Share

Chapter 6

“Stop being so mean to me,” gusto kong umirap sa sigaw ni Rod. Hindi ko lang siya pinapansin lalo’t hindi ko na nagugustuhan ang nangyayari sa amin.

Kada nagkikita kami, basta nalang siya nanghahaIik ng walang permiso ko. At natatakot akong malaman ni attorney dahil nakakahiya. Pinapatira lang niya ako sa bahay nila.

Kakauwi ko lang galing school, nasa gate na siya at tila ba inaabangan ang uwi ko.

Napapikit ako nang makita ang mga katulong na pinagtitinginan kami. Baka mamaya malaman ni attorney ito.

Bago makapasok si Rod sa kwarto ko, pinagsarhan ko na siya ng pintuan. Narinig ko pa ang kalampag ng pinto ko sa labas. Marahil hinampas niya ito.

Napaupo ako sa kama at isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Nakakainis si Rod pero mas nakakainis ang sarili ko.

Iyong utak ko ayaw na hinahaIikan niya pero kapag naglalapat ang labi naming dalawa, kusang pipikit ang mata ko, kusang gagalaw ang kamay ko para ipulupot sa leeg niya, kusang tutugon ang labi ko sa labi niya.

MeteorComets

Please leave a comment, vote, and rate po. Thank you.

| 1
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (12)
goodnovel comment avatar
Mira Aglosolus
nice story
goodnovel comment avatar
Susana Cordova
ok maganda Ang story
goodnovel comment avatar
Nemia Buid
maganda ung story Nia nakkakilig
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status