Share

Chapter 3

"Ma'am hinahanap ka po ni Sir Perez. Nasa living room siya't naghihintay," sabi ng isang katulong kay Madeleine.

Nginitian ni Madeleine ang katulong at sumunod. Dalawang araw na siya sa Villa at sa totoo lang, sobrang bagot na bagot na siya dahil wala siyang ibang ginawa kundi ang humiga lang sa kama o 'di kaya'y magcellphone. May kakilala na din siyang mga tauhan dito pero hindi pa lahat, katulad nalang nung magandang babae na napagkamalan siyang katulong. Sa dalawang araw niya dito ay hindi na niya ito nakita pang muli.

Pakarating niya sa living room ay nakita niya si Perez na nakaupo sa couch habang may hawak na Ipad sa isang kamay. Hindi ito nag-angat ng tingin at patuloy lang sa pagbabasa ng kung ano ang nasa screen.

Tahimik na umupo si Madeleine sa malapit na kinauupuan nito. Inilahad ni Perez ang kanyang palad at 'di parin nag-angat ng tingin sabay sabing, "Hand."

Walang angal na ibinigay din ni Madeleine ang kanyang kamay at ipinatong ito sa nakabukang palad ng lalaki.

Malaki at malambot ang kamay ni Perez, walang-wala ito sa kamay ni Madeliene na medyo magaspang at maliit kung iko-kompara. Kahapon, nang unang niyang nahawakan ang kamay ni Perez ay nahiya pa siya sa sariling kamay pero agad din naman niyang inayos ang sarili.

What's wrong with having rough hands? Bunga ito ng hirap na pinagdaanan niya.

Perez pursed his lips tightly. Gusto niyang higpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Madeleine pero pinigilan niya ang sarili at pinilit na ituon ang atensyon sa financial news na kanyang binabasa.

The rough texture of her palms made him etch to rub them and fiddle those slender fingers. Ang init na nanggagaling sa palad nito ay para bang lumipat sa kanyang kamay at umaakyat hanggang sa kanyang puso na nagbibigay sa kanya ng kakaibang sensasyon at kiliti.

Hindi niya maintindihan, pero paghawak-hawak niya ang kamay nito ay naa-alala niya ang isang taong pinakaimportante sa kanya. Noong nahahawakan pa niya ang taong  'yon, the same warmth and feeling that person gave him before was what Madeleine give him at the moment. How wonderful it was kung ang hawak-hawak niyang kamay ay galing sa taong 'yon, wala na siguro siyang mahihiling pa.

Nang maisip ni Perez ito ay napabitaw siya bigla sa kamay ni Madeleine. Nagtatakang tinignan siya ni Madeleine at umiwas naman siya ng tingin dito. Tumayo siya at aalis na sana nang bigla siyang tiniwag nito.

"Ah Mr. President, may pupuntahan sana ako ngayon—" Pinutol ni Perez ang sasabihin nito at hinarap ito na walang ekspresyong makikita sa mukha.

"You can go everywhere you want. Hindi mo na kailangan sabihin sa akin lahat ng gusto mong gawin. Wala akong pakialam," walang emosyong sabi ni Perez.

"Ah sige," nasabi nalang ni Madeleine at dali-daling tumalikod papaalis.

Tiningnan ni Perez ang papalayo nitong pigura at parang may kung anong naramdaman siyang bumara sa kaniyang lalamunan.

Pagkapasok ni Madeleine sa kanyang kwarto ay napatulala muna siya ng saglit pero agad din naman niyang inayos ang sarili. Napabugtong hininga siya bago hinanap ang script na binigay sa kanya ni Director Diaz. Nang mahanap niya  ito ay binasa niya ang pamagat na nakasulat sa unahang parte ng script.

'The Legitimate Daughter', isang kuwentong umiikot sa panlilinlang at pagtataksil. Ang female lead ng script na si Fiona ay isang ulila hanggang sa malaman niyang siya pala ang tunay na anak ng isang sikat na politiko. Ngunit dadaan muna siya sa matinding pagsubok at maraming paghihirap bago mapatunayan na siya talaga ang tunay na anak ni Don Santiago. Si Daniel, ang male lead naman ay isang pulis at nang makilala niya si Fiona ay na-inlove siya dito at kalaunan ay isa siya sa mga tumulong kay Fiona.

Ngunit dahil mahirap lang si Daniel at kakailanganan nito ng pera para sa pang-opera nito sa kapatid na babae ay hindi maiwasang pagtaksilan niya si Fiona sa nagpapanggap na tunay na anak ni Don Santiago at iniwan ito na siya ding dahilan para ma-realize ni Fiona na mahal niya pala si Daniel. Ang kapatid ni Daniel na si Dianne, ang karakter na kanyang gagampanan, ay may cancer at nakikita niyang nahihirapan ang kapatid kaya sinabihan niya 'tong wag na siyang aalahanin at sundin nalang ang puso nito.

