"Sandro, bilhin mo ang lahat ng gamot na nasa resita niya." Utos ni daddy at tumingin sa akin. "Simulan mo nang magempake ng mga gamit mo dahil pagkarating na pagkarating ng kuya mo ay ayaw na kitang makita rito sa pamamahay ko," sabi niya sa akin bago lumabas ng aking silid.
Naluluha akong napatingin kay mama. Niyakap niya ako habang umiiyak na rin. Hinahagod nito ang aking likuran na para bang pinapatahan ako. Pinaparamdamn niya sa akin na nariyan lang siya at hindi ako iiwan.Parang binasag sa maliliit na piraso ang aking puso dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. I feel so helpless. My hands are trembling and my heart stings. Parang tinurusok ng karayom ang puso ko at hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman.Gusto kong sumigaw ng sobrang lakas upang maibsan ang sakit ngunit hindi ko magawa. Nais ko na lang na mawala ang lahat ng sakit na dinada ko sa kahit na anong paraan ngunit tanging iyak lang ang nakakaya ko. Halos hindi ako makagalaw dahil ang lakas ko ay napunta na lang sa hikbi at iyak.Nang maging maayos na ay kumalas na ako sa yakap kay mommy at inayos ang mga gamit ko."Hindi ka aalis, Anak, hindi ako papayag," umiiyak na sabi ni mommy."Kailangan ko pong umalis mama," nakangiting sabi ko. Kahit na tumutulo pa ang mga luha sa mga mata ko ay pinipilit kong ngumiti sa kaniya para mapabatid sa kaniya na desidido na ako at okay lang na umalis ako. "Kailangan kong harapin ang parusa dahil sa kasalanan ko at ito ang consequences nito.""Saan ka pupunta, Thea?" tanong niya.Nginitian ko siya at muling niyakap. "Kahit saan, mommy, basta bubuhayin ko ang magiging anak ko at papatunayan ko sa inyo na kakayanin ko at pagsisisihan ang ginawa ko."Inayos ko na ang mga gamit ko at dinala ang lahat na mga kailangan ko. Pati na rin ang passbook ng bank account at mga atm ko ay dinala ko. May naipon pa naman akong pera mula ito sa mga binigay ni daddy at pinagtrabahuhan ko noong nasa 15 years old ako dahil sa kagustuhang matutong magtrabaho bata pa lang.Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil matutupad na ang gusto kong hindi makasal at magkakaroon pa ng anak sa lalaking mahal ko o magagalit sa sarili ko dahil sa sakit na naidulot ko sa pamilya ko.Nang matapos sa ginagawa ay sakto namang dumating si kuya at ibinigay sa akin ang mga gamot na kakailanganin."What you did was so stupid!" galit na saad ni kuya sa akin. "Is Ice the father?"Tumingala ako sa kaniya at muli na namang umagos ang mga luha mula sa aking mga mata at umiiiling na lang dahil ayokong sagutin ang tanong niya. Matalim ang tingin nito sa akin na para bang pinagbabantan akong sabihin sa kaniya ang totoo at kung hindi ay may masama siyang gagawin."Sino, Thea?""K...Kuya, hindi mo na po dapat malaman dahil hindi ko alam kung sino ang nakabuntis sa akin," humahagulhol kong sagot."Don't ever lie to me. You know me too well, Thea," sabi nito."K...Kuya, pabayaan mo na lang po ako. Lalayo na rin naman po ako eh. Nagmamaka-awa ako sa 'yo, Kuya."Punong-puno ng pagmamaka-awa ang boses ko at mukha ko habang nakatingin sa kaniya. Tinalikuran niya ako at inilapag ang supot. Puno iyon ng gamot at may isang atm na nakalagay. Sa atm na iyon ay may papel na nakabalot at may sulat na gamitin ko raw iyon para sa pagbubuntis ko."Dad, Mom, Kuya, thank you for taking care of me for my whole seventeen years of existence. I am so greatful for all the things the you gave me to satisfy my needs in every aspects of my life. I am so happy that you are my family. I'm sorry for being the disgrace in this family," umiiyak kong sabi. Humahagulhol na ako sa sobrang pagiyak. Nanginginig at paputol-putol na rin ang aking boses. "Pangako ko po na sa pagbalik ko ay magiging proud din kayo sa akin. Pasensya na, Dad, kung hindi ko natupad ang gusto mong makuha ang pera na ipinamana ng lola ko sa atin. Pasensya na kung nagdulot ako ng kahihiyan sa pamilya natin."Muli kong niyakap si mommy at snubukan ding yakapin sina daddy at kuya ngunit hindi ko iyon nagawa dahil sa iniwasan nila ako. Sinusubukan pa akong pigilan ni momy ngunit pinigilan siya ni daddy."Thea, saan ka pupunta? Anak, doon ka muna sa isa nating bahay sa Capiz," sabi ni mommy."Hindi," biglang sabat ni daddy. "Hayaan mong magdusa ang batang 'yan, Tanya," galit na sabi ni daddy.Nginitian ko lang sila at tumalikod na upang umalis. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni mommy pero hindi ko na ito nilingon. Diretso lang ako ng lakad habang tumutulo at humihikbi.Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta na lang akong naglakad at sumakay ng jeep papunta sa terminal kung saan ako sasakay papuntang probinsya. Wala akong ideya kung saan pupunta ang alam ko lang ay lumayo at maghanap ng maaari kong tuluyan bago lumubog ang araw na ito. Halos wala na akong pakealam na nakasakay sa jeep habang tinatahak ang daan papuntang terminal. Nakatulala lang ako at hindi halos pinapansin ang paligid ko.Masakit man isiping binalewala ako ng tatay ko, hindi ko rin naman maipagkailang malaki ang naging kasalanan ko. Masakit ang malayo sa pamilya at lalong-lalo na at wala pa talaga akong alam kung paano mamuhay ng mag-isa."Saan ka pupunta, Ma'am?" tanong ng parang nagtatawag ng pasahero dito sa terminal."Sa conception po," sagot ko.Iginaya naman niya ako sa bus papuntang concepcion. Wala akong ideya kung bakit iyon ang location na sinabi ko. Sa totoo lang ay wala akong kakilala doon at hindi ko pa rin alam kung ano ang sasalubong sa akin pagdating ko roon.Habang nasa byahe ay tumatanaw lang ako sa paligid. Iniisip ko ang sobrang napakalaking kasalanang nagawa ko. Paano kaya kung hindi ko na lang ginawa ang bagay na 'yon? Punong-puno ako ng tanong na hindi ko alam kung ano ang sagot. Dahil sa sobrang pagod dala ng aking pag-iyak at siguro ay dahil na rin sa aking pagbunbuntis, hindi ko na naiwasang makatulog sa byahe.Nagising ako dahil ginising ako ng kondukto ng bus. Nagulat ako nang ako na lang ang natitirang pasahero dito sa bus."Kuya, nasaan na po tayo?" tanong ko."Nasa terminal na, Miss, saan ka ba pupuna?" pabalik din nitong tanong."Hindi, Kuya, dito na lang po ako," saad ko at lumabas na ng bus.Sobrang pagod na pagod ako. Pagkatayo ko ay bigla akong nahilo dahil siguro sa gutom na nararamdaman ko. Hindi pa kasi ako kumakain simula kanina dahil suka lang ako ng suka. Nang makababa na sa bus ay agad akong dumiretso sa CR dala-dala ang mga gamit ko na sobrang bigat pa. Hindi pa man din ako nakakabot sa CR ay biglang nandilim ang aking paningin at nawalan ako ng malay.Bigla akong nagising nang maramdamang naduduwal. Bumungad sa akin ang isang hindi naman sobrang tanda ngunit siguro nasa mga sisenta anyos mahigid na ang edad. Wala akong ibang nasabi kung hindi ang magtanong kung nasaan ang CR dahil nasusuka ako."Nasaan po ako?" tanong ko nang makabalik sa kinaroroonan ng matandang babae kanina. "Ano po ang nangyari bakit narito ako?""Hija, nahimatay ka kanina nang papasok ka sa CR, hindi namin alam kung saan ka dadalhin kasi mukhang bagonka lang dito kaya dinala ka na lang namin sa bahay ko," sagot nito. "Taga saan ka ba at bakit nandito ka? Nasaan ang pamilya mo?"Kinwento ko sa kaniya ang mga nangyari at ang dahilan kung bakit ako napadpad sa lugar nila. Tinanong din niya ako kung may kilala at matutuluyan na ba ako rito."Pwede kang tumuloy dito sa amin, Hija. Dumito ka na muna hanggang sa makapanganak ka o kung hanggang kailan mo gusto." Nginitian ako nito."Talaga po? Maraming salamat, Nanay Aida," nakangiting pasasalamat ko."Nanay, ano itong nabalitaan kong may kinupkop ka raw na babaeng nahimatay kanina sino 'yon?"Naglilinis ako ngayon sa baba habang natutulog ang kambal. Hindi ko pa naman sila pwedeng igala dahil 1 day old pa lang. Wala pa silang masyadong bisyo kaya makakagawa pa ako ng mga gawain ko. Hinayaan ko lang silang matulog kasi ganyan naman talaga ang mga baby tulog lang sila nang tulog. Hindi pa naman daw magbabago talaga ang routine na 'yan nila. "Good morning, Ate!" Nagulat ako nang biglang pumasok si Hannah. Dumiretso siya sa akin para makipag-beso. "Good morning, Hannah. Ang aga mo naman dito," saad ko. Nilibot niya ang kaniyang paningin. "Ate, nasaan ang twins mo? Gusto ko silang makita." Ramdam ko ang pananabik niya kay Frost at Glazier. Nakakatuwa naman at marami ang taomg masaya sa pagdating ng mga anak ko. "Andyan, natutulog," sagot ko saka itinuro ang crib ng kambal. "Pwede ko ba silang tingnan at hawakan, Ate?" sabik naman nitong tanong. "Hindi pwede, Hannah. Mag-sanitize ka muna bago mo sila hawakan kasi sensitive pa ang mga baby na kakapanganak lang," sabat na
Natulala na lang ako habang pinapasok si Kuya sa loob ng bahay ko. Hindi ako makapaniwala na natagpuan niya ako—at higit pa roon, narito siya ngayon sa harapan ko. Wala akong ideya kung bakit siya dumating, pero ang dating kaba na unti-unti kong kinalimutan ay muling bumalot sa akin. Tahimik kong pinagmasdan si Kuya habang iniiikot niya ang tingin sa loob ng aking tahanan. Wala akong mabasang emosyon sa kanyang mukha, maliban sa hindi ko inaasahang pagka-mangha. Ngayon ko lang siya nakita na may ganitong reaksyon sa nagawa ko. "I guess you've learned," aniya, walang pagbabago sa ekspresyon ng kanyang mukha. "Maupo ka muna, Kuya," mahina kong sabi habang tinuturo ang upuan. Dumiretso ako sa ref upang kuhanan siya ng makakain at maiinom. Mabuti na lang at may natira pang tinapay at juice na niluto ni Hans kanina. Inilapag ko ang pagkain sa lamesa bago umupo sa tapat niya. "Kumain ka muna, Kuya." Napatingin siya sa akin bago nagsalita. "I'm glad you've survived a hell hole, T
Sa sobrang sakit ng tyan na nararamdaman ko hindi ko na naisip na nagpa-panic na pala ang mga tao dito sa amin. Tanging ang iniisip ko na lang kasi ay ang madala sa hospital at mailabas ang mga bata sa loob ng tyan ko. Para akong naje-jebs na sobrang laki ng ilalabas ko. Nang naramdaman kong nasa jeep na kami ay medyo kumalma ako. Hindi ko na nga alam kung papaanong nagkaroon bigla ng jeep dito. Nakahawak lang ako sa kamay ni Nanay Aida habang sumisigaw tuwing sobrang sasakit ang tyan ko. Hinawakan din ni Jp ang kabilang kamay ko nang bigla kong naramdaman ang sobrang sakit sa aking tyan dahilan upang mapanggigilan ko ito. "AH!" sigaw nito na ikinagulat naman ng mga kasama namin sa jeep. "Anong nangyari sa'yo, Jp, manganganak ka rin?" tanong ni Aling Rosa. "Hoy, bakla wala kang matres," sabat naman ni Hannah. "Gaga, masakit ang pagkapilipit ni Thea sa kamay ko," pagalit na saad ng bakla at tinaas ang kamay niya. "Oh, namumula." Hindi ko alam kung tatawa ba ako, maa
Ilang weeks na rin simula nang bumalik si Madam Cha dito sa Pilipinas at siya na muna ngayon ulit ang nagma-manage ng salon dahil nasa leave ako. Tatlong linggo na ang nakalipas simula noong nagpaalam ako sa kaniyang magpapahinga na. Malapit na kasi akong manganak siguro any time from now lalabas na ang twins ko. Nakalipat na rin ako sa bahay na pinagawa ko at isa rin sa achievement ko ay ang makompleto ang mga gamit na kakailanganin sa bahay ko. Hindi naman ako nahihirapan dahil sa kabilang bahay lang naman sina Nanay Aida at kung minsan ay dito kami sa bahay nagdi-dinner. "Thea," rinig kong tawag ni Nanay Aida mula sa labas. Alas kuwatro ng madaling araw ngayon at sinabi ko kay Nanay Aida na sasama ako sa kaniya sa pagbili ng mga pangangailangan niya sa pagluluto ng kakanin para makapaglakad-lakad ako. Sabi kasi nila maganda raw na maglakad-lakad kung malapit ka nang manganak. Bumaba ako para pagbuksan siya ng pinto. Nakabihis na ako at lahat siya na alng ang hinihintay kong mag
Tinalikuran ko na si Lara at pumunta sa dapat ko talagang puntahan. As I entered the spa room, the cold breeze of the aircon welcomed me. The whole room is airconditioned it makes the customers comfotable and relaxed. Sobrang tahimik lang din ng buong kwarto dahil ang mga customers ay nagrerelax lang at ang mga nagtatrabaho naman ay ginagawa ang trabaho nila ng maayos. Tinanong ko lang si Aling Pass kung kamusta namn dito ang sabi naman nito ay wala naman raw problema kaya nagpasalamat na lang ako. Namataan ko naman ang costumer na patapos na sa cashier nang makalabas ako sa spa room kaya inabangan ko ang customer sa pintogusto ko kasing malaman kung ano ang mga nagustuhan at hindi niya nagustuhan sa serbisyo ng spa para mas mabago namin."Hi, Ma'am, I'm Thea Watson po the manager of the spa," pagpapakilala ko sa babae. "Sorry to interrupt you but I just want to ask if it is okay." "Oh, hello! I'm Kath," nakangiti niyang bati pabalik. "Yeah, okay lang naman at hindi naman ako nagma
My life here in Concepcion is not easy yet not also hard. The people who adopted me here made me feel that I am a part of their family. They are always here to correct my decisions and suggests better ideas to improve my lifestyle. Naging maayos akong babae dahil sa mga turo nila sa akin sa kung papano mamuhay. Hindi madali ang buhay ko rito dahil nasanay ako noon na tuwing alam ng mga magulang ko na kailangan ko ng pera ay nariyan kaagad ngunit ngayon kailangan ko itong pagtrabahuhan. Isa pa rin sa mahirap ay ang mga pagbabago sa aking katawan dala ng pagbubuntis ko. Sa mga nagdaang mga araw at buwan naman ay naging maayos naman ako. Hindi na muling naulit ang ginawa ni Lara sa akin noong nakaraan at nagpapasalamat naman ako dahil doon. Narito ako ngayon sa kwarto ko nagpapahinga dahil bukas ay wala akong pasok kaya naman pupunta ako sa bukid at iche-cgeck ko rin ang bahay na pinapagawa ko. Magkatabi lang naman ang bahay namin nila Nanay Aida saka noong huling punta ko roon ay nak