Share

CHAPTER 20

CHAPTER 20- LOOKS FAMILIAR

MARIA

It's been one month since I decided to stay in  Moncuedo's mansion. So far maayos naman ang naging pagtira ko dito. In that one month, I did my very best to make him fall in love with me. Nagkaroon ako ng pag asa lalo na at ramdam ko naman na lumalambot na ang puso nito sa akin. 

Denrick became more caring every day. You can compare us to a married couple and I can't help but be happy. Puno ng sobrang kagalakan ang puso ko.  I will wake up every morning, and his face greeted me. It feels like a dream to me. I always dreamed about this. I am dreaming of seeing his face every morning and when I will fall to sleep.

He will call me every time to check me and the baby. Sometimes after work, he would ask me to go shopping with him. We always buy our baby clothes and other stuff. Minsan nga ay iniisip ko na panaginip lang ito. Dahil kung panaginip man ito ay ayaw ko ng magising. 

In just one month, he managed to make fall deeper. Sa tingin ko ay hindi na ako makakaahon pa. Each day, I am becoming more dependent on him and I don't know if I still survive once he left me. He became my source of air and energy. Without him, I cannot survive. Denrick is my kryptonite.

I am hoping that all of his actions are not just part of his acting. Natatakot ako na baka lahat ng ito ay pag arte nya lamang. Natatakot ako na baka pagkatapos ng lahat ng ito ay iiwan  nya ako. Dahil sa takot na iyon ay mas lalo akong nagpursige para mahulog ito sa akin. I did my best and I will still do my best to make it come true. 

"Hey baba na tayo para kumain." Nakangiting aya nito sakin kaya naman tumango ako.

Kahit na isang buwan na ang nakalipas ay naninibago pa rin ako sa mga pinapakita nitong ngiti. Sa loob ng dalawang taon ko na pag tatrabaho sa kanya ay hindi ko pa sya nakitang ngumiti kaya naman naninibago ako sa ganitong pakikitungo nito. 

Habang pababa kami ng hagdan ay nakaalalay ito sa akin dahilan kung bakit namula ako. Hindi pa rin ako sanay sa ganito nitong gesture at kahit nga siguro maliit lang na gawin nito ay namumula na agad ang pisngi ko at ang puso ko naman ay hindi magkamayaw. 

Kinagat ko nalang ang ibabang labi para pigilan ang pag ngiti. I don't want him to know that his actions affected me. I instantly feel hundreds of butterflies in my stomach because of his small gesture, and I don't want him to know that.

"Good morning love birds." Bati samin ni Ma'am Artemis ng makapasok kami sa dining table. Wala ngayon ang mag asawang Moncuedo dahil nagtrip sila sa italy. Gusto daw ng mga itong magdate kaya naisipan nilang pumunta ng italy. Sweet isn't it? I also dream of that kind of relationship. Yung kahit matanda na kayo ay gusto nyo pa ding makasama ang isa't isa. Hindi pa rin kayo tumigil kung paano pakiligin ang isa't isa kahit na may edad na kayo. And in that dream, I always think about Denrick. Yes, I also want that kind of relationship with Denrick.

I admit that one reason why I agreed to stay here is that I want to  execute my plan. Naiisip ko na kung malapit kami sa isa't isa ay baka mahulog ang loob nito sa akin. Minsan nalang kasi ito pumapasok sa opisina at ginagawa nalang ang mga gawain nya dito sa mansion. Naging dahilan iyon para mas lalo pa kaming magkaroon ng mahabang oras sa isa't isa. I will make him forget his feelings for Denise.

"Good morning din Ma'am Artemis." Bati ko kaya sumimangot ito. Napanguso naman ako ng marealize ko kung bakit.

"How many times do I have to tell you that you should call me by my name. Cut the formality. You're now my big sister." Nakasimangot na turan nito kaya naman napalabi ako bago tumango.

Pinaghila naman ako ni Denrick ng upuan at sya na din ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil sa ginawa nito. It is one of the reason why I said that I might already melt his heart. It is one of the reasons why I said that I might already melt his heart. He does this regularly, treating me like a diamond. A diamond that people always take care of, afraid that they might lose it.

"So sweet. Sana ganun din si ano." Komento ni artemis na mukhang nadulas lang. Agaran naman ang paglingon ng kuya nya sa kanya kaya napakagat labi ito. Gusto kong mapahagikhik sa reaksyon nito.

"Who?" Seryoso nitong tanong sa kapatid kaya agad namang lumunok si artemis na halatang kinakabahan. Naging malikot ang mga mata nito bago bumaba iyon sa kinakain at sumubo.

"Artemis." Tawag ng kuya nya na may halong pagbabanta sa boses.

"Wala kuya! Ano ka ba! Joke lang yun." Pagtanggi nito at sinamahan pa ng tawa ngunit halatang kinakabahan talaga ito. Ilang ulit din itong lumunok habang titig na titig sa kanya ang kuya nya. 

Dahil alam kong kinakabahan na si Artemis kaya naman gumawa ako ng paraan para madivert ang atensyon ni Denrick. Mukha kasing naiinis na ito sa kapatid. When you look at him, you will immediately know that he is the kind of older brother who is so strict.

Tumikhim ako. "Kain na tayo at baka malate ka pa sa meeting mo. Diba you said you have a meeting with Mr. Colt? Also with Mr. Damasco?"  Turan ko dito. Naalis naman ang tingin nito sa kapatid at bumaling sa akin. Habang nakatitig sa akin ay pinanlakihan ko ito ng mata kaya naman bumuntong-hininga ito at hindi na pinansin ang kapatid.

I received a silent thank you from Artemis and in return, I just smiled at her. 

**WRITTEN BY STRINGLILY**

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status