Share

Chapter 6

Namumutla na pumasok si Perez sa kwarto ni Madeleine. May namumuong malalaking pawis sa noo nito at hinahabol ang hininga nitong nilapitan ang dalaga. Napahawak si Madeleine sa balikat nito at hindi gumalaw nang biglang sumalampak ang katawan nito sa kanya. Nanigas si Madeleine at hindi alam ang gagawin.

Perez felt better when he finally held Madeleine in his arms, wala sa sariling humigpit ang pagkakayakap niya sa babae at isinubsob ang mukha sa leeg nito. Nawala ang pagsakit ng kanyang ulo at kumalma rin siya dulot nang mahawakan niya si Madeleine. He felt at ease and comfortable kaya mas inilapit pa niya ang katawan kay Madeleine.

Hindi alam ni Madeleine kung saan ilalagay ang mga kamay niya at mas lalo siyang nataranta nang maramdaman ang mainit nitong hininga sa kanyang leeg.

“M-mr. President, te-teka,” nauutal na tawag niya dito pero tila ba wala itong narinig at patuloy pa rin sa pagyapos sa kanya.  

“No, stop. Let me hold you,” Perez said in a groggy and hoarse voice. Hinawakan nito ang kanyang pulupulsuhan at tinulak niya ng bahagya si Madeleine gamit ang kanyang katawan para mapahiga ito. Dahil sa bigat ni Perez ay tuluyan ngang bumagsak ang katawan ni Madeleine sa kama at hindi na nagpupumiglas

Madeleine could feel his fast beating heart and didn’t dare to move anymore. Umalis si Perez sa  pagkakadagan kay Madeleine at humiga patigilid katabi nito, it seemed that even though Perez was not  himself he could still be considerate and was worried that he will put all his weight on her so he unconsciously moved aside. Pinulupot niya ang mga braso sa beywang ni Madeleine at hinapit ito papalapit sa kanya, at ang pisngi niya ay nakadikit sa dibdib ni Madeleine.

Bumilis ang pagtibok ng puso ni Madeleine sa ginawa nito. Kumalma lang ito ng ilang minuto bago nag-panic ulit. Hindi alam ni Madeleine kung anong gagawin kaya nanatilig niyakap lang niya ito hanggang sa makatulog.  Makaraan ang ilang oras ay nanatili pa ring gising si Madeleine, pinakinggan niya ang malalim nitong paghinga at tinignan ang maamo nitong mukha.

Dama niya ang basa ng likod nito dahil sa pawis  kaya tumayo siya para kumuha ng bimpo at maligamgam na tubig para punasan si Perez. Ngunit, bago pa man siya makalayo sa lalaki ay bigla itong bumangon at namumula ang mga mata nitong dumilat.

Perez felt something crawled in his skin and flashes of naked bodies drenched in sweat, as well as the nauseating perfume lingered in his mind and senses. He felt his head throbbed in pain nang maisip niya ang mga kamay na pilit na inaabot siya para hawakan. Pakiramdam niya ay masusuka siya dahil sa mga nakikita sa kanyang imahinasyon.

Agad na bumalik si Madeleine sa tabi nito at niyakap si Perez. Because of Madeleine’s coaxing, Perez went to sleep quickly. Tumayo lang siya ulit nang makita niyang umayos ang kulay ng mukha ni Perez at mahimbing na rin ang pagtulog nito para mapansin na umalis siya sa tabi nito.

Matapos niyang punasan ang mukha at leeg nito ng malinis na bimpo ay may narinig siyang mga boses sa labas ng pintuan.

 Gustong pumasok ni Nina sa loob ng kwarto ni Madeleine dahil nag-aalala siya kay Perez ngunit hindi siya pinapayagang pumasok ng mga bodyguards ni Perez na nakabantay sa labas. Naiinis niyang binigyan ito ng mga tingin. “Hindi ito kwarto ni Sir ah, bakit ayaw niyo akong papasukin? Kailangan na niyang uminom ng gamot niya!” sabi ni Nina sa isang bodyguard.

