Share

CHAPTER 4

last update Last Updated: 2024-09-26 18:22:43

Hindi na ako bumaba pa sa cafeteria upang mananghalian dahil mas pinili na lang namin ni Alex na dito na lang kumain sa office. Napansin ko kanina ang kakaibang kinikilos ni Alwxa ngunit hindi ko na lamang ito pinansin pa. Masaya kaming kumain ni Alex ng lunch namin dahil mas tahimik naman dito sa may terrace sa department namin.

"Baks bakit nga pala nandito kanina ang CEO?" tanong ko dito matapos nitong makabalik nang magtapon ito ng pinagkainan namin

"Hindi ko alam dahil nawala na ako sa sarili kanina sa pagkataranta sa nangyari sa iyo" tugon nito sa akin kaya tumango na lamang ako

"Saan nga pala galing kanina yung ininom mo?" nagtatakang tanong ko dito dahil  sa pagkakaalala ko ay wala nang tubig sa water despenser kanina 

"Kay Mr. CEO nanggaling iyon at nakasalubong ko ito kanina nang papalabas na sana ako ng pantry para tumakbo sa kabilang team" paliwanag nito sa akin kaya tumango na lamang ako

Hindi naman siguro nito alam na ako ang babae na naikama nito noong gabing iyon dahil pareho kaming lasing noon. Saka paano naman nito malalaman na ako ang may-ari ng kwentas na iyon dahil na naiwala ko nang hindi ko namamalayan. Napabalik lamang ako sa reyalidad nang hamapasin ako ni Alex sa braso ko kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko ha babae?" nakataas kilay na tanong nito sa akin kaya napaiwas  ako dito ng tingin dahil hindi ko kayang magsinungaling dito. 

"Hoy Maria ha payong kaibigan lang, mag-iiwas ka kay sir Mark dahil parang nagpapalit lang ng damit yang si sir kung magpalit ng girlfriend at sa tingin ko ay ikaw naman ang target nito" paalala sa akin ni Alex kaya tumango ako upang iparating na naiintindihan ko.

"Bakit ang sama lagi sa akin ng tingin ni Alexa simula kanina nang lumapit sa akin ang boss natin?" kuryuso kong tanong dahil hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit parang galit sa akin ang kaibigan ko

"May feelings kasi ang gaga sa boss natin at bago ito umalis dati pasa ibang bansa ay nagawa ni gagang maghubad sa harap ni sir pero deadma lang ang binata" kwento nito sa akin at tila walang pakialam kung marinig siya ng iba

"Hindi man lang ba pinatulan ni boss si Alexa?" mangha kong tanong dito dahil hindi ko akalain na magagawa iyon ng kaibigan ko para lamang sa isang lalaki

"Hindi at for the record may inaalagaan iyang si boss at daig pa ang babae kung makaalaga sa virginity nito kahit nga halik hindi nito nagawa" kwento nito sa akin kaya namula ako dahil sa naalala noong gabing iyon

"Sabi nga ang dami nitong naging babae tapos hindi man lang nito ginalaw?" hindi makapaniwalang tanong nito sa akin 

"Hindi kasi may paniniwala ang pamilya nila na kung sino man ang una nila ay ito na ang ihaharap nila sa altar at mamahalin habang buhay kaya ang swerte nang babae na mamahalin ng boss natin" wika nito sa akin kaya napailing ako

Kailangan kong mag-ingat pagdating sa boss namin at sana ay wala itong naalala o hindi nito ako namukhaan ng gabing iyon. Agad kaming pumasok ni Alex sa loob ng department nang malapit nang magworking hours at agad kaming naglog-in doon. Inumpisahan ko na ang trabaho ko at dahil kompleto ang lahat ng workers ngayong araw ay hindi kami masyadong nahirapan at natambakan ng trabaho. 

Hindi pa rin kami ayos na magkakaibigan kaya laging si Alex ang kasama ko sa buong maghapon. Hindi na din kami bumaba upang magmeryenda at mas pinili naming tumambay na lamang sa terrace at magkwentuhan upang patayin ang oras. Masaya kaming nagtawanan at may ilang napapatingin sa pwesto namin dahil sa maling interpretasyon nila sa amin. Hindi naman masama na makasama si Alex at bilang isang kaibigan ay maasahan ito at isa pa ito ang kauna-unahan kong kaibigan dito sa trabaho ko.

