Share

Chapter 2

Author: Roses are Ryd
last update Huling Na-update: 2022-01-22 11:10:27

Perez and Madeleine's first meeting was three months ago in Bellaforn Tower. Naging part-time waitress kasi si Madeleine roon kasama ang isang kilala niya. Naaalala pa niya na tinulungan pa niya itong paalisin ang isang babaeng pilit na pumapasok sa kwarto nito, pinakalma dahil bigla itong nagpanic, at  tinulungan itong makatulog bago umalis sa kwarto ng lalake.

Hindi man siya kilala ng lalaki ay kilala naman niya ito dahil narinig niya ang pag-uusap ng kanyang mga katrabaho tungkol dito. Perez Salvatore, the President of Salvatore Conglomerate who owned hundreds of various businesses around the world. A multi-billionaire who was always in the financial news for being one of the youngest and outstanding heirs.

Noong una, hindi makapaniwala si Madeleine sa narining ngunit nang makita niya si Perez ay napagtanto niyang totoo lahat ang kanilang sinasabi. Unang kita niya palang dito ay alam niyang ibang-iba ito, hindi lang siya mukhang mayaman kundi sobrang yaman. 'Yong bang hindi lang langit at lupa ang pagitan nilang dalawa kundi universe at  earth talaga.

Pero ang mas lalong hinangaan talaga niya kay Perez ay ang kanyang gwapong mukha at matipunong katawan. Hindi na nakakapagtaka kung habulin man ito ng babae o 'di kaya'y marami na itong naging kasintahan, sa yaman ba naman nito kasama ang gwapo nitong mukha, sino ba ang aayaw? Kaya pagkatapos niya itong tulungan ay ipinikit niya ang kanyang mga mata at itinuring nalang na isang panaginip ang pagtagpo ng landas nilang dalawa.

Hindi niya akalaing, magkikita pa sila ulit nito. Not just that, sinabihan pa siya nitong maging asawa at tulungan na pagalingin ang sakit nito. Kung tulong ang hanap nito siguro ay magagawa niya, pero ang maging asawa? Sino ba naman siya? Sa dami-daming babae sa mundo, siya pa talaga?

"A-asawa? Bakit ako? At saka, hindi ako mangagamot o doktor. Hindi kita matutulungan sa sakit mo," sabi ni Madeleine sa mahinang boses.

"Alam ko, do you think I like this too? I just don't have any other choice since you are the only one who I can touch freely. I also need to have a wife to counter those people who is eyeing my properties and rights. I have a Haphephobia and I can't have a wife who I can't touch, right?"

Napatahimik si Madeleine. Perez frowned and continued.

"Three months ago, when you touched me I don't feel any symptoms of my phobia. So I thought magaling na ako so I tried touching other people but to no avail, my reactions seems to get worse. When I ask my doctor, he told me baka ikaw na 'yong makakatulong sa paggaling ko. So he asked to bring you by my side at all cost. I also need a wife to use for some of my problems, so I thought you'd be the best candidate," sabi ni Perez at napasimangot.

Perez continued, "You are only my wife in name, not totally legal so don't ever think you are something special. I only need you when I need you and nothing else," sabi niya sabay taas ng isang kilay, "How about that? If you accept, the debt is considered to be fully paid, with a benefit of free food, living expenses and daily allowance."

Hindi pa rin nagsalita si Madeleine na para bang pinag-iisipan niya ito nang mabuti. Mayamaya pa ay bahagyang tumango siya bilang pagsang-ayon.

Madeleine didn't really have any choice, pag hindi niya tinanggap ang alok nito, wala siyang perang ibabayad sa utang. Ang ending, sa presinto ang bagsak niya, ngunit pagtinanggap naman niya 'to may benefits siyang makukuha kahit gagamitin lang naman siya nito. Mamaya na niya proproblemahin ang kung anong ang mangyayari kung nakaabot na siya sa puntong kailangan niya nang problemahin ito. In short, she'll just cross the bridge when she get there. Bahala na si Lord.

"I can still do what I want ‘di ba?" tanong ni Madeleine.

"Of course," sagot ni Perez sabay ayos ng mga papeles at inilagay ito sa tabi niya, "I don't have any interest in locking my own wife in the house. Gawin mo ang gusto mong gawin basta't nandoon ka ‘pag kailangan kita."

"Then, hanggang kailangan ako magiging asawa mo?" tanong ulit ni Madeleine.

