Hindi alam ni Heilena kung paano niyang ipapaliwanag ang tungkol kanina kay Tinsley. For sure, magtatanong ang anak niya. Nature na ng bata ang magtanong at expected na iyon sa mausisa na si Tinsley. Ngayon ay magkaharap silang dalawa. Naglalaro ng manika ang bata at hinihintay lang na magsalita ang mommy niya.
"Sweety," ani Heilena saka tinabihan si Tinsley sa kama nilang mag-ina.
"Yes, mommy?"
"How are you? Did you behave kanina sa office?" tanong ni Heilena sa anak.Napakamot ng ulo si Tinsley. "Of course, mom. Like what I always do. But who was that man awhile ago? What is he doing in your office? Why do you seem to know each other too well?" sunod-sunod na tanong ng bata. Sinasabi na nga ba ni Heilena, madami itong baong tanong, e. Tatahi-tahimik lang si Tinsley pero madami pa la itong tanong sa isipan niya.
"Sweety, he was your Tita Heilen's ex boyfriend." Pagpapaliwanag ni Heilena. Gustong-gusto na niyang sabihin sa bata na si Timothy rin ang ama nito pero hindi niya pa kaya. Masyado pang kumplikado at isa pa ay nag-a-adjust pa lang si Tinsley dito sa Pilipinas. Ayaw niya naman na biglain din pati ang utak ng bata lalo pa at limang taong gulang pa lang ito.
"Oh, really? He is my uncle, then? Can I call him tito from now on?"
Mariing napapikit si Heilena. Ano'ng gagawin niya? Ayaw naman niya na biglain ang bata.
Napahilot siya sa kanyang sentido. "A-Ano kasi, uhmmm Tinsley. . ."
"Why, mom? Is there something wrong?"
Namumutla na si Heilena. Nanunuyo na rin ang lalamunan niya. Pero kailangan niya munang itago ngayon sa bata ang totoo. She will take it slowly but surely. Iyong hindi ito mabibigla. "Yes, of course. You can call him tito. Walang problema si Mommy, anak," nakangiti pero alanganing sagot ni Heilena.
After all, hindi niya pa rin naman puwedeng basta-basta na lang papasukin si Timothy sa buhay nilang dalawa dahil walang katumbas ang sakit na binigay niya kay Heilena noon. Hinding hindi niya makakalimutan ang gabing 'yon. At ang araw na pinaramdam nito sa kanya na parang wala siyang kwenta, na kay Heilen lang ito may pakialam at wala sa kanya. Para siyang isang patapong bagay na matapos gamitin, wala nang halaga. Napapangiti na lamang siya ng mapait habang inaalala ang nakaraan niya. But at least now, she has Tinsley. Ang pinakamagandang regalo na dumating sa buhay niya.
*****
Hanggang ngayong nakauwi na si Timothy ay iniisip niya pa rin ang tungkol kanina. Hindi maalis sa isipan niya ang mukha ng bata na nakaharap niya. He is really a hundred percent sure na anak nila iyon ni Heilena.
"Darn it!!" inis niyang sigaw saka niya padabog na nilapag ang baso ng wine sa lamesa. Here he is again, drowning himself over a drink.
Napaayos ang gusot sa noo niya nang biglang nagbukas ang pintuan. Si Carlo pa la.
"Sup? May pa-wine ka pa la dito, kung hindi pa ako nag-surprise visit, hindi ko pa matitikman itong wine mo."
Kung sinuswerte nga naman si Timothy. Mabuti na lang at dumating si Carlo nang may makausap naman siya.
"Carlo, sagutin mo nga 'tong tanong ko. What if isang araw malaman mo na lang na may anak ka na pa la at nilihim iyon sa 'yo ng limang taon? Magagalit ka ba?"
Napatungga si Carlo ng wine saglit bago nagsalita. "Anak? You mean, paano kung isang araw nalaman mo na lang na may anak ka? Tinaguan ka ng anak sa madaling salita?"
Tumango-tango si Timothy.
