Kenzo Juaquin pov.“Anong nangyari kay Marasigan? Isang linggo na 'yan na parang pasan ang buong mundo ah.”Rinig kong wika ni Cedrick kay Jerom, hindi ko sila pinansin at nag bingi-bingihan lang. Wala naman silang alam tungkol sa naramdaman ko para kay Elies. Mabuti na rin iyon dahil ayaw ko marinig ang mga panunukso nila.“May pinupormahan ba ‘yan?” tanong ni Aljon. ”Ganyang kinikilos niya alam ko ng problema sa chiks ‘yan e.”“Wala naman akong napapansin na may pinupormahan ‘yan,” si Jerom.“Buenavedez,” tawag ni Aljon.” Anong nangyari dito sa bestfriend mo? Na kulangan ba ‘to ng alak sa katawan?”“Kulang lang sa action ‘yan. Matagal na kasi iyan hindi sumabak sa bakbakan,” kaswal na sagot ni J.A habang busy ang kamay sa pagtipa sa computer. Nag bulong-bulungan naman ang tatlo hinuhulaan kung bakit ako nagka ganito.Nang ma reject ako ni Elies parang nawala ang kalahati ng pagkatao ko. Wala na iyong excitement sa tuwing gigising ako sa umaga, gumigising lang yata ako dahil sa trabah
KENZO JUAQUIN pov.Ang pagkagusto ko sa kanya ay mas lumalim pa. Na kontento na ako sa trato niyang parang isa akong salot sa buhay niya sa tuwing magkaharap kaming dalawa at least kahit sa text mabait siya, kaunti. Nakagawian ko na rin na padalhan siya ng pagkain at bulaklak tuwing umaga since we owned a restaurant naman, gusto ko lang masiguro na may laman ang sikmura niya bago pumasok sa trabaho.Elies: Habang tumatagal naging sweet ka, ah. Anong nakain mo at may pa good morning qoutes ka pang nalalaman? Hahaha.Napangiti ako ng mag text siya. Me: Wala man lang good morning handsome? Buksan mo ang pinto mo, may ibinigay ako sayo.Reply ko. Maya-maya bumukas ang pinto ng kanyang bahay at kita ko sa kanyang mukha ang pagkagulat at pagtataka. Palinga-linga ito sa paligid nagbabakasakali na makita niya ang hinahanap niya. Hindi ko napigilan ang mapatawa ng lumukot ang mukha niya sa pagkabigo.Elies:Sayo galing ‘to?Me: Yes.Elies: So, your name is Kj?Me: That’s my nickname. Pu
ELIES ABEGAIL pov.Hindi parin ako makapaniwala na si Kenzo at Kj na lagi kong kausap sa text ay iisa. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na si Kenzo iyon dahil magka iba ang trato niya sa akin sa text at kapag magkaharap kami. Pero hiniling ko na sana ay iisang tao lang sila dahil ang totoo, mahal ko si Kenzo. Kaya ganoon nalang ang sayang naramdaman ko kanina nang sabihin niya sa akin ang katotohanan na siya at si Kj ay iisa.Naintindihan ko kung bakit siya naglihim sa akin. Kung bakit niya pinatagal ng dalawang taon dahil gaya ko hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko noon. Hindi pa ako totally healed noon sa panloloko sa akin ni Patrick and thanks god Kenzo or Kj help me. Sa ibang paraan natulungan niya akong mahilom ang sugat sa puso ko at maibalik ang kumpiyansa sa sarili ko.Nang sabihin niya sa akin kanina na mahal niya ako hindi ako nagdalawang-isip na sagotin iyon dahil mahal ko rin siya. Gusto ko rin na maging official boyfriend/girlfriend na kami, kung pwede nga kasal na
ELIES ABEGAIL pov.SINIRA MO ANG IYONG PANGAKO.Post ko sa aking f* account. Anim na buwan na ang nakalipas pero wala parin siyang paramdam sa akin. Pati sa mga kaibigan niya at sa kapatd ko, wala rin. Gumawa ako ng f******k account at hinanap doon ang pangalan niya pero matinik ang tadhana, kahit kapangalan niya lang wala rin.Wala na akong pagasa na mag text o tawagan niya ako kaya lahat ng sama ng loob ko at hinanakit sa social media ko inilalabas. Miss na miss ko na siya. Ang pangungulit niya, at ang pagpapatawa niya sa akin. Lahat nang sa kanya na miss ko na. Siya kaya, na miss na rin kaya niya ako?Kahit may galit akong naramdaman para sa kanya, hindi parin ako tumitigil na pumunta sa roof top upang hintayin siya. Hindi parin ako tumitigil at nagbabakasakali na isang araw pumunta siya roon at tuparin ag pangako na binitawan niya. Upang ma ibsan ang pangungulila ko sa kanya, itinuon ko ang aking sarili sa trabaho at sa pag-bo-boxing. Ito ang naging takbuhan ko kapag na miss ko si