Umangat ang tingin ni Perez sa kanya at muling nagkatagpo ang kanilang mga mata. Pakiramdam ni Madeleine ay pinagpawisan siya dahil sa talim ng titig nito sa kanya at napahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang backpack. Muling nagsalita si Perez sa malamig na tono, "Hanggang di na kita kailangan."

Pagkatapos nun ay muling namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Hanggang makaabot sila sa villa nito ay walang ni isang umimik, sumunod nalang si Madeleine kay Perez mula sa pagbaba nito sa sasakyan hanggang sa pagpasok nito sa bahay. Wala nang masyadong taong sumalubong sa kanila dahil medyo gabi na nang makarating sila kaya pagkatapos na kausapin ni Perez ang isang tauhan ay agad din siyang umalis at iniwan si Madeleine na walang paaalam.

Inilibot ni Madeleine ang mga mata sa kanyang paligid at namangha sa malalaki at magarbong interior designs. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakapasok sa ganitong kagarang bahay, at na-realize niya na sobrang layo at lawak pala talaga ng agwat nila ni Perez. Hindi niya maiwasang mangamba sa kung anong klaseng buhay na mayroon siya lalo na ngayon na nagsimula na siyang tumuntong sa mundo ng isang Perez Salvatore.

Sumunod siya sa taong inutusan ni Perez na ihatid siya sa kanyang magiging kwarto. Hanggang sa makapasok siya ay nanitili pa rin siyang nakatayo at hindi makapaniwalang binaybay ang nangyari sa kanya ngayong araw. Kinuha niya ang kanyang second hand na cellphone at tinignan ang oras.

Napaupo siya sa malambot na kama at napabugtong hininga.

"Tama ba 'tong desisyon ko?" mahinang tanong niya sa sarili.

Hindi kalaunan ay nakatulog din siya. Kinabukasan ay maaga siyang nagising at nahanap ang sarili sa hindi pamilyar na silid, bigla niyang naalala ang nangyari kahapon at  napakamot sa ulo bago tumayo.

Lumabas siya ng kwarto at napalinga-linga. Sa laki ng bahay ay hindi niya alam kung saan siya pupunta, wala din siyang nakitang ibang tao kaya'y binahala na lang niya ang lahat at nagsimula nang maglakad para hanaping ang hagdan.

Madeleine was never good at direction, hindi sapat na isang beses lang siya turuan. Kailangan pa nang matinding pagsasaulo bago niya maitatak sa utak kung saan ang tamang direksyon.

Ilang saglit na din siyang naglalakad nang biglang kumalam ang kanyang sikmura dahil sa gutom, napahawak siya sa tiyan at napatigil. Tinapay lang ang kinain niya kahapon kaya 'di nakakapagtaka kung sobrang gutom na niya ngayon.

Naghanap siya ng taong mapagtatanungan para magpaturo kung saan ang kusina.

"Bakit wala kang ginagawa? Alam mo ba kung anong oras na, huh? At saka, bakit hindi mo suot ang uniporme mo? Bago ka ba? Kunin mo 'to at magtrabaho ka!" naiiritang sabi ng isang babae kay Madeleine sabay bigay ng feather duster nang makita itong walang ginagawa.

Napatingin si Madeleine sa maikling suot nitong uniporme at bahagyang napasimangot. Sa tantiya niya'y magka-edad lang sila ng babae pero mas pinagpala ito sa may hinaharap nitong parte. Makinis ang balat at maganda din ito, may mahabang buhok at makapal na pilik mata. Bigla siyang napaatras at nahiya. Pati mga tauhan ni Perez ay magaganda at may maiibubuga. Napa-isip tuloy siya kung talaga bang sigurado si Perez na alukin siyang maging asawa nito.

Tutulungan naman niya ang lalaki sa sakit nito pero bakit pa ba siya nito inalok ng kasal? Pakiramdam niya ay hindi siya karapat-dapat.

"T-teka lan—" Hindi na napigilan ni Madeleine ang babae nang bigla itong umalis agad.

Muli na naman siyang napag-isa dahil wala na siyang nakitang ibang tauhan na nandoon. Sinundan niya ang babae at hinanap ito, luminga-linga siya pero hindi niya na alam kung saan ito lumiko.

Habang hawak-hawak ang feather duster ay nagpatuloy siya paglalakad. This time, hindi na siya naghanap ng mapagtatanungan at itinuon nalang ang atensyon sa paghahanap sa hagdan pababa.