Namilog naman ang mga mata ni Carlo. "Wait, dude. Don't tell me, nakabuntis ka?? Nabuntis mo ba si Allain??"
"G*go! Ngayon ko nga lang nagalaw 'yon, e. Saka, bagong sekretarya ko lang 'yon si Allain. Isa pa, may kasunduan kaming no strings attached. Can't you see? I am just using her."
"So, bakit mo nga natanong? Wait. . ." Huminto saglit si Carlo para mapaupo saka nag-isip. "Oh, f*ck! Don't tell me. . . " Tinitigan nito ng mata sa mata si Timothy. "Huwag mong sabihing nabuntis mo si Heilena five years ago?" namimilog pa ang mga mata na tanong ni Carlo.Napaiwas ng tingin si Timothy saka nagkunwaring busy sa harap ng mga paper works niya.
"Sh*t, pare! Silence means yes! Ano? Nabuntis mo nga? May anak kayo? N-Nakita mo na ang anak mo?"
Bumuga ng hangin ang binata. "Yes," tipid na sagot nito saka mariing napapikit. "I don't know what to react, Carlo. Gusto kong magalit! Actually, no. Galit talaga ako, e. Pero sa mga sinabi niya sa akin kanina, parang biglang pinamukha niya sa akin na deserve ko kung bakit niya nilihim. Na parang mas mabuting hindi ko na lang nalaman."
"E, kasi naman, pare, naging harsh ka naman kasi talaga sa kanya noon. 'Di ba? Huwag mong i-deny dahil saksi ako diyan. Ayaw na ayaw mo talaga sa kanya noon kasi party goer siya. Happy go lucky. Parang pakawala. Pero dude, ikaw ba ang nakauna sa kanya?" Pag-uusisa pa ni Carlo.
"What is it to you? Tsk. Oo, ako."
"Grabe! Iba ka! Ang tinik mo! Kahit sa unang beses niyong ginawa, nakabuo agad kayo? You are a shooter, man!"
"Tsk. Umalis ka na nga lang kung wala kang maitutulong sa 'kin, Carlo. Nakakawalang gana kang kausap, e."
"Ito naman, 'di mabiro. Ano bang plano mo ngayon? Papakilala ka sa bata, gano'n?" kunot noo na tanong ni Carlo saka inubos ang natitirang wine sa baso niya.
Nag-isip saglit si Timothy. "Hindi ngayon. Baka mabigla ang bata. Saka, kailangan ko pang makausap si Heilena."
"Talaga? Usap lang ba?" nakangising pang-aasar pa ni Carlo.
"G*go ka talaga!"
Ilang saglit pa ay bigla muling may dumating kaya napatigil ang dalawa sa pag-uusap. "Sir, may naghahanap sa inyo," malanding sabi ni Allain. Kahit kailan ay napaka-flirty nitong magsalita sa harap ni Timothy. Parang laging ready na ibuka ang dalawang hita niya para sa binata. She is that head over heels kay Timothy. She will do anything, she will give everything.
Sunod naman ang tingin ni Carlo kay Allain. Kahit sino naman siguro ay mapapatingin sa magandang kurba ng katawan nito dagdagan pa ng hulmado nitong likuran at dibdib.
"Witwiw!" sipol pa ni Carlo kaya't sinamaan siya ng tingin ni Allain.
"Sino?" nagtatakang tanong ni Timothy.
"Ugh, just the girl the other day," tinatamad na sagot ni Allain.
Mabilis na napatayo si Timothy na ikinagulat ng dalawa. Napakunot ng noo ang mga ito.
"Umalis na kayong dalawa. Allain, papasukin mo siya dito." Agad agarang utos ng binata na siyang napipilitan namang sinunod ni Allain.
"Fine, fine." Sabay irap pa niya.
Attitude at its finest kasi talaga si Allain. Ayaw na kasi niyang siya ang naaagrabyado. Tama na ang lahat ng pang-aalipusta na naranasan niya noon. Gusto niyang siya naman ang tingalain ngayon.
