Share

CHAPTER 22

CHAPTER 22- HER DREAM

MARIA

"Bakla sigurado ka bang ayos ka lang?"

"Oo naman Macey! Ano ka ba."

I cleared my throat to ease the pain that I am feeling right now. Ngumiti ako sa kaibigan ko bago tumingin na sa harap.

"Anvello Thorn Marquez, do you take Maileen Alantar to be your wife?" The priest ask.

"I do."

They are all smiling while witnessing the union of Anvello Marquez and Maileen Alantar. They are all smiling, I am smiling. But the difference between my smile and their smile is that my smile was mixed with bitterness.

The wedding is like a fairy tale I once dreamed of. I imagine a man waiting for me in the altar. Now that I witnessed how magical the wedding could be, I can't help but to be in tears. Yung lalaki hinihintay sya sa altar. She is in tears while looking at his man. His man. My man. The man that used to be mine.

I sighed. Bakit mahirap magmahal ng mayaman? Why can't they let their child  love a poor? May masama ba sa pagiging mahirap?

"You may now kiss your bride."

I look away. Hindi ko kayang makita na may iba na ito. I want to laugh at my self. Hindi ko kayang makita pero bakit pumayag pa rin akong umattend ng kasal nila? It is because I want to hurt my self. Gusto kong masaktan ang sarili ko dahil baka iyon ang magiging paraan para maging manhid na ako.

"Bakla..."

"Ayos lang ako Macey. Wag ka ng mag alala sa akin." Turan ko at nag iwas na ng tingin.

Rinig ko ang palakpakan pero mas malakas pa rin ang tibok ng puso ko. Yung klaseng tibok na sobrang sakit at gusto mo nalang itong patigilin.

Nakatingin lamang ako sa gitna at pinagmamasdan ang mukha nila. She was all smile and I can see how happy she is. Siguro kung ako ang ikakasal ay panigurado na sobrang saya ko. Siguro pag ako ang nasa posisyon nya ganoon din ang mararamdaman ko.

Gusto kong mapangiti ng mapait. Siguro. Puno ng siguro yung puso ko. Puno ng sana. Sana ako nalang ang nasa posisyon nya. Sana ako nalang ang naging asawa nya. Pero may magagawa pa ba ang sana ko? Wala na.

Tinapunan ko naman ito ng tingin at nagulat ako ng makitang nakatitig ito sa akin. He is looking at me with his sad eyes. Taliwas sa ekspresyon ng babae ang ekspresyon nya. Malungkot itong nakatitig sa akin at alam ko na gusto na nitong lumapit sa pwesto ko.

Ngumiti ako sa kanya. Pilit na tinatago ang pait na nararamdaman. Alam namin kung ano ang sinisigaw ng puso namin pero bawal, hindi pwede.

Gusto kong tanungin kung bakit nagiging ganito ang kapalaran ng mahihirap? Bakit nagiging ganito ang kapalaran nila sa pagmamahal? It is so unfair.

"Mayang...ahm alis na tayo?"

Nilingon ko si Macey at tumango. Napagdesisyunan namin ni Macey na wag nalang pumunta ng reception. Alam ko naman na sumama lang din ito sa kasal dahil nag aalala ito sa akin. Nagpapasalamat ako dahil nandito sya para damayan ako. Kahit nga yung mga magulang ko ay nag aalala sa akin. Alam nila ang kalagayan ko ngayon at nasasaktan sila habang nakikita nila akong ganito. Ayaw ko silang masaktan kaya't pinipilit ko na maging matapang at masigla sa harap nila.

Tumayo na kami at akmang aalis na ng may pumigil sa akin.

"Mai sandali."

Nilingon ko ito at nginitian.

"Congrats." Nakangiting pagbati ko na alam nya naman na peke lamang. He knows what I truly feel. Alam nitong nasasaktan ako ngayon pero pinipilit ko pa ring ngumiti.

"Mai...." Malungkot ang mga mata nito habang nakatitig sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kamay nya.

"May gusto ka bang sabihin sa amin? Sabihin mo na. Kita mo oh hinihintay ka na ng asawa mo." Turan ko at gustong pumiyok ng boses ko. Gusto ko na syang itaboy dahil naiiyak na ako. Naiiyak lang ako habang ganito kami kalapit pero parang ang layo namin sa isa't isa.

"Mai sorry..."

"Wala ka namang dapat ikahingi ng tawad anton. Naiintindihan ko." Naiintindihan kong hindi ako gusto ng mga magulang mo kaya pinili nilang ipakasal ka sa iba.