Liliko na sana siya nang biglang bumugad sa kanya ang h***d na dibdib ng isang lalaki. Napaatras siya ng ilang pulgada at nanlaking napatingin kay Perez na nakabathrobe lang habang pinupunasan ang basa nitong buhok. Hindi masyadong mahigpit ang pagkakatali nito sa bathrobe kaya kitang-kita ang dibdib nito pati na rin ang abs na parang bang kumakaway-kaway pa sa kanya para titigan ito. Namula si Madeleine nang may napansin siyang isang patak ng tubig na dumadaloy sa abs nito na nagbibigay ng kaseksikhan sa lalaki.

Wala sa sariling napatakip siya sa ilong at umiwas ng tingin. Hindi napansin ni Perez ang kakaibang kilos nito at napasimangot habang nagtatakang tumingin kay Madeleine.

"What are you doing here?" tanong nito sa iritadong tono.

Bumalik si Madeleine sa realidad at napahigpit ang hawak niya sa feather duster. "Hinahanap ko lang 'yong hagdan pababa. Magtatanong sana ako pero wala akong makitang tao—" Hindi pinatapos ni Perez magsalita si Madeleine at tumalikod siya sabay tawag ng isang pangalan.

May lumabas na isang lalaki nakablacksuit sa may kabilang dulo ng hallway at lumapit ito sa kanila.

"Why are you holding that thing? Throw it away, it's dirty," Tinuro nito ang hawak niyang feather duster sabay talikod at sablay ng towel na hawak nito sa balikat.

"Teka, Mr. Pr—" tawag sana niya dito pero nang makita niya ang nakasimangot at naiirita nitong ekspresyon ay bigla siyang natigilan.

"What? Don't waste my time. Also, ‘wag kang babalik dito. I don't let a lot of people step in the 2nd floor except for my bodyguards and some of my servants. Don't let your luck get the better of you just because I let you stay here. Now, scram and don't ever set your foot here again," walang ganang sabi nito.

"Ahh, pasensya na," Hingi niya ng tawad.

Nakaramdam si Madeleine ng kirot sa kanyang dibdib.  Hindi niya alam kung bakit nasaktan siya sa sinabi nito.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Hidden Marriage: Mr. President, I adore You   Chapter 65

    “Madeleine? Madeleine. Madeleine!” Nagulat si Madeleine sa sigaw at nagising siya sa kan’yang pagkatulala. Nagtataka at nag-aalalang tumingin si Vector sa rear-view mirror ng sasakyan para tignan si Madeleine na nasa backseat."Ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala. Sa set medyo hindi rin maayos ang pakiramdam mo. May problema ka ba?” tanong ni Vector. Umiling si Madeleine. “Wala. Pagod lang,” simpleng sagot niya. Ilang araw narin ang dumaan bago natapos ang issue. Nang linawin ng team ni Madeleine ang issue nila Terrence, nagpaliwanag narin mismo ang MAHARLIKA tungkol sa maling paglaganap ng impormasyon. Pagkatapos no’n ay bigla nalang nawala lahat ng post at wala na ring makitang iba pang ulat tungkol sa kanilang dalawa. “Tired? Are you sure itutuloy pa rin natin ang shoot? If you want, we can reschedule yours para makapagpahinga ka,” suhestiyon ni Vector. Umiling si Madeleine. “Ituloy na natin. Last nanaman ‘to, matagal din na hindi muna ako babalik sa trabaho kaya mataas-taas

  • Hidden Marriage: Mr. President, I adore You   Chapter 64

    “At talaga ngang sinusubok mo ako, Barbara! You are being insensible. I’ve raised you, binigay ko sa’yo ang magandang buhay ngayon ay susuwayin mo lang ako. I can’t believe nakipagbalikan ka sa lalaking iyon. I supported you before dahil you said Xenon will get the inheritance. Now, what? He cheated on you; he already loses the trust with some of the board members!” galit na sabi ng nasa kabilang linya.Napakagat ng labi si Barbara at pinapakalma ang kan’yang galit na ama. “Dad, just trust me one more time, okay? I love Xenon, you know that. He also loves me, gano’n naman siguro ang pag-ibig di’ba, Dad? This is just a challenge that we need to conquer. Xenon had always been the one who was cast aside from any business matters, I want to give him a chance to prove himself. And if I can help him, I will do this to make him happy. Let’s support him one more time.” Pagkukumbinsido ni Barbara sa kan’yang ama.“You.. foolish child!” sigaw naman ng kan’yang ama. “Don’t be fooled with that ma