"Miss, pinapapasok ka ni Sir Timothy sa loob ng office niya," anito kay Heilena.
Sinadya talaga ni Heilena ngayon si Timothy sa opisina niya dahil gusto niya itong makausap patungkol sa mga nalaman nito kahapon lang. She just want to make everything clear to him now. Lalo pa at alam na nito ang totoo.
"Salamat," tipid na sagot ni Heilena saka siya dumiretso sa loob ng opisina ni Timothy.
Napatingin si Timothy sa dalaga when she gracefully entered his office. Ewan niya ba, bigla siyang natulala. Pakiramdam niya ay kaharap niya ang ex niyang si Helen. Ganitong-ganito si Heilen noon. Matured, saka dalagang pilipina kung gumalaw. Hindi tulad ng dating si Heilena noong hindi pa ito nangibang-bansa. She was a clumsy, party-goer na para sa kanya ay walang alam kundi ang mag-party at magsaya lang. Someone na hindi sineseryoso masyado ang buhay. And that's why he admires the new version of Heilena today. She's different.
"Ayaw ko nang magpaligoy-ligoy pa dito, Tim. I know na alam mo nang anak mo si Tinsley. And yes, she is your daughter gawa ng pagkakamali natin noong gabing 'yon, five yeas ago. I am expecting na magagalit ka. I can see it in your eyes. The madness dahil ipinagkait ko sa 'yo ang anak mo. Pero let me ask you this, Tim. Kung sinabi ko ba sa 'yo agad noon bago ako umalis na nagdadalang-tao ako, will you ask me to stay? Will you accept the baby?" sunod-sunod na tanong nito.
Napanganga si Timothy. Na-corner siya nito. Wala siyang maisagot lalo pa at sa panahong 'yon ay si Heilen lang ang kaisa-isang tinitibok ng puso niya. Sarado ang puso niya sa iba at sa panahong 'yon ay ang panahong wasak na wasak pa siya.
"See? Natahimik ka. Because you won't. You won't ask me to stay. Baka nga hindi mo pa akuin ang bata e. Kasi ano nga, Tim? I am far different from my twin? At kahit kailan hinding hindi ako magiging siya. Matagal ko nang tinanggap 'yon, Tim. Kaya sana, ngayon na nalaman mong anak mo si Tinsley, sana maintindihan mo kung bakit ko tinago sa 'yo ang lahat. Iyon lang."
Tila natauhan si Timothy sa mahabang pananalaysay ni Heilena. "I-I am sorry, Heilena."
"Gusto ko lang klaruhin sa 'yo ngayon na hindi ko pa nasasabi sa anak ko na ikaw ang daddy niya. Nagtanong siya sa 'kin, ang batang 'yon kasi, mahilig 'yon umusisa. Ang sabi niya kung kaano ano raw kita dahil parang magkakilala daw tayong dalawa. Sinabi kong ex ka ng Tita Heilen niya. She even asked me if she can call you Tito and I agreed."
Napabusangot si Timothy. "W-What? T-Tito?"
"Uhuh. Ayaw kong biglain ang anak ko, Tim. Kaya kung siya lang naman ang habol mo, please, unti-untiin lang natin na ipaunawa sa kanya. She is smart, but I don't want to compromise."
"Okay, fine. I will agree with that. But can she sometimes visit me here?" hirit ni Timothy,
Pero mabilis na umiling-iling si Heilena. "'Yan ang hindi ko mapapayagan, Tim. Isa pa, sa palagay ko, hindi siya nararapat na nandito sa opisina mo. And, I won't forget na naabutan kitang may kalantaring babae dito. Ayaw kong makita iyan mismo ng anak ko at marumihan pa ang mura niyang isip. You are not a good influence to her."
Napakagat ng labi niya si Timothy. "Ouch. Ang sakit mo namang magsalita. O, baka nagsiselos ka lang kay Allain?"
Napahalukipkip si Heilena. "What? Ako? Magsiselos sa babaeng 'yon? Hindi siya yung tipong dapat pagselosan, Timothy."