"Pero mahal kita. Mahal na mahal."

Gusto kong mapaluha habang binibigkas nya ang mga katagang iyon. Mahal na mahal din kita. Pero ang pagmamahal natin sa isa't isa ay hindi na pwede. Bawal na.

"Mahal din kita pero mali na itong pagmamahal natin anton. May asawa ka na kaya dapat simula ngayon sa kanya mo na ituon ang pagmamahal mo."

"P-pero ayaw ko---"

"Hon."

Nginitian ko pa muna ito ng isang beses bago ako tumalikod.

"Paalam anton."

Iyon ang mga katagang sinabi ko bago ako tuluyang umalis. Palayo. Palayo sa buhay nya.

Nang gabi ding iyon ay ang flight ko papuntang manila. Simula ngayon magpapakalayo na ako. Para sa ikakabuti ko at ng pamilya ko. Magsisimula ako ng panibagong buhay malayo sa kinalakihan ko.

"Ready ka na ba bakla?"

Ngumiti ako at tumango sa kanya. Sabay kaming naglakad palabas ng airport at nakangiti naming pinag masdan ang lugar.

"This is it bakla! Panibagong buhay! "

Ngumiti ako at sisigaw na sana ng matigil ang lahat ng tao sa labas ng airport. Ang kaninang masayang ngiti na nakapaskil sa mga tao ay napalitan ng gulat.

Napalunok ako at pinilit na kalmahin ang sarili.

"Hala may babaeng nasagasaan!"

"Hey! Maria wake up! You're trembling. Maria." 

I groaned when I felt my body shaking. Unti-unti kong minulat ang mga mata at sinalubong iyon ng liwanag.Pumikit ako bago buksan ulit ang mga mata. Umaga na pala at hindi ko namalayan na late na pala. 

"Hey."

Tinignan ko ang katabi ko at sinalubong ako ng nag aalalang tingin ni Denrick. Bumuntong hininga ako bago pumikit- pikit. Napabuga ulit ako ng mahabang hininga bago sya tinanong kung bakit.

"Nananaginip ka." Sabi nito kaya napaiwas ako ng tingin. Yeah. That dream again. Why that dream kept on hunting me? To hurt me? But I already move on. 

"You're crying." 

Gulat ko itong binalingan dahil sa tinuran. What? Am I crying?

Pinunasan nito ang pisngi ko kaya nakuha kong umiyak nga talaga ako. Umiiyak ako sa hindi malamang kadahilanan. Why am I crying? I know that I already move on. Dahil ba doon sa babae? I just remembered what happened to Denise. Galing din sya ng airport ng masagasaan sya. Masaya ito dahil uuwi na sya sa mahal nya. Kagaya ng babaeng iyon na biglang gumuho ang pangarap na makita pa ang minamahal nya sa buhay. 

Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan na ang pagtulo ng luha. It is still early in the morning but I already crying.

Nag aalala itong tumingin sakin. "What happened? Are you having a nightmare? Why are you crying? Hush now. It is just a dream." Pag papakalma nito sa akin bago ako yakapin. Napangiti naman ako sa kinilos nito.

I just wish it is just a dream. But no, that dream is a part of my past.

Instead of thinking about it, I decided to stand up. "Yeah right." Ngumiti ako sa kanya. "It was just a dream. Now let's go downstairs. Nagugutom na ako pati na rin si baby." Turan ko. Ngumiti naman ito dahil doon at tumayo na din. 

Tulad ng nakagawian nitong gawin nitong mga nakaraang linggo ay inalalayan pa rin ako nito pababa ng hagdan. Kagaya ng sabi ko noon ay para akong dyamante kung ituring nya. 

"Good morning." Bati ko kay artemis ng makababa na kami. Ngumiti naman ito sa akin at tumayo para halikan ako sa pisngi. Suot nito ang uniform nya dahil papasok ito sa skwelahan. Today is monday.

"Ate Maria ngayon pala ang check up mo sa ob, right? Can I go with you? Please?And of course can we go to the mall after? I just want to go shopping with you." 

Mahina akong natawa ng magpuppy eyes pa ito sa akin. She is so cute and I have the urge to pinch her cheeks. And so I did. She pouted but didn't complain. 

***WRITTEN BY STRINGLILY***

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ano bang nakaraan mo maria totoo ba yong panaginip mo kung totoo yon ang sad pala ng past mo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status