa nila break kasi ginagawa naman ng mga nakakatanda sa kanila," masungit nitong sabi sa akin. "I need a valid reason why you're here, Ms. Vincencio."

Wala kami sa loob ng classroom pero kung lecturan n'ya ako ay parang nasa klase kami. Si Sir Patrick kasi ang prof namin sa Economics. Huminga ako nang malalim bago ako tumingala sa kanya.

"I had a fever yesterday, Sir, and I need to find a way to eat before I take my medicines. Sabi po kasi ng nanay ko, kailangan ko pa rin po uminom ng gamot para tuluyan na mawala ang lagnat ko." 

Hindi ko rin alam kung saang lupalop ko nakuha ang dahilan na iyon.

"O, Okay. Next time, magbaon ka ng food at magsabi ka sa teacher mo para hindi mo na kailanganin pang lumabas kahit hindi n'yo pa break. If you do this again I will report you. But this time, I won't. Do I make myself clear?" 

Agad akong tumango nang marinig ko iyon. Agad na nagbago ang ekspresyon niya. Binigyan niya ako nang malawak na ngiti bago niya bahagyang tapikin ang ulo ko at saka ako lampasan.

Matagal ko nang kilala si Sir Patrick dahil naging teacher din siya sa school na pinasukan ko noon. Sanay kaming mga estudyante niya noon sa paraan niya ng pagtrato sa mga estudyante. Sweet at caring talaga si Sir, parang mga Kuya. 

Pero dito kasi sa university na 'to, big deal sa kanila ang ginagawa niya. Para sa'kin naman ay walang malisya ang hindi niya pagsumbong sa ginawa ko at ang pagtapik niya sa ulo ko kasi gawain 'yun ng mga nakatatandang kapatid.

Pero kung sa iba niya 'yun ginawa, paniguradong kilig ang mararamdaman ng iba. Kilalang kilala kasi si Sir sa university na 'to. Bukod sa magaling itong magturo at mabait, may itsura din ito at may magandang tindig palagi.

Mabilis ko nang kinain ang waffles na binili ko bago ako bumalik sa silid. Kung hindi ako sinaway ni Sir, eh' di sana kanina pa 'kong nakabalik. 

"Ms. Vicencio, are you okay? Bakit ang tagal mo sa cr?" 

Kailangan pa ba itanong 'yun? Sabagay, baka nag-aalala lang si sir. 

"Hinintay ko pa po kasing mawala 'yung sakit ng tiyan ko, sir, bago po ako bumalik."

"Gusto mo bang magpasama sa clinic?" pag-aalala nito. Mabilis akong umiling bago ko s'ya bigyan ng pilit na ngiti. "Okay, get back to your seat. We're having a quiz," dagdag pa niya.

Quiz!?

Adik ba 'tong si sir?

Kababalik ko lang, anong isasagot ko?

Nang matapos ang klase ay agad akong dumiretso sa kabilang room para kaunin si Quen. Hindi ko alam kung paano natunaw agad ang dalawang waffles na kinain ko kanina at bakit bigla akong nag-crave sa spaghetti.

"Quen (Ken)! Tara na kumain!" pasigaw kong aya sa kanya.

Natanaw niya agad ako nang marinig niya ang boses ko kaya agad nitong dinampot ang wallet niya at agad akong nilapitan. 

Bago pa makalapit sa'kin si Quen, napansin kong nakatingin sa'kin ang tatlong lalaki na nakaupo sa mga upuan na nasa dulo ng silid. Nagdikit ang mga kilay ko bago ko tapunan ng tingin si Quen.

Hinigit nito ang kamay ko at mabilis akong hinila pababa ng hagdan. 

"May sasabihin ako sa'yo," aniya. 

Tinaasan ko siya ng kilay, nagpapanggap na may pakialam ako sa sasabihin niya pero sa totoo lang, iniisip ko kung ilang order ng spaghetti ang oorderin ko. 

Pinulupot niya ang kanyang braso sa akin bago niya ilapit ang bibig niya sa aking tainga. 

