Share

Chapter 6

Bumungad sa akin ang isang matipono, gwapo, moreno, at matangkad na lalaki. Nakasuot ito ng pormal na damit, mukhang galing opisina. Ang gwapo niyang tingnan dahil mukhang malinis sa katawan. Wla mn lang tattoo o piercing. Madalas kasi ngayon sa kalalakihan ay mukhang adik ang itsura.

"Oo, 'Nak. Nahimatay kasi siya kanina sa terminal naawa naman ako kasi mukhang wala siyang kasama at bago lang siya rito sa lugar natin," sagot ni Nanay Aida.

"Nako naman, Nay, halika nga dito magusap muna tayo."

Tiningnan lang ako ng lalaki at hinila si Nanay Aida papalayo sa akin. Mukhang hindi niya ata nagustuhan ang presensiya ko at ang pagdala sa akin dito ni Nanay Aida. Kung magkaganoon nga talaga, aalis na lang ako rito para wala nang problema. Ayoko rin naman na maging dahilan ng pag-aaway nilang mag-ina.

"Pasensya ka na, Hija, medyo nagsungit sa'yo ang anak ko," saad ni Nanay Aida nang makabalik.

"Nako, okay lang po," sagot ko. "Nay, baka po makasira ako sa pagsasama ninyo o hindi naman po kaya ay ayaw ako ng anak niyorito pwede naman po akong maghanap ng ibang matutuluyan."

Mas mabuti nang magsabi keysa manahimik na lang at ayaw na pala ako rito.

"Ay hindi. Nabigla lang iyon pero alam kong magkakasundo kayo," nakangiting sabi niya. "Magpahinga ka muna sa kwartong inihanda ko para sa'yo kasi magluluto pa ako at malapit nang maghapunan."

Nginitian ko lang siya at nagpasalamat. Nang makapasok sa silid na itinuro niya sa akin ay namangha ako. Malinis ito at sobrang presko. Hindi naman sobrang laki kagaya ng sa kwarto ko sa mansiyon pero okay na sa isang tao.

Gawa sa kahoy ang bahay nila Nanay Aida kaya ramdam na ramdam ang hangin. Sobrang presko sa pakiramdam talagang damang-dama ang buhay probinsiya. Dahil sa pagod sa byahe at pagiyak ko kanina ay hindi ko na namalayan ang sarili kong makatulog.

"Bakla, maghahapunan na gumising ka na at nang makakain, ano."

Nagising ako dahil may kumakalabit sa akin at sa sinabing iyon ng boses na parang mula sa bakla. Nagulat ako nang maimulat ang aking mga mata, nakita ko ang lalaking naka-make-up ng sobrang kapal, may wig, at tube pa ang suot na damit.

"Hans, ano ba 'yan sabi ko tawagin mo na si Thea para makakain na tayo, hindi ba?" tanong nang kakapasok lang na si Nanay Aida.

"Ito na nga, Nay, oh," sagot naman ng bakla.

Inaya ako ni nanay Aida na tumayo na upang makakain na ngunit hindi ko napigilan ang sarilin kong magtanong kung sino ang gumising sa akin. Napag-alaman ko naman na kapatid pala iyon ng lalaki kanina na si Jp.

"Alam mo, 'Teh sumama ka sa akin sa bayan bukas tamang-tama hiring doon sa pinagtatrabahuhan kong salon," sabi ni Hans.

Narito kami ngayon sa hapagkainan sabay-sabay na kumakain. Napagalaman ko na magkapatid sina Hans at Jp. Pareho rin pala silang bakla ngunit dahill nag=apply ng trabaho kanina si Jp sa bayan kaya nagpakalalaki raw muna siya ngunit diring-diri rin sa suot niya. Humingi rin siya ng paumanhin dahil sa ipinakita niya kanina dahil stress daw siya sa naging resulta ng pag-apply niya.

Nagtanong sila tungkol sa kung bakit ako napadpad sa lugarv nila at ikwenento ko naman ang lahat sa kanila. Nakita ko rin ang panghihinayang sa mukha ni Nanay Aida dahil sa nalaman niya sa akin ngunit naintindihan niya raw ako sapagkat ganito rin siya noong kay Jp at Hans na hanggang ngayon ay hindi nila kasama ang tatay nila.

"Hay, Baks! Nandito lang kami for you and your junakis," hsaad ni Hans.

"Truth. Let your baby embrace the love of four mother for him." Gatong naman ni Jp.

