IRITADO na muling dinukot ni Heilena ang kanyang cell phone sa kalagitnaan nila ng pagkain. Katatapos lang nilang mag-snorkeling no'n at masyado silang napagod at nagutom kaya nagpasya silang kumain na rin bandang alas diyes ng umaga. Pero heto, tumatawag na naman ang kaibigan niya. Lahat na lang ba sila sa city ay tatawag sa kanya? Ano ba ang problema ng mga iyon? Aniya sa isipan.
Napahinto siya sa pagkain niya saka dinalapag ang kubyertos sa kanyang plato. "Hello? Bea, ano ba?" inis na sagot niya sa kabilang linya.
"Hays, friend, sorry na. E, kasi naman nakokonsensya ako. Ito kasing lover mo, ayaw kumain. Can you go home now? Nag-faint kasi siya kanina lang. Sabi ng kaibigan niyang si Carlo, hindi pa raw siya nakakain so malamang, hindi rin siya nakainom ng gamot. Ikaw raw ang hinahanap, e." Pagpapaliwanag ni Bea habang nakakunot ang noo. She admits, nag-aalala naman siya kahit paano kay Timothy. Pero syempre, bad shot pa rin ito sa ka
GUSTOHIN man ni Heilena na mag-enjoy sa Isla Catalina, ang huling gabi nila ngayon ay siyang bahagyang malamig para sa kanya. Kahit na nakagawa na sila ng apoy para sa bonfire nila ay parang may kulang pa rin talaga. Si Timothy ang lumilipad sa isip niya. The image of him is stocked in her mind.Hindi niya namamalayan na natutunaw na pa la ang marshmallows na iniihaw niya."Mommy! Look at your marshmallows! They are already melting!" Puna ni Tinsley na natatarantang inilayo sa apoy ang marshmallows ng mommy niyang nakatuhog sa isang mahabang stick.Napakurap-kurap si Heilena. "Oh, my gosh!" aniya saka hinipan-hipan ang marshmallow niyang kamuntik nang maglaho nang parang bula."Hinndi kasi dapat nakatulala habang nag-iihaw ng marshmallow, Lena. Is something going on in your mind?" nagtatakang tanong ni Xander. He's a bit worried. Masaya naman si Heilena kung pagmamasdan niya pero may mga beses na tahimik ito a
MAAGA pa nang makarating sina Heilena sa opisina. Doon na lang niya muna inuwi ang anak niya para naman diretso na. Hussle pa kasi kung dadaan pa sila sa bahay. Although medyo pagod silang dalawa sa biyahe ay hindi pa rin naubusan ng energy ang bata. Nilabas pa nga nito ang mga laruan niya samantalang si Heilena ay busy sa pagbibilang ng stocks niya at sapag-aasikaso ng lahat ng mga na-miss niyang trabaho sa dalawang araw na wala siya. In fairness, nakatulong naman kahit paano ang pagliliwaliw nila ng dalawang araw dahil mukhang nakapag-unwind naman sila at isa pa, masaya si Tinsley. Iyon ang mahalaga. Mabuti na lang talaga at hanggang dito ay inihatid sila ni Xander. Well, maganda naman kasi ang office ni Heilena, It's spacious at parang bahay na rin since dito nakaimbak ang lahat ng stocks nila. May kuwarto din at mini kitchen. Kaya for sure, kahit mapagod pa si Tinsley ay makakapagpahinga ito.Hindi napansin ni Heilena ang pagpasok ng isang binata sa lo
SA mga titig pa lang sa kanya ni Allain ay para na itong isang demonyo na nagtatago sa katawan ng isang santa. Hindi niya mabasa ang iniisip nito pero hindi maganda ang kutob niya. Allain looks decent and fine. Pero for sure, may tinatago itong kasamaan ng ugali. Unang pagkikita pa lang nila ay tinarayan na agad siya nito. Isa lang ang sigurado si Heilena ngayon. Mukhang kailangan niyang maging maingat. "I know that you are professional, Ms. De Guzman. But the thing that I want to tell you is beyond that." Napataas agad ng kilay si Heilena. "So, you are saying that this isn't about any business?" may panunuya niyang tanong. "Sabihin na natin na oo. But I guess, this person is your business. He is both our business."Nanindig agad ang balahibo ni Heilena. So, this damn woman right here is referring to a guy. At wala namang ibang lalaki na may kuneksyon sa kanilang dalawa kundi si Timothy. Hindi pwedeng iba ang ibig nitong sabihin.
