Share

Chapter 22

ELIES ABEGAIL pov.

“John Alezander Buenavedez!!”

Sigaw ko sa pangalan niya nang makapasok ako sa kanilang bahay. Nakapamewang na tiningala ko siya sa ikalawang palapag ng bahay nang makita ko siyang lumabasa sa kanilang kuwarto. Pumupungas ito at humihikab pa mukhang bagong gising. Humawak siya sa barandilya at dumungaw sa akin.

Dinuro ko siya. “Bumaba ka, mag-usap tayo!” ma awtoridad na utos ko.

Kinusot niya ang kanyang mata. “Tungkol saan, ate?”

“Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin?”

“Sinabi ang alin?” maang-maangan na sagot niya.

“Alam mo kung ano ang tinutukoy ko!” nanggalaiti sa inis na bulyaw ko. “Kailangan ko pa bang sabihin iyon sayo? Kailan mo pa nalaman?”

“Kung ano ‘yong sinabi niya iyon na ‘yon,” pabalang na sagot niya, nababagot.

“Alam mo....” nagtitimpi sa inis na dinuro ko siya ulit. “Kahit kailan talaga! Ikaw! Paano kung namatay ako sa plano niyong pagkidnap sa akin, aber?”

“E, buhay ka naman. At saka tinulungan ko lang ang kaibigan ko.”

“At iyon talaga ang paraan ng t
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status