Biglang na-aksidente si Fiona at nabulag ito, kinabukasan naman nun ay ang pagkamatay ng kapatid ni Daniel na si Dianne. Sa oras na 'yon, para sa kuya nito ay bago mamatay si Dianne, inihabilin niya na i-donate ang kanyang mata kay Fiona. Pagkatapos nun ay ang rebelasyon na si Fiona ay isa ngang tunay na Santiago.

Nagustuhan ni Madeleine ang kanyang karakter, pati na rin ang plot ng script kaya napag-desisyonan niyang sumali sa palabas na 'to. Sayang din naman lalo na't ibinigay ito sa kanya ni Director Diaz, bilang respeto na din ay tinanggap niya na ito. Kung ano man ang mangyari sa kanya, kung magiging successful ba siya o hindi ay ihahabilin nalang niya sa kanyang kapalaran.

Nang makarating na siya doon at marami nang tao ang nasa loob. Umupo siya sa may dulo at hindi umimik. Wala din namang nakapansin sa kanya kaya nakahinga siya nang maluwag. Mayamaya pa ay may pumasok na babae at saktong napatingin ito sa direksyon niya. Nanlaki ang mga mata ni Madeliene nang mapag-alaman kung sino ito.

"J-janine?" hindi makapaniwalang sambit niya sa pangalan nito.

"Mady! Kumusta?" masayang tawag ni Janine sa kanya sabay lapit at upo sa bakanteng upuan na katabi niya.

"Grabe 'di ko akalain na magkikita pa tayo. Lalo na na sikat ka na, talagang tinuloy mo ang pangarap mong maging artista, hah.  Nako congrats nin!" masayang wika ni Madeleine sa kaibigan.

Isa si Janine sa mga nakasama niya sa theater troupe  at naging magkaibigan din sila hanggang sa tumigil siya sa pag-aaral. Wala na siyang contact sa babae simula nun at nagulat nalang siya nang mapanood ito bigla sa mga teleserye at sa mga ads na nasa T.V.

Lalo din itong gumanda at naging seksi kaya nahihiya na din siyang i-contact 'to.

Pabirong hinampas siya ni Janine sa braso. "Maliit na bagay, at saka ako parin ito noh. Teka, bakit ka pala nandito? Omg, isa ka ba sa mga characters? Sino? Sino?" excited nitong tanong sa kanya.

Ngumiti siya kay Janine bago ito sinagot, "Si Dianne, ikaw? Si Fiona noh?" pabalik niyang tanong kay Janine.

"Yes girl!" malakas nitong sagot. Dahil sa lakas ng boses nito ay biglang tumahimik ang mga tao kaya napunta sa kanila ang atensyon. Doon na napansin ng iba na nakarating na pala si Janine at agad ang mga itong lumapit sa dalaga.

Hindi na nakakapagtaka, isa si Janine Gomez sa mga sikat ngayon na artista kaya marami ang may gustong mapalapit sa kanya para makabuo na din ng koneksyon sa dalaga.

Hindi na naki-join si Madeleine at pinanood lang na pinagkakaguluhan si Janine na may ngiti sa labi. Pagkaraan ng ilang sandali ay dumating din ang isang lalaki na siyang naka-ani ng singhap at gulat sa karamihan sa mga tao na nasa loob.  Pati si Madeleine ay nanlaki din ang mga matang nakatingin sa bagong dating.

Si Terrence Madrid, he won the best male lead award just this year and everywhere he went he will always be on the hot searches. Hindi lang 'yon, it was also exposed na anak siya ng isa sa mga nagmamay-ari ng sikat na agency sa bansa. Ang MAHARLIKA Network na siya ring agency na kinabibilangan ni Janine.

Hindi lang sikat si Terrence sa galing nito sa pag-arte kundi pati na rin sa mga rumors tungkol sa kanya  na hindi naman napapatunayan.  There were a lot of articles about him being a playboy and all of his lovers were all his leading ladies in certain movies and television dramas he partake in. Pero bago pa ito kumalat ay palaging nawawala ang mga articles nito na para bang hindi ito nag-exist in the fist place.

Napabitaw ng tingin ang lahat nang biglang may pumalakpak at nabaling ang kanilang atensyon kay Fernando Lao, ang direktor, at bumalik sa kanya-kanya nilang puwesto.

"Seems like everybody is here already." Inilibot ni Director Lao ang kanyang mga mata sa paligid at napatango.

