Share

Chapter 5

Isa sa mga pinaka hindi gusto ni Perez ay pinagkikialaman ‘yong mga gamit niya o ‘di kaya’y  biglang may pumasok sa kanyang teritoryo. Maliban na nalang sa mga taong pinagkakatiwalaan niya ay hindi niya pinapayagan ang kahit na sino man ang pumasok. Everytime someone tried to pry on his belongings, he always felt a sense of invasion in his personal space and it made him mad and uneasy.

Simula pa lang noong bata pa siya, Perez was always the center of attention. With his wealth, high quality appearance, and family background, a lot of people wanted to be connected to him in some ways. Dahil sa karanasan niya sa pagkikipaghalubilo sa maraming tao, he earned a lot of enemies and traitors rather than allies. Ang tao, mabuti man o masama, had greed inside their hearts. Kaya naman ay hindi siya nagtitiwala kaagad. Madeleine was no exception. After all, Madeleine was only his wife in paper. In his heart she will always be a stranger.

“What are you doing?” tanong ni Perez sa hindi maipintang mukha. “Hindi ba sabi ko sa’yo na hindi ka pwede dito. Other than my bodyguards no one is allowed to go here. Are you stupid or what?” Dahil sa inis ay hindi mapigilan ni Perez na pagtaasan ng boses si Madeleine at bigyan ito ng matatalim na salita.

Naramdaman ni Madeleine ang panginginig ng kanyang tuhod at pagbagsak ng kanyang puso sa kanyang dibdib.

“I-ihahatid ko lang sana—” hindi natapos ang sasabihin ni Madeleine nang bigla nagsalita si Perez.

“Then just put it there and get out!” utos ni Perez sa galit na tono. Pakiramdam niya ay bumalik na naman ang pananakit ng kanyang ulo.

Marami siyang promblemang inisikaso sa kompanya niya, pati na rin ang kanyang mga board members ay nakisali din sa kanyang iisipin kaya hindi nakapagtataka kung makaramdam siya ng pagkirot sa sintido.

Napatutop ng bibig si Madeleine at napayuko. May nagbabadyang luha sa kanyang mga mata pero pilit na pinigilan  niya ‘yon na tumulo. Nilagay niya ang hawak na tray at agad na lumabas. Narinig niya ang malakas na pagsara ng pinto at doon na bumuhos ang kanyang mga luha.

Sanay na si Madeleine sa mga masasakit na salita. Kahit pa man noon, nung nandoon pa siya sa puder ng kanyang ama ay kalian man hindi niya naradaman ang pagtanggap ng pamilya nito sa kanya. Parati siyang pinagsasalitaan ng masasama ng asawa ng kanyang ama kaya kalaunan ay kinimkim nalang niya ang sama ng loob at hindi ito sinabi sa ama. Wala rin naman siyang mapapala lalo na’t walang pake ang kanyang ama sa kanya.

Ngunit kahit sanay man siya ay hindi bato ang kanyang puso. Nasasaktan pa rin siya. In fact, she was easily hurt and sometimes nakakapagod din ang sobrang pagka-emosyonal niya. Pero hindi niya talaga maiwasan ang nararamdaman.

Madeleine carelessly wiped her tears using the back of her hand at tumakbo papunta sa kanyang kwarto. Hindi niya binigyan ng tingin ang mga bodyguards na kanyang nadadaanan at nagkukumahog na isinara ang pinto ng kanyang kwarto. She rubbed her eyes roughly and plopped herself in the bed. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa unan, she comforted herself.

“Okay lang yan Madeleine, kasalanan mo naman. Bakit mo ba kasi nakalimutan, ‘yan tuloy napagalitan ka,” kausap niya sa sarili pero patuloy pa rin sa pagtulo ang kanyang mgaluha.

Naramdaman niya ang pagkirot ng kanyang puso kaya wala sa sarili na napahawak siya sa kanyang dibdib at tahimik na napahagulgol. 

Gumising siya na mugto ang mga mata kinabukasan. Buti nalang at maagang umalis si Perez at nakahinga siya ng maluwag sa kadahilanan na hindi niya ito mahaharap. Natatakot kasi siya na makita ito at nahihiya na rin dahil sa kanyang hitsura.

Inayos niya ng konti ang sarili, pagkatapos niyang patagong kumuha ng tinapay at tubig sa kitchen ay agad siyang pumunta sa shooting site.