PUMAGITNA na ang mommy at daddy ni Heilena na tila naguluhan sa kung anong komosyon ang biglang nangyari. Okay pa kasi sila kanina kaya medyo napaisip ang mga ito kung bakit bigla na lang nagsitaasan ang boses nilang dalawa."Anong nangyayari dito? Bat kayo nakasigaw?" Nag-aalalang tanong ng mommy ng dalaga.Maagap na pinatayo nito si Tim. "Timothy, anong problema?"Pero hindi nasagot ang binata. Nakayuko lang siya. Naiiyak na naman siya. He feels so gay whenever he feel like crying."Mom, let him be. Makakaalis na siya. I had enough, mom.""P-pero hindi ko maintindihan kung anong nangyayari? Sabihin niyo sa 'kin at naguguluhan ako!" Sigaw nito.Pilit naman siyang hinahawakan sa balikat ng daddy ni Heilena at pinakakalma siya dahil mukhang pati ito ay nasi-stress na rin. Sino ba naman ang hindi mag-iisip ng iba kung ganitong eksena ang aabutan nilang mag asawa. Mabuti na lan
TINSLEY had no idea about what is going on. She was so innocent. Ni hindi nga niya alam na nag-away na ang mga magulang niya. Ang alam niya lang ay gusto nang lumayo sa kanya ng Tito Timothy niya at hindi na nito napigilan ang magtampo. Oo, nagtatampo ang bata at hindi nila alam kung paano nila itong aamuhin. Nasa dining area sila ngayon. Katatapos lang nila magdasal bago kumain ng breakfast. Usually ay si Tinsley pa ang magpapabida para mag-lead ng prayer bago sila kumain pero ngayon, she kept rubbing her hands habang nakayuko. Hindi siya nagsasalita. Ni isa sa mga kasama niya ngayon ay hindi niya kinakausap. Naawang napatingin sa kanya ang mommy niya nang matapos ang dasal. Napabuntong-hininga pa nga ito saka niya hinawakan sa balikat si Tinsley. "Sweety, show me your face, child. Kumain na tayo." Pero parang walang narinig ang bata. Ni hindi man lang nga ito umimik o tiningnan man lang ang momm
Noong gabing iyon na pinagtabuyan ni Heilena si Timothy ay halos bagsak ang balikat nitong nagmaneho pauwi. Bukod sa nasasaktan siya ng sobra ay nag-uumapaw ang galit niya kay Allain. Sinusubok talaga nito ang kanyang pasensya. Parang gusto niya itong patahimikin na lang. Kung puwede lang sana ay ginawa na niya but he can’t.Hindi niya namamalayan na nagmamaneho na pa la siya papunta sa condo kung saan tumutuloy si Allain. Alam niya iyon dahil alam niya ang personal details ng mga empleyado niya. Akala siguro ni Allain ay mapapalampas ni Timothy ang ginawa niya pero hindi. Hindi niya ito palalampasin sa pagkakataong ‘to dahil sobra na.Pinindot niya ang door bell sa unit ni Allain ng paulit ulit na para bang nagmamadali ito. Agad naman iyon na napansin ni Allain dahil halos masira na ang door bell niya kapipindot ni Timothy. Nang pagbuksan niya ito ng pinto ay lumapad ang kanyang ngiti. She became so excited nang tumambad sa kany
KINAUMAGAHAN, pipikit-pikit pa si Timothy bago tuluyan niyang naimulat ang kanyang mga mata. Naguluhan siya kung bakit tila puting-puti ang nakapaligid sa kanya. Inilibot niya ang kanyang paningin saka niya napagtanto na nasa isang hospital pa la siya dulot ng aksidenteng nangyari noong nakaraan. "Sir? G-Gising na kayo??!" uutal-utal na wika ng kanilang kasambahay na siyang isa sa mapagkakatiwalaan nila. Siya itong nagbantay muna sa kanya pansamantala. Hindi rin naman puwede si Carlo dahil siya ang pansalamantalang sumalo sa mga gawain nito sa opisina. May benda sa may bandang ulo niya si Timothy gawa ng bubog mula sa pagkabasag ng salamin ng kotse niya. Mabuti na lang at hindi tumama sa mga mata niya ang mga bubog dahil pag nagkataon pa ay maari niya pa itong ikabulag. Nasa kustodiya na rin ng mga police ang truck na bumangga sa binata at kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ang naganap. &nb
KUNOT-NOO si Tinsley nang isakay siya ng Tita Bea niya sa kotse nito. Hindi niya alam kung saan sila pupunta pero mukhang importante dahil nagmamadali ang dalaga."Tita Bea, where are you taking me? Is it that important?" anito sa kanya nang makasakay sila ng sasakyan."Sorry, baby. Nabigla ka ba? Pasensya na. Your Tito Tim has to see you."Mas lalong nangunot ang noo ng bata. "R-Really? B-But why? He left me that night. I thought he was already saying goodbye to me," malungkot na sagot nito sabay yuko niya.Napakagat ng labi niya si Bea saka ini-start ang engine ng kanyang kotse. Mabilis nitong pinaharurot ang kotse niya papuntang hospital kung saan naka-confine ang binata. Mabuti na lang talaga at nalaman niya mula kay Carlo na naaksidente ito dahil kung hindi, hanggang ngayon ay walang kaalam-alam ang bata. Lalo pa at napalapit na ang loob nito kay Timothy."You will know when we get there, sweet heart." Tanging