"May nagkaka-crush sa'yo sa section namin."

"Huh? Sino naman?" tugon ko sa kanya.

Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan 'tong si Quen. 

Mahilig kasi sa fake news 'to, e.

"Ayokong sabihin 'yung pangalan niya kasi nga hindi ko pa alam kung totoo," aniya. 

Mabilis na lumipad ang kamay ko sa kanyang braso dahil sa sinabi niya. 

"Aray! Saka ko na sasabihin kapag napatunayan ko na, promise! Narinig ko rin kasi na iba raw ang habol sa'yo."

"Iba ang habol sa'kin? Ano?" nagtataka kong tanong.

Hindi na 'ko nagawa pang sagutin ni Quen nang marinig ko ang sigaw niya, "F*ck you!"

Lahat ng estudyante na nandito sa loob ng canteen ay tinapunan siya ng tingin dahil sa gulat. Sino ba naman kasi ang hindi mapapatingin kung may estudyante na minura ang teacher?

Masyadong mabilis ang pangyayari, basta bumungad na lang sa'kin na puro chocolate ang uniform niya, pero mas nagulat ako nang makita ko si Sir Patrick sa harap ko. He's holding a cup of chocolate drink and if I'm not mistaken, s'ya ang minura ni Quen.

"Quen, you're screwed..." bulong ko.

"Sh*t," tugon niya sa bulong ko. "Sir, sorry!"

Napasampal na lang ako sa noo ko dahil sa nangyari.

 "It's fine. Actually, it's my fault. Kung nakatingin ako sa dinadaanan ko, hindi ko siya matatapunan. Sorry, Quen."

"No, Sir, hindi rin po kasi kami nakatingin. Sorry po talaga!" ani Quen bago ako mabilis na hinigit paalis sa lugar na 'yun at tuluyang kinalimutan ang spaghetti.

***

"I'll wait here. Ayusin mo 'yang uniform mo," sabi ko sa kanya nang makarating kami sa cr.

"Sa tingin mo ba, irereport ako ni Sir?" tanong ni Quen habang nasa loob siya ng cubicle.

"Hindi naman siguro. Hindi mo naman sinasadya, e." Tugon ko.

Habang hinihintay ko si Quen, naisipan kong lumabas na muna sa hallway. 

Napansin ko ang mga lalaking nagkakalas ng mga tarpaulin dito kaya naisipan kong lapitan muna ang mga tarpaulin na hindi pa natatanggal. It was a tarpaulin of the students who graduated here two years ago. 

Aalis na sana ako at babalik sa loob nang biglang mapukaw ang atensyon ko ng isang babae.

"Kayla Elise Petrasanta," basa ko sa kanyang pangalan. 

I know her dahil pina-follow ko siya sa lahat ng social media accounts niya noon. Maganda itong si Kayla at napaka talino rin dahil grumaduate siya rito as Magna Cum Laude. 

Ang galing nga e, beauty and brain. 

Sa internet ko lang siya nakilala at isa rin siya sa rason kung bakit pinili ko ang university na 'to. Hindi ko na siya madalas nakikita sa internet dahil nagbago na siya ng account at hindi na rin ako nag abala na hanapin pa. 

"Ayaw talaga matanggal nung stain. Susuotin ko nalang 'yung jacket ko sa room. Let's go?" aya ni Quen.

Tinapunan ko siya ng tingin nang sumulpot siya sa tabi ko at napatingin na rin sa babaeng tinitingnan ko kanina pa. 

"Ganda ni Kayla, 'no?" sambit nito bago ko siya sagutin nang marahan na pagtango.

"Kilala mo?" tanong ko. Wala kasi akong masyadong alam dito kay Kayla. Ang alam ko lang matalino at maganda siya.

"Yes. Siya 'yung ex ni Sir Lucas."

"Lucas?" My forehead creased.

"Kaibigan ni Sir Patrick," dagdag niya dahilan para lingunin ko s'ya. 

"O, teacher din?" tanong ko.

"No. Sir Patrick, Sir Lucas and Kayla graduated here two years ago. Sabi ng iba, nag-break daw sila ni Lucas dahil bigla nalang daw hindi nagparamdam si Kayla. Pero kalat sa social media na nag-model siya sa States and she's very popular and successful now." 

Kwento ni Quen. Chismosa talaga 'to ng taon at alam lahat ng kwento.

"Uso na pala ang ghosting noon, 'no?" sabi ko kay Quen at bahagya na lang siyang napatawa. 

"Girls, time na d'ba? Go to your respective classrooms now."

"Yes, Ma'am." sagot namin bago kami nagmadaling bumalik sa aming mga classrooms. 

Nagmadali na kaming bumalik sa room dahil baka mapagalitan na naman kami.

Kahit nasa room na 'ko, si Kayla pa rin ang iniisip ko. 

I don't know who Kayla and Lucas are, kaya wala naman akong pake kung mas pinili ni Ate girl ang career niya over him. Baka nagloko rin si Lucas o kaya masyadong mahigpit kaya lumayo si Girl. Anyway, di ko naman alam ang totoong nangyari kaya bahala na sila sa buhay nila.

"Ms. Vicencio, late ka na naman sa klase ko." 

Kasabay nun ang pagkamot ko sa ulo ko bago ako dumiretso sa aking upuan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hidden Heir Of The Billionaire    Chapter 40

    Dean talked to Quen regarding some matters related to our program’s organization. I’m not sure about all the details, but from the look on her face, everything seemed fine.Tila ba nabunutan ng tinik ang dibdib ko nang malaman kong iyon lang ang rason. Nang malaman ko kasi na hinahanap siya ni Dean, iba agad ang pumasok sa isip ko.Akala ko nalaman niya ang tungkol sa kanila ni Coach.“Kamusta ka?” Tanong ko kay Quen na ngayon ay ngumingiti-ngiti na. Kanina kasi, tila ba hindi maipinta ang kanyang mukha dahil sa kaba.“Nakakahinga na. Natakot ako kanina e.” Malumanay niyang sagot sa akin.Naglalakad kami ngayon sa daan, ilang kembot na lang ay mararating na namin ‘yung coffee shop na madalas naming pinupuntahan kapag may sobra sa allowance namin. Medyo mahal kasi ang mga kape rito kaya’t minsan lang kam

  • Hidden Heir Of The Billionaire    Chapter 39

    Nakatambay kami ni Quen sa rooftop, sinasayang ang oras habang hinihintay ang mga klase namin. One hour pa bago ang sa’kin, two hours naman kay Quen. Gusto sana naming umuwi, pero sa totoo lang, sobrang miss na namin ang isa’t isa.Ang tagal na rin namin hindi nagagawa ‘yung mga ganitong bagay. Kaya naisipan namin na dito na lang muna kaming dalawa. Tahimik pero magaan naman sa pakiramdam.Madalas siyang busy sa pagiging varsity, habang ako naman, laging kasama si Lucas at Kuya. Kaya ngayong pareho kaming may free time, why not spend it together?Dati pa naming tambayan ’tong rooftop. Hindi ko rin alam kung bakit, wala lang—mahangin, presko, at kita mo lahat mula sa taas. Lalo na ’yung volleyball court sa quadrangle. Hilig ko siyang samahan manood dito sa rooftop kahit medyo takot ako sa bola.“Tuturu­an kita mag-volleyball pag may free time ako,” basag ni Quen sa katahimikan.Napating

  • Hidden Heir Of The Billionaire    Chapter 38

    “Ilang buwan na lang, ga-graduate na kayong lahat. Hindi na kayo elementary o high school para habulin ko pa kayo sa requirements. Kapag may kulang, cinco agad. Madali akong kausap.”Iyan ang bilin ni Ma’am Dizon bago niya iniwan ang silid, kasabay ng pagbagsak ng katahimikan.Nag-unat ang ilang kaklase ko, habang ang iba’y abala sa pagbubuklat ng notebooks at pag-double check kung may kulang ba sila sa requirements. Ako nama’y tahimik na tumayo at ipinasok ang mga gamit sa bag. Mabuti na lang talaga at naipapasa ko ang mga output ko kahit pa hindi ko gusto ang kursong ito.Sapat na ang stress ko sa course—hindi ko na hahayaang magkaproblema ako sa grades.Nilingon ko ang upuan ni Candice. May babaeng tumayo roon, ngunit agad akong nagdikit-kilay nang marealize kong hindi pala siya si Candice. Wala ni isang gamit sa silya—mukhang ibang kaklase lang ang lumipat ng upuan. Kaya pala hindi siya tumayo kanina nang banggitin ni Ma’am na siya ang highest. Akala ko wala lang siya sa mood.Lum

  • Hidden Heir Of The Billionaire    Chapter 37

    Kanina pa ako naiilang sa mga taong kasama ko. Hindi ako sanay makihalobilo sa mga taong hindi ko kilala pero wala akong choice kundi ngumiti at makipag-usap sa kanila. Nasanay akong sina Quen ang kasama ko kaya’t medyo nahihirapan ako sa mga ganitong sitwasyon. Ilang beses ko na nakakasama ang mga kaibigan ni Kuya at Lucas pero hindi ko pa rin maiwasan ang mailang.Lahat sila ay successful na’t may mga bigating negosyo. Bigla na lang ako nananahimik kapag nag u-usap sila ng tungkol sa mga career at pag a-asawa lalo na kapag tungkol sa negosyo ang usapan. Parang gusto kong mag walk out na lang at umuwi na lang. Parang bigla akong na-pressure sa buhay kasi successful na silang lahat, e. No one chose the wrong path. Walang kahit na isa sa kanila ang naligaw sa landas.Habang ako, nagtitiis sa kurso na hind

  • Hidden Heir Of The Billionaire    Chapter 36

    "Enough, Nathalie!" Singhal sa akin nung isa nilang kasama na hirap na hirap din sa pag pigil kay Niko. "Bakit hindi 'yang kaibigan niyo ang pag sabihan niyo? Masyadong affected sa mga sinabi ko," sabi ko bago ako bahagyang ngumiti at tapunan ng tingin ang mga kuko ko. Pilit nilang pinipigilan si Niko sa pamamagitan ng paghawak sa braso nito habang nakatayo lang kami ni Quen sa harap nila. Kanina pa 'kong niyayaya ni Quen na umalis na lang pero nag matigas ako. Hindi naman ako ang nauna, hindi naman ako ang nagsimula ng gulo, at mas lalong hindi naman ako 'yung nauna na magsambit ng mga masasakit na salita. Malinaw na malinaw naman na payapa lang kaming naka-upo ni Quen kanina. Just minding our own business, but they ruined it. He looked so pissed. Wala naman akong sinabing mali o kasinungalingan para magalit siya ng ganito. Who would have thought that this guy in front of me, who looks like a gentleman, wants to punch a girl? "Pasalamat ka dahil babae ka!" sigaw sa akin ni Ni

  • Hidden Heir Of The Billionaire    Chapter 35

    “You see, I’m just concerned about your friend. Napansin ko rin kasi na napapadalas ang pagiging maliyuhin at pagsusuka niya,” dagdag pa niya. “I’m not forcing her to take the test. Pero kung makukumbinsi mo s’ya, much better.”“Susubukan ko po,” tipid kong sagot.“Hindi naman kita kakausapin tungkol dito kung hindi siya pa ulit-ulit na bumabalik dito dahil sa liyo at pagsusuka. Ang sa’kin lang kasi, baka mapasama sa kanya ‘yung mga gamot na naibigay ko last time, dahil nga humihingi siya sa akin at wala naman akong alam sa nararamdaman niya. If you can talk to her, kumbinsihin mo na lang na magpa check-up siya. Kasi iniiwasan naman n’ya ang mga tanong ko,” ani pa ni Nurse Georgia.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status