Mas lalong inayos ng isang bodyguard ang pagkakatayo at walang ekspresyong sinagot naman siya nito, “Hindi nga pwede Nina. Inatake si Mr. President ng kanyang sakit at si Ms. Madeleine lang pinapayagan niyang makita. Ibigay mo nalang sa amin ang gamot at kami nalang ang magbibigay.”

Mas lalong nairita si Nina sa narinig. Hanggang ngayon ay curious siya kung saan ba napulot ni Perez si Madeleine at ano talagang ugnayan nilang dalawa, kaya nagulat nalang siya nang malaman na asawa na pala ni Perez si Madeleine. Gusto niyang komprontahin si Perez kung bakit hindi siya ang pinili nito kung gusto lang naman pala niya ay isang babaeng katulad lang ni Madeleine pero hindi niya magawa. Higit naman na mas lamang siya kesa kay Madeleine atsaka, matagal na rin siyang nagtratrabaho kay Perez. Sa pagitan nilang dalawa, hamak na mas may karapatan siyang maging asawa nito kesa sa babaeng ilang araw niya lang nakilala.  Base sa kanyang obserbasyon, hindi rin naman gusto ni Perez si Madeleine, kaya bakit?

Bumukas ang pintuan ng kwarto at nagtatakang lumabas si Madeleine. Nagulat siya nang makitang may bodyguards pala sa labas at si Nina na may hawak na tray.

May dumaang kung ano sa mga mata ni Nina pero hindi ‘yon nakita ni Madeleine. Pinigilan ni Nina ang masamang emosyong nagbabadyang lumabas sa kanyang puso at pilit na ngumiti kay Madeleine.

“Mady, kailangan na kasing uminom ni sir ng gamot niya.Ibibigay ko sana kaso hindi ako makapasok,” sabi ni Nina at tinignan si Madeleine sa mga mata. Umaasa na papasukin siya sa kwarto.

“Gano’n ba, sige akin na,” sabi ni Madeleine, walang kaalam-alam sa gustong ipahiwatig nito.

Nina scolded Madeleine in her heart for being stupid to not notice her meaning, ngunit nanatiling nakangiti pa rin siya.

“Baka kailangan mo ng tulong Madeleine, tulungan na kitang ipainom kay Sir Perez ‘yong gamot niya,” Hindi sumuko si Nina at patuloy na pinilit si Madeleine. Pero hindi ito natinag sa kanyang motibo at tinanggihan siya ulit nito.

Nagaalala kasi si Madeleine na baka mas mag-panic si Perez pag naramdaman niyang ibang tao sa loob ng kwarto kaya hindi niya pinayagan si Nina na pumasok.

“Ah, sige. Ano, uhm, pakibigay nalang,” sabi ni Nina sa napipilitang tono sabay bigay ng tray na kanyang dala-dala. Hindi pinansin ni Madeleine ang kakaibang kilos ni Nina dahil ang atensyon niya ay nasa loob. Nakita ito ni Nina at mas lalong siyang nainis.

“Ipainom  mo agad kay Sir Perez ha,” paalala ni Nina.

Tinanggap naman ‘yon ni Madeleine at bumalik na sa kwarto. Tinignan niya si Perez at napansin niyang may pawis na naman ito sa noo at nakasimangot. Hindi niya pina-inom ka agad ito ng gamot at pinunasan muna ito ulit.

Nang matapos siya sa pagpunas ay agad nabaling ang tingin niya sa basa nitong suot na polo dahil sa pawis. Uminit ang kanyang mga pisngi at pakiramdam niya ay mapapaso ang mga palad niya habang hinay-hinay niyang hinubad ang suot nito. Pilit niyang hindi masyadong tumitig sa katawan nito habang binibihisan at napahinga sa ng maluwag nang matapos siya sa ginawa.

“Ah, ‘yong gamot pala,” alala niya sa gamot sabay kuha. Ginising niya si Perez at pina-inom ang gamot nito.

Perez’s face scrunched up when he was finished drinking his medicine. Hindi kalaunan ay bigla na naman niyang hinahabol ang kanyang hininga. Namumutlang napahiga si Perez sa kama.