"Baks malakas ang ulan at malayo pa ang bahay ko at sigurado akong baha na din sa daan patungo sa tinutuluyan ko" nag-aalalang wika nito sa akin habang nakatingin sa malakas na buhos ng ulan

"Sa bahay ka na muna magpalipas ng gabi" sambit ko dito kaya  napayakap ito sa tuwa kaya napangiti din ako

"Salamat talaga baks, hulog ka talaga ng langit" tuwang saad nito sa akin 

"Ehem" napatingin kami sa gilid namin ng marinig namin ang bahagyang pag-ubo ng nasa tabi namin at nagulat ako ng makita si sir Mark na nakatingin sa harapan

"Baks tara na" mahinang bulong nito sa akin at agad akong hinila noong may tumigil na taxi sa harapan namin

"Goodbye po boss" nakangiting paalam ko dito at kinawayan pa ito bago pumasok sa loob ng taxi

Hindi ko na tiningnan muli si sir at agad na sinabi sa kay kuya ang address nang tinutuluyan ko. Nang makarating ay agad akong nagbayad ng pamsahe ko at agad na bumaba sa taxi at nagtungo sa apartment ko. Sobrang lakas pa din ng ulan at pinayungan na ako ni Alex para hindi ako mabasa ng ulan habang nagbubukas ako ng gate.

"Pasok ka na Alex" nakangiting pagpapatuloy ko dito sa bahay ko at agad naman itong pumasok sa loob

Agad akong nagtungo sa kwarto ko upang kumuha ng malinis na tuwalya sa aparador upang ibigay sa kaibigan ko. Naabutan ko ito na nakaupo sa si Alex sa sofa kaya agad kong iniabot dito ang tuwalya upang balutin ang kaniyang katawan. 

"Anong gusto mong ulam?" tanong ko dito kaya napatingin ito sa akin 

"Kahit ano na lang hindi naman ako pihikan sa mga pagkain" nakangiting tugon nito sa akin kaya napatango na lamang ako

Agad akong nagtungo sa kusina pagkatapos kong ituro rito ang banyo upang makapagligo ito at buti na lamang mayroon itong dalang extrang damit. Mabilis ang naging kilos ko sa pagluluto upang makakain na kami ni Laex sa paglabas nito. Kalahating oras ang itinagal nito sa banyo at saktong luto na ang niluto ko kaya inaya ko na itong kumain.

*tok* *tok* *tok*

Napatigil kami ni Alex sa pagkain dahil sa narinig naming katok mula sa labas ng bahay ko. Tatayo na sana si Alex upang pagbuksan ng pinto ang tao sa labas nang pigilan ko ito. Agad akong tumayo sa hapag at nagtungo sa front door upang pagbuksan ang kumakatok sa kalagitnaan ng masamang panahon. 

"Boss" gulat na sambit ko nang tumabad ito sa harap ko nang mabuksan ko ang pintuan 

"Can I get in?" nilalamig na tanong nito kaya napatango na lamang ako dala nang pagkagulat

"Tuloy din po kayo kuya" nakangiting pagpapatuloy ko sa taong tingin ko ay driver ng boss ko

Agad kong isinarado ang pintuan ng bahay ko at nagtungo muli sa kwarto ko upang kunin ang natitirang dalawang malinis na tuwalya. Nang makuha ay agad ko itong iniabot sa dalawang nasa sala na agad naman nilang kinuha at nakita ko si Alex na nakasilip dito sa sala.

"Maligo po muna kayo bago kayo sumabay sa amin sa hapunan upang hindi kayo magkasakit" magalang na sabi ko dito at agad na itinuro ang banyo na ginamit kanina ni Alex at si boss ay sa banyo ko na lamang paliliguin

Agad ko itong sinamahan sa loob ng silid ko dahil ito na lamang ang banyo sa bahay na tinutuluyan ko. Agad nitong tiningnan ang kabuuan ng kama ko bago nagtungo sa banyo na itinuro ko rito. Nang makapasok ito sa banyo ay agad akong nagtungo sa mga bakanteng silid dito sa bahay. Agad kong inayos iyon para sa mga bisita na makikitulog sa bahay ko ngayong gabi. Nang matapos sa ginagawa ay agad akong pumunta sa kusina upang ipagpatuloy ang pagkain.

"Good evening po" magalang na bati ni Alex kay boss at tinanguan lamang nito ang kaibigan ko

Agad na umupo sa tabi ko si sir at sa tabi naman ni Alex ang kasama ng katabi ko at nagsimula na din silang kumain. Tanging tunog lamang ng mga kubyertos ang maririnig sa buong paligid dahil sa sobrang tahimik at nagsimula na din akong makaramdam ng pagkailang. Nang matapos sila sa pagkain ay agad ko silang inihatid sa silid na kanilang tutulugan ngayong gabi.

