Share

Hiding The Billionaire's Daughter
Hiding The Billionaire's Daughter
Author: ThePurpleGoddess

PROLOGUE

"Woah! Galing naman ni Zarrie, naubos na niya ang foods niya! Yey! Wash your hands na dali!" Nakangiting pang-uuto ko sa anak ko.

"Yay! Okie po, Mama!" masiglang sabi n'ya at pumunta na sa lababo para maghugas ng kamay.

Natawa na lang ako at napa-iling, masyado ko yatang bini-baby ang anak ko.

Biglang nag-ring ang cellphone ko at agad ko itong sinagot nang makita ang pangalan ni Lav sa caller ID.

"Hey Lav, napatawag ka?" 

[Zaffi, nabalitaan mo na ba?] nag-aalinlangang tanong niya.

"Ang alin?" 

Tumayo ako at pumunta sa refrigerator. Inipit ko ang cellphone ko sa pagitan ng tainga at balikat ko para makapagsalin ng tubig sa baso. 

[Sean Mirzseil is back,] tensyonadong sabi n'ya.

"Ah oka– What?" Kasabay ng pagkagulat ko ang pagbagsak ng baso.

He's back? Oh fvck!

"Akala ko ba sa New York na s'ya for good?" gulat pa rin na tanong ko. Ramdam ko ang mabilis na pagdaloy ng kaba at halo-halong emosyon sa puso ko.

[Akala ko rin, pero he's back for marriage preparation... He's getting married.]

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig. M-marriage preparation?

Nagsimulang manuyo ang lalamunan ko, hudyat na ilang sandali na lang ay tutulo na ang luha ko.

"Hala! What's happened, Mama?"

Agad kong napatay ang tawag at nalipat ang atensyon ko sa anak kong nakatakip ang kamay sa kaniyang bibig. Lalapit sana sa 'kin si Zarrie ngunit sinenyasan ko s'yang huwag dahil may mga bubog.

"Z-zarrie ahm, brush your t-teeth na and go to bed." Nagpilit ako ng ngiti at kahit nagtataka ay tumango s'ya at mabilis na sumunod.

Kahit na natataranta ay mabilis kong inalis ang basag na baso at nagwalis nang mabuti para matiyak na walang matitirang bubog. Hinugasan ko rin muna ang pinagkainan namin bago pumunta sa kwarto.

Napatitig ako sa inosenteng mukha ni Zarrie na mahimbing na natutulog. Hinalikan ko s'ya sa noo at napangiti nang mapait kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Huli na ba talaga ang lahat? Hindi na ba talaga makakasama ng anak ko ang ama nya? Wala na ba talagang pag-asa?

Tumayo ako at lumabas dahil sa takot na magising ang anak ko sa paghikbi ko. Kasabay ng bawat pag-agos ng luha ko ang pagbalik ng mga alaalang matagal ko ng binaon sa limot, six years ago.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Artemis Hauxela
ang ganda* kasi 'yan
goodnovel comment avatar
Artemis Hauxela
Ang hands ng prologue. good job Miss Purple
goodnovel comment avatar
Lazy_Astrie
Gusto kong magka zem para ivote story mo, huhu. Pero wala ako non!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status