  • Hidden Marriage: Mr. President, I adore You   Chapter 63

    Walang magawa si Madeleine kundi tignan kung ano na ang nangyayari sa social media. Napahilot siya sa kan’yang sintido nang makitang walang ginawang statement ang MAHARLIKA dito. Although hindi na ito masiyadong nakakalat sa social media marami pa rin ang nag-aabang na article tungkol sa kung ano talaga ang ugnayan nilang dalawa ni Terrence.Hindi na niya mapigilan na tawagan si Terrence.“Mady.” Nakailang ring pa lamang ay agad na sinagot ni Terrence ang tawag ni Madeleine.This was the first time that Madeleine called him, deep in his heart, he was secretly happy.Ngunit hindi pinansin ang masayang tono sa boses ni Terrence at agad niyang isinabi ang pakay ng kan’yang pagtawag.“Terrence, wala pa bang statement ang agency natin about sa issue sa ating dalawa? Dapat na nating i-clear ‘yung article ano nalang iisipin ng mga tao. Baka maniwala silang lahat na may relasyon talaga tayo,” sabi niya kay Terrence.Narinig niya ang pagbugtong hininga ni Terrence sa kabilang linya. “Actually,

  • Hidden Marriage: Mr. President, I adore You   Chapter 62

    “You saved me, Perez. I am so sorry to bother you when you are together with your wife,” agad nagsalita si Barbara nang makapasok na siya sa kotse at umupo sa backseat. Madeleine peaked at the rear-view mirror and was suddenly shy when she was caught by Barbara for looking at her.“Hello, you are Madeleine, right? I am Barbara, by the way. Perez’s bestfriend,” pakilala ni Barbara sabay lahad ng kan’yang kamay.It would be rude to not accept the handshake kaya agad tinanggap ni Madeleine ang kamay nito at nag-handshake silang dalawa.“Why did you do, Barbara? Ito ang unang beses na naglayas ka, what are even doing?” pagalit na tanong ni Perez ngunit may halong pag-aalala sa boses nito. Tahimik lang si Madeleine at nakikinig.“Nag-away lang kami ni Dad, okay? Maliit na hindi pagkakaunawaan lang,” sagot naman ni Barbara.“Small misunderstanding? Is it enough for you to run away? Just like that?” hindi makapaniwalang wika ni Perez habang nagmamaneho.Hindi na pinansin ni Barbara si Perez

  • Hidden Marriage: Mr. President, I adore You   Chapter 61

    Hindi makapagsalita si Madeleine, para bang may bumabara sa kan’yang lalamunan and she doesn’t have the courage to speak up. Madeleine unconsciously fumbled the hem of her shirt and hummed to answer his call. “Are you okay?” Rinig niyang tanong ni Perez at may pag-aalala sa boses nito. Strangely enough, she somewhat kind of heard his footsteps like he was walking up the stairs with his breath slightly rugged, probably through the exertion of movements. Madeleine found herself relieved and let go of all her worries before answering. “Yes, ikaw?” “Hmmm,” sagot lamang ni Perez. ‘Di na napigilan ni Madeleine at siya na mismo ang unang nagsalita tungkol sa issue. She explained, “N-nakita mo ba ang balita? Magkaibigan lang talaga kami ni Terrence. Nagkita lang kami at kasama ang mama niya. Pinakilala niya lang ako bilang katrabaho. Kung ano man ang nababasa mo online, Perez, sana h’wag mong paniwalaan.” Hindi alam ni Madeleine kung paano niya ii-explain kay Perez ang katotohanan basta a

  • Hidden Marriage: Mr. President, I adore You   Chapter 60

    Hindi pa natapos ang party ay umuwi na sila Perez at Madeleine. Contrary to Madeleine’s worry, after those rude remarks from Felipe ay wala nang nagtangkang insultuhin o mag-isip na kalabanin si Madeleine. It was a peaceful and normal party, ngunit dahil napansin ni Perez na medyo hindi na maganda ang pakiramdam ni Madeleine ay agad niya itog inalalayan papauwi.Lumipas ang ilang araw ay hindi naging maganda ang pakikitungo ni Madeleine kay Perez. Maski man siya ang naiinis sa sarili kung bakit niya tinatarayan pa minsan-minsan o ‘di kaya’y ‘di niya papansinin ang asawa, ngunit sa tuwing lumalapit ito sa kan’ya ay parati niyang naaamoy ang pamilyar na pabango sa katawan nito.She knew she shouldn’t be like this, pero talagang naiinis siya. She was not that sensitive before, she wondered what was going on with her these past few weeks.Akala niya ay maiinis na sa kan’ya si Perez dahil napaka-moody niya ngunit nakakapagtaka lang dahil mas lalo itong nag-aalala sa kan’ya.Inaalala pa lan

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status