Nang masigurong komportable ang mga bisita ko ay agad akong bumalik sa kusina upang magsimula nang magligpit nang pinagkainan namin. Balak pa sanang tumulong ni Alex ngunit pinigilan ko na lamang ito dahil bisita ito at hindi ko hahayaan na kumilos ito sa bahay ko gayung kaya ko naman ang kumilos. Nang matapos sa paglilinis ang mga pinggan at iba pang kagamitang pangkusina ay agad akong nagtungo sa sala upang magpahinga saglit.

"Anong ginagawa ng lalaking iyon sa bahay mo?" biglang tanong nang lalaki sa likod ko kaya nahulog ako sa sahig dala nang pagkagulat

"Wala itong matutuluyan dahil baha na sa daanan papuntang bahay nito kaya dito ko na lamang pinatuloy ngayong gabi saka wala namang masama na patuluyin ang kaibigan ko na nangangailangan ng tulong" paliwanag ko dito at agad na bumalik sa pagkakaupo

"Hindi magandang tingnan na magkasama kayo sa bahay o kahit saan lalo na kung kayo lamang dalawa ang magkasama" katwiran nito sa akin kaya napatingin ako dito

"Isipin na nila ang gusto nilang isipin wala na akong pakialam basta ang mahalaga alam ko sa sarili ko ang totoo at saka matagal ko nang kilala si Alex at hindi na iba ito sa akin kaya mahalaga ito sa buhay ko" inis na tugon ko dito at agad na tumayo na

"Okay" malamig na sabi nito sa akin at agad na tumungo sa silid na tutulugan nito

Napailing na lamang ako sa inasal nito at tiningnan ang pinto at bintana kung nakalock na itong mabuti bago pumasok sa silid ko. Agad akong nahiga sa kama ko at hinayaan ang sarili na makatulog dahil maaga pa akong gigising bukas upang magluto ng umagahan naming lahat bago pumasok sa trabaho.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 51

    "Huwag kang mag-alala sir Mark kasi hindi naman akonagtanim ng sama ng loob sa inyong lahat noong mga panahong kinakailangan ko ng karamay. Ang totoo niyan nagpapasalamat ako kasi napatunayan ko sa sarili ko na hindi ko kailangan ng tulong mga taong malalapit sa akin dahil kinaya ko na tumayo sa sarili kong mga paa. Naging matatag ako sa pinakamadlilim na parte ng buhay kong iyon kasi may buhay na kailangan kong protektahanat alagaan kahit na walang-wala ako ng mga panahon na iyon. Ilang buwan akong naging palaboy sa kalsada at namamalimos maitawid ko lamang ang sarili ko sa mga araw na iyo" wika ko dito habang inaalala ang mga pinagdaanan ko sa loob ng limang taon na lumipas"Sorry" mahinang sabi nito pero umabot pa din sa pandinig ko kaya napangiti ako dito ng mapait"Ayos lang po kasi alam ko naman na hindi nyo ako responsibilidad" nakangiting sabi ko dito "Limang buwan na akong buntis ng mapadpad ako sa lugar na ito, limang buwan na hindi ko alam kung ano bang kalagayan ng anak ko

  • Hiding The Billionaire's Son   Chapter 50

    Buong maghapon na magkasama kami ni sir Mark sa tabing dagat habang pinapanood namin si Ken na masayang naglalaro kasama ang mga kaibigan nito. Hindi kopadin nasasabi sa kaniya ang lahat, lalo na ang tungkol sa anak namin na binawian ng buhay habang nasa loob pa lamang ng sinapupunan ko. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan na sabihin sa kaniya ang tungkol sa kakambal ni Ken lalo na at hindi ko pa alam kung ano ang motibo nito sa paglapit nito sa aming mag-ina."Pwede ba tayong mag-usap ng tayong dalawa lang?" dinig kong tanong sa akin ni sir Mark kaya bahagya akong bumaling dito bago muling ibinalik ang atensyon ko sa anak ko"Tungkol saan?" mahinang tanong ko dito "Sa lahat" maikling tugon nito sa akin kaya nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hiniga at agad na tumango dito"Sige doon tayo sa may teresa ng bahay para mabantayan pa rin natin si Ken habang naglalaro ito sa may baybayin kasama ang mga kaibigan nito" wika ko dito at nauna ng maglakad patungo sa bahay Ramdam ko

