Share

CHAPTER 1

Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha ko at 'di ko mapigilang humikbi. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.

Hindi pa rin tuluyang napo-proseso ng utak ko ang mga nangyari. Tanging pag-iyak lang ang kaya kong gawin sa mga oras na ito.

Kahit nahihirapan ay mabilis kong sinuot ang mga damit ko. Iniwasan kong gumawa ng kahit anong ingay dahil sa takot na baka magising si Sean. 

Binitbit ko ang bag na naglalaman ng 100 thousand cash at maingat akong lumabas mula sa condo niya. Nagpapasalamat akong hindi pa siya nagigising. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Mama.

[Zaffira! Nasaan ka bang bata ka?] Malakas na sigaw ni Mama at sa tono ng boses niya ay alam kong umiiyak s'ya.

"Mama, papunta na po ako d'yan, may nautangan na po ako!" Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi mahalata ni mama na umiiyak ako, pinilit kong magboses masaya kahit na tuloy-tuloy pa rin ang pagbuhos ng mga luha ko.

[Zaffira sumuko na siya... Wala na ang papa mo.] 

Para akong naistatwa at binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako makagalaw at hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon.

"W-wala na? Nakaalis na siya ng hospital?" puno ng pag-asang tanong ko.

[Zaffira, anak... Patay na ang papa mo.] 

Tuluyan akong nanlumo at napaupo, para akong sinasaksak nang paulit-ulit. Ang pagluha na kanina ko pa pinipigilan ay tuluyan ng sumabog.

"Hindi Mama! Buhay pa si Papa! Hintayin n'yo ako, papunta na ako d'yan!" Mabilis akong tumayo at pumara ng tricycle.

"Puwede po bang paki bilisan? Sa Velazico Hospital po tayo," sabi ko sa tricycle driver at tumango lang ito. Humigpit ang pagkakahawak ko sa bag at nagsimula na naman akong umiyak. 

Lord, maawa po kayo alam ko pong maling desisyon ang nagawa ko at lubos ko po iyong pinagsisisihan. Huwag po ngayon please... Hindi pa po kami handa.

Pagka-abot ko ng bayad ay agad akong tumakbo sa 3rd floor kung nasaan ang kwarto ni Papa. Naabutan kong nakayakap si Mama sa nakababatang kong kapatid na si Mae at kapuwa sila umiiyak.

Bumilis ang pagtibok ng puso ko at nagsimulang manginig ang kamay ko.

"Ate!" Tumakbo palapit sa 'kin si Mae at umiiyak na yumakap sa akin.

"Ma? Nasaan si Papa?" tanong ko. Nag-iwas ng tingin si Mama at mas lalong lumakas ang pag-iyak niya.

"N-nasa morgue na." Pumiyok ang boses niya at napahagulgol si Mae.

Naramdaman ko ang panlalamig ng kamay ko at nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko. Napunta ang tingin ko sa isang kwarto na may nakalagay na 'Morgue' sa itaas.

Parang natutunaw ang binti ko dahil hindi ko ito maigalaw. Pinilit kong ihakbang ang mga paa ko papunta sa kwarto na iyon. Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang pinto ng morgue. 

Natutop ko ang aking bibig at tuluyan akong napa hagulgol nang tumambad sa aking paningin ang walang buhay at namumutlang katawan ni papa.

Lumapit ako sa kanya at dahan-dahan ko siyang inuga. "Papa, tayo na diyan. Nakahanap na ako ng pampa-opera mo. Hindi ba sabi mo hihintayin mo pa akong makapagtapos ng kolehiyo? At saka 'diba sabi mo mas magiging masaya ang Christmas natin this year? Highschool Graduation ko na next week, Papa! Tumayo ka na diyan!"

Patuloy ko siyang inuga at napaluhod ako habang humahagulgol nang lumapit sa 'kin si Mama. "Anak, tama na. Hayaan mo ng magpahinga ang papa mo." 

