Share

Hiding Mr Billionaire's Twins
Hiding Mr Billionaire's Twins
Author: _bluedtea

Prologue

"M...Mom," nanginginig kong sambit. Isa-isang nagsituluan ang aking mga luha. "M...Mi, sorry." 

Punong puno ng pagsisisi at kahihiyan ang nararamdaman ko  ngayon. Parang gusto ko na lang magising kung sana ay panaginip lang ang lahat ng ito.

"So you're pregnant?" walang emosyon ang boses na tanong ni Dad na kakapasok lang sa silid.

"Ye...Yes, Dad," nakayukong sagot ko sa kaniya.

Hindi ko magawang iangat ang aking paningin dahil natatakot akong matanggap ang masasakit nilang tingin sa akin ngunit alam ko sa aking sarili na ako ang may kasalanan at wala akong ibang magagawa kung hindi tanggapin ang galit nila. 

"Did you hear it, Tanya? Magkaka-apo na tayo!" may galak sa boses ni daddy habang sinasabi 'yon kay mommy. "Aren't you happy? Bakit nasa mukha mo ang pagsisisi, Thea?" 

Napa-angat ang aking mukha at nagtataka siyang tiningnan. Maging si mommy ay nagtataka rin sa inakto ni dad. 

"Da..dad, hindi po kayo galit?" may nginig man sa boses ngunit nagtataka kong tanong. 

Kumunot ang noo nito. "Why the hell would I get mad? Lalo na ngayon at wala nang hadlang pa sa mga naka-plano na." 

"Naka-plano, Dad?" takang tanong ko.

"Yes. You know, you and Ace are planed to get married 1 month from now. Mas mapapadali na natin ang pagpapakasal ninyo bago pa lumaki ang anak niyo d'yan sa tyan mo," taas noo niyang paliwanag. 

Napalunok ako dahil sa mga sinabi niya. Wala akong ideya kung bakit si Ace ang naisip niyang ama ng anak ko dahil bukod sa ikakasal na kami next month, alam naman ni dad na ayaw kong magpakasal kay Ace. 

"Are you really sure that Ace is the father of Thea's child, Dad?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status