INICIAR SESIÓN“Sh*t!” mura ng katabi ko at agad na may tinawagan gamit ang airpods na nasa tainga nito.Hindi ko na pinag tuonan ng pansin kung sino ang tinatawagan nya nang napayuko ako sa malakas na barilan sa labas.Nakita ko sa peripheral vision ko na lumabas ang isa ko pang katabi kasabay ng pag labas nya ng baril.“Ma’am?! Ayos lang po ba kayo?!”Umangat ako ng tingin sa driver. Kami nalang pala ang nandito sa loob dahil nasa labas na ang tatlo. Hindi matanggal ang panginginig ng katawan ko sa kaba kahit bulletproof ang sasakyan na ito. Agad kong tinakpan ang aking dalawang tainga nang marinig ulit ang mga malalakas na putukan sa labas.“Ma’am, makinig ka po sakin.” aniya.“Pinuntirya nila ang gulong nito at baka matagalan pa silang dumating dito para tulungan tayo.. Ngayon, kailangan nyo pong tumakas.” sa huli nyang sinabi ay napa iling na ako ng ilang beses. Hindi.. Not again..“Ma’am, mas dedelikado po ang buhay nyo kung hihintayin pa natin sila!” umiling parin ako at nag simula nanamang k
Tumayo ako at diretso kong tiningnan si Van. “Sino ka ba talaga ha?! Bakit nangyare yun?! Bakit si Anna pa?! Sana ikaw nalang ang binaril!” sigaw ko sa mukha nya. Nakita ko sa mga mata nya ang sakit na agad na nawala pero wala akong pakialam dahil puno ng pagkamuhi at galit ang nararamdaman ko ngayon sa kanya.Hindi sya nag salita at hinayaan lang akong umiyak sa harap nya.“Why did you hide it from me?”Kunot noo ko syang binalingan at nakita ang galit nyang mukha.“Ano?”Umigting ang kanyang panga, “Why did you f*cking hide it from me?! Bakit ka nag sinungaling saakin na hindi ko anak si Terrence Steve Salvatore Conrad!”Nagulat ako sa biglang pag taas ng boses nya lalo na sa pag banggit nya nang pangalan ng panganay ko. At isiningit pa nya talaga ang apilyedo nya.“P-Paano—”“Tell me why?!”Nangilid nanaman ang luha sa mga mata ko. Bakit hindi nauubusan ng luha ang mga mata ko? Nakakapagod.“Charmaine Susana Salvatore!!” napaigtad ako nang umalingawngaw ang boses nya sa kwartong it
Sandaling humupa ang galit na nararamdaman ko nang napagtanto kung ano ang itinapon ko. “Sh*t!”“Ma'am!” rinig kong sigaw ng isa sa mga guwardya nang makita akong pumunta sa dalampasigan“Manahimik ka! P*tang*na mo!” sigaw ko rin pabalik at hinanap ang cellphone na tinapon ko.Nang nahanap ko ay bumalik din agad ako sa lounge at pinunasan ito kahit basang basa na ang loob nito.Napamura nalang ako nang hindi na gumagana. “Bakit ko kasi tinapon?! T*ng*na naman!”Nadatnan ako ni Anna na humahagulhol kaya pinakita ko sa kanya yung cellphone, “Ano ng gagawin ko?” iyak kong sinabi.“May telepono po roon, pwede po kayo doon tumawag.” tumigil ang pag iyak ko sa sinabi nya. “Talaga?” tumango sya kaya niyakap ko sya.“Nga po pala, tumawag kanina si Sir. Uuwi raw po sya mamaya.”Nawala ang ngiti sa labi ko nang sabihin nya iyon. Kumalas ako sa yakap at marahan na tumango sabay ngiti sa kanya. “Ahh, sige mag papahinga lang ako.” hindi ko na hinintay ang sasabihin nya at agad nang umalis.Padabog