  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 50

    Mabilis na lumipas ang mga araw at nakahanap na din naman ako ng resort na pweding pagdausan ng kaarawan ni Ken sa Enero 5. Hindi na din nagawa pang makahanap ng tutuluyan si sir Mark sa buong pananatili niya dito sa amin dahil sa talagang punuan na nga ang mga hotel at resort. Wala na ulit dito ang mag-ama dahil kasalukuyan ang mga ito na nanliligo sa dagat na naging paborito na atang gawain ng bata sa tuwing nandito kami. Abala ako sa pagluluto ng aming pananghalian dahil sigurado akong gutom na ang dalawa kapag bumalik na sila dito galing sa dagat. Naisip ko na kausapin na din si sir Mark tungkol sa plano nito sa bata upang hindi na ako mangapa pa sa sitwasyon namin. Kalahating minuto pa ang hinintay ko bago ako natapos sa pagluluto at napangiti ako ng makita ko ang anak ko na masiglang naglalakad papalapit sa akin kahit na basa pa ito mula sa panliligo sa dagat."Mommy ano po ulam?" tanong nito sa akin"Paborito mo pong tinola" nakangiting tugon ko dito kaya agad na nagniningning

  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 49

    Mdadilim pa salabas ng magising ako kinabukasan kaya naman agad na akong bumangon at kumuha ng maliinis kong kasuotan at agad na nagtungo sa banyo upang maligo na. Dahil Disyembre na at nasa probinsya kami, idagdag mo pa na malapit kami sa dagat ay damang-dama ko ang malamig na simoy ng hangin patunay na buwan na ng kapaskuhan. Mabilis lamang ang naging pagliligo ko at agad na pinatuyo ang buho gamit ang hair dryer na matagal ko ng ginagamit habang nakaupo sa harap ng salamin ko. Agad na tiningnan ko ang oras sa orasan kong nakasabit sa dingding at ng makitang pasado ala singko na ng umaga ay agad na akong nagtungo sa labas upang makapaghanda na ako ng umagahan naming tatlo.Tahimik pa sa labas at sigurado akong tulog pa ang mag-ama kaya dahan-dahan at may pag-iingat ang naging kilos ko upang hindi sila magising. Nakahinga ako ng maluwag noong makarating ako sa kusina kaya naman naghanap na ako ng pwede kong lutuin na bagay sa ganitong kalamig na panahon. Nakita ko ang isang buong ka

  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 48

    Madilim na sa labas ng magising kaya agad akong napabalikwas ng bangon at dali-daling bumaba ng kama at mabilis na nagtungo sa pinto upang lumabas ng silid ko dahil baka hindi pa kumakain ang anak ko ng tanghalian gayong napasarap ang tulog ko at nakaligtaan na magluto ng pananghalian namin. Hindi ko na naisip ang hitsura ko at agad na nagtungo sa baba ng bahay at agad na hinanap si Ken upang tanungin kung nakakain na ito at natigilan ako noong pagpasok ko sa kusin ay nandoon pa din si sir Mark at abala sa pagluluto. "Daddy bakit po hindi pa nagigising si mommy? Matutulog po ba ulit ito ng mahaba katulad noong nasa Manila pa kami? Maghihintay po ba ulit ako ng matagal bago ko maramdaman ang pagmamahal ni mommy? Marinig yung malambing at mahinahon na boses nito sa tuwing kausap ako? Hindi ko po ba ulit masisilayan ang kislap ng mga mata nito sa tuwing masaya ito at ang mga halakhak nito sa tuwing nanonood kami ng mga palabas sa tv?" malungkot na sunod-sunod na tanong ni Ken sa ama nit

  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 47

    Matapos naming kumain ay agad na hinila ni Ken ang ama palabas ng kusina kaya napailing na lamang ako sa ginawa nito. Tumayo na din ako upang magligpit ng pinagkainan naming tatlo at hugasan na ito. Maingat ngunit mabilis ang naging kilos ko sa paghuhugas ng pinggan bago ako at saktong katatapos ko lamang ng maramdaman ko na may humawak sa damit ko. Napangiti na lamang ako dahil si babay Ken ko lang naman ang gumagawa ng ganito kapag may gusto itong gawin o puntahan upang mabilis akong mapapayag. "Mommy" napatingin ako sa anak ko ng marinig ko ang cute na boses nito "Ano po iyon anak ko?" malambing na tanong ko dito matapos kong lumuhod sa harapan nito upang mapantayan ang anak "Pwede po ba ako magpunta sa tabing dagat kasama ang daddy ko?" inosente nitong tanong sa akin kaya napangiti ako dito bago haplusin ang malambot nitong buhok "Ipapasyal mo si daddy?" pigil ngiting tanong ko dito kaya agad itong tumango sa akin ng paulit-ulit "Opo mommy pwede po ba?" umaasang tanong nito

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status