"Mostly sa inyo ang nag-audition at may iba naman nakuha ko through recommendations that's why you see new faces today. I hope hindi ito hadlang para magkaroon tayo ng harmonious na environment. I'll be straightforward, Im a perfectionist type of person so I require all of you to go all out during our taping, pero 'di ko naman kayo pababayaan. As long as I see you are doing your best, then wala tayong problema d'yan. Are we clear?" tanong ni Director Lao sa kanilang lahat.

Nag-yes ang lahat bilang sagot. Biglang nakaramdam ng kaba si Madeleine nang ma-realize niya ang pinasok pero inalis niya sa isipan ang pangamba at humugot ng malalim na hininga para maibsan ang kaba na nasa dibdib.

"Then, let's start shall we?" anunsyo ng direktor sabay bukas ng folder para i-explain ang kabuohan ng palabas at sinimulan ang script reading.

Matagal silang natapos kaya nang mapag-desisyonan nilang magkaroon ng munting salo-salo para makilala ng lubusan ang iba ay tumanggi si Madeleine. Hindi dahil kailangan na niyang umuwi kundi dahil hindi siya masyado sanay makipaghalubilo sa maraming tao. She had a low tolerance in socializing.

"Hindi ka pa rin nagbabago, hindi ka talaga mahilig sa mga ganito. Kahit nga noon hindi ka rin sumasama pag may mga celebratory events tayo sa grupo natin sa teatro," sabi ni Janine sabay ala-ala sa nakaraan.

Mahinang napatawa si Madeleine at hindi siya umangal dahil totoo naman.

Kinuha ni Janine ang kanyang cellphone sa kanyang purse bag sabay harap kay Madeliene. "Bigay mo sakin number mo dali! Ang tagal nating 'di nagkita dapat din tayong lumabas para malaman ko rin anong mga ganap sa buhay mo," nakangiting sabi ni Janine.

Nagpalitan sila ng number bago nagpaalam si Madeleine na umalis.

"Who's that?" Nagulat si Janine nang may biglang nagsalita sa kanyang likod. Napalingon siya at nakita niya si Terrence na nakatingin kay Madeleine na papalayo.

Naramdaman ni Janine ang pag-init ng kanyang pisngi, lumiit ang boses niya't sinagot ang lalaki, "My friend from college, her name's Madeliene. Siya yung magiging kapatid mo sa movie."

May dumaang kung ano sa mga mata nito sabay ngiti ng matamis. Nanigas si Janine nang makita ang gwapo nitong mukha at ang paglapad ng manipis nitong labi dahil sa ngiti nito. Bumilis ang tibok ng puso ni Janine at napatulala sa mukha nito.

"Hmmmm, well okay. Let's go?" Tumingin si Terrence kay Janine at nakita niya ang mapulang pisngi nito. Mabilis na tumango si Janine at sumunod kay Terrence papasok sa isang van.

Hindi mawala-wala yung ngiti ni Madeleine sa mukha dahil nakita niya ulit ang malapit na kaibigan. Akala niya ay wala na silang pagkakataong magkasama muli dahil sa naging sikat itong artista. Naisip tuloy niya na tama ang desisyon niyang tanggapin ang offer ng dating  direktor niya.

"Ah, kailangan ko palang sabihin kay Direk na tinanggap ko 'yong offer niya," sambit niya sa sarili sabay kuha ulit ng cellphone niya sa kanyang bulsa. Pagkatapos niyang i-send ‘yong message niya ay biglang niyang naalala ang kanyang bahay. Dalawang araw na din siyang hindi nakauwi kaya na-miss na din niya ang kanyang apartment.

Napaisip siya at napagdesisyonang umuwi sa kanyang apartment ngayong gabi. Sa katunayan ay ‘di siya komportable sa villa at gusto niya na talagang umuwi kahapon pa, ngunit hindi siya nakahanap ng tiyempo na magpaalam. Pero naalala niya ang sinabi ni Perez sa kanya na pwede niyang gawin lahat ng gusto niya ay hindi na siya nabahala pa.

Pumara siya ng dyip at nagtungo sa kanyang apartment.

Sa pinaka-top floor ng headquarters ng Salvatore Conglomerate, nakaupo si Perez sa kanyang swivel chair habang binabasa ang mga proposal designs galing sa human resources department team. Habang pinipirmahan ang mga papeles ay biglang lumapit sa kanya ang isa sa mga bodyguards.

“Sir, ‘di raw po umuwi si Ms. Lodrigo sa villa,” ulat sa kanya ng bodyguard.

Hindi siya nagsalita at napatingin sa orasan. It was already quarter to ten and Madeleine didn’t go home? What’s the meaning of this?

Kumunot ang noo niya at napasimangot.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status