Mamayang alas 10 pa sana magsisimula ang kanilang shooting pero sinadya talaga ni Madeleine na maagang pumunta. Hindi kasi siya komportable sa Villa, pakiramdam niya at lalamunin siya sa nerbyos at sama ng loob sa tuwing maaalala niya ang nangyari kagabi.

“Madeleine, mabuti naman at maaga ka. Rhea, tawagin mo ang mga make-up artist at paki-ayusan na si Madeleine para wala na tayong problema mamaya,” sabi ni Director Lao. Binati ni Madeleine muna ito bago siya sumunod sa babaeng tinawag nito.

Lahat ng staff ay maayos ang pagtrato sa kanya. They were not that enthusiastic towards her but they didn’t gave her cold shoulders. Napahinga siya ng maluwag at hinayaan lang sila na ayusan siya.

 Madeleine was naturally pale but not unhealthy kind of paleness, because she doesn’t wear make-up often her face and skin was in good condition. Hindi nagsalita si Lucy nang makita niya ang pamamaga ng mga mata nito at tahimik na nilagyan ng concealer ang ilalim ng kanyang mga mata, pagkatapos ay napabugtong hininga si Lucy nang makita ang kabuuang mukha ni Madeleine.

Lucy was a make-up artist for almost fourteen years. Marami na rin siyang nakatrabaho na mga artista at mostly sa kanila ay magaganda at may ibubuga, but most of them undergone plastic surgery or had monthly maintenance for their skin to be flawless and perfect. May natural din naman kagaya ni Madeleine but still, hindi naman niya masisisi yung iba. After all, it’s all about the genes and hormones.

Madeleine was like a rough diamond, kung ‘di aayusan ay hindi talaga makikita ang ganda nito. Dahil masakitin ang role niya, hindi siya  masyadong nilagyan ng make-up ni Lucy but just by doing something on her face made her three times better than usual. Nanlaki ang mga mata niya napatingin sa kamay ni Lucy, it’s like Lucy’s hand had magic or something!

Napabugtong hininga ulit si Lucy at napatingin kay Madeleine sa salamin. Madeleine had an oval shaped face, heart shaped lips and pointy nose. Although hindi masyadong mataas ‘yong pilik mata nito ay kurba naman at makapal. From just a little make-over can really bring out the beauty in her, paano na kaya kung aayusan talaga.

“Imbes na lip gloss, mas prefer ko talaga na pink lipstick ang ilagay sa’yo. Gusto ko rin lagyan ng konting blush on pero ‘di pwede—” hindi natapos ang sasabihin ni Lucy nang biglang may nagsalita sa kanyang likuran.

“Mady!Mady!” Sulpot ni Janine sa likuran ni Lucy. Nginitian niya muna si Lucy at nagpaumanhin bago umupo sa stool katabi ni Madeleine. Nawala ang atensyon ni Madeleine kay Lucy at nabaling ‘yon sa bagong dating na kaibigan.

“Janine, nandoon ang tent mo. Bakit ka nandito?” tanong ng nakasunod ni Janine.

“Wait lang, five minutes. Kakausapin ko lang si Madeleine,” sabi ni Janine dito.

Tumingin si Madeleine sa babae na nasa likod ni Janine at nginitian ito, sinuklian din siya nito ng ngiti.

“Ah, si Belle pala Manager ko. Belle, si Madeleine ‘yong palagi kong kinukuwento sa’yo,” pakilala ni Janine sa Manager at nailang na ngumiti kay Madeleine nang makalimutan niyang ipakilala muna ito.

Nagbatian ulit silang dalawa bago nito sila iniwan para makapag-usap. Hindi nagsayang ng oras si Janine at agad niyang kinuha ang cellphone at nilagay iyon sa kanilang harap.

“Selfie tayo dali, ise-send ko sa GC natin doon sa theater troupe natin dati,” sabi ni Janine sabay bahagyang hinila ang pulupusuhan ni Madeleine para mapaglapit pa silang dalawa.

Tinignan ni Madeleine si Janine. “May GC tayo?”

“Duh, meron po. Ikaw lang kaya hindi bumabasa sa mga chat doon. Mute pa more kasi,” sabi ni Janine sa pataray na tono.

Hindi na niya ito sinagot at ngumiti nalang sa camera. Sakto naman pagkatapos ma-click ni Janine ang shutter ng camera nang biglang bumalik si Belle at hinatak papaalis si Janine.

“Bilisan mo, hinintay ka na ni direk. Sabi ko naman sayo dumiretso agad tayo sa tent mo eh,” sabi ni Belle kay Janine.