“Argh,” ungol ni Perez at napahawak sa ulo niya.

“Mr. President, M- Perez! Perez!” tawag ni Madeleine kay Perez at hinawakan ito pero hindi parin ito kumalma. Kinakabahang iniwan niya ito at lumabas.

“Hospital! Pumunta tayong hospital dali! Si-si Mr. President! Si Perez!” Hindi na alam ni Madeleine ang gagawin at sasabihin at natatarantang kinausap niya ang isang bodyguard na nasa labas.

Nabulabog ang lahat ng tao na nasa Villa. Hindi na alam ni Madeleine ang nangyayari at natagpuan nalang niya ang sarili na nasa tabi habang sinusuri ng doktor ang kalagayan ni Perez. May dalawang bodyguards na nakahawak sa magkabilang balikat ni Perez, kumuha ng syringe ang doktor at itinurok ‘yon kay Perez. Makalipas ang ilang minuto ay tuluyan ng kumalma si Perez at nakatulog.

Sinenyasan siya ng doktor na sumunod at agad naman niya itong nilapitan. Lumabas sila ng kwarto at nakita nila si Nina do’n naghihintay.

“I already put him to sleep. For now, okay pa ang kalagayan niya but you shouldn’t let it na umabot pa sa ganitong punto. As much as possible, you need to calm him down. With what happened today, it could lead to aggressive hysteria because of mental instability. Ano ba ang nangyari at nagkagano’n si Mr. Salvatore? I already told him to be careful, so it should be due to some external factors,” tanong ng doktor kay Madeleine.

Sasagot na sana si Madeleine nang biglang nagsalita si Nina, “Madeleine, pinainom mo ba kaagad si Sir Perez ng gamot?” tanong ni Nina at seryosong nakatingin kay Madeleine.

Bahagyang natigilan si Madeleine sa tanong nito bago umiiling, nakita niyang sumama ang mukha ni Nina at masamang tinignan siya nito.

“Dapat pinainom mo agad. ‘Di ba sinabi ko sa’yo na ipainom mo kaagad? Paano kung may nangyaring masama kay Perez? Anong gagawin mo kung mangyari man ang sinabi ni doc pag hindi mo napainom yung gamot?” sabi ni Nina sa malakas na boses.

Nagulat si Madeleine sa asal nito pero mas nangingibabaw ang kaba at pagkabahala sa sinabi nito.Umiiling-iling na tinignan siya ng doktor.

“Mr. Salvatore is required to drink his medicine on time, especially if he is experiencing his outburst. What you did today should not happen the next time around. Mr. Salvatore’s condition is more severe than most people who had the same case as him, you should be careful. He needs plenty of rest this time and please don’t let him encounter some things that can trigger his condition” sabi ng doktor kay Madeleine.

Nagpalitan ng tingin ang doktor at si Nina bago ito umalis. Hindi  nakita ni Madeleine ang interaksyon ng dalawa dahil nakatulala ito, dahil sa sinabi ng doktor ay napagtanto nga niyang masyado siyang nagpabaya. Kahit ‘di niya alam na gano’n pala ay nakaramdam pa rin siya ng guilt at pagkabahala.

Nina snorted quietly at nagtama ang mga mata nila ni Madeleine, agad naman niyang tinago ang  masamang tingin at pinalitan ‘yon ng inosenteng ekspresyon.

“Sabi ko naman sayo na tulungan kita pero hindi mo ako pinapasok. Kung nainom lang sana ni Sir Perez ang gamot niya agad hindi na sana mangyayari ang lahat ng ‘to,” paninisi ni Nina kay Madeleine.

Hindi nagsalita si Madeleine at napatingin sa nakasaradong pintuan kung saan nasa loob si Perez. Nawala ang galit at ingit na nararamdaman ni Nina kanina at napalitan iyon ng tuwa nang makita ang hindi maipintang mukha ni Madeleine.

Hindi maiwasang mapangisi ni Nina. “Kasalanan mo ,eh.”

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ann Rover
good story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status