Isang araw, naabutan nanaman ako ni Anna na nag duduwal. “Ma’am, palagi nalang po kayong ganyan. Ayos lang po ba talaga kayo? Ni ayaw nyo naman pong sabihin ko kay Sir ang tungkol dito.. May hinala na po ako Ma'am ah.” aniya.Ilang linggo na noong huling balik ni Van dito. Hindi ko alam kung bakit sobrang tagal nyang bumalik ngayon pero ayos lang din sakin para hindi nya makita ang ganitong sitwasyon.Huminga ako ng malalim sabay buga at uminom ng tubig.“Ma'am, buntis po ba kayo?” muntik na akong masamid sa biglaang tanong ni Anna kaya agad kong nilapag ang baso sabay tingin sa paligid kung may mga nakarinig bukod sakin.Nakahinga ako ng maluwag nang wala. “Shhh..” nanlalaki ang mga mata ni Anna nang may napagtanto na sya. Agad ko namang tinakpan ang bibig nya para pigilang sumigaw o tumili.“Tandaan mo, walang dapat makaalam tungkol dito kundi tayong dalawa lang. Hindi mo pwedeng sabihin kay Van o sa mga guwardya. Do you understand?” tumango-tango sya kahit gulat pa.Pinakawalan ko
Dalawang linggo na ang lumipas simula noong umalis si Van kasama yung mga bisita nya at hindi sya pwedeng bumalik ngayong may kakaibang nangyayare sakin. Pero kung tama ang hinala ko, mas lalong hindi sya puwedeng umuwi! Pero paano kung malaman nya?Kinagat ko ang aking ibabang labi at napa sabunot sa buhok dahil sa mga naiisip ko.“Ma’am, ano po bang nangyayare sainyo? Kanina nag duduwal kayo tapos ngayon ay sinasabunotan nyo na sarili nyo. Ma’am, natatakot na po ako. Baka kung ano na ang sunod nyong gawin.” wika ni Anna na kakapasok lang sa kusina.Hindi ko alam kung maiinis o matatawa ba ako sa sinabi nito kaya binigyan ko nalang sya ng isang simpleng ngiti. Don't worry, may babalikan pa ako. Hindi ako mag tatagal dito. Tsaka hindi pa naman ako sigurado, baka nabigla lang ako.“Stress lang siguro. Naitapon mo na ba yun?” tanong ko. Tumango sya at ngumiti. “Opo.” tumango-tango ako. “Nga pala, kailan ang uwi ng boss nyo?” kumunot ang noo ko nang bigla itong ngumiti at pa simpleng sin
Pagkababa ko, nakita kong nandoon pa yung mga bisita nyang lalaki. Katulad kanina, dumiretso ako sa kusina at kumuha ng tubig sa ref. Habang umiinom, naririnig ko ang mga pinag uusapan nila pero hindi ko maintindihan kung tungkol saan. Maybe about their business?Pero alam ba nila na may kinidnap si Van? At ako yun? Kapag nalaman nilang may kinidnap si Van, maaaring icancel nila ang pag invest o pakikipag partner sa business! Dahil ayaw nila masama sa gulo o ayaw nilang maapektuhan ang business nila!Ngumisi ako nang may naisip na idea, baka ito na rin ang daan para makatakas ako.“Ma’am, miryenda na po kayo.” rinig kong sabi ng katulong. Hindi ko iyon pinansin at nag patuloy sa pag inom ng tubig.Nang nag lakad si Van papunta sa hagdanan at umakyat. Nilapag ko agad yung baso sa lamesa at lumapit sa kanila. Tinignan ko pa sa itaas kung nakapasok na doon sa kwarto si Van.“Hi” ngiti ko sa kanila nang nasiguro kong nasa kwarto na si Van.“Hello po, Ma'am.” ngiting sabi naman ng isa. Hmm






![Chasing Mr. Billionaire [SSPG]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