“Wait lang naman ito na, ito na,” sabi ni Janine at bumingisngis. Kinawayan niya si Madeleine bago umalis ng tent.

Tumayo si Madeleine at hinanap si Lucy pero napagtanto niyang siya nalang pala mag-isa sa tent kaya lumabas na rin siya, sa ‘di kalayuan ay may nakita siyang nagkukumpulang mga tao kaya nagtataka siyang napatingin sa kanilang pinagkakaguluhan.

Isang tingin palang ay nakita niya si Terrence na nasa gitna at nag-di-distribute ng milk tea sa mga babaeng staffs na nasa set. May maliit itong ngiti sa maninipis nitong labi na mas lalong nagpapa-gwapo dito. Dahil sa suot nitong pulis na uniporme ay mas lalong klaro ang matipuno nitong katawan at matikas nitong tindig. Hindi mo talaga mai-iwasan na mapatingin at mapatitig.

Biglang tumingin si Terrence sa direksyon ni Madeleine at napatitig ng bahagya sa dalaga bago niya ito nilapitan. Nagulat naman si Madeleine nang bigla itong lumapit sa kanya kaya hindi niya mapigilan na mapa-atras. Binigyan siya nito ng malawak na ngiti at inabutan ng milk tea na siya ring tinanggap niya. Napatingin siya sa kamay nito nang bigla nitong nilahad, hindi niya pansin ang mga tingin sa paligid at hinay-hinay na umakyat ang tingin niya sa mukha ng lalaki.

“I’m Terrence Madrid, you must be Madeleine. Nice to meet you,” nakangiting sabi nito.

Nahihiyang tinanggap niya ang kamay nito at dali-daling tinggal din ‘yon dahil sa pagka-ilang. “N-nice to meet you din. Salamat sa milk tea,” sabi niya sabay alis dahil hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan. Pero imbes na umalis din ‘to ay sumunod ito sa kanya sa pag-upo sa may gilid.

Hindi nagsalita sa Madeleine at patuloy lang sa pag-inom ng kanyang milk tea. Bigla itong nagsalita, “May agency ka na bang papasukan? I heard you acts in small roles before but you’ve perform really well. How about being an artist in MAHARLIKA?”

Nasamid si Madeleine sa sinabi nito, napatingin siya sa lalaki at agad siyang namula nang makita niya itong nakatitig sa kanya at kitang-kita ang aliw na nagsasayaw sa mga mata nito. Terrence was amused by her reaction and he didn’t even tried to conceal it which made Madeleine very embarrassed.

“Pasensya na, sa ngayon wala pa kasi sa isip ko na pumasok sa isang agency,” pagtanggi niya sa offer nito.

Napataas ng kilay si Terrence dahil hindi niya inaasahan ang pagtanggi nito. “Did you just refuse my offer?Agad- agad?” gulat na tanong ni Terence.

“Pasensya na talaga, hindi pa kasi talaga ako sure,” tanggi niya ulit dito. Madeleine averted her eyes away and didn’t notice Terrence’s expression. She leaned he body on the opposite side so that she can create more distance between the two of them.

Mas lalong umasim ang mukha ni Terrence. “Janine is also an artist under MAHARLIKA. If you will be an artist under the agency, there’s a higher chance that you will work together with your friend. Or is there something you are worrying about?” tanong ni Terrence.

Madeleine awkwardly laughed. “Wala, wala. Wala pa talaga sa isip ko, pasensya na.”

Madeleine refused three times, Terrence felt that he was about to snap because he was turned down. Kahit kailan hindi niya naranasan na tanggihan kaya hindi niya maiwasang magalit at mailang.

Terrence was about to say something nang biglang siyang tinawag ni Diector Lao para magsimula na sa shooting. Nakita niyang napahinga ng maluwag si Madeleine at umaliwalas ang ekspresyon nito sa mukha. Terrence scoffed and stood up. Terrence will be lying if he said that he wasn’t angry, but despite of that he was getting more interested towards Madeleine.

Umabot hanggang gabi ang unang shoot nila Madeleine, dahil wala pa siyang masyadong scene ay pinayagan siyang hindi muna pumunta sa set bukas. Madeleine was happy for a while bago na-realize na sa Villa pala siya uuwi. Pagkauwi niya sa Villa ay dumiretso siya sa kanyang kwarto at matulog na sana agad nang biglang bumukas ng malakas ang kanyang pintuan.

Napabalikwas ng bangon si Madeleine at nanlaki ang mga mata niyang napatingin kay Perez nang bigla itong pumasok sa kanyang kwarto.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status