Napayakap ako kay mama at kay Mae dahil anumang oras ay baka hindi ko na kayanin ang sobrang sakit.

"Ang daya ni papa!" Humagulgol ako at ganoon din sila mama.

Wala na ang taong isa sa lagi kong tinatakbuhan kapag umiiyak ako, wala na ang taong laging nandiyan tuwing may problema ako, wala na ang dahilan kung bakit napilitan akong pumayag sa isang 'One night stand deal' ng isang walang pusong tao, nabalewala ang pagsasakripisyo ko. Ang pinakamasakit sa lahat... Wala na ang papa ko.

Tatlong linggo na ang nakalipas at hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang mga nangyari. Sa Bulacan namin inilibing si Papa para magkakatabi sila ng puntod nila Lola.

Dahil valid ang dahilan ng pag-absent ko sa Highschool Graduation Day namin ay naging exempted ako at kukuhanin na lang namin sa dean's office ang Highschool Diploma ko.

Ngayon ko lang binuksan ang cellphone ko at ang daming pumasok na messages mula sa kaklase at mga kakilala ko. Puro mga nag-condolence at ang iba naman ay nangangamusta.

Hindi ko muna binasa ang mga messages nila at sa halip ay ang mga text ni Lav ang tinignan ko. Naka-ilang missed call siya sa 'kin at 99+ unread messages.

Napangiti ako ng mapait at tinawagan ko siya. Nakatatlong ring lang iyon at agad niyang sinagot.

"Zaffi! Oh my gosh. I'm so sorry, hindi ko alam na marami kang tawag sa akin nang araw na iyon. I'm really sorry." pumipiyok ang boses niya at alam kong umiiyak siya.

Nagsimula na namang manuyo ang lalamunan ko at bumuhos na naman ang mga luha ko.

"Shh, it's okay," pagpapatahan ko sa kaniya.

"I'm really sorry. Nasaan ka?" Kahit lumuluha ay napa-iling ako. Masyadong kaming iyakin nitong si Lav, geez!

"Text ko sa iyo ang address," sabi ko na lang.

"Okay! Bilisan mo, gusto na kitang yakapin." Nagsimula na naman siyang suminghot tanda na umiiyak na naman siya.

Agad kong sinend ang address namin dito sa Bulacan at wala pang dalawang oras ay dumating na agad siya.

"Zaffi!" Mabilis siyang tumakbo palapit sa 'kin at niyakap ako. Naramdaman ko ang pamamasa ng balikat ko kaya medyo natawa ako.

"Sige, iyak pa," pilit na ngiting sabi ko.

"Sorry talaga Zaffi, huhu! May problema rin ako that day kaya naka-off ang phone ko. I'm really sorry." Nagsimula siyang humagulgol at hinimas ko ang likod niya.

"Okay na iyon, ang importante nandito ka na ngayon." Nginitian ko siya at ilang minuto pa kaming nasa ganoong sitwasyon, kung hindi pa kami tinawag ni mama para kumain ay hindi pa siya hihinto kakaiyak jusme! 

"Ito oh, kain pa!" Halos malula ako sa dami ng dala niyang pagkain at agad akong napatakbo sa lababo para sumuka dahil parang bumaligtad ang sikmura ko nang maamoy ang dala niyang palabok.

"Anong nangyari? Tita panis po ba?" tanong ni Lav at nag-aalalang lumapit sa 'kin.

"Hindi naman," nagtatakang sagot ni mama habang tinitikman ang palabok.

Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil ganito lagi ang nangyayari sa 'kin sa mga nagdaang araw. Wala akong maalala na naglagay si Sean ng proteksyon. Napalunok ako at kinakabahang napatitig kay Lav.

"Ma, saglit lang po. Kausapin ko lang si Lav," sabi ko at hinatak si Lavender sa labas.

"Bakit Zaffi? May problema ba?" kinakabahan na ring tanong niya. 