"Don't you have a boyfriend, Heilena?" Pag-uusisa nito.
"I guess, you are not in the position to ask something like tha." Pagsupalpal ng dalaga.
"I see, wala nga," nakangising sagot ng binata.
Namula naman agad si Heilena saka napaiwas ng tingin. Aba't mukhang napahiya yata siya ah.
"A-Ano ba! Ano naman kung wala? May pakialam ka ba?"
"Meron." Maagap na sagot ng binata.
Napahagalpak ng tawa si Heilena. Isang sarkastikong tawa. "Masyado ka namang palabiro. At paano mo naman nasabi, aber?"
"Dahil nanay ka ng anak ko. That's making me care about you."Naputol ang pagtawa ni Heilena. Naubo siyang bigla dahil sa mga sinabi nito. Mukhang nasamid yata siya sa sarili niyang laway.
Hi! Salamat po sa pagbabasa. Mag-a-update po ako ng panaka-naka dito. Pero ang umpisa talaga ng update ko ay baka sa February na. Marami pong salamat at sana ay mag-iwan kayo ng comment sa bawat chapter. Malaking tulong po iyon sa akin bilang writer. Votes, gems, and comments will be highly appreciated! Mwuah! Mahal ko kayo. Salamat rin po sa patuloy na pagsuporta niyo sa una kong akda na "His Personald Maid" i love you all!
HINDI sapat ang salitang busy para ilarawan ang nangyayari ngayon sa bahay nina Heilena. It's been three months since Timothy proposed to her and today, the most awaited wedding is about to take place. Naiiyak siya habang suot ang wedding gown niya. Sinukat na niya iyon ng halos sampung beses na. Hindi siya naniniwala sa sinasabi ng mga matatanda na kasabihang bawal daw isukat ang gown bago ikasal. Wala na sila sa sinaunang panahon kaya ayaw na niyang magpapaniwala sa ganoi'n. She glanced at herself in the mirror. She looks glamorous. Her white mermaid gown comes with a slit. It was paired with a pearl pair or earings. Hindi siya makapaniwala. Ito na 'yon. Ito na ang hinihintay ng lahat ng pagkatagal-tagal. Wala nang atrasan. Magiging isang buong pamilya na sila nina Timothy. Matagal na niyang pangarap na matawag na Mrs. Silvestre. Napakasarap sa tenga. Maluha-luhang lumapit sa kanya ang mommy niya habang nire-retouch n
EVERYTHING went back to normal. Sobrang bilis ng mga pangyayari na nagdaan sa kani-kanilang mga buhay to the point na naranasan na nila halos lahat. Saya, lungkot, pighati, pag-iyak at kung anu-ano pang mga bagay. Nalampasan na nila Heilena ang malaking dagok sa pagiging magkapatid nila ni Heilen. Hindi niya man masasabi na happy ending na sila ng kaisa-isang lalaking mahal niyang si Timothy, she's pretty sure kung ano ang patutunguhan ng lahat ng paghihirap nila. Habang nakatulala mula sa labas ng kotse ay isinuot ni Heilena ang kanyang shades. Papunta sila ngayon sa sementeryo para dalawin ang puntod ng kaibigan niyang si Xander. Sinamahan naman siya ni Timothy. Maging si Tinsley ay dala dala rin nilang dalawa. Ang sabi kasi nito ay gusto niyang makita ang Daddy Xander niya dahil miss na miss niya raw ito. "Mommy, will Daddy Xander be happy when he see me?" kyuryosong tanong ng bata sa kanya. She cleared her t
