Share

Chapter 4

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko mula sa doktor. Sobrang bilis at lakas ng tibok ng aking puso. Naghahalo ang takot, kaba, at gulat sa aking pakiramdam. 

"P...Pardon?" nauutal na tanong ni mommy. 

Halos hindi ko mabasa ang emosyong bumabalot sa boses niya. Alam kong galit at gulat siya dahil sa mga nalaman ngunit alam ko rin na mas binabalot siya ng gulat sapagkat kitang-kita ito sa kaniyang mukha.

Tahimik lang ang buong sulok ng silid ng hospital na kinaroroonan namin ngayon. Lahat ng narito ay gulat dahil sa mga nalaman at kitang-kita iyon sa mukha ng bawat isang narito. 

"You heared me right, Mrs. Watson, Your daugther daugther Thea Watson is four weeks pregnant," saad ulit ng doktor. "Huwag ninyong hahayaang ma-stres ang pasyente dahil makakasama ito sa kaniya at sa batang dinadala niya. Para naman sa vitamins sa morning sickness niya, narito ang resita ng gamot na kailangan niya. Pwede na rin po kayong lumabas ng hospital."

Napakurap na lang ako ng dalawang beses, gulat parin sa mga nalaman. Hinihiling ko na lang na sana ay panaginip lang ang lahat ng ito, na sana ay tapikin ako at magising na lang na parang wala nang nangyari. 

Wala sa sarili akong napahawak sa aking tyan, sinusubukan kong maramdaman ang aking anak kahit pa wala pa ito at isang maliit na boto pa lamang. Naramdaman kong namuo ang mga luha luha sa aking mga mata. Isang gabi na hindi ko inisip ang magiging resulta at lalong-lalo na ay hindi ko pinagsisihan ang siya namang kinagulat at kinakatakotan kong harapin ngayon ngunit kahit na maliit na pagsisisi ay walang akong maramdaman kahit pa ngayon na alam kong hindi ito magugustuhan ng aking magulang sapagkat ipinagkasundo na nila ako sa ibang lalaki. 

"Thank you so much, Doc. I'll escort you outside."

Nagising na lang ako sa tinig na iyon ni daddy. Naluluhang napatingin ako sa kaniya habang iginagaya ng daan ang doktor palabas. May ping-uusapan silang hindi ko na maintindihan. Tanging ang reaksyon at sasabihin na lang ng aking pamilya ang iniisip ko sa ngayon. 

Nang makaalis na ang doktor ay agad na lumapit si mommy sa akin. May kurot akong naramdaman sa aking dibdib nang makita ang luha sa mga mata nito at punong-puno ng katanungan ang kaniyang mga mata. 

"What happened, Thea?" naluluhang tanong nito nang makalapit sa akin. "Paano ka nabuntis? Is this because of a crime?" 

Nagsimula na naman akong makaramdam ng matinding kaba. Sobrang bilis ng tibok ng aking puso dala na rin ng takot. Hindi ko mahanap ang mga salita sa aking bibig. Parang bigla na lang akong nawalan ng boses. 

"Sagutin mo ako, Thea," saad nito. 

"N...No, M...Ma." 

Humagulhol ito ng iyak. Naiiyak na rin ako dahil sa kaniya. Sobrang sakit sa damdamin na makita ang nanay mo na umiiyak dahil sa iyo. 

"Are you okay, Anak?" naluluhang tanong nito nang makalapit sa akin. "May masakit pa ba sa 'yo? Ano pa ang nararamdaman mo?" 

"M...Mom, hindi ka po galit?" nanginginig kong tanong.

Mas nadagdagan ang mga luhang mula sa mga mata nito dahilan upang mas umiyak ako ng todo. "I am, Thea. Galit na galit ako, Anak. Ngunit hindi ako galit sa 'yo galit ako sa sarili ko dahil alam kong kasalanan namin kung bakit mo nagawa ang bagay na iyan. Hindi namin naisip ang magiging epekto ng kagustuhan naming mas yumaman. Dahil sa pagnanais na iyon ay ikaw ang nagdusa ngayon."

"I'm sorry, Mom. Hindi ko po sasabihin na hindi ko sinasadya ngunit nadala po ako ng galit sa inyo dahilan upang malasing ako at nagawa ang mga bagay na iyon," sabi ko. 