Magkaibigan ang mga family ni Sean at Lavender kaya hindi na ako nahirapang magkuwento. Masyado ring famous si Sean, dahil bukod sa playboy na siya ay kilala rin siya bilang mayaman pero walang puso.

Sumisikip na naman ang dibdib ko dahil sa sakit habang inaalala ang mga nangyari.

Hindi ko matawagan si Lav nang araw na iyon at wala na rin akong kilalang pwedeng mautangan. Tutor ako ng nakababatang kapatid ni Sean kaya hindi ako nahirapang lumapit sa kaniya, at dahil wala na akong pagpipilian ay napilitan akong pumayag sa deal niya kapalit ng 100 thousand pesos at agad naman siyang pumayag kahit hindi alam ang dahilan ko.

Sinabi ko rin kay Lav ang mga naramdaman ko sa mga lumipas na araw at sinabi ko rin ang hinala ko.

"Oh fvck! I'm really sorry Zaffi," umiiyak na sabi niya pero ngumiti lang ako. "Ano nang gagawin natin ngayon?" malungkot at bakas ang kaba na tanong niya.

"We need to confirm it first, can you buy me a p-pegnancy test?" I stuttered.

"Y-yeah sige, dito ka lang." Mabilis siyang nawala sa paningin ko at sumakay ng kotse. 

Wala pang 20 minutes ay bumalik na si Lav dala ang binili niyang pregnancy test at agad naming sinunod ang instructions.

Malakas ang tibok ng puso ko nang lumabas ako mula sa CR hawak ang pregnancy test. Hindi ko pa tinitignan ang resulta dahil natatakot akong baka totoo ang hinala ko.

Kagat-kagat ni Lav ang hinliliit niya at bigla siyang napatayo nang makita ako.

"Ano? Positive ba?" kinakabahan na tanong niya.

Agad kong inabot sa kaniya ang PT at mas tumindi ang kaba ko nang biglang nanlaki ang mata niya. Sh*t.

"A-ano?" kinakabahan na tanong ko pero hindi siya sumagot at nanginginig na ibinigay sa 'kin ang PT.

"D*mn!" napamura ako at nagsimula na namang lumuha.

Two red lines so it's a positive! Sh*t.

Yumakap sa 'kin si Lav at pilit akong pinapatahan. "Zaffi, ano nang gagawin natin ngayon?" bakas sa tono ng boses niya ang pag-aalala.

Wala akong masabi at napatitig na lang sa kawalan. Masaya ako dahil may baby na sinapupunan ko pero natatakot din ako, natatakot ako sa magiging reaksyon ni mama dahil hindi ko pa sinasabi sa kaniya ang nangyari at hindi ko alam kung paano iyon ipapaliwanag sa kaniya.

Puno ng katanungan ang isipan ko. Hindi ko magawang pagsisihan ang nangyari sa amin ni Sean dahil ayokong maramdaman iyon ng baby ko.

"Hindi mo ba ito sasabihin kay Sean?"

"Hindi! Ayokong ipa-alam sa kaniya," agad na sagot ko kay Lav. Tumango lang siya at hinimas ang likuran ko.

Magsusumikap ako para itaguyod ang baby ko kahit walang hinihinging tulong kay Sean. Ayoko nang makita siya at alam kong hindi niya rin naman gugustuhing makita ako dahil isa 'yon sa rules niya nang ginawa namin ang deal.

Nasisiguro ko rin na hindi niya matatanggap ang baby ko kaya bakit ko pa sasabihin sa kaniya. At isa pa, ang pamilya niya ay hindi ka-level ng pamilya ko, mga bilyonaryo sila samantalang mahirap lang kami.

Hinding-hindi ko hahayaang ipagtabuyan at laitin lang ako ng walang pusong taong iyon. 

Isa lang ang nasisiguro ko sa oras na ito. Wala na akong balak magpakita pa kay Sean Mirzseil at hindi ko hahayaang malaman niya ang tungkol sa anak ko.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Artemis Hauxela
Ang sakit grabe, I feel your pain Zaffira
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status