ELIES ABEGAIL pov.Umuwi muna ako ng bahay pagkatapos naming mag-usap ni Dina. Nag taxi ako dahil wala akong dala na sasakyan. Ang weird lang kasi parang sinusundan kami ng sasakyan na nasa likuran namin. Simula nang maka alis ako sa bahay nila bunso nakasunod siya, kinabahan ako kasi baka masamang tao. Sabihan ko sana si Manong drayber na bilisan ang pagpatakbo ngunit nang makaliko na kami papasok sa village nawala ang kotseng sumusunod sa amin kanina pa.Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ay may masamang balak. Na baka tambangan kami sa unahan at tutukan ng baril tapos kukunin ang lahat ng mga gamit at pera namin ni manong drayber. Mahina akong napabuntong-hininga at tumingin sa labas ng bintana. Handa na ba talaga ako na makaharap siyang muli? Parang hindi ko pa kaya na kausapin siya. Pero miss na miss ko na siya.“Salamat, manong.” wika ko nang makarating sa tapat ng bahay at bumaba na pagkatapos kong magbayad.Naligo na ako kaagad. Maong pants at t-shirt lang ang sinuot ko baka m
ELIES ABEGAIL pov.Kinabukasan, tinadtad ako ng text galing sa mga pinsan ko. Kaya ang ending, gumawa ako ng group chat at doon nalang nag reply sa messenger. Hindi unlimited ang pang text ko at isa pa hindi importante ang text nila para mag aksaya ako ng pera pang load para lang replayan sila isa-isa. Ni replayan ko ang kapatid ko na okay lang ako at inignora ang mensahe ni mama. Maki tsismis lang ‘yon. Naikuwento siguro ni Dina ang nangyari.I did my morning routine. Nang matapos gumayak na ako papuntang trabaho. Nagulat pa ako nang makita si Kenzo sa labas ng bahay ko, naka pulis uniform ito at mukhang papasok na sa trabaho. Nakasandal ito sa kanyang sasakyan, nakayuko ang ulo kaya’t hindi niya nakita ang paglabas ko ng bahay.Tatawagin ko na sana siya ngunit naalala ko ang sinabi ni Dina sa akin kagabi. Hmm, it’s payback time. Tingnan natin kung hanggang saan ang paghahabol mo sa akin. Pumasok ako sa aking sasakyan, nanatili paring nasa lupa ang kanyang tingin, doon lang siya uma
KENZO JUAQUIN pov.Papunta sana ako sa bahay nila J.A ng muntik na ako makabangga ng tao dahil sa pangungulit ng kapatid ko sa kabilang linya habang nag-uusap kaming dalawa tungkol kay Elies. And, unluckily si Elies ang taong iyon. Bakit sa ganitong paraan ko pa siya nakita? At muntikan ko pa siya ma bundol. Pero, bakit nagpanggap siyang hindi niya ako kilala at galit ang nakita ko sa mga mata niya? Kungsabagay, sino ba ang hindi magalit sa ginawa kong paghintay at paasa sa kanya. Siguro, paraan rin niya iyong pagpanggap na hindi ako kilala at pag deny niyang siya si Elies.“Kahit ilang taon pa kitang hindi makita, makilala parin kita at matandaan dahil nakaukit na sa isipan ko ang maganda mong mukha na kahit mabulag ako matandaan parin kita.”Palihim ko siyang sinundan hanggang sa makarating siya sa kanyang pupuntahan. Nang makarating siya sa bahay ng kanyang kapatid, matyaga akong naghintay dito sa loob ng sasakyan ko hanggang sa maka uwi siya sa apartment niya. I texted J.A na magk
KENZO JUAQUIN pov.~present time~ Sinabi ko sa kanya kung ano ang nangyari sa akin noong araw na pinuntahan ko ang aking ama sa hospital. Maliban sa pinag-usapan namin ng magulang ko..sa problema ng pamilya at tungkol sa pagpapakasal ko dahil nalulugi na ang aming negosyo.Ayoko sabihin sa kanya baka isipin niya ginagamit ko lang siya kaya ako muling nagpakita sa kanya. Sa ilang taon na nakilala ko silang magkapatid, kaunting impormasyon lang ang alam ko tungkol sa buhay nila. Ngayon, alam ko na ang buong pagkatao nila, nalaman ko iyon noong mga panahon na sinusundan ko Elies dahil hindi ko kaya na hindi siya makita.Nalaman ko na anak pala sila ni Mr. and Mrs. Buenavedez na nagmamay-ari ng malaking Construction Supply sa New Baveda at dito sa Dalisay kung saan nagtatrabaho si Elies bilang sales clerk noon. Sila rin ang nagmamay-ari ng JAZ Corporation at base sa balita na nasagap ko nasa list sila ng RICHES FAMILY IN THE PHILIPPINES.Nang malaman ko ang tunay na istado nila sa buhay b