Niyakap niya ako at pinatahan. Sa halos dalawangbuwan naming hindi pag-uusap dahil sa galit ko sa kanila, sobrang saya ko nang maramdaman ulit ang comfort ng isang ina.Ngayon pa na higit ko siyang mas kailangan dahil sa sitwasyon ko. 

Nang makarionig ng tikhim, napahiwalay ako sa pagkakayakap kay mommy. Sumibol na naman ang matinding kaba sa aking dibdib. Nararamdaman ko ang mabilis na tibok ng aking puso. Para akong bingi na ang naririnig ko na lang ay ang tibok ng aking dibdb. 

"So you're four weeks pregnant?" walang emosyon ang boses na tanong ni daddy. 

"Y...Yes, Dad," sagot ko at napayuko na lang. Mararamdaman sa boses ko ang nginig at takot. 

Hindi ko magawang iangat ang aking paningin dahil natatakot akong matanggap ang masasakit niyang tingin tingin ngunit alam ko sa aking sarili na ako ang may kasalanan at wala akong ibang magagawa kung hindi tanggapin ang galit nila. 

"Did you hear it, Tanya? Magkaka-apo na tayo!" may galak sa boses ni daddy na sinabi iyon kay mommy. "Aren't you happy? Bakit nakayuko ka lang, Thea?"

Nagtataka akong tumingin sa kaniya. Maging ang aking nanay ay hindi rin makapaniwala sa reaksyong pinakita niya. 

"Da...Dad, hindi po kayo galit?" may nginig man sa boses ngunit nagtataka kong tanong.

Kumunot ang noo nito. "Why the hell would I get mad? Lalo na ngayon at wala nang hadlang pa sa mga naka-plano na."

"Nakaplano, Dad?" takang tanong ko.

"Yes. You know, you and Ace are planed to get married 1 month from now. Mas mapapadali na natin ang pagpapakasal ninyo bago pa lumaki ang anak niyo d'yan sa tyan mo," taas noo niyang paliwanag.

Napalunok ako dahil sa mga sinabi niya. Wala akong ideya kung bakit si Ace ang naisip niyang ama ng anak ko dahil bukod sa ikakasal na kami next month, alam naman ni dad na ayaw kong magpakasal kay Ace.

"Are you really sure that Ace is the father of Thea's child, Dad?"

Napalingon ako nang marinig ang fierce na boses na 'yon ni Kuya Andrew. Seryoso at matalim na tingin ang ibinigay niya sa akin.

"What are you talking about, Andrew?" nagtatakang tanong ni dad.

"Why don't you ask your brat daugther?"

"Thea!" inis na asik ng aking ama. "Ano ang ibig sabihin ng kapatid mo?"

Pakiramdam ko ang emosyong nawala kanina sa akin ay unti-unti na namang bumalik. Ang mga luha kong umurong kanina ay hindi na naman mapigilan ngayon.

"Ace is not the father of my child, Dad," mahina't nanginginig kong sagot. Bumuntong hininga ako saka pinahid ang luhang nagpapalabo sa aking mga mata. "Walang nangyari o namagitan sa amin ni Ace."

"Oh my god!" hiyaw ng aking ina sa gulat.

"I'm sorry, Mom, Dad," umiiyak kong saad habang isa-isa silang pinapasadahan ng tingin. "Kuya."

"Wait. Hindi ma-proseso ng utak ko ang mga sinasabi mo, anak," kalmadong sambit ni dad. Bumuntong hininga ito at tiningnan ako mata sa mata. "Sino ang ama ng anak mo? Saan mo nakilala? Sino ang pamilya no'n?"

Nakagat ko ang aking labi dahil sa tanong niya. Takot akong malaman niya kung sino ang ama ng aking anak dahil baka kung ano ang gawin niya roon sapagkat dati pa lang ay ayaw na ni dad na lumapit ako sa kaniya.

"Sagutin mo ang tanong ko, Thea!" malakas na sigaw niya dahilan upang umusbong ang matinding kaba sa aking dibdib. "Sino ang ama ng batang dinadala mo!"

"H...Hindi ko po a...alam, Da...Daddy, l..lasing p..po ako ng mga panahong i..iyon," umiiyak kong sagot. "Hindi ko na po matandaan ang mukha ng lalaking nakabuntis sa akin."