“THIS CALLS FOR A CELEBRATION! YUHOO!” masiglang sigaw ni Heilena. Pakiramdam niya ay nabalik na naman ang party goer self niya. Nakakatuwa lng dahil magaling na ang daddy niya. Bati na rin sila ng Ate Heilen niya. Walang mapagsidlan ang tuwa niya sa dibdib. Katatapos lang kasi nilang maghapunan kaya masigla na naman si Heilena. Puno pa siya ng enerhiya ngayong kakakain niya lang. "Oh my gosh! I like that!" Pagsang-ayon naman ng ate niya. "Mag-bar kaya tayo?" nakangisi nitong suhestiyon. Lumapad ang ngiti ni Heilena. She missed the bar, she swear! Matagal-tagal na rin simula nang huling beses siyang nag-enjoy sa bar. Iyong tipong mawawala siya sa sarili niya sa sobrang saya. "I want to have some fun too, Mommy!" ani ng munting tinig. Si Tinsley. Itong batang 'to bigla-bigla na lang din sumusulpot. Palibhasa, miss na miss na nito ang mommy niya dahil madalang na lang silang magkasama simula nang nangyari. Naiiwan siya lagi sa bahay
NAGMAMADALI ring sumugod ang mommy nina Heilena sa hospital after she knew what happened. Hindi talaga malalaman kung kailan ang aksidente. Naaawa siya sa Daddy niya. Masyado na kasi silang wala sa bahay. Madalas nasa labas. Ni hindi na nila napagtutuunan ng pansin ang mommy at daddy nila na walang kasama sa bahay. Naaawa siya sa sinapit nito. Hindi niya maipagkakaila na tumatanda na rin ang mga magulang nila. Hindi na kasing lakas ng dati. Nakakalungkot lang na kung saan naman dapat iisa sila bilang pamilya, doon naman sila nagkakasira-sira. "Wala pa rin ba kayong contact sa kakambal mo?" nag-aalalang tanong ng mommy ni Heilena sa kanya. Namumugto ang mata nito kaiiyak. Siya rin kasi ang nagpuyat kababantay sa daddy nila. Heilena just bitterly glanced at her mom and answered, "Not yet. Si Timothy na ang bahala na mag-contact sa kanya. I am not sure if she's going to believe me that's why. Kilala mo naman iyon. She's head over heels with Ti
Isang linggo matapos ang insidenteng iyon sa restaurant ay umulan ang viral video ng kambal sa internet. Ang daming nagbigay ng kani-kanilang konklusyon at mga haka-haka. Hindi naman bulag at bingi si Heilena para hindi niya iyon malaman. She also has her social media account at maingay nga ang social media dahil sa nangyari. Hindi niya akalain na magva-viral iyon kahit na aware siya na maraming nag-shoot ng insidenteng iyon sa restaurant. "SIS!" Bungad agad ni Bea kay Heilena pagpasok nito sa opisina. Hanggang ngayon kasi ay ito ang nag-take over muna pansamantala sa pamamahala ng business ni Heilena since naka-focus siya sa pag-aalaga muna kay Timothy at sobrang daming bagay rin na nangyari lately samahan pa ng pagkamatay ni Xander. "Alam mo na ba 'yung kumakalat na viral video niyo?" aligaga nitong tanong. Na-stress lang talaga si Bea kasi sa dami ng namba-bash na ngayon kay Heilena, nabawasan din ang mga clients nila. Karamihan sa mga ito a
HEILENA feels so good waking up in the morning na nasa tabi nya si Timothy. Hindi niya akalain na darating sila sa puntong ito. Waking up beside the man she loves is just a dream come true for her. Nauna siyang nagising sa binata kaya malaya niyang napagmasdan ang maamo nitong mukha. Hindi na siya makapaghintay pa na bumalik ang mga alaala nito tungkol sa kanya. Alam niyang darating din silasa puntong iyon pero she's just too excited about it. Dahan-dahan siyang bumaba sa kama kung saan siya nakahiga. She's totally naked. Hinanap agad ng mga mata niya kung saan na napunta ang mga damit niya. Mabilis niya iyong sinuot saka siya lumabas ng kuwarto. Kilala naman siya ng mga katulong nina Timothy dahil noon pa man, noong sina Heilen pa at Tim ay nagpupunta rin siya rito. "Manang, tulungan ko na ho kayo sa pagluluto," wika niya sa isang katulong. Medyo may katandaan na rin ito pero dito pa rin at tapat na nagsisilbi sa mga Silvestre kahit na si Timothy na lan