Share

CHAPTER 21

CHAPTER 

MARIA

"Eat now maria." Anas pa ng boss ko at hindi pa nakontento at sinubuan pa ako. Rinig ko naman ang impit na tili ni artemis at ang nakangiting mukha ni Nanay Delia na syang mayordoma ng mansion. 

Napayuko naman ako sa hiya at dahil na rin sa namumula ang pisngi ko. Kailan pa kaya ako masasanay sa pagiging sweet nito sa harap ng pamilya nya at ng ibang tao? 

"Ikaw artemis. Pag nalaman kong nagboboyfriend ka na ay malalagot ka talaga sa'kin." Banta nito sa kapatid kaya naman umikot ang mga mata ni Artemis. Mukhang napipikon na ito sa pagiging over protective ng kuya nya.

"Kuya! I'm 22 already! So what if I have a boyfriend?" Turan nito kay Denrick kaya naman sinamaan ito ng tingin ng kuya nya. Nakamasid lamang ako sa kanila at hindi sinubukan na sumali pa sa kanila. Maybe pag maging mabigat na ang atmosphere?

"Artemis. You need to finish your study first! If you already graduated then I will let you have a boyfriend. " Sabi ni Denrick kaya naman napaamang ang kapatid nito. I agree with him. Hindi naman kasi minamadali ang pag boboyfriend at naiintindihan ko kung bakit overprotective ito sa kapatid. Gusto lang nitong mapabuti ito at wala ng iba.

"Kuya!" Protesta ni artemis tumaas naman ang kilay ng kuya nya.

"What? Bakit atat na atat ka dyan? You'll graduate this year. You act like you already have--- don't tell me you have a boyfriend?" Napahagikhik ako dahil sa sinabi nito at hindi na sinabi ang nakita ko noong party. I know that if he knows, he will never let it slide. 

"Kuya! W-wala akong boyfriend! I am just teasing you so stop it!" Sigaw ni artemis kaya tinignan ito ng seryoso ni Denrick. I know she is somewhat lying to his kuya. But instead of spilling it I decided to shut my mouth. Maybe she has a reason. 

"Siguraduhin mo lang artemis." Banta nito kaya naman natatawa akong pinigilan ito. Alam kong hindi talaga ako natatawa pero kailangan kong umakto ng ganun para mawala ang namumuong tensyon sa pagitan nila.

Tinapunan ko ng tingin si Artemis na nagsasabing kakausapin ko ito mamaya. Tumango naman ito bago bumuntong hiningang bumalik sa pagkain.

"You still have a meeting, right?" Baling ko kay Denrick at tumango naman ito bago bumuga ng hangin. 

"Right." Aniya at hindi na nagsalita pa. Dahil doon naging tahimik na ang pagkain namin.

Nang matapos kami ay inihatid ko  ito sa labas. "Mag ingat ka sa pag drive." I said and he smiled at me. There. He snatched my heart again. 

"Mag ingat din kayo ni baby." Sabi nito at hinimas pa ang tyan ko na may kalakihan na kahit tatlong buwan pa lamang ito.  

Yumuko ito habang hinimas himas pa rin ang tiyan ko. "Mag ingat ka baby. Wag mong papahirapan ang mommy mo. Stay strong ka lang dyan and we can't wait to see you." Dugtong nito at hinalikan pa ang tyan ko bago ito umalis.

Nakangiti pa rin ako habang nakatingin sa kawalan. Sana magtuloy tuloy na ito. I wish I am succeeding with my plan. I really want to give my child a happy family. 

Bumuntong hininga ako at hindi pa rin mawala wala ang ngiti ko ng pumasok ako sa loob. I decided to go straight to the dining table to talk to Artemis. I sighed. Gusto ko lang naman syang kausapin dahil doon sa nakita ko. I know I don't have the right to interfere in her business but I can't help but to feel worried.  

I know who is that man and I am confused why they are together. Hindi ito yung tipo na sasama o makikipag kaibigan kahit kanino. Even sa kapatid ng kakilala nito.

Malapit na ako sa bukana ng dining table ng mapatigil ako ng makarinig ng usapan. Napabuntong hininga ako at napaisip kung bakit palagi ko nalang aksidenteng naririnig ang usapan ng mga tao. 

Kumunot ang noo ko ng mapagtantong ako ang pinag uusapan nila. They did not bad-mouth me. Instead, they talked about my relationship with Denrick.

"I think kuya is starting to learn how to love Ate Maria. I can see it through kuya's eyes." Wika ni artemis at nakita kong ngumiti si Manang Delia sa tinuran nito. 

"Nakikita ko din iyon hija." Anas naman ng matanda bago ito bumuntong hininga. "Pinapanalangin ko na sana makamove on na sya kay Ma'am Denise." Turan naman ni Manang Delia. Napatigil ako sa narinig. I am having a clue on who she is in his life. 

"I'm praying that too manang. Even Ate Denise doesn't want kuya to be like this. I witnessed how much she love my brother, and I know she doesn't want kuya to be miserable. Ayaw nitong nasasaktan si kuya." Malungkot na turan naman ni Artemis. Denise. Now, I am wondering where she is. If she loves him then did she left him?

"It's been six years manang. Matagal na noong nangyari 'yon pero heto pa rin si kuya at nakastuck sa nakaraan." Nakabuntong hiningang turan ni artemis. Six years? Six years na siyang wala? But why did he still loves her so much? Why can't he forget about her? Sa loob ng anim na taon ay nakasentro lamang kay Denise ang puso nya. 

I don't want this thought in my mind right now. I don't want to compare my self to her. I know, I am unique in my own way.

"A-ate Maria." 

I looked at them and smiled. Alam kong nagulat sila sa presensya ko dahil alam nila na narinig ko ang usapan nila. Hindi ko man sinasadya iyon. Gusto ko na nga lang na mapangiti ng mapait. Bakit palagi akong aksidenteng nakakarinig ng mga bagay na makakasakit sa akin? Noong una ay doon sa clinic at ngayon naman ay dito? Pareho lang ang pinag uusapan nila. Denise.

Alam ni Artemis ang nararamdaman ko sa kuya nya kaya kinakabahan ito knowing that I heard what they are talking. Siguro nasa isip nito ngayon ay nasasaktan ako which is true. I'm hurt knowing that Denise left him six years ago but he still loves her so much. But they are not yet sure right? That he still loves her.

"It's okay artemis." Sabi ko at nilingon si manang na nakangiting may simpatya sakin. I don't want them to pity me. I don't want to pity my self because I still don't know his feelings. Hindi pa na kompirma kung mahal pa nito si Denise. At kahit sabihin man natin na mahal pa rin nya ito ngayon ay hindi pa rin ako susuko. I still have chance. Gagamitin ko ang pagkakataon na iyon para mapaibig sya. 

There is just one question that is running inside my head right now. Lumunok  ako bago sila tinanong ng tanong na matagal ko ng gustong malaman.

 "Manang pwede ko bang matanong kung anong nangyari kay Denise at asan na sya?"

I think my question caught them off guard. Nagulat sila at hindi agad nakapag salita. Hinintay ko naman ang sasabihin nila. Nagkatingin muna silang dalawa bago ngumiti ng malungkot si Artemis. Pagkatapos noon ay isinawalat nila ang sagot na hindi ko inaasahan.

"Ate Denise is gone. Six years ago." Sagot ni Artemis na nagpagulat sa akin ng sobra. Hindi ko inaasahan ang magiging sagot nito. Denise is gone?

Should I be happy because she is already gone? Patay na ang kalaban ko sa puso nya? Sabi ng isang ako ay hindi daw ako dapat maging masaya dahil mahirap kalaban ang patay. See? Six years ng patay si Denise pero hindi pa rin ito makalimutan ni Denrick. Hindi pa rin nito kayang buksan ang puso sa iba.

My other side said that I should not be worried about it. Hindi ko kailangan masaktan. Hindi mahirap kalaban ang patay. Why? Dahil ikaw may pag asa ka pang mapatunaw ang puso ng taong mahal mo. You have all the chance to do it. Pero ang mga patay? May kakayahan pa ba silang protektahan ang pagmamahal na meron ang partner nila sa kanila? No. Hindi nila mapipigilan kung mahulog man sa iba ang taong mahal nila.

This time I listen to Mayang and ignored Maria. 

I cleared my throat ask another question. "What? Why? How?" Gulong- gulong tanong ko.

"Naaksidente sya." Sagot ni manang kaya mas lalo akong nagulat. I thought it is because she is ill. I never thought na ganun ang dahilan ng kamatayan nya.

"It is their anniversary that day. It was late at night ng bumabyahe si Ate Denise para sana e surprise si kuya sa opisina nito. One month silang hindi nagkita dahil may project si ate Denise sa US at may business trip naman si kuya sa davao. Ate Denise is an Engineer kaya sya lumipad sa US para sa bagong proyekto na ginagawa ng kompanya nila. Akala ni kuya noon na hindi makakauwi si Ate Denise pero ang totoo ay gusto lang nyang surpresahin si kuya. Habang nag babyahe ito ay may isang babaeng lasing na tumatawid sa daan. Hindi nya agad ito nakita kaya naman nasagasaan nya ito. Dahil sa sobrang kaba ay agad syang bumaba sa sasakyan nya at lalapitan na sana ang babae kaso..." Kita ko ang paglunok nito bago pinagpatuloy ang pagsasalita. Ramdam ko din ang kabog ng dibdib ko sa bawat salita na binibitawan nito.

"Kaso nahagip ito ng sunod na sasakyan. Malakas ang pagkakatilapon nya kaya agad syang binawian ng buhay."

Napalunok ako at para bang pinilipit din ang puso ko sa sakit. So that is why? Kaya hirap itong bitawan si Denise dahil unexpected ang kinamatay nito. And worst it was their anniversary.

I can't imagine how hurt he is knowing that his gilfriend is gone. Yung sanang araw na masaya ay napalitan ng trahedya. Now, I understand why he can't easily move on. Hindi nito inaasahan ang pangyayari na sa isang iglap lang ay nawala ang pinakamamahal mo.

**Written by Stringlily**

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
yon ang masakit patay na yong kalaban mo sa puso ng taong mahal mo kaso hindi pa din sya nakaka move on sa nangyari sa una nyang minahal
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status