Yumuko ako at naghihintay na sigawan niya ako ngunit tanging ngisi lang ni Kuya Andrew ang narinig ko kaya inangat ko ang aking paningin ngunit parang nagsisi ako na ginawa ko pa 'yon dahil parang namanhid ang aking pisngi nang dumapo roon ang kamay ni daddy. Naramdaman kong tumabingi talaga ang aking mukha dahil sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin.

Narinig ko na lang ang hiyaw at pagyakap ni mommy ngunit ang buong katawan ko ay namanhid habang ang puso ko naman ay sobrang nasaktan.

"Dad, I'm sorry," lakas loob kong sabi. Nakayakap lang si mommy sa akin na umiiyak na rin. "Mi, sorry hindi ko po sinasadyang mabuntis."

"Bakit, basta mo na lang bang naupuan ang semelya ng lalaking 'yon at nabuntis ka?" galit na baling sa akin ni dad. "Nakakahiya ka, Thea! Hindi ka namin pinalaki ng mommy mo ng ganyan! Binigay namin ang lahat lahat sa'yo pero ito ang ibabalik mo sa amin? Napaka-laki mong failure sa pamilyang 'to!"

"Alin ang hindi mo sinasadya, Thea, ang makipagsex o ang hindi mo inaasahang mbuntis?" sarkastikong tanong ni kuya. 

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabing iyon ni kuya. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin nang hindi nila nalalaman na si Ice ang ama ng batang dinadala ko. Ayoko na mapahamak si Ice at ayoko rin na sirain ang kaugnayan niya sa pamilya ko dahil matalik niyang kaibigan si kuya. Alam ko na may ideya na si kuya sa nangyari at kung sino ang nakabuntis sa akin ngunit hanggat hindi ako mahuhuli ng aking mga magulang ay mas mabuti pang sarilihin ko na lang. 

Sobrang sakit ng mga sinabi ni dad. Pakiramdam ko ay pinupunit ang puso ko. Ang sakit-sakit na sabihan ka ng tatay mo na failure ka lang sa pamilya. Nakakababa ng tingin sa sarili ngunit wala akong magawa dahil kasalanan ko pero hindi ko naman ito magagawa kung wala akong dahilan.

"Nagmaka-awa ako sayo, Dad, eh," umiiyak kong sabi. "Nagmaka-awa po ako na huwag mo akong ipakasal kay Ace kasi ayoko. Daddy, buong buhay ko po sinunod kita. Alam kong hindi mo kinontrol ang buhay ko pero ginawa ko po lahat para maging proud kayo sa akin. Lahat ng utos niyo sinusunod ko, 'yon lang po ang hiningi ko, Daddy. Gusto ko lang po na pakasalan ang lalaking mahal ko alam niyo naman 'yon simula pa lang. Kayo po 'yong nagbawal sa akin. Sorry, Dad, ha? Kung napakalaking failure ko sa pamilyang 'to. Hindi ko lang kasi alam ang gagawin ko nong mga panahong 'yon eh. Hindi na ako nag-isip ng tama sa mali kasi pakiramdam ko lahat sa panahong 'yon ay maling mali eh."

Humagulhol na lang ako dahil sa sobrang bigat ng dibdib. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na aking nararamdaman. Parang nais ko na lamang na mabura sa mundo upang matanggal na itong sakit sa aking puso.

Naging tahimik ang paligid dahil sa mga sinabi ko. Ngunit mayamaya pa ay nagsalita si daddy.

"Wala akong pakealam sa rason mong walang kwenta, Thea!" singhal niya sa akin. "I don't want a stuborn child. Simula sa araw na ito, hindi na tayo magka-ano-ano. Pinuputol ko na ang pagiging mag-ama nating dalawa. Ayoko nang makita ang pagmumukha mo sa bahay ko. I want you to leave this house immediately!"

"Andrew, ano ba! Tayo lang din ang dahilan kung bakit nagkagano'n ang anak mo!" sigaw ni mommy kay dad. "Kung sana inisip din natin ang nararamdaman niya no'n, sana ngayon hindi siya nabuntis. Andrew, huwag mong paalisin ang anak natin. Thea needs our guidance."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status