"Anong four mothers? Saka para namang sigurado ka at alam mo na lalaki ang baby ko para sabihing 'him' siya," natatawang sabi ko naman.

"Four mothers, ako, ikaw si nanay at si Jp syempre," sagot ni Hnas. "Sure din ako na lalaki ang baby mo at alam kong lalabas niyan at lalaking sobrang gwapo. Sa face mo pa lang, Thea, eh. Teka may picture ka ba diyan ng tatay?"

Natahimik ako nang maalala si Ice. Simula nang mapunta ako rito sa probinsiya, hindi ko na naisip pa si Ice at ang mga kaibigan ko sa siyudad. Hindi man lang ako nakaagpa-alam kay Ice at hindi rin ako nagkaroon ng pagkakataon na sabihin sa kaniya ang kondisyon ko ngunit alam ko rin naman sa sarili ko na ayokong sabihin sa kaniya 'yon. Ang tanging naisip ko lang din noon ay protektahan siya mula sa pamilya ko.

Hindi ko man lang nasabi sa mga kaibigan ko na aalis na ako sa bahay namin. Hindi rin nila nalaman ang kalagayan ko. Kahit paalam at pagme-message ay hindi ko nagawa dahil nais ko na lang na makaalis sa pamilya ko no'ng mga panahong 'yon.

"Pasensya na, Thea," sabi ni Hans nang ma-realized na sensitive sa akin ang topic naa sinabi niya.

"Okay lang, wala namang problema pero pasensya na wala akong picture niya eh," sagot ko.

"Walang kaso, Thea. Teka, ano na nga ba ang plano mo?" Tanong ni Jp.

"Oo nga, Anak, nakapagpatingin ka na ba sa doctor? Maayos naman ba ang pakiramdam mo?" Tanong naman ni Nanay Aida.

"Opo, Nay. Sabi niya po ay ubusin ko muna ang gamot na iniinom ko saka magpahinga na muna tapos check up na ulit," sagot ko.

"Kung gano'n, si Jp na muna ang makakasama mo rito buong araw, Thea," saad naman ni Hans. "May trabaho kasi ako minsan hindi ako umuuwi rito."

"Ako naman, Anak, naglalako ako ng nga suman at kakanin doon sa terminal," saad naman ni Nanay Aida.

"Wala pomg kaso sa akin 'yon," nakangitinging saad ko. "Hayaan niyo po at maghahanap din ako ng trabaho kapag okay na ang pakiramdam at nakapagpahinga na ako."

"Hindi mo kailangang magtrabaho, Thea, pwedeng-pwede ka kaya naming tustusan, Girl. Magtrabaho ka na lang pagkatapos mong manganak, ano! Kaloka ka parang wala kang takot, Sis, ha!" sunod-sunod na sabi ni Jp.

Nagkwentuhan pa kami at naglinis ng lamesa upang makatulog na. Ang saya nilang kasama kasi ramdam na ramdam mo ang pagmamahal na meron sila sa pamilya nila. Punong-puno din sila ng pagiintindihan na sana meron din ang pamilya ko. Ang pagiintindi na hindi nabigay ng pamilya ko sa akin.

Nang matapos kami ay nagpaalam na ako sa kanilang pumasok sa kwarto na ibinigay nila sa akin. Kapag naging maayos na ang pakirandam ko at safe nang magtrabaho ay maghahanap na kaagad ako ng magiging trabaho para makapagipon sa panganganak at magpapatayo na rin ako ng sariling bahay namin ng magiging anak ko.

Bigla kong naalala si Ice. Hindi niya man lang nalaman ang sitwasyon ko ngunit kagustuhan ko rin naman iyon. Ang tanging naisip ko lang noong mga panahong 'yon ay ang protektahan siya laban sa pamilya ko. Mahal na mahal ko rin talaga si Ice kaya gano'n na lang ang pagprotekta ko sa kaniya. Wala akong ideya kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw nila mommy at daddy si Ice para sa akin. 

Nakatulugan ko na ang pagiisip sa mga masaya at masasakit kong nakaraan. Agad akong nagising nang maramdamang parang hinahalukay na naman ang tyan ko. Hindi na ako nakapagayos man lang ng sarili at tumakbo na ako sa CR para sumuka. 

"Okay ka lang ba, Anak?" tanong ni Nanay Aida habang hinihimas-himas ang likuran ko. 

Sobrang sama ng pakiramdam ko sumusuka ako kahit wala pang laman ang tyan ko. Nang matapos akong sumuka, inalalayan ako ni Nanay Aida sa upuang gawa sa kawayan dito sa salas nila. 

"May masakit ba sa'yo, Anak?" tsnong nito. "Hans, Jp, abutan niyo nga kami ng tubig para kay Thea."

"Maayos na po ako, Nay, nasusuka lang po talaga ako," sagot ko kay Nanay Aida. "Ganito po talaga ako, Nay, kahit noong nasa City pa sumusuka talaga ako." 

"Morning sickness 'yan, Thea," sabat naman ni Hans. 

"Oh, bakit alam mo, Sis, nagbuntis ka na ba?" sad naman ni Jp. 

"Ay, Bakla, baka nasa medical field din yata ako," sagot naman ni Hans. "Sabi mo naman, Thea, nakapagpa-check up ka na may gamot ka ba para sa morning sickness?" 

"Meron iinomin ko sandali lang," sagot ko. 

"Kumain ka muna, Anak," sabi naman ni Nanay Aida. 

Pumunta na kami sa hapag kainan habang si Jp naman ay inutusan ni Nanay Aida na kuhain ang gamot ko. Nagkwentuhan lang kami habang kumakain na para bang kinilala pa ang isa't- isa. 

"Hans baks, ano ba ang trabaho mo?" tanong ko. 

"Nagbebenta 'yan si kuya ng laman, Thea," singit naman ni Jp.

"Hoy, hindi ako katulad mo na gamit na gamit ng mga tambay dyan sa labas ano!" singhal naman ni Hans. 

Natawa ako nang tumayo si Nanay Aida at binatukan silang dalawa. 

"Kayo talagang dalawa pinapakita niyo talaga ang kabastusan niyo!" saad ni Nay Aida. 

"Hindi pero seryoso, Thea, sa barangay ako nagtatrabaho," sagot ni Hans. "Kaya lang gusto ko ring hanapin ang tatay ko kaya naghahanap pa ako ng trabahong malaki ang kita dahil alam mo naman kung  sa barangay lang nagtatrabaho hindi masyadong malaki ang sweldo."

Napatango naman ako dahil sa sinabi niya. "Eh, kung hindi niyo po mamasamain, nasaan po ba ang tatay nila Hans at Jp, Nanay."

"Nako, Thea, tulad nga ng sinabi ko sa'yo pareho tayo ng sitwasyon. Mayaman angg tatay nila Jp at Hans kaya nga lang dahil ako nagtatrabaho lang bilang kasambahay sa kanila, hindi ako tanggap ng mga magulang ng tatay nila kaya ito magisa kong tinaguyod ang dalawang 'yan," sagot naman nito. 

"Pero ang sipag at tigas ng ulo nila ano?" natatawang sabat ni Jp. "Pinagbawalan na pero nakadalawang anak pa. Sarap na sarap kayo, Nay, ano?" 

Binato ni Nanay Aida ng basong plastic si Jp. "Parang pinagsisihan ko na nabinuntis pa kita. 'Yang bibig mo wala talagang magandang salitang lumalabas na bata ka, ano?" 

"Nako nagtaka ka pa, Nay," gatong pa ni Hans. "Eh, sa'yo nagmana 'yan eh." 

Hindi ko napigilan ang sarili kong tumawa ng malakas dahil sa sinabi naman ni Hans. Jusko kabag ang aabutin ko sa pamilyang 'to. Napakakulit nila at parang magbabarkada lang kung magusap-usap. 

"Pero, Nay, may punto naman po si Jp," natatawang sabi ko. "Bakit nga po ba umabot kayo sa puntong dalawa ang naging anak ninyo?" 

"Dahil malandi ang tatay ng dalawag 'yan," sagot nito. "Nag-attempt kami ng tatay nila noon na magtanan nang malaman naming buntis ako kay Hans. Matagal na panahon din kaming nagsama at nakapagbuo nga ng pamilya ngunit sa kasamaang palad eh nahanap kami ng mga magulang ng tatay nila habang buntis ako rito kay Jp."

Magtatanong pa sana ako ng biglang may tumawag kay Nanay Aida. Kasama pala niya 'yon na nagtitinda sa terminal at inaaya na siya nitong umalis. Kapitbahay lang din namin ang kasama niya. Nagpaalam na sa amin si Nanay at umalis. Sumunod namang nagpaalam si Hans kasi papasok na ito sa trabaho. 

Kami ni Jp ay napagpasyahan naming maglibot-libot sa lugar nila. Nagayos na kami ng bahay at mga sarili namin para makaalis na. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status