Beranda / Romance / Hidden Marriage, Broken Promises / CHAPTER 1 - Ang Regalong Sumira sa Kanilang Anibersaryo

Share

Hidden Marriage, Broken Promises
Hidden Marriage, Broken Promises
Penulis: JP

CHAPTER 1 - Ang Regalong Sumira sa Kanilang Anibersaryo

Penulis: JP
last update Tanggal publikasi: 2026-07-29 22:15:09

Napuno ng makapal na singaw ang loob ng banyo habang walang tigil ang pag-agos ng mainit na tubig mula sa shower.

Tahimik na nakatayo si Hendrix Dela Merced, hinahayaan ang malamig na isip na tabunan ng init ng tubig. Hindi man lang siya natinag sa ingay ng patak nito. Para bang mas maingay ang sariling isip kaysa sa anumang naririnig niya.

Samantala, sa kabilang bahagi ng silid, dahan-dahang iminulat ni Sabrina Santos ang kanyang mga mata.

Mahigpit pa rin niyang yakap ang kumot habang nakatitig sa kisame. Hindi niya namalayang napapangiti siya.

Hindi dahil sa maganda ang umaga.

Kundi dahil sa alaala ng nagdaang gabi.

Namula ang kanyang pisngi nang maalala kung paano siya muling inangkin ng kanyang asawa na para bang siya lang ang babaeng umiiral sa mundo.

Dalawang taon na silang kasal.

Ngunit sa tuwing nagiging malapit sila sa isa't isa, para pa rin siyang bagong nobya na hindi marunong humawak ng kaba.

Napailing siya habang pinipigilang matawa sa sarili.

"Nakakahiya ka talaga, Sabrina."

Biglang huminto ang lagaslas ng tubig.

Maya-maya pa'y bumukas ang pintuan ng banyo.

Lumabas si Hendrix habang tuwalya lamang ang nakabalot sa kanyang baywang. Tumutulo pa ang maliliit na patak ng tubig mula sa kanyang buhok pababa sa matipuno niyang dibdib.

Mabilis na umiwas ng tingin si Sabrina.

Hindi pa rin siya nasasanay.

Kahit dalawang taon na silang mag-asawa.

Napansin iyon ni Hendrix at bahagyang ngumiti.

"Tingin mo hindi pa kita nahuhuli na palihim na tumitingin sa akin?" biro nito.

Lalong namula si Sabrina.

"H-Hindi ah."

Lumapit si Hendrix sa aparador at isinuot ang mamahaling itim na suit na espesyal na ipinatahi para sa kanya.

Sanay na sanay itong magsuot ng mamahaling damit, ngunit sa paningin ni Sabrina, kahit simpleng puting t-shirt lang ang isuot nito ay nananatili pa rin itong napakaguwapo.

"Handa na ang almusal."

Inaayos nito ang kuwelyo ng polo.

"Hihintayin kita sa ibaba."

"Sige."

Pagkaalis ni Hendrix, agad na bumangon si Sabrina.

Hindi niya napigilang mapahawak sa sariling tiyan.

Isang matamis na ngiti ang kusang sumilay sa kanyang labi.

Pagkatapos ng ilang taon...

Sa wakas...

Buntis na siya.

Mabilis niyang kinuha ang maliit na envelope sa drawer.

Nandoon ang ultrasound result.

Paulit-ulit niya iyong binuklat na para bang baka maglaho ang nakasulat.

Congratulations. Six weeks pregnant.

Napaluha siya.

Hindi sa lungkot.

Kundi sa sobrang saya.

Ngayon ang ikalawang anibersaryo ng kanilang kasal.

Hindi na niya kailangang mag-isip pa ng mamahaling regalo.

Ang sanggol na nasa kanyang sinapupunan ang pinakamagandang regalong maibibigay niya kay Hendrix.

"Sigurado akong matutuwa siya..."

Mahigpit niyang niyakap ang ultrasound.

"Magiging tatay ka na..."


Sa ibaba ng mansyon ay tahimik niyang inayos ang mesa.

Maingat niyang inilabas ang maliit na cake na siya mismo ang gumawa kagabi.

Simple lamang iyon.

Walang mamahaling dekorasyon.

Ngunit bawat bahagi nito ay ginawa niya nang buong pagmamahal.

Sa gitna ng cake ay isang maliit na pamilya ang nakaguhit gamit ang cream.

Isang lalaki.

Isang babae.

At isang munting bata sa gitna.

Napangiti siya.

"Malapit na tayong maging tunay na pamilya."

Makalipas ang ilang minuto ay bumaba si Hendrix.

Agad nitong napansin ang cake.

"Ikaw ang gumawa nito?"

Tumango si Sabrina.

"Happy anniversary."

Sandaling natigilan si Hendrix bago siya bahagyang ngumiti.

"Happy anniversary."

Tahimik silang kumain.

Katulad ng nakasanayan.

Walang gaanong usapan.

Ngunit para kay Sabrina, sapat na ang presensya ng lalaki upang maging masaya ang araw na iyon.

Paulit-ulit siyang humihinga nang malalim.

Hindi niya alam kung paano sisimulan.

Nanginginig ang kanyang mga kamay habang mahigpit na hawak ang envelope.

Sa wakas...

Lakas-loob siyang nagsalita.

"Hendrix..."

Napatingin ito.

"May gusto sana akong sabihin."

Tumango ang lalaki.

"Sakto."

Ibinalik nito ang kubyertos sa plato.

"May sasabihin din ako."

Napangiti si Sabrina.

"Ikaw na muna."

Tumayo si Hendrix.

Lumapit siya sa maliit na kabinet sa sala.

May kinuha siyang brown envelope.

Pagbalik niya sa mesa ay tahimik niya itong inilapag sa harap ni Sabrina.

"Basahin mo kapag may oras ka."

Napakunot ang noo ng babae.

"Ano ito?"

Malamig ang boses ni Hendrix.

"Divorce Agreement."

Parang huminto ang mundo.

Hindi agad nakapag-react si Sabrina.

Hindi niya alam kung ilang segundo ang lumipas.

O baka ilang minuto.

Unti-unting nawala ang kulay ng kanyang mukha.

Ang envelope na hawak niya kanina ay unti-unting nanginig.

Parang may mabigat na kamay na sumakal sa kanyang dibdib.

Hindi siya makahinga.

Hindi siya makapagsalita.

"Divorce?"

Parang paulit-ulit na umalingawngaw ang salitang iyon sa kanyang isip.

Sa wakas ay nagawa niyang magsalita.

Mahina.

Basag.

At halos walang boses.

"Gusto... mo akong hiwalayan?"

Hindi nagbago ang ekspresyon ni Hendrix.

"Oo."

Isang salita lamang.

Ngunit sapat iyon upang tuluyang durugin ang puso ni Sabrina.

Napakurap siya.

Piliting pinigilan ang pagpatak ng luha.

Hindi puwedeng umiyak.

Hindi ngayon.

Hindi sa harap niya.

Mahigpit niyang kinuyom ang ultrasound sa ilalim ng mesa.

Kung ilang segundo pa sana...

Kung ilang segundo lang sana ang lumipas bago nagsalita si Hendrix...

Naibigay na sana niya ang pinakamagandang balita sa buhay nila.

Ngunit ngayon...

Pakiramdam niya ay wala na iyong halaga.

Nag-ipon siya ng lakas.

"P-Pwede bang magtanong?"

Tumango ang lalaki.

"Paano kung..."

Napahinto siya.

Unti-unti niyang hinaplos ang tiyan.

"Paano kung magkakaanak tayo?"

Saglit na natahimik si Hendrix.

Akala ni Sabrina...

May pag-asa pa.

Ngunit ang sumunod nitong sinabi ang tuluyang pumatay sa natitirang pag-asang hawak niya.

"Bumalik na si Kathryn."

Diretso siyang tiningnan ng lalaki.

"Panahon nang tapusin ang kasunduang ito."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Hidden Marriage, Broken Promises   Chapter 6 - Ang Babaeng Hindi Dapat Mabuhay

    "Hanapin ninyo siya."Paulit-ulit na umalingawngaw ang utos ng matandang lalaki sa buong silid.Hindi man lang niya inalintana ang pananakit ng kanyang dibdib.Hindi rin niya pinansin ang wheelchair na ilang taon niyang kinapitan.Unti-unti siyang tumayo.Nanginginig.Ngunit matatag ang kanyang mga mata."Dalawampu't limang taon ko siyang hinanap...""Ngayon sasabihin ninyong buhay pa siya?"Tahimik na yumuko ang lalaking nasa harapan niya."Pasensya na po, Chairman.""Sigurado po kami.""Nagkaroon lang kami ng kumpirmasyon ngayon."Mahigpit na kumuyom ang matanda."Sabihin mo ulit ang pangalan.""Sabrina Santos."Napapikit ang matanda."Santos..."Mahina siyang natawa."Hanggang ngayon...""...dala pa rin pala niya ang apelyido ng nanay niya."Tumulo ang isang luha mula sa kanyang kulubot na mukha."Celina...""Pinatawad mo ba talaga ako?"Samantala...Walang kaalam-alam si Sabrina sa mga nangyayari.Tahimik siyang umuwi.Yakap pa rin ang maliit na paper bag.Nang makapasok siya sa m

  • Hidden Marriage, Broken Promises   Chapter 5 - Ang Regalong Hindi Na Maibabalik

    Mahigpit na nakayakap si Sabrina sa sarili habang nakaupo sa malamig na sahig ng banyo.Halos wala na siyang maiyak.Pagod na ang mga mata niya. Pagod na rin ang puso niya.Sa labas ng pinto, tahimik ang buong mansyon. Ngunit sa loob ng kanyang dibdib, parang may unos na walang tigil na sumisira sa lahat ng natitira pa niyang pag-asa.Dahan-dahan niyang inilabas mula sa drawer ang ultrasound.Isang maliit na larawan.Ngunit para sa kanya, iyon ang pinakamahalagang bagay sa buong mundo.Marahan niyang hinaplos ang papel."Baby..."Nanginginig ang boses niya."Hindi alam ni Daddy na nandito ka."Tumulo muli ang luha niya."Hindi dahil ayaw kitang ipakilala...""Kung hindi dahil... hindi na niya kami gusto."Napapikit siya.Naalala niya ang mga gabing magkatabi silang natutulog ni Hendrix.Tuwing madaling-araw, mahigpit siyang niyayakap nito.Tuwing nilalamig siya, agad itong bumabangon upang kunin ang kumot.Kapag sumasakit ang ulo niya, ito mismo ang nagluluto ng lugaw.Kapag inaabutan

  • Hidden Marriage, Broken Promises   CHAPTER 4 - Ang Lihim na Hindi Dapat Malaman

    Mahigpit na napahawak si Sabrina sa ultrasound.Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo nang maramdaman niyang may presensya sa labas ng kanyang silid.Mabagal siyang lumingon.Bahagyang nakabukas ang pinto.At doon...Nakatayo si Lolo Victor Dela Merced.Nanigas ang buong katawan niya."L-Lolo..."Mabilis niyang pinahid ang mga luha sa kanyang pisngi at pilit na ngumiti."Hindi ko po kayo narinig."Hindi agad nagsalita ang matanda.Tahimik nitong pinagmasdan ang maputlang mukha ni Sabrina.Pagkatapos ay napansin nito ang papel na mahigpit na yakap ng dalaga."May problema ba, apo?"Sa simpleng tanong na iyon...Halos bumigay na ang matatag niyang harapan.Simula nang mamatay ang kanyang ina, si Lolo Victor lamang ang itinuring niyang tunay na pamilya.Ito ang taong tumanggap sa kanya.Nag-aruga.At nagbigay ng tahanan.Ayaw niyang saktan ang matanda.Ngunit mas ayaw niyang sirain ang pangakong ginawa niya kay Hendrix."Wala po."Piliting ngumiti si Sabrina."Medyo masama lang po ang pak

  • Hidden Marriage, Broken Promises   CHAPTER 3 - Hindi Ako ang Pinili

    Mabigat ang bawat hakbang ni Sabrina habang naglalakad pabalik sa kanyang silid.Parang bawat sulok ng mansyon ay may alaalang humahawak sa kanya.Doon sa hagdan kung saan minsang inalalayan siya ni Hendrix nang madulas siya habang nagdadala ng mga bulaklak.Sa sala kung saan magkatabi silang nanood ng pelikula isang maulang gabi.Sa kusina kung saan minsan siyang pinagtimpla nito ng ginger tea nang magkaroon siya ng trangkaso.Lahat ng alaalang iyon...Ngayon ay tila kutsilyong paulit-ulit na tumutusok sa kanyang puso.Pagkapasok niya sa kwarto, agad niyang isinara ang pinto at isinandal ang likod dito.Napatingala siya sa kisame.Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kakayaning magpanggap.Humakbang siya patungo sa malaking walk-in closet.Nakasabit pa rin doon ang mga damit ni Hendrix.Ang paborito nitong navy blue suit.Ang puting polo na lagi nitong isinusuot kapag Linggo.Pati ang mamahaling relo na minsan ay siya mismo ang naglinis bago ito pumasok sa opisina.Unti-unti niy

  • Hidden Marriage, Broken Promises   CHAPTER 2 - Ang Lalaking Minahal Ko

    Hindi agad nakapagsalita si Sabrina.Pakiramdam niya ay may kung anong mabigat na nakabara sa kanyang lalamunan.Mahigpit niyang kinuyom ang mga palad sa likod ng kanyang katawan upang hindi mahalata ni Hendrix ang panginginig ng kanyang mga kamay.Hindi niya alam kung alin ang mas masakit.Ang divorce agreement na hawak niya...O ang katotohanang wala man lang nagbago sa isip ng lalaking minamahal niya kahit sabihin pa niyang nagdadalang-tao siya.Humugot siya ng malalim na hininga bago pilit na ngumiti."Sige."Mahina ngunit matatag ang kanyang tinig."Kakausapin ko si Lolo."Tumango si Hendrix."Tatanungin niya kung bakit tayo maghihiwalay."Sandali itong tumigil bago muling nagsalita."Noong ikinasal tayo, sinabi mong may lalaking matagal mo nang minamahal. Ngayong malaya ka na, maaari mo nang balikan ang taong iyon."Parang may humigpit na tali sa dibdib ni Sabrina.Napakagat siya sa ibabang labi upang pigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha.Oo.May lalaking matagal na niyang m

  • Hidden Marriage, Broken Promises   CHAPTER 1 - Ang Regalong Sumira sa Kanilang Anibersaryo

    Napuno ng makapal na singaw ang loob ng banyo habang walang tigil ang pag-agos ng mainit na tubig mula sa shower.Tahimik na nakatayo si Hendrix Dela Merced, hinahayaan ang malamig na isip na tabunan ng init ng tubig. Hindi man lang siya natinag sa ingay ng patak nito. Para bang mas maingay ang sariling isip kaysa sa anumang naririnig niya.Samantala, sa kabilang bahagi ng silid, dahan-dahang iminulat ni Sabrina Santos ang kanyang mga mata.Mahigpit pa rin niyang yakap ang kumot habang nakatitig sa kisame. Hindi niya namalayang napapangiti siya.Hindi dahil sa maganda ang umaga.Kundi dahil sa alaala ng nagdaang gabi.Namula ang kanyang pisngi nang maalala kung paano siya muling inangkin ng kanyang asawa na para bang siya lang ang babaeng umiiral sa mundo.Dalawang taon na silang kasal.Ngunit sa tuwing nagiging malapit sila sa isa't isa, para pa rin siyang bagong nobya na hindi marunong humawak ng kaba.Napailing siya habang pinipigilang matawa sa sarili."Nakakahiya